Share

Chapter 26

last update Last Updated: 2025-06-11 09:58:21

Chapter 26

Laking pasasalamat ko dahil hindi na ako nakabalik sa paglilinis. Ipinalinis na ni Lucius sa kasambahay.

Pagpasok ko sa kwarto, halos di na ako makatayo sa sobrang pagod. Gusto ko na lang mahiga at mapahinga. Pero pag-angat ng mata ko, nakita ko si Azrael at nang bumaba ang tingin ko sa kamay niya, napasinghap ako.

Ang phone ko.

Bigla akong kinabahan. Napawi ang antok at pagod ko, napalitan ng matinding kaba. Paanong nasa kanya 'yon? Nakita na ba niya ang bata? Malalaman na ba niya ang totoo?

“Sa 'yo ba ‘to?” tanong ni Azrael, malamig ang boses niya habang nakatitig sa akin. Tumango lang ako at iniabot niya iyon sa akin.

Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko papalapit. Nang mahawakan ko na ang phone, tumunog ito bigla. Agad ko itong itinago sa dibdib ko.

Si Ryo ang ginawa kong wallpaper. Hindi ko pwedeng ipakita ‘yon sa kanya. Hindi pa ngayon.

“Pasensya na kung kasama ko pa ‘tong phone. Nasa bag ko kasi siya noong dinala ako rito tapos—” naputol na lang ang paliwanag ko
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • WILD NIGHT WITH HER BOSS   Chapter 34

    Chapter 34The night ended in happiness for us. Ang gaan sa pakiramdam habang pinapanood ko sina Azrael at Ryo na masayang nagkukwentuhan habang kumakain. Spaghetti with marinara sauce at chicken parmesan ang ulam namin, simple pero espesyal sa puso ko. Para sa akin, iyon ang isa sa pinakamagandang tanawin, ang bonding ng mag-ama ko. Ang sarap pagmasdan. Nakikita kong unti-unting nabubuo ang dating pangarap ko lang.Nang makatulog na si Ryo, nakita ko si Azrael na tahimik na nakaupo sa gilid ng bata, pinagmamasdan niya ang mahimbing na pagtulog nito. May kakaibang liwanag sa mga mata niya. Lumipat ang tingin niya sa akin. Nagkunwari akong nakapikit, pero ramdam ko ‘yong titig niya. Tahimik siyang lumapit. Nang maramdaman kong malapit na siya, dumilat ako para tignan siya.“Baby?” mahinang tawag niya.“Hmm?” sagot ko.Marahan niyang inayos ang buhok ko, hinawi palayo sa mukha ko at inipit sa aking tenga.‎“It's late. Let's go to bed,” he whispered.Tumango ako at sinubukang tumayo, pe

  • WILD NIGHT WITH HER BOSS   Chapter 33

    Chapter 33Hindi ako makapaniwala na kayang gawin 'yon ni Azrael. Sugatan ang kanang balikat ni Clover matapos niyang paputukan. At kung hindi ko pa pinigilan, isusunod niya ang kamay nito."Ease your mind," bulong niya. His voice snapped me back to the present. Kanina pa pala ako nakatulala. Napakagat ako sa labi at inayos ang pagkakayakap ng mga kamay ko sa balikat niya.Huminto kami sa pintuan. Pagbukas ni Azrael, sigaw ni Mavis ang bumungad sa amin. "Tama na!" sigaw ni Mavis. "You're so funny!" tawa ni Ryo.Gulung-gulo ang buhok ni Mavis at halos maluha na ito. "What the heck is going on?" kunot noong tanong ni Azrael.Natigilan si Ryo sa kakatawa. Binitawan ng bata si Mavis. "M-master…" mahina sabi nito. Tumingin si Azrael kay Mavis, tapos lumipat ang tingin niya kay Ryo na parang biglang naging inosente ang mukha. Maingat akong ibinaba ni Azrael. "What have you done?" tanong ko kay Ryo.Sa halip na sagutin ako. Patakbong lumapit ang anak ko sa akin. Pero kaagad itong nati

  • WILD NIGHT WITH HER BOSS   Chapter 32

    ‎Chapter 32Naiilang ako sa titig no Azrael habang tahimik akong kumakain. Dahan-dahan lang ako sa pagkain, pero alam kong nakabantay siya. Nag-request ako ng isa pang bowl at agad naman nila itong dinala. Nag-alok si Azrael na susubuan niya ako pero agad kong tinanggihan. Kaya ko namang kumain mag-isa.‎‎“Quit the stare,” sabi ko, habang may pagkain pa sa bibig ko. Aakmang magsasalita na siya nang biglang tumunog ang phone niya mula sa center table. Kinuha niya ito at binasa ang mensaheng agad nagpabago sa ekspresyon niya.‎Nagtaka ako. Gusto ko siyang tanungin pero pinili ko na lang ang manahimik.‎Biglang bumukas ang pinto at napalingon siya roon. Lumingon din ako at nakita naming pumasok si Lucius at Ghijk.‎‎“It’s time for us to settle this whole thing,” sabi ni Ghijk. Bigla akong nanigas sa pwesto ko. Tumigil ako sa pagsubo ng pagkain at napatingin sa kanila, at sa isang iglap sumiklab ang takot sa díbdïb ko. Babalik ba sila para saktan ako ulit?‎‎“I didn't kill her. Mani

  • WILD NIGHT WITH HER BOSS   Chapter 31

    Chapter 31Mainit at napakabigat ng dibdib ko. Parang may bumabara sa lalamunan ko habang pilit kong idinidilat ang mga mata ko.“Ma'am, k-kalma lang po—”“Anong nangyari?!” sigaw ko, halos basag ang boses ko sa kaba. Agad kong inalis ang mga tubo sa braso ko, pero pinigilan ako ng nurse. Hinawakan niya ako sa balikat pero pilit akong bumangon. “Nasaan ako?!” pumikit ako nang mariin at pilit binabalikan ang nangyari. May sumisigaw at kasunod do'n, may dugo… tapos biglang dumilim.Napatingin kami nang biglang bumukas ang pinto. Si Azrael.“Canna,” he called slowly, taking long strides towards me. Napatingin ako sa kanya, at sa mismong saglit na nagtagpo ang mga mata namin, parang biglang gumaan ang pakiramdam ko.Agad niya akong niyakap ng mahigpit nang makalapit siya. Halos hindi ako makahinga sa higpit ng kanyang yakap pero hindi ako nagreklamo.“I... I thought I lost you," he whispered, holding me tight. Naramdaman ko ang panginginig sa tinig niya.Hindi ako gumalaw. Kusa na lama

  • WILD NIGHT WITH HER BOSS   Chapter 30

    Chapter 30“Get her!” sigaw ni Ghijk, at agad namang tumango ang mga lalaking kasama nila, hindi ko napansin na may kasamahan pa pala sila. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ramdam ko ang takot habang papalapit sila sa akin. Matitigas ang kanilang mga mukha, walang emosyon. Napaatras ako, iniisip ko kung anong pwede kong gawin. Tumakbo? Pero sila ang nakaharang sa tanging daanan palabas.Napalinga ako sa paligid, naghahanap ng kahit anong maaring makatulong pero wala. Walang kahit anong maaring sandalan.“Anong ginagawa niyo?! Bitawan n’yo ako!” sigaw ko habang mahigpit akong hinawakan ng mga kasama ni Mr. Cervantes sa magkabilang braso. Lumapit si Mr. Cervantes. Tinitigan niya ako bago mahigpit na hinawakan ang aking baba. Sobrang sakit niyon, pakiramdam ko parang bumaon ang kuko niya. Tila kinuryente ang buong mukha ko sa higpit ng kapit niya. Marahas niyang binitawan ang mukha ko pagkatapos isang mainit na sampal ang bumagsak sa mukha ko. Napalingon ako. Ramdam kong namu

  • WILD NIGHT WITH HER BOSS   Chapter 29

    Chapter 29“I was waiting for you,” mahina kong sabi.Hinila niya ako palapit at napakapit ako sa braso niya. “Don’t ever do that again,” mariin niyang sabi. “You’re mine, Canna.”“Subukan mong gawin ulit 'yan, mapaparusahan talaga kita,” bulong niya sa tainga ko. Hindi ko na naintindihan agad ang ibig niyang sabihin. Ang alam ko lang, bago pa ako makasagot, naitulak na niya ako sa kama.Mainit ang mga mata niyang nakatitig sa akin habang dumadapo ang mga kamay niya sa katawan ko. Parang sinusuri niya ang bawat kurba ko na parang gusto niyang tandaan lahat. Napapikit ako nang dahan-dahan niyang haplusin ang dibdib ko, at sa bawat haplos ay tila kumikislap ang balat ko.Napakapit ako sa bedsheet, pigil ang hininga habang pinapanood siyang isa-isang tanggalin ang suot niya. Mula sa senturon hanggang sa pang-ibaba, lumitaw ang matipuno at may tattoo niyang katawan. Parang biglang lumiit ang mundo ko habang nakatitig ako sa kanya.Umakyat siya sa kama at muling lumapat ang mga labi niya s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status