Share

WHITE SCORPION'S SECRET
WHITE SCORPION'S SECRET
Author: Yohann Z

WSS1

This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any, resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.

⚠️Read at your own RISK! (R-18)

Explicit scene, and murder in the story⚠️

------

WHITE POV

Lakad takbo ang ginawa ko pagkaparada ng pick-up ko sa parking lot. Kumukulo ang dugo ko sa subrang inis sa superior ko. Napagkasunduan na namin na huling assignment ko, ang Cebu undercover ko last week. Pero heto siya ngayon at ia-assign ako sa mas malaking assignment. I recieved the email on my way to our house. Na kahit nasa harapan na ako ng gate namin ay iniliko ko ang aking sasakyan para lang puntahan siya ngayon.

Secret Files Office, is the biggest Agent Agency sa buong Pilipinas. Narito ang pinakamagagaling na agent ng bansa. At s'yempre isa ako do'n. The only difference is that am a FBI Agent too. Kaya naman ay sekreto at on call ang assignments ko dito sa Pinas.

I make sure to wear my cap and facemask before I scan my identification card and retina in the scanner. Mahigpit ang agency na ito kaya hindi basta basta ang makapasok dito. And beside wala dapat makaalam sa pagkatao ko.

Pumasok na agad ako sa elebeytor na nakabukas para magtungo sa pinakamataas na palapag. Naroon ang opisina ng superior ko na si Agent 35. May tao na pala ang loob nito kaya inaayos ko ang pagkakasuot ng sumbrero para matakpan ang mukha ko. No one knows about me in this agency except my superior.

"Totoo pala na naka-line up na for promotion si Q."

"Matagal na 'yan, pero hanggang ngayon, 'di pa rin naibibigay ang promotion niya."

"'Di siya na nga ang papalit kay Agent 35?"

Bulongan ng mga kasabay ko sa aking likuran. Nasa harapan nila ako at maayos lang na nakatayo. Kitang kita ko din ang mga pagmumukha nila dahil napapalibutan ng salamin ang loob ng elevator na ito.

"Impossible iyan. Dahil ang rinig ko may mas magaling pa kay Q. "

"Sino? Iyong taga FBI?"

Nanlaki ang tainga ko sa narinig. Ngayon pa ako nagkainteres sa chismis.

"Naku 'di totoo 'yon. Kasi kung totoo man dapat pinakilala na siya ni Director."

"Totoo 'yon, dahil may nakakita na sa kan'ya." Kumalabog ang dibdib ko. Hindi naman siguro ako ang pinag-uusapan nila? Hindi kasi puwedeng may makita at nakakilala sa akin.

"Sabi nila tao daw ni Agent 35 'yon."

Nahigit ko ang aking paghinga. Hindi puwede na ako to. Maliban kasi sa akin ay may ibang FBI Agent pa dito. 'Di ko nga lang alam kung under sila ni Trinta y Singko. Wala pa kasi itong ibang tao na pinapakilala sa akin. At maliban do'n wala akong access sa file ng huli. Walang nakakapasok sa files niya dahil sa libo libong virus nito. Puwede iyon ang maging dahilan ng pag-shutdown ng lahat ng computer ng buong bansa. At kahit alam ko paano e-shutdown ang virus ng file niya ay 'di ko pa rin gagawin. It's his privacy, after all.

"Sa tingin ninyo, ba't ayaw ipakilala ni 35 kay Director ang Agent niyang 'yon.?"

Mahina lang ang pagtatanong na iyon ng isang babae. Na nanantsa kung itatanong niya ba iyon o hindi. Pero sa huli ay naitanong niya nga.

Nanatili akong walang kibo sa kinatatayuan ko. Pinapakinggan lahat ng pinag-uusapan nila. Ayaw kong may makaligtaan dahil, sa pagkakataong ito alam ko na ako ang tinutukoy nila.

Tumunog at bumukas ang elebeytor. Lumabas ang mga nasa likuran ko. Gusto ko nga sana sumunod sa kanila para pakinggan pa ang usapan nila pero natigil ako ng maramdaman ang paninitig sa likod ko. Pasimple kong sinulyapan ang mukha niya sa salamin na nasa harapan namin. Hindi man lang niya iniwas iyon. Tila natutuwa pa siyang inalis ang suot niya facemask at nakangising nakipaglaban ng titigan sa akin sa salamin. Ako ang unang nag-iwas. Ayoko na makilala niya ako sa mga mata ko. Dahil ang totoo ay kilala ko ang lokong naninitig sa likuran ko.

Bumukas ang elebeytor sa huling palapag. Huminga ako ng malalim at inayos ang suot na sumbrero kahit maayos naman ang pagkakasuot no'n. Gusto ko lang mauna ang mga nasa likod ko na lumabas. Dahil naiinis ako sa pagmumukha ng isa. Kung puwede lang na bigwasan siya ay ginawa ko na. Subalit iniingatan ko na may makakilala sa akin, kaya hinayaan ko na lang. Siguro ay magkakaharap pa kami sa susunod na mga pagkakataon.

Kumatok ako ng tatlong beses bago pihitin ang door knob at itulak ang pinto papasok. Nakaharap sa kanyang computer si Trinta y Singko pagsilip ko. Pumasok na ako at 'di na siya hinintay na magsalita pa. Naiinis ako sa mukha niya ngayon. Kung nasa labas nga lang kami ay pinalipad ko na ang sumbrero ko sa mukha niya.

"Maghanap ka ng ibang Agent," reklamo ko pagka-upo sa upuan sa harapan niya.

Sinulyapan niya lang ako at ibinalik ang mga mata sa computer. Nilapag ko sa ibabaw ng mesa niya ang suot ba facemask at sumbrero.

"Walang ibang makakagawa no'n kundi ikaw," walang gana niyang sagot. Nakakainis siya talaga!

"Sunod-sunod ang naging undercover ko, Blaze."

Tumigil siya sa ginagawa niya at pabalang na tumingin sa akin. Hindi iyon dahil sa reklamo ko kundi dahil sa pagtawag ko sa pangalan niya.

"Nasa opisina tayo White, " nagbabanta niyang saway sa akin.

"Sabihin mo ang dahilan," sagot ko na lang sa kanya.

"Dahil ikaw lang ang makakagawa no'n."

Huminga ako ng malalim. Masakit na kasi ang mata ko sa kakaikot dahil sa kanya.

"Narinig mo naman ang usapan sa elebeytor kanina 'di ba? Ano ang ibig sabihin no'n?" pag-uusisa ko.

"Bakit gusto kang papalitan kay Qatro?"

Tinapunan niya lang ako ng nang-uuyam na tingin at bumalik na ulit sa desktop niya. Ito ang lalo kinakainis ko sa kanya. Dahil kahit isa sa mga tanong ko ay walang sagot mula sa kanya.

"Si Director, ba't 'di kayo magkasundo?" tanong ko ulit baka sakaling sagutin niya. Subalit nagpatuloy lang ito sa pagtitipa. Ako na ang sumuko. Mahirap kausapin ang taong ayaw kang kausapin.

"Kapag napatay ko ba ang retiradong heneral na 'yon, wala na ba akong undercover sa buong taon na 'to?"

Ito na lang ang itinanong ko. Baka sakaling may sagot mula sa kanya.

"Oo, kung mapapatay mo agad siya. "

I smirk. Mukhang wala siyang tiwala sa kakayahan ko.

"Minamaliit mo ba ako?"

"Hindi!" maagap niyang sagot.

"Dahil kung oo, hindi ikaw ang papahawakin ko sa assignment na 'yan."

Nangunot ang noo ko. Humarap siya sa akin at huminga ng malalim.

"Make sure that no one will know this. Dahil tungkulin ng grupo ni Qatro ang protektahan ang heneral."

Kasabay ng pangungunot ng noo ko, ang pagtaas ng kilay ko. Mukhang may mali yata. O nabingi lang ako sa sinabi niya. Tiningnan ko siya sa mata. Wala akong makuhang pagbibiro o mali sa sinabi niya. Seryoso siya at iyon ang gusto niyang gawin ko.

"Give me one reasonable reason."

Gusto ko makumbinsi sa sagot niya. Hindi dahil pinagdududahan ko siya, kung hindil gusto ko malaman kung ano pinaglalaban niya. Kilala ko na siya noon pa man. Bukod kasi sa magpartner kami noong nasa FBI pa siya, ay kinakapatid ko rin siya. Sanggang dikit kami noon pa.

"To save you and ninong."

Marahas akong napabuga ng hangin. May tinatago siya. At kung ano man 'yon, sana lang masabi niya 'yon ng mas maaga sa akin.

"Paano kung 'di ko siya patayin?" nananantsang tanong ko sa kanya. Gusto kong makita ang sagot sa mga mata niya.

"Paano nga kung 'di ko siya mapatay?"

Iniba ko lang ang tanong pero iisa lang ang sagot na gusto kong makuha. Gusto kong sabihin niya ang itinatago niya. Gusto ko sa pagkakataong ito, ako naman ang pagkatiwalaan niya.

"No reason White. Just do the order."

Bigo akong napahilamos sa mukha. Wala nga akong nakuhang sagot mula sa kanya. Gano'n pa man, may tiwala ako sa kanya at sa mga desisyon niya.

Tumayo na ako. Isinuot ko ulit ang facemask at sumbrero ko kanina. Malaki na siya, siguro naman alam niya na pinaggagawa niya.

"Bye, " paalam ko sa kanya at tinalikuran siya. Hahakbang na nga sana ako palayo sa kanya. Naalala ko lang nasa opisina niya pala ako.

Wala akong nagawa kundi ang humarap ulit sa kanya. Ang trabaho ay trabaho at superior ko siya. Tinanggal ko ang suot na sumbrero at facemask. Tumayo ng tuwid at sumaludo sa kanya. Hindi ko ito nagawa kanina dahil sa inis ko sa kanya.

"Permission to leave sir,"

Nagangat siya ng tingin. Nang makita ang pagsaludo ko ay tumayo ito at sinaludohan ako.

"Dismissed." He ordered.

"Sir, thank you sir" I put my hand down at tinalikuran siya. Pagkasuot ng sumbrero at facemask ay tuluyan na akong lumabas. Pero bago ko tuluyan isarado ang pinto ay humarap ulit ako sa kanya. Wala naman kakaiba sa hitsura niya. Gano'n pa din, subrang intimidating.

"I'll order lunch for you. Kumain ka ng marami,"

Nag-angat siya ng tingin. Sabay ng pagtango niya ang maganda niyang ngiti. I smiled back. Minsan ko lang makita ang ngiting iyan kapag nasa opisina kami. Kaya nakakagaan ng loob. Marunong pa rin pala siya ngumiti kahit papaano. Nagpaalam na ulit ako at tuluyan nilisan ang opisina niya.

Yohann Z

Hello po I am Yohann. Detailed po ang story na 'to lalo na't dito ako komportable. Sana po okay lang sa inyo. Pero kung 'di niyo naman po bet, it's okay po. You can leave my story without any harm. Hopefully you give this story a try.🥰🥰 Happy reading po, everyone.

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status