" Ally gising na, ikaw ang magbabantay sa tindahan ngayon may lakad ang ate mo. " Panggigising sa kanya ng kanyang mama. Alas 4 y medya pa lang dapat nakabukas na sila nang kanilang tindahan para makarami rin ng binta. Dahil tuwing umaga marami ang bumibili ng kapi, gatas,biskwet o mga kakainin at lulutuin sa agahan. Nag inat siya ng katawan para gumising ang diwa nya, dahil hindi sya sanay gumising ng maaga. Lalo pa at tulog mantika sya sa ganyang mga oras. Nang mahimasmasan, nag sipilyo at nag hilamos ng mukha, para tuluyan na siyang gumising. " ma, ako na naman mag babantay ng tindahan!? " bagot nyang tanong sa mama nya habang naghihikab. " oo, ikaw talaga..." sagot ng mama nya" sabi ko sayo, eh, may lakad ang ate mo. ipanalangin mo na matanggap ang ate mo sa trabaho para may katuwang na ako sa pag-papaaral kay vicky" mahabang sigunda ng mama nya. " oo na ma, sige na wag kana magtatalak dyan baka kung saan na naman papunta ang usapan, nagtanong lang naman ako. ang aga-ag
Terakhir Diperbarui : 2025-07-03 Baca selengkapnya