Naalimpungatan siya ng may humahaplos sa kanyang pisngi. Idinilat nya ang kanyang mga bata at bumugad agad si Sophia. Nakangite ito ng kay tamis tamis na tila ba tuwang tuwa siyang pinag mamasdan nito habang natutulog. Sinuklian niya rin ito ng ngite, at haplos sa pisnge. Pagkadakay may nag salitang lalaki sa bungad ng pinto,paglingon niya ay si Cooper ito. Seryuso ang mukha habang nakahalukipkip ang mga braso. Kanina pa kaya sila dito.? Nakakahiya naman kay Cooper. Sabi niya sa sarili. Alam niyang pinamumulahan na naman siya dahil sa hiya.
" dinner is ready". casual at malumanay nitong sabi habang nakasandig sa bungad ng pintoan ng kanyang kwarto. " Yes Aunt Ally, daddy do the cooking and it smells good." saad ni Sophia na makikita ang kasiyahan sa reaksyon nito. " I'm sorry nakatulog ako, hindi man lang ako nakatulong sa daddy mo." hingi nya ng paumanhin sabay sulyap kay Cooper na nakatayo parin sa pintuan. " It's okay aunt Ally. Ate Emma and Ate Rosy were there while daddy was cooking, they are a good helper". nakangising paliwanag ng bata. Mataman lamang nakatingin si Cooper sa kanila na nag pipigil ng ngite. Tinawag nya ang anak at pinauna na ito sa baba, samantalang siya ay bahagyang pumasok sa loob ng silid at hinatak sa kamay si Ally dahilan para mawalan ito ng balanse, mabuti na lamang at maagap nya itong nahapit sa biwang na ikinatigil nilang dalawa. Nagtitigan silang dalawa ng ilang sigundo.Walang nag salita ni isa sa kanila. Nang makabawi, si Ally na ang unang nagsalita. " ahmm... hinihinhintay na tayo ni Sophia sa baba.. " mahina at pautal-utal nitong sabi. Nakatitig lamang si Cooper sa kanyang mga labi at tumango ng marahan. At si Ally naman ay parang tinatambol ang dibdib sa di maipaliwananag na damdamin. Bakit ba sa tuwing magkadikit sila ni Cooper ay kinakabahan siya, iyong kaba na para bang kinikiliti ang puso nya. Inalalayan naman agad siya nito para makatayo ng maayos at tuluyang nilisan ang kanyang silid. Nauna siyang humakbang at nilampasan si Cooper dahil sa kakaibang kaba na kanyang nararamdaman. Habang pababa sa hagdan pakiramdam ni Ally ay umiinit ang pisngi niya sa hiya, kaba at kilig. Hindi nya talaga mapigilan ang nararamdamang iyong tuwing kaharap at magkadikit sila ng lalaki. Parang hindi niya nagugustuhan ang mga nararamdaman niyang iyon. Pagpasok nila ng komedor namangha si Ally sa nakahain sa lamesa. Tila yata may okasyon. Dahil maraming pagkain. Nasa gilid lamang ang mga katulong na naghihintay sa mga iuutos ng amo. Pinaghila siya ng upuan ni Cooper at dali dali naman siyang umupo. Habang si Sophia naman ay ngiting ngite sa kanya. Nararamdaman niya talaga ang warm welcome ng bata sa kanya. "ni-niluto mo ba lahat ito?" she asked casually while looking at him." ang dami naman" she added. Kunot noong napatango tango lang si Cooper. Subalit si Sophia ang sumalo para sagutin ang tanong niya. " it's because we're glad that you're here." sabat ni Sophia." can i call you Mommy, Aunty Ally?" pagkadakay malambing na tanong ni Sophia sa kanya. Napatingin siya sa bata habang bahaw na nakangite, dahil pakiramdam niya ay napaka- awkward ng tanong ng bata sa kanya lalo na at magkaharap silang tatlo. Lumipat ang tingin ni Ally kay Cooper upang saklolohan siya nito, ang hindi niya alam ay nakatuon na sa kanya ang paningin nito. Medyo nahihiya siya dahil hindi niya alam ang isasagut sa bata. Ayaw niyang pangunahan si Cooper kung saka-sakali. Lumiwanag lang ang kanyang mukha ng marahan itong tumango at itinuon uli ang sarili sa pagkain. Nang makuha na niya ang sagot ni Cooper ngumiti siya sa bata nang may tuwa sa mga mata. Iwan ba niya at may parti ng kanyang puso na nasisiyahan siya dahil sa pinaggagagawa niya." yes baby, kahit saan, kahit hanggang kailan mo gusto,pwede mo akong tawaging Mommy." Doon lamang siya nakasagot ng deretso matapos makuha ang pahintulot ni Cooper. Tuwang tuwa ang bata at nagtititli ito sa saya. Nagmukha silang isang buo at masayang pamilya. Natapos ang hapunan na masigla ang lahat. Mukhang tanggap naman siya ng mga tao sa pamamahay na ito. Lalong lalo ni si Sophia. Maganda ang pagpapalaki ng ama nito dito dahil isa itong sweet, mabait at matalinong bata. Hindi siya mahihirapan na pakisamahan ang bata, lalo na at ito ang goal nila ni Cooper ang ibigay ang komplitong pamilya kay Sophia. Naparami yata ang kanyang kain kaya bago muna siya magpahinga, nagpasya siyang tumulong sa kusina para magligpit ng mga gamit na ng kakalat sa pagluluto. Sinalo naman iyon ni Emma sa kanya at hindi siya hinayaan gumawa ng ano mang gawain doon. Habang si Rosy naman ay taas kilay sa kanya. Mukhang nahihimigan niya ito na hindi siya gusto nito. " Mam ako na po" saad ni Emma at kinuha ang dala dala niyang pot " Naku Emma, hayaan mo siya, pinipilit nga niyang tumulong diba!" pasarkastikong sabi ni Rosy kay Emma. " Rosy ano ka ba naman, asawa siya ni sir,amo na rin natin siya. " bulong ni Emma kay Rosy. Mataman lang siyang nakikinig sa dalawang kasambahay. Hanggang sa sumagot ulit si Rosy nang pabalang kay Emma " Isa lang naman ang amo ko, at pagsisilbihan ko." naiiritang sabi nito sabay irap kay Emma. Habang si Emma ay saway ng saway kay Rosy dahil sa nahihiya na ito sa kanyang presensiya. Medyo nagpanting ang tenga niya sa narinig sa katulong na si Rosy pero kailangan muna niya itong palagpasin dahil kakarating nya lang sa pamamahay na ito. Nakakahiya kay Cooper kung gagawa agad siya ng eksena. Kailangan nyang magtimpi at Iintindihin niya muna si Rosy sa ngayon dahil Baka may pinagdadaan lang ito sa lovelife nito. Ngumite siya kay Emma. " wag ka na mag alala Emma, lalabas na lang ako doon sa verandah, gusto ko lang naman sana magpatunaw ng kinain dahil nabusog ako." nakangiting paliwanag niya kay Emma sabay sulyap sa natigilang si Rosy." okay lang ba Rosy?" may sarkasmo sa tono ng kanyang pagkakatanung kay Rosy. Irap naman ang sagot nito sa kanya. Habang tango ng tango naman si Emma. Habang nasa verandah siya naglalakad- lakad. Hindi niya napansing papalapit sa kanya si Cooper at nag salita ito na ikinagulat na naman niya. " ginulat na naman ba kita?" bahagyang nakatawa si Cooper ng magtanong ito sa kanya. " mukhang madalas ka nagugulat, magugulatin ka ba sa inyo?" dagdag pa nitong tanong habang hinihila ang upuan doon. " sino ba naman kasi hindi magugulat eh pasulpot sulpot ka." nakairap na turan nito kay Cooper. Natawa na ng tuluyan si Cooper sa kanya at tinaasan naman niya ito ng kilay. " you're being cute when you get upset." saad ni Cooper habang itinuturo sa kanya ang isang upuan sa tabi niya. " can you settle your self here?" sabay turo ni Cooper sa upuan. Tanong ito pero nag uutos. Sinunod niya naman ito at umupo sa tabi nito ng walang pagdadalawang isip. She needs to keep on fighting the feeling growing inside her system, she didn't want to hope for nothing. She is not yet ready to get her heart broken.Hindi siya dapat mahulog kay Cooper dahil baka pagsisisihan niya ito pagdating ng araw. Hi everyone, please support me. Thank you🤗🤗🤗Dumating ang Linggo, ito na ang pagkakataon na uuwi siya sa kanila. Mahigit isang buwan narin siyang hindi nakauwi simula nang sa bahay na siya ni Cooper nakatira. Parang sinisilihan ang puwit nya dahil hindi siya mapakali. Kinakabahan siya sa maaaring reaksyon ng kanyang mama sa mga pinaggagawa niya sa buhay niya. Although hindi naman siya napahamak subalit may ugali ang mama niya na hindi makapagpigil basta may nagawa siyang mali. Sigurado puno ang tenga niya dito mamaya pagdating sa kanila. Nakabihis na siya at hinihintay na lamang niya ang mag-ama. Umupo muna siya sa sofa sa salas at doon na lamang siya maghintay sa dalawa. Kanina pa siya upo ng upo, kalaunan naman ay tatayo, palakad-lakad na animoy bangaw, lingid sa kanyang kaalaman kanina pa siya napapansin ni Cooper sa taas hindi lamang siya nito sinisita. " mommy let's go na po, I'm excited to meet Lola Marie." saad ng bata na nakikinita ang excitement sa mga mata. Tumugon naman siya ng hilaw na ngite sa bata na bakas sa kan
As usual, maagang gumising si Ally dahil nakasanayan na rin niya ito simula nang dumating siya sa mansyon ni Cooper. Natawa nga siya sa kanyang sarili dahil noong nasa bahay pa siya nila ay tanghali na siya kung gumising. Lagi na lang siyang nabubungangaan ng kanyang mama dahil tanghali na siya gumising. Nagluto siya ng almusal nila tipikal na ulam para pang agahan, tulad ng piniritong itlog, ginisang corned beef na may potatoes and celery stalk, bacon, fried rice with mixed vegetables at ang favorite ni Sophia na tortang talong with ground pork. Nakahanda na ang dinning ng bumaba si Sophia at Emma para kumain. Nakapagbihis narin ito ng uniform at handa na para sa eskwela. " good morning mommy Ally." magiliw na bati ni Sophia kay Ally sabay yakap at halik sa pisngi nito. " good morning too baby, si- si Daddy mo?" alanganing tanong niya sa bata. " I'm here...." biglang sabat naman ni Cooper habang papalapit sa misa. Sinipat niya ito at naka bihos na rin pala ito. Agad naman
Araw ng Linggo ngayon at walang pasok sa eskwela si Sophia. Nangako si Cooper na mamasyal sila ng anak kasama si Ally. Noong Byernes pa ng gabi nila ito pinagpaplanuhang mag ama. Pero bago pa sila pupuntang Inner harbour kung saan mamasyal dadaan muna sila sa pinaka-malapit na simbahan within Ten Mile Point ang Holy Cross Catholic Church. Pagatapos nilang nag simba ay diritso sila sa Beacon Hill Park na ikinalundag ni Sophia sa tuwa. Doon muna sila mag-iikot bago sila pupunta ng Inner harbour para doon na mag lunch. Ang Inner harbour nqman is a scenic waterfront in BC, featuring recreational vessels, seaplanes, whale watching tours, and showcasing the city's historic architecture, stunning ocean views, and amazing landmarks which invite tourists to promote their tourism. Napaka outstanding ng lugar at bagay na bagay sa mga mag-anak, at taong dating o magkasintahan. After nilang nag iikot sa Inner harbour ay diritso na sila sa Royal BC Museum na mas lalong ikinasaya ni Sophia. Paborit
Cooper's POV Maagang pumasok ng opisina si Cooper dahil sa marami itong dapat e-review, at pag- aralan marami ding mga E-mails na dapat sagutin, at pagkatapos marami pa siyang mga papeles na pipirmahan. Hindi madali ang negosyo niya lalo na at tungkol ito sa construction. Napakalawak ang saklaw ng kanilang construction company dahil nasa kanila ang magagaling na engineer at architect. Samantala ang gusaling ito ay isa lamang sa mga exclusive condominium building nila at mayroon itong 30th floor lamang. Tanging mga malalaking negosyante, mga politiko, professionals at celebrities ang nakatira dito. Marami paring available units para sa gusto mag avail nito at ang maganda dito ay fully furnished na ang bawat unit ng condominium na ito nasa occupants na ang disisyon kung may dapat ba silang bagohin sa mga gamit sa loob. Nasa 25th floor ang opisina ni Cooper at tanaw nito ang buong syudad ng Victoria at medyo may kalayuan sa Ten Mile Point kung saan naka tayo ang mansion ng binata na
Tamang tama at nakapagbihis na si Ally nang tinawag siya ni Emma para sa hapunan. Agad naman siyang bumaba at pumunta sa dining area. Printi ng nakaupo si Cooper habang hinihintay siya, mukhang siya lang ang hinihintay ng mag ama. Tumingin siya kay Sophie at ngumite, at nakatingin din ito sa kanya na may ngite din sa labi. Nang malapit na siya sa misa ay tumayo si Cooper at ipinaghila siya nito ng upuan. Gentleman as ever talaga ang lalaking ito. Matipid siyang ng sabi ng thank you dito at nginitian din ng matipid. Nang makaupo na siya ay nag simula ng magdasal si Sophia para makakain na rin sila. Maganda talaga ang pagpapalaki ni Cooper sa anak dahil mabait at may disiplina ito sa sarili. Pagkatapos magdasal ng bata,hinainan niya ito ng pagkain para hindi na ito mahirapan.Pagkatapos Inalok naman niya si Cooper ng ulam na hindi abot nito at tumango naman ito saka niya hinain din sa plato nito. Nag mukhang literal na nanay at asawa talaga siya sa mga ito. Para talaga siyang maybahay kun
Sinunod ni Ally ang suggestions ni Cooper mamamsyal ito sa Mall, at bumili ng mga nagugustuhan nya, mag shopping para sa bahay at para sa sarili kasama si Emma. Bumili nga siya ng bagong kurtina, at mag papasko na rin kaya bumili siya ng mga decorations at marami pang iba. Nalula siya sa kanyang ginasta kaya kinabahan siya, baka pagalitan siya ni Cooper for spending too much sa mga bagay na pinaplano nyang gamitin para sa pagpaganda ng bahay. Napansin ni Emma na mukhang namumroblema siya. Tiningnan siya nito nang may ngite sa labi. Habang siya ay tulala sa mga bagay na nasa cart nila. " oh mam Ally, may problema ba?" alalang tanong nito sa kanya.Nang sulyapan niya si Emma ngumite ito sa kanya. "Emma, naparami yata ang mga kinuha natin. Baka mapagalitan tayo ng sir Cooper mo. " alalang saad niya dito. Mahinang tumawa si Emma at mukhang mangha na mangha sa kanya." naku mam, masyado hong mayaman si sir Cooper, ni wala pa nga sa kalingkingan itong mga pinamili natin. Wag ho kayong ma