Share

WSS5

Chapter 5

ARSENIA RUIZ POV

"Kuya B, kailan ka ba uuwi?" tanong kay kuya sa kabilang linya. We are talking on the phone while I'm driving my pick up. Tutungo ako sa Royal Club. Kagagaling ko lang sa tao na kinailangan kong kitain kanina.

"Bakit miss mo na ba ako?" panunukso niya na tanong. Kahit 'di ko siya nakikita sigurado na nakapaskil ngayon sa mukha niya ang malademonyo niyang ngiti.

"Hindi, 'wag kang assuming!" Umirap ako.

Kuya B is my foster brother and cousin at the same time. Anak siya ng kapatid ni Daddy. My dad adopted him ng iwanan siya ni Tita at sumama sa ibang lalaki.

"I am loadeded and I need your help. Nasa Cebu si Daddy at ayaw kong isturbuhin siya. I want him to rest for awhile," reklamo ko sa kanya. Bumuga siya ng hangin, and waited for seconds for his response.

"May mga kailangan lang ako asikasuhin. Kapag natapos ko na uuwi na ako," he said with assurance. I smiled. What he said lighten my mood.

"Fine. Siya nga pala, I e-mailed some proposals, and reports— please check on it."

Baka kasi magulat siya sa dami ng ipinasa ko sa kanya. I can do it myself, pero may mga bagay din ako na kailangan pa na gawin. At isa pa, mas magaling siya sa akin pagdating sa numero, kaya mas madali iyon sa kanya.

"Okay. I need to hung up Arsen, something came up. "

Tumango ako, kahit 'di niya nakikita.

"Okay kuya, mag-iingat ka lagi, bye."

"Bye, " paalam niya at pinatay ang tawag.

Ipinarada ko ang pick up ko at bumaba ng sasakyan. I felt exhausted. I need something to lighten up. At tama na narito ako Royal Bar.

Pagkapasok sa bar ay agad ko tinungo ang counter and I ordered some drink. This is my so called "solo unwinding in the City"—bar hunting, alcohol, and being wild on the dance floor.

This is not my usual night. Kadalasan kasi umuuwi agad ako at ibinabagsak sa kama ang katawan para matulog. Mas mabigat lang at loaded ako nitong mga nakaraang araw. Kahit noong nasa Cebu ako. Kaya imbes na matulog agad, ay gusto kong magliwaliw muna.

"More please, " sabi ko sa bartender.

Kakaupo ko lang pero naubos ko na agad ang isang baso ng beer. Mas masarap kasi ito kapag pagod na pagod ka. He refilled my glass. I got caught by the music. Nakakaingganyo ito at ang sarap sabayan. The night is getting wilder. Hindi ko maiwasan ang umindak at sumabay sa tugtugan.

Tumayo ako sa kinauupuan at sinimulan sumayaw. I take off my jacket. Nakaramdam ako ng init sa subrang hot ng tugtog. Dagdagan pa ng pag-iinit ng katawan ko dahil sa alak. I walked towards the dance floor. Pero bago ako nakaabot do'n ay may tumilapon sa akin.

"Fuck,! are you blind?"singhal ko sa lalaking nasa harapan ko. Imbes na matinang ito sa subrang lakas at puno ng inis kong pagsigaw sa kanya, ay tila na bato itong nakatayo sa harapan ko. Nakatingala ako sa kanya sa subra niyang tangkad. 'Di ko matukoy kung sa mukha ko na siya nakatingin o sa dibdib kong —

"Oh shit! "

Mahina akong napamura nang maramdaman ko ang pagtulo ng alak sa ibawbaw ng akibg dibdib. Saka ko lang napagtanto na sa baba ko pala tumapon ang wine na hawak niya. Ramdam ko din ang ilang butil ng wine na dumadaloy sa pagitan ng aking dibdib patungo sa aking tiyan. Nagkulay pula na din ang suot kong puting top.

"I'm so—outch!" hiyaw niya, matapos kong mabilis na pilipitin ang kamay niyang balak hawakan ang dibdib ko.

"Oops, my treasure is off limit, and it doesn't belong to you," mapanuya kung saad kasabay ng matatalim kong tingin.

'Di pa nga nahahawakan ni Drix, tapos mauuna pa siya? Pasalamat siya mabait pa ako, para pilipitin ko lang ang kamay niya. Kung nagkataon na mainit ang ulo, baka 'di niya pakinabangan pati katas niya.

"Sorry, hindi naman iyon ang intention ko—ahh, " hiyaw niya ulit.

"Let go please, it hurts! Di ko naman sinasadya," pakmamakawa niya. Pero imbis na makinig sa kanya ay mas diniinan ko pa ang pagpipilipit sa kamay niya.

"Outch! outch!"

Nangiwi ako, subrang sakit nga siguro ang ginagawa ko.

"Sorry na please. I really don't mean it. "

Dahil ramdam ko naman na ang senseridad sa boses niya ay niluwagan ko na ang hawak sa kamay niya. Pinagtitinginan na rin kami kaya itinulak ko na siya.

Tumalikod ako. Binalewala ang mahinang reklamo niya. Bumalik ako sa counter para kunin ang jacket na hinubad ko, kanina. Katabi noon ang isang basong beer at inisang lagok ko. Kumuha na din ako ng cash at inilapag iyon sa ibabaw ng counter. Saka padabog akong nagtungo ng banyo.

Diretso ako na pumasok sa nakabukas na cr at pumasok sa kompartment. Hinubad ko ang aking damit at iniwan ang puting bra na may mantsa na din. Nanlalagkit ako dahil sa alak. At mukha marami-rami ang wine na iyon dahil basam-basa ang isang cap ng aking bra. Gamit ang aking hinubad na damit pinunasan kong ang malagkit na parte ng aking dibdib. Subalit 'di pa rin ako mapakali. Kinuha ko ang bidet spray. Babasain ko ang aking damit gamit nito, para kahit papano ang matanggal ang lagkit sa aking katawan.

"Fucked!"

Tanging na sambit ko ng walang lumabas na tubig mula doon. Kinuha ko ang jacket na isinabit ko sa pinto ng cubicle, at isinuot. Sa sink ko na lang babasain ang damit ko. Subalit naging alerto ako ng marinig ang isang pag-click. may nagsarado ng pinto.

Hindi iyon galing sa cubile ng magkabilaang kung gilid, dahil simula ng pumasok ako ay wala pang pumapasok na tao rito.

Kinutuban ako ng masama. Nahigit ko ang aking paghinga. Sinundan kaya ako ng lalaking pinilipit ko ang kamay kanina? Pinilig ko ang aking ulo. Iba't-ibang senaryo ang naiimahe ko. Hindi puwede! Dahan-dahan kung hinawakan ang lock ng cubicle. Gusto kong buksan ang pinto para tingnan kung sino ang nasa labas.

"Biglang nawala ang lalaki. "

Nahinto ang plano kong pagpihit ng lock. Hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa boses niya. Pamilyar iyon.

"That's impossible.! Nakita ko si Q at mukhang hinahanap niya rin ang lalaki. "

Nahigit ko ang aking paghinga. Sa ngayon sigurado ako na siya nga. Narito siya at kasama ko sa loob ng banyo, pero paano?

"Kung alam niya ang lahat, sigurado may kumuha sa kanya. Maaari siyang itago o 'di kaya patayin."

Hindi ko kilala kong sino ang kausap niya at kung sino ang lalaking hinahanap niya. Pero sa tono ng boses niya nahihimigan iyon ng pag-aalala at galit.

"Sige. Uuwi na muna ako dahil kailangan din ako sa amin. Namiss ko na si Tito at si Arsen."

Nabangit niya ang pangalan ko. One hundred one percent na ako na sigurado, si Kuya B nga iyon. Ang tanong. Bakit siya nandito? Kausap ko lang siya kanina at alam ko nasa Davao siya. Hindi pa nga siya uuwi dahil sa may mga kailangan pa siyang tapu—shit!

Hindi kaya ang lalaking hinahanap niya ang kailangan niyang tapusin? Napapikit ako at winaksi ang mga iniiisip. Impossible! Hindi mamamatay si kuya! 'Di nga niya kayang patayin ang lamok na s********p ang dugo niya sa mismong harapan niya. Katwiran niya, generous lang daw siya.

Napakit ulit ako at huminga ng malalim. Lakas loob ko nang binuksan ang pinto ng cubicle na pinasukan ko kanina. Wala na si kuya. Lumabas agad ito pagkababa ng tawag sa kanya kanina.

Tulad ng gusto kung gawin kanina, tinungo ko ang sink upang banlawan ang aking hinubad na damit at ipunas sa aking katawan. Subalit hindi ko yata araw ngayon. Dahil maging ito, pinagdamutan ako. Wala din tubig na tumulo mula sa gripo. Nakakainis!

At dahil sa kadamutan ng tubig ng banyo na ito, iiwan ko na sa kanya ang damit ko. Hinubad ko na din ang bra ko, sa kanya na rin ito. Para sa susunod magawi ako dito, mahiya naman siya. At maging generous naman sa gagamit sa kanya.

Lumabas ako ng banyo na sini-zipper paitaas ang jacket na suot ko. Mahirap na baka makita nila ang mahiwaga kong korona. Ayaw ko rin naman pasukan ng lamig, dahil sa subrang lamig ng bar na ito. At dahil nga sa subrang kamalasan ko ngayong araw, nasagi ko pa ang sign board na nasa gilid ng pintuan ng cr. Inis kong dinampot ito at inilipat ng pwesto. Idinikit ko ito sa pintuan. Pinagmasdan ko pa ito sandali. Mas maayos na ang pagkakalatag nito, hindi na rin ito masasagi ng sino man na dadaan, dahil nasa gilid na ito. Papaalis na nga din sana ako, may nahagip lang ang mga mata ko.

"UNDER MAINTENANCE"

Nasapo ko ang aking noo. Grabeeh na talaga ang araw na 'to!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status