Share

WSS 6

ARSENIA RUIZ POV

Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ako ng tuluyan sa bar. Hindi tulad sa loob ay medyo tahimik dito at walang katao-tao. Rinig man ang ingay sa loob ay 'di pa rin naman iyon gano'n kalakas.

Maganda ang gabi. Maraming bituin ang kalangitan. Banayad at malamig din sa balat ang pang gabing hangin.

Inunat ko ang magkabilaan kong braso, at nagpaikot-ikot. Dinama ang magandang pakiramdam na minsan lang lumukob sa aking katawan.

"Does it feel good?"

Tumigil ako sa pag-ikot at nagmulat ng mata. Luminga-linga ako. Wala akong nakita na tao na nagsalita. Pinanayuan ako ng balahibo. Bumilis na rin ang pagtibok ng puso ko. Lalo na ng mararamdam ko ang mga yapak sa aking likuran na papalapit sa kinatatayuan ko. Nahigit ko ang aking paghinga. Isang hakbang pa at makakatikim siya.

"I think it —"

"Ahhhhh hhhhh" sigaw ko. Nahinto siya sa pagsasalita. Nakapitkit na pinaghahampas ng sarili kong mga kamay ang tao na lumapit sa puwesto ko.

Ramdam ko ang mga pag-ilag niya, ngunit wala akong balak na tigilan siya.

"Hey!"pigil niya.

"Ahhhhhh" hiyaw ko ulit.

Bahala na kong mapaos ako. Basta sisigaw ako at paghahampasin siya.

"Arsen, ano ba!."

Tuloy pa din ako sa paghampas sa kanya. Wala akong pakialam sa mga sinasabi at banta niya.

"Get lost! Gago ka! Nagnanakaw ka ba? Manyakis ka ba? Tao ka ba?," patuloy kong sigaw sa kanya. Bahala na! Mas maiigi ito para may makarinig at tulungan ako.

"Arsenia! " Tumigil ako sa paghampas.

Kilala niya ako!?.

Nagdilat ako ng mata. Mas lalo lang ito nanlaki ng napagsino ko siya. Siya ang nakatapon sa akin ng alak. Pero teka—tinawag niya ako sa aking pangalan.

"Do I know you?" mataray kong tanong sa kanya. Tumawa ito at ginulo ang buhok ko.

Feeling close, ang loko.

"Mataray ka pa din talaga. " natatawa niyang komento.

Tinaasan ko siya ng kilay. Kahit anong halungkat ng isip ko kung magkakilala kami ay wala akong makita. Maliban lang sa balak niyang hawakan ang dibdib ko kanina. And thinking of it, make me furious again.

"'Di mo ba talaga ako makilala, Arsen? " paglaon tanong niya. Pansin niya siguro ang pagguhit sa mukha ko ang galit ko sa kanya.

"Kilala kita. " Ngumiti siya

"Ikaw 'yong manyakis kanina, " inis na inis kong sabi sa kanya. Subalit tinawanan niya lang ako. At sa subrang saya niya kulang na lang gumulong siya sa kalsada.

"Ang talas pa rin talaga ng dila mo. " reklamo niya matapos niyang tumawa.

Umasim ang mukha ko sa sinabi niya. Mukha naman matinong tao siya. Subalit wala akong tiwala sa pagmumukha niya. Once a mayakis always a manyakis!

Humakbang siya ng isa, palapit sa akin. Tiningala ko siya dahil sa tangkad niya. Kung pagmamasdan, maamo naman ang mukha niya, at may hitsura. Malaki din ang pangangakatawan. Kung gustuhin niya ngang ibalibag ako ay kakayanin niya kahit gamit ang isang kamay lang. Subalit 'di ko nakikilala ang mukha niya. Pamilyar siya na parang hindi. At mukhang kaedaran lang din siya ni Kuya B.

"Ang cute cute mo pa rin talaga. " nangigil niyang sambit sabay pinisil ang makabilaang pisnge ko.

"Akalain mo gumanda ka!... kahit gusgusin at siponin ka noong bata pa." nang aasar niyang dugtong. Pinanlisikan ko siya ng mata at asar na tinampal ang kamay niyang pumipisil sa aking pisnge. Naiinis ako sa kanya. 'Di ko siya kilala subalit kong kausapin niya ako, kilala niya buong pagkatao ko.

"Alam mo, 'wag mo akong pinagloloko! 'Di kita kilala, kaya magtigil ka! Kapag naiinis ako, ipapa-pulis talaga kita," galit kong banta sa kanya.

Subalit nginitian niya lang ako, na tila aliw na aliw siya sa pananakot ko sa kanya. At ang nakakainis pa, ay ayaw niyang magpakilala.

"Aspin, hanap ka ni Q."

Sabay kami na napalingon sa lalaking nagsalita.

"Nasaan siya?" tanong ng lalaking nang aasar lang sa akin kanina.

Aspin! Aspin pala ang pangalan niya. Narinig ko na ito, 'di ko lang matandaan kung saan.

"Update," sabi niya sa lalaki.

"Nawawala ang subject, " sagot naman sa kanya nito

Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Pero isa lang nasisiguro ko. Pareho sila na may hinahanap ni Kuya B ko. Wala naman akong pakialam do,n subalit naiintriga ako. Hindi lang sa taong nawawala kundi pati sa dahilan sa paghahanap dito.

Sinulyapan ko si Aspin. Nasa harapan ko siya. Kita ko ang pagiging seryoso niya. Ang mga mata at ngiti na mapaglaro kanina ay naglaho na. Ang kanyang mata ay nasasalamingan ng galit at pangamba .

"Go home, Arsenia." Mahina ngunit maotoridad niyang utos sa akin.

Sasagutin ko sana siya subalit nagtama mga mata namin. 'Di na ako nag-isip at nilayasan siya. Nakakatakot ang malalim at malamig niyang nga mata. At sigurado ako na 'di ko magugustuhan ang gagawin niya kung sakaling sinalungat ko siya.

Magmamadali akong sumakay at pinaharurot ang aking sasakyan. Ayaw kong magtagal pa at dagdagan ang aking kamalasan. Quota na ako ngayon sa aking katangahan.

Hininto ko ang aking sasakyan ng may mapagtanto. Naisahan ako ng gago! Ako si Arsenia Ruiz, isang babaeng matapang, walang takot, at 'di marunong sumunod. Kaya bakit ako tumatakas at natatakot ngayon?

Naiiling na pinaandar ko muli ang aking pick up. My nakita akong seawall kanina, habang papunta sa bar kaya balak ko na naglakad-lakad na muna.

Bumaba na agad ako pagdating sa may seawall. Nasa likod ito ng maliit na park at sa baba ang malawak na dagat.

Naglakad lakad ako, habang pinagmamasdan ang madilim na karagatan. Masarap sa tainga ang paghampas ng mumunting mga alon sa dalampasigan. Sabayan pa ng malamig na ihip ng hangin. Pumikit ako at ninamnam ang katahimikan. Ang sarap sa pakiramdam. Para iyong gamot na biglang nag-alis ng aking inis sa katawan. Nagbigay ng kasiyahan, at kagunhawaan.

Matagal na nang huling nagawi ako sa dagat. Pagkatapos iyon ng graduation ko ng College. Nagpumilit lang ako na sumama kina Kuya B, dahil ayaw akong payagan ni daddy. Malayo kasi pinuntahan namin at natatakot si daddy na malunod ulit ako.

Medyo nakakatawa man ay totoo iyon. 'Di ako marunong lumangoy. 3rd year college ako ng ng huling malunod. Ayaw maniwala ng mga kaklase ko na hindi ako marunong lumangoy, kaya pinagkaisahan nila ako na ihulog sa bangka na sinasakyan namin. And to make the story short. Dinala nila ako sa ospital dahil sa dami ng tubig dagat na nainom ko.

Naglakad lakad pa ulit ako hanggang sa napadpad ako sa pinakadulo ng seawall. Tahimik at mas madilim ang parte na ito. Maliban kasi sa natatakpan ng mga puno at malalaking bato, ay 'di na rin abot ng ilaw dito. Pundido na rin kasi ang mga ilaw sa mga poste na nakahilera dito.

Umupo ako sa isang baitang ng hagdanan na gawa sa semento, na nagkokonekta ng dalampasigan at seawall. Pinagdikit ko ang aking mga binti at niyakap ito. Medyo nanunuot kasi ang lamig sa ilalim ng suot kong jacket. Pumikit ako at ninamnam ang katahimikan ng gabi.

Nagbuga ako ng hangin. Masarap pala ang ganito. Ang malayo sa mga tao, stressful work, at problema.

"Bang!,"

Napamulagat ako sa narinig at mabilis na tumayo. Nagpalinga-linga ako sa paligid kung may tao ngunit wala akong nakita ni isa. Nilibot ng tingin ko muli ang paligid. Ako lang ang narito. Subalit isang putok ng baril ang narinig ko at malapit ito sa puwesto ko!

"Boss maawa ka!"

Boses ng isang taong natatakot at nagmamakawawa.

"Sinabi ko na sayo, na ayusin mo ang trabaho mo. Subalit tinarantado mo ako!"

Mabilis ang kilos na bumaba ako sa hagdanan at tinunton ang mga boses na narinig. Nasa likod lang iyon ng malalaking bato na malapit sa kinaroroonan ko. Tinakpan ko ng aking dalawang palad ang aking bibig paraa makaiwas ng anumang ingay. Maingat ang mga galaw at yapak na tinungo ko ang malaking bato para sumilip.

Nakulong sa sariling bibig ang mga singhap ko dahil sa nakita. Isang lalaki ang nakaluhod. Hinang-hina at kawawa. May bahid ng dugo ang gilid ng labi at suot na damit. Putok ang ibabang labi at kilay nito. Ang nasa harapan niya isa pang lalaki na nakatalikod at may hawak na baril. Katabi ng huli ang naglalakihang kalalakihan na may bitbit ding mga armas.

"Boss maawa kayo," pagmamakaawa ng lalaki na nakaluhod.

Humarap ang lalaki. Napasinghap ulit ako ng itinutok nito ang baril sa nagmamakaawang tauhan. Napatingin ako sa mukha niya. Hindi ko iyon makita dahil sa suot niyang maskara. Hanggang ilong niya lang ang natatakpan ng maskara, subalit, may pinggas ito sa kanang bahagi sa ilalim ng mata.

"Sabihin mo, bakit kita kaaawaan? " matigas niyang tanong sa lalaki.

"Dahil—bang!"

Napakagat ako sa aking labi at napahigpit sa pagtakip ng aking bibig dahil sa gulat. Malakas ang putok na iyon pero 'di ko nagawang pumikit.

Nangisay at nagtalsikan ang dugo na nagmula sa ulo ng isang lalaki na nakahandusay sa buhangin. Katabi nito ang lalaki na nakaluhod na ngayon ay takot na takot.

"B-boss," takot na sambit nito.

"Kunin mo lahat ng impormasyon na tinatago ni Verzosa kapalit ng pagla-

Tila ba naglaho sa hangin ang boses ng lalaking pinapakinggan ko, ng dalawang salita ang nagpatigil panandalian sa paghinga ko.

"Sino ka?"

Yohann Z

Salamat po sa mga nagbabasa. 😊😊Sana po follow niyo rin po ako😅😅. Newbie po ako sa pagsusulat at ito po ang una kung novel sa GoodNovel. Sana po subaybayan niyo rin.😊

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status