"MOMMY! Daddy!" ang masayang salubong sa kanila ni Andrea kinagabihan.
Si Andrew ay agad na kinarga ang anak na humalik naman sa pisngi nito. "For you princess" ang binatang iniabot kay Andrea ang isang box ng donuts.
Masaya iyong tinanggap ng bata saka muling humalik sa pisngi ni Andrew bago
"ANDREW, baka magising sila!" ang mariing protesta ni Lana nang maramdaman ang muling pagpiga ng binata sa kanyang pagkababae. "God! Nakapapilyo mo talagang lalaki ka! Mnnnn" dugtong pa niyang hindi napigilang sundan ng nagpipigil na daing ang ginawing iyon ng binata."Masarap hindi ba?" tuksong bulong ng binata sa kanya saka kinagat ang dulo ng kaniyang punong tainga.
"HEY!" gabi na at inabutan ni Andrew na gising pa ang kapatid na si Samantha. Nakangiti siyang hinarap ng kapatid. "Akala ko hindi kana darating" anitong kumuha ng isang baso saka nilagyan ng yelo pagkatapos ay sinalinan ng alak. "Dumaan kasi ako kina Lana" ang binatang lumapad ang ngiti
HINDI maiwasan ni Lana ang hindi maapektuhan sa inasal na iyon ng kaibigan niya. Aware naman siya sa feelings nito para sa kanya. Pero hindi niya inasahan ang nakita niyang sakit na gumuhit sa mga mata nito kaninang tinitigan siya ni Marius."May problema ka ba hija?" si Mama Cecille nang daluhan siya nito sa mesa kung saan siya tahimik na nagkakape.
"HINDI ko naisip minsan man na pwede akong maging ganito kasaya" si Andrew habang nagmamaneho.Pauwi na sila noon. Pagkatapos magsimba ay nag-lunch sila sa isang restaurant. Naglambing pa ng amusement arcade si Andrea sa ama nito kaya naman ang ending ay napagod ng husto ang bata na masarap ang tulog ngayon sa backseat.
"MAGPAPAKASAL na kayo?" masaya ang tono ng boses ni Mama Cecille pero wala roon ang pagkagulat na siyang inaasahan ni Lana kaya siya ang totoong nasorpresa."Iyan lang ang sasabihin mo, Mama?" nang hindi makatiis ay naitanong pa niya kasabay ng hindi sinasadyang pagsasalubong ng kaniyang mga kilay.
"NAGBIBIRO ka ba?" ang hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Marius ilang araw matapos ang pormal na engagement nila ni Andrew.Nasa opisina niya si Marius na sorpresa siyang binisita. Mula sa binabasang papeles ay nag-angat ng tingin niya si Lana. "Mukha ba akong nagbibiro?" alam niyang hindi nagustuhan ni Marius ang sinabi niya. Pero dahil nga mahalaga ang binata sa kaniya ay mas pinili niya ignorahin iyon at gawing pabiro ang kaniyang tono saka sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.
NASA ganoong ayos si Lana nang tumunog ang kanyang cellphone. Dinampot niya iyon para alamin kung sino ang tumatawag. Mabilis at awtomatikong kumabog ang dibdib niya nang makita si Andrew iyon.Sa isang iglap, ang lahat ng lungkot na nararamdaman niya kanina dahil sa naging pagtatalo nila ni Marius ay agad na naglaho. Sa halip ay napalitan iyon ng magkahalong kaba at excitement na nagpangiti sa kanya.
"BY the way sweetheart, si Sam" si Andrew nang lapitan ito ni Sam para batiin sila. "Sam, si Lana" pagpapatuloy ni Andrew.Maganda ang pagkakangiting niyakap siya ni Sam saka hinalikan sa pisngi. "I am so happy to finally meet you" anito sa tono na masiglang-masigla."Ganoon rin ako, Sam" aniyang hindi rin naitago ang kasiglahan sa tinig dahil nakapagtatakang napakagaan ng pakiramdam niya sa babaeng kaharap."Sana makapasyal kayo sa bahay, isama mo ang pamangkin ko. Gusto ko narin siyang makilala" anitong si Andrea ang tinutukoy.Tumango siya saka nakangiting tiningala si Andrew. "Oo naman, siguradong matutuwa iyon lalo at magkamukhang-magkamukha kayo" pagsasabi niya ng totoo.Mabait ang ngiting muling pumunit sa mga labi ni Sam. "Paano aakyat na ako? May mga naiwan kasi akong trabaho sa itaas. Ayaw akong tantanan nitong boyfriend mo kaya napilitan akong iwan ang mga iyon" pambub