Share

WSS 2

CHAPTER 2

Third Person POV

Nagtatawanan na naglalakad sila Drix at ang ibang kasama nitong pulis. Kagagaling lang nila sa meeting at nagkayayaan na ngang kumain.

"Sige hintayin niyo ko, ilagay ko lang 'to sa table ko," pagpaalam niya sa mga kasamahan. Bitbit niya kasi ang laptop niya at ang isang file na ginamit kanina sa meeting nila.

Nang nagbukas siya ng pinto ay nagulat siya ng makita ang babaeng nakaupo sa ibabaw ng table niya. Agad itong bumaba ng mesa at patakbo na lumapit sa kanya. Muntikan na nga sila matumba dahil sa biglaang pagtalon nito payakap sa kanya. Nagmukha itong ahas na nakalingkis sa kanya.

"I miss you love," bulong nito sa tainga niya. Naestatwa siya, para kasing may kuryente na dumaloy sa kabuohan ng katawan niya.

"Ohhhh," sabay sabay na hiyawan sa likuran nila.

Tila iyon hudyat para magising si Drix sa kinatatayuan niya.

"Bumaba ka." Mahinang utos niya sa dalaga na nakakarga sa kanya. Subalit may katigasan ang ulo nito at hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kanya.

"Hi!" bati ng dalaga sa mga kasamahan ni Drix na nasa harapan niya. Malalawak ang mga ngiti nito sa kanya na tila tuwang-tuwa sa pagpapakarga niya sa kasamahan nila.

"Boss mauna na kami. Mukhang busy ka pa," pagpaalam ng isang kasamahan ni Drix, na sinamahan pa ng asaran mula sa ibang kasamahan niya.

Napatiim bagang si Drix. Kaunti na lang at sasabong na siya. Lagi siyang pinapahiya ng dalaga kaya tampulan siya ng tukso ng mga kasamahan niya. Subalit walang pakialam ang dalaga kahit ramdaman niya ang inis ni Drix. Mas lalo niya pa nga itong inasar.

"Bye mga boss. Ingat kayo," sabi niya sa mga ito at kumaway pa.

"Salamat sa pag-unawa ninyo, " makahulugang sabi pa ng dalaga sa mga ito at kumindat pa. Malalaki ang ngiti ng mga ito na umalis at iniwan sila.

Agad na pumasok sa loob ng opisina niya si Drix. Ni-lock niya ang pinto para sigurado na walang makakapasok sa loob. Ibinaba niya rin ang blind ng bintana para wala ng ibang makakita sa kahihiyang kinakaharap niya.

"Bumaba kana," utos niya sa dalaga. Subalit umiling iling lang ito at mas hinigpitan pa ang pagkakapit sa kanya.

"Na miss kita. 'Di mo ba ako namiss?" may bahid ng pagtatampo natanong nito.

Huminga ng malalim si Drix. Natawa naman ng lihim ang dalaga. Alam niyang na subra subra na ang pagtitimpi ni Drix sa kanya.

"Bumaba kana habang nakikiusap pa ako." Utos niya dito na may bahid ng pagbabanta. Nakagat ng dalaga ang mga labi para 'di kumawala ang mga ngiti. Kasing tigas talaga ng bato ang ulo niya. Hindi siya marunong makinig maliban lang sa daddy niya. At dahil nga pilya siya; ay inamoy amoy niya pa ang leeg nito. Nagaan niya ring pinapagapang ang kanyang mga daliri mula sa leeg ng lalaki papunta sa punong tainga nito.

Ramdam na ramdam niya ang paninigas ni Drix. Gustong gusto niya talaga ang reaksyon ng katawan nito sa kapilyahan niya. At para paliyabin pa sitwasyon ay kinantalan niya ng magagaan na halik ang leeg nito patungo sa umiitgting nitong panga.

"Do you like it?" mapangakit niyang bulong dito. Ngunit imbes na matuwa ito, ay mabils siya inalis sa pagkakayakap. Napapikit siya dahil napalakas ang pagpapaupo nito sa kanya sa ibabaw ng mesa. Napaismid siya ng pagmulat niya ay ang nakakatakot na mukha ni Drix ang bumalaga sa kanya. Para iyong bulkan na isang maling galaw lang ay sasabog na.

"Anong mukha iyan? " kunwaring 'di niya alintana ang galit ng binata at hinaplos pa niya ang mukha. Ngunit halos lagutan siya ng hiniga ng sumigaw ito sa harapan niya.

"Arsenia! "

Habol hiniga si Drix dahil sa pagsigaw niya. Tila sa pamamagitan no'n ay lumabas lahat ng galit at sama ng loob na dinaramdam niya. 'Di rin siya makapaniwala na sisigaw siya ng ganon kalakas. Napatingin siya kay Arsenia, sa harapan niya. Walang reaksyon itong nakatingin lang sa kanya, tapos ng makabawi ay bumanghalit ng tawa.

Napakurap kurap siya. 'Di makapaniwala na pinagtawanan lang siya ng isang Arsenia! 'Di niya alam kung matino pa ba ang utak ng dalaga o hindi na. Iba kasi ang nagiging reaksyon nito sa nakasanayan at sa kanya.

Natigil sa pagtawa ang dalaga ng makita ang namamanghang mukha ni Drix sa kanya. Tila 'di ito nakapaniwala sa tawa niya.

"What? "tanong niya. Napahilamos ang binata ng mukha. Wala ng pag-asa, malala na ang dalaga!

"Let's eat," tanging nasabi ni Drix sa kanya. Sinukuan na siya ng binata. At dahil pabor ito sa kanya ay sumama na siya. Siya na nga rin ang naghila sa binata palabas ng opisina nito. Baka kasi magbago pa ang isip at sungitan ulit siya.

Pagkatapos nila kumain ay nagkanya kanya na muna sila. May trabaho pa si Drix. Si Arsenia naman ay nakatanggap ng mensahe galing sa kanyang ama na gusto nito na makita siya.

"Daddy," tawag niya sa ama, pagkapasok sa opisina nito. Pagtakbo siyang lumapit dito at yumakap.

"Kung hindi pa ako tumawag sa opisina sa Cebu, 'di ko pa malalaman na nakauwi kana," hinampo nito sa anak.

"Sorry dad, may dinaanan lang " aniya at magaan na humalik sa sintido ng ama.

"Kailan ba kayo magpalakasal ni Drix?"

Napabitaw siya sa pagyakap sa ama dahil sa tanong nito. It's out of the blue! Hindi niya alam kung ano ang nakarating na balita sa ama pero wala silang relasyon ng binata. Malapit sila dahil sa pangungulit niya sa huli, pero ang relasyon na meron sila ay walang level. Siya lang talaga ang nangaasar sa binata.

"Wala kaming relasyon dad," pagtatapat niya sa ama. Ayaw niyang umasa ito tungkol sa kanilang dalawa o 'di kaya ay maniwala sa balitang nakarating dito.

"Hindi ba't nililigawan mo naman siya? 'Di ka pa rin ba niya sinasagot?"

Natawa siya sa inosenteng tanong na iyon ng kanyang ama. Ngayon niya lang napagtanto ang ka-cute-an ng ama.

"Daddy, inaasar- asar at kinukulit ko lang siya. Iyon lang ho, ang relsyong meron kami," pagtatapat niya sa ama subalit hindi ito kunbinsido. Natatawa na lumapit siya sa ama at yumakap ulit dito.

"Oo na, nanligaw ako do'n, DATI," in-empize niya ang huling salita para makuha ng kanyang ama ang gusto niyang sabihin.

"Pero 'di ko na tinuloy, kasi ayoko mabasted ng lalaking 'di marunong manligaw."

Tumawa siya. Naalala niya na naman ang inosenteng mukha ni Drix. Natutuwa siya tuwing naiinis at naasar sa kanya ang huli. Masarap sa pandinig niya at mga buntong hinga nito dahil sa subrang pagtitimpi sa kanya. Ang mahihinang mura sa tuwing pinaglololoko niya at s'yempre ang magandang ngiti nito sa tuwing napapasaya niya. Wala na yatang katulad ang saya na iyon. Pakiramdam niya napalaking achievement sa kanya ang pangitiin o patawanin ang isang Drix Adams.

"Mahal mo ba?" Naglaho na parang bula ang mga imahinasyon niya kay Drix dahil sa tanong ng ama niya. 'Di niya tuloy alam kung matatawa ba siya o maiinis dito. Pero sa huli natawa pa rin siya.

"Hindi," 'di siguradong sagot niya. Pero tinawanan lang siya ng ama.

"Ahh, hindi nga," pang-aasar nito.

"Dad!" sita niya.

"Ano?"

Tumawa ito. Ngumuso siya. Alam niya na saan niya nakuha ang pang-aasar niya. Dahil kahit simple pang-aasar ng ama ay kuhang kuha niya

"Pa simple lang kayo, mang asar." Inis-inisan niyang puna dito.

"Ako?" Turo pa nito sa sarili.

"Wala akong inaasar! Teka!? Sino ba inaasar ko? Ikaw ba?" Maang-maangan nito, na nagpatawa sa kanya. She loved him so much. Her Dad is her joy and everything. Kaya kahit anong mangyari gagawin niya lahat para sa ama.

"Love you, Ama," malambing niyang sabi dito.

"Love you more, aking Prinsesa, " ani'to at hinalikan siya.

"Seryoso na. " Tumigil ito at humarap sa anak.

"Aalis ako. May mga meeting ako sa Cebu. Gusto ko ikaw na muna mamahala dito," sabi nito sa kanya. Tumango siya at ngumiti sa Ama. Wala namang problem sa kanya dahil yakang yaka niya ito. Hindi naman kasi gano'n kalaki ang Telecommunication Company nila. Marami mang mga sikat na kakompetensiya, ay keri naman. Lumalaban ito sa rampahan.

"May bunos at 13th month pay ho ba dad?" biro niyang tanong dito. Lumawak pa ang pagkakangiti niya, baka kasi makalusot.

"Wala," agad naman sagot ng ama.

"Ay ang damot! Makapag-resign na nga," aniya at tumayo para kunwari lalabas ng opisina. Subalit tinawanan lang siya ng ama. Wala itong balak na pigilan siya.

"Ay 'wag na pala. Wala pala akong mapapasukang iba," aniya na natatawa at bumalik sa kinauupuan niya kanina. Ngumiti siya sa ama, na mahal na mahal niya.

"Don't stress yourself too much, dad. Magpahinga po kayo. Kahit doon na muna kayo, at ako na ang bahala dito," sensero niyang pahayag. Tumalon sa saya ang puso ng kanyang ama, napaka- thoughtful ng anak niya. Lagi siya ang inaalala, kahit minsan 'di siya ang inuuna.

"Thank you anak," pasasalamat ng ama niya sa kanya.

"Welcome daddy, " sagot niyang puno ng ligaya.

"Anong oras ang flight mo dad? Ihatid na po kita," tanong at pagprepresenta niya. Subalit tinangihan siya ng ama. Pinasabay lang siya nito na umuwi para makapagpahinga rin siya. Dahil bukas ay aariba siya sa kompanya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status