LOGINSi Ally ay galing sa pamilya na hindi naman mahirap at hindi naman mayaman, kumbaga nasa average level lang ang kanilang pamumuhay,nagsusumikap sa buhay. Tatlo silang magkakapatid na puro babae, siya ang panggitna, that's why she has a strong persanality. Palaban, madiskarte, at independent. On the other hand,Copper is a MultiBillionaire widower, he owns multiple classes of Business, from aviation to mining company. In spite of being a billionaire he is a lonely, somewhat cold-hearted man. May anak siyang babae sa namayapa nyang maybahay. A very kind and smart little girl named Kasha. Magkatagpo kaya ang landas nilang tatlo? O may magaganap bang pag-iibigan sa pagitan ni Copper at Ally? Do they bring joy to Kasha? Love is everywhere and they'll wait until love will find each other.
View More" Ally gising na, ikaw ang magbabantay sa tindahan ngayon may lakad ang ate mo. " Panggigising sa kanya ng kanyang mama. Alas 4 y medya pa lang dapat nakabukas na sila nang kanilang tindahan para makarami rin ng binta. Dahil tuwing umaga marami ang bumibili ng kapi, gatas,biskwet o mga kakainin at lulutuin sa agahan.
Nag inat siya ng katawan para gumising ang diwa nya, dahil hindi sya sanay gumising ng maaga. Lalo pa at tulog mantika sya sa ganyang mga oras. Nang mahimasmasan, nag sipilyo at nag hilamos ng mukha, para tuluyan na siyang gumising.
" ma, ako na naman mag babantay ng tindahan!? " bagot nyang tanong sa mama nya habang naghihikab.
" oo, ikaw talaga..." sagot ng mama nya" sabi ko sayo, eh, may lakad ang ate mo. ipanalangin mo na matanggap ang ate mo sa trabaho para may katuwang na ako sa pag-papaaral kay vicky" mahabang sigunda ng mama nya.
" oo na ma, sige na wag kana magtatalak dyan baka kung saan na naman papunta ang usapan, nagtanong lang naman ako. ang aga-aga pa naman." sabi nya sa mama nya habang sinisipat ang sarili sa salamin.
" hoy Alejandra ha, iwasan mo makipag away dyan sa kabilang tindahan, tandaan mo yan. Wag mong pansinin yang Carla kitikiti na yan para hindi kayo mag-away. Gusto ko sanang iwasan na ikaw magbabantay ng tindhan natin dahil pinapatulan mo yang si Carla." mahabang paalaala na naman ng kanyang mama.
" ma, hindi ho ako ang nangunguna makipag away sa kiti kiti na yan, pinagbibintangan niya kasi akong inaagaw ko daw yung mukhan tabo nyang boyfriend." katwiran nya sa mama nya.
" Basta tandaan mo mabubwesit ang negosyo natin kung makipag-away ka sa carla na yan."pahabol pa ng mama nya. Tumalikod na lang sya bitbit ang isang tasa na may lamang kape para dalhin sa tindahan nila, hindi naman gaano kalayo ang ang bahay nila sa kanilang tindahan, mga ilang metro lamang ito. Medyo madilim pa sa paligid kaya dahan dahan siyang naglakad dahil baka matapon ang kape nyang dala. Mga tatlong minuto nyang nilakad ang papunta sa kanilang tindahan, at pagkadating nya doon ay agad nya itong binuksan . Maganda ang structure ng kanilang tindahan, nagmukha itong 7/11 kaya lang medyo may kalumaan na. Kung bibili ang mga tao, papasok sila at mamimili ng mga gusto nila. Pagkatapos magbabayad sa cashier. Kaya hindi masyadong mahirap ang magbantay roon,at siya nga muna ngayon ang cashier doon. Mamayang Alas 8 pa rerelyibo ang mama nya sa kanya para makapagligo naman siya.
Maraming dumadaan sa kalye kung saan nakatayo ang tindahan nila Ally. Marami din iba't ibang establishment na nakapaligid sa lugar na iyon, kabilang na doon ang tindahan ni Carla. Ang kanyang mortal na kaaway. Simula pa nong bata pa sila magkakompitinsya na silang dalawa sa lahat ng bagay.
" aba, ang amazona ng pamilyang Jimenez ang magbabantay ng kanilang tindahan ngayon." panimulang panunuya ni Carla sa kanya.
Hindi nya pinansin ang patutsada ni Carla sa kanya. Naalala niya ang mahigpit na bilin ng kanyang mama. Dahil sa hindi nya pinansin ito nagkusa itong tumigil ng pang-bubully sa kanya.
Alas 8 ng umaga dumating ang mama ni Ally para magkapalitan muna sila. Kailangan nyang maligo dahil hindi pa siya naliligo. Pagkatapos nyang maligo at mag- ayos babalik uli siya sa tindahan para palitan naman nya ang kanyang mama dahil magluluto pa ito ng tanghalian. Mamayang gabi pa makauwi ang ate Ara nya dahil sigurado syang maiipit ito sa traffic. Pasado alas 11 siya Dinalhan ni Vicky ng pagkain para maka pananghilian na rin siya.
" ate, binilin ni Mama na maghinay-hinay ka daw sa soft drinks." anya ni Vicky sa kanya na may pandidilat pang kasama.
" oo na," sagot naman nya sabay irap ng kanyang mga mata. Kapagkuwan ay umuwi na si Vicky at naiwan na naman siya mag- isa sa kanilang tindahan.
Nakakapagod ang umupo buong mag-hapon sa counter. Tiningnan nya ang kanyang relos, at malapit na pala mag-ala otso ng gabi. Mukhang okay naman ang kita nila ngayong araw. Madagdagan pa ito dahil Alas nwebe pa sila ng gabi magsasara at marami parin namang tao ang bumibili kahit gabi na. Susunduin siya mamaya ng kanyang mama para tulungan siyang mag ayos ng kanilang paninda bago umuwi,para kinabukasan maayos na uli ang mga ito.
" Hi, miss Beautiful...!!!" bati ng isang lalaki nakasing edad niya. Si Tisoy, kung tawagin sa kanto nila. Na boyfriend at kalandian ni Carla
" Hoy Tisoy umayos ka, ayuko ng away" bulyaw nya sa lalaki.
" ito namang si Ally, binabati lang eh" reklamo ni Tisoy
" eh sa ayuko dahil yang Girlfriend mo dyan sa kabila subrang selosa" pangatwiran nya sabay ismid." umalis ka na nga!" na-iiritang taboy nya dito. Samantalang itong si Tisoy ay walang balak umalis.
" minsan nga lang kitang nakikita dito,tinataboy mo pa ako." reklamo ng lalaki sabay kamot sa ulo.
"eh sa ayaw kung pumupunta ka dito tuwing andito ako. Doon sa kabila ang tindahan ni Carla doon ka mambwesit." mahabang sabi niya dito sabay kumpas ng kamay para ituro ang tindahan ni Carla.
Sa pagkamalas ng pagkakataon nagawi si Carla sa tindahan nila Ally at naabotan ang nobyo na nakikipagpalitan ng usapan sa kanya. Nakita nya kung paano dumilim ang anyo ng babae. Sinugod agad siya nito at sinampal. Syempre ayaw nya naman magpatalo kaya gumati sya ng mas malutong na sampal hanggang sa magsabunutan silang dalawa. Inaawat sila ni Tisoy, ngunit dahil nag iisa lang si Tisoy hindi nya ito mawat-awat. Lumipas ang ilang sandali at may iilan na umawat sa kanila, ang mga tricycle driver sa na naghihintay ng pasahero sa gilid ng kalsada. Inawat nila si Ally at Carla ngunit kahit pinaghiwalay na sila hindi parin matapos-tapos ang sagutan sa pagitan nilang dalawa.
" tang*na mong babae ka, mag-aagaw ka ng boyfriend, dispirada!!!!" sigaw ni Carla sa kanya
" Hoy babaing kitikiti na parang bulati na inasinan sa lupa hindi ko type yang boyfriend mo na mukhang tabo." ganti nyang sigaw kay Carla sabay turo kay Tisoy na biglang umasim ang mukha dahil sa narinig nito. " pagsabihan mo yang boyfriend mo na 'wag nya akong bubwesitin dahil hindi ko sya type." dagdag pa nya. " may boyfriend na ko, mayaman at ubod ng gwapo."bulyaw nya dito habang nakadilat ang kanyang mga mata.
" sabihin mo mang-aagaw ka talaga ng boyfriend nang may boyfriend. At ako pa ang sabihan mo na my boyfriend ka, sige nga tawagin mo at ipakita mo ang sinasabi mong boyfriend mo.!!!"nanlilisik na matang talak nito kay Ally.
Sa di kalayuan sa may tapat may humintong itim, makintab, at mamahaling kotse, at may bumaba ng isang matangkad, mistiso, gwapo at mukhang mayaman na lalaki. May kasama itong naka unipormeng lalaki at mukhang driver ito ng sasakyang iyon. Palinga- linga ang lalaki na parang may hinahanap. Nakuha ni Ally ang pagkakataung iyon para lapitan ang gwapong lalaki na mukhang nagulat sa paglapit niya. Agad nya itong hinawakan sa braso na ikinasa ng unipormadong lalaki, subalit isang sinyas ang ginawa ng lalaki sa kasama, na ibig sabihin hayaan lang.
" siya ang boyfriend ko!" nadidilat nadiklara ni Ally na mas lalong ikinagulat ng lalaki. Pero hindi ito pumalag at hinayaan nya lang si Ally sa ginagawa nito. " diba ikaw ang boyfriend ko ,diba????!!!" nadidilat na mata na turan ni Ally na nagpapahiwatig na sakyan lang ang trip nya, napatingin naman sa kanya ang lalaki na mukhang na a-amuse sa kanya. Binulongan nya ang lalaki " Pasensya ka na sir, please maki-sama ka na lang." bulong na pakiusap ni Ally sa lalaki sabay kindat nya dito. Napangiti sa kanya ang lalaki na siyang ikinasinghap nya. Subrang gwapo nito lalo na at may mapuputi at pantay na ngipin ito. May mamanipis at mapupulang labi, kulay brown na mata at makinis na mukha na mukhang nag uumpisa ng tumubo ang balbas nito. Napatulala ng bahagya si Ally sa lalaki. Napukaw lamang ang atensyon nito ng magsalita ito.
" yes, I' m his boyfriend miss." sabi ng baritonong boses nito. Na pinatutukuyan si Carla. Napatigil sa pagbubunganga si Carla at Napahalukipkip ng kanyang mga kamay at inirapan si Ally.
" oh ngayon, naniniwala ka na? Loyal to sa boyfriend oy, hindi ko to ipagpapalit sa boyfriend mong mukhang balde." pagmamalaki ni Ally kay Carla na panay irap lang ang ginagawa.
" grabe ka naman sa akin Ally,sakit mo naman mag salita kanina tabo, ngayon balde na naman" reklamo naman ni Tisoy.Pakadakay hinampas ni Carla si Tisoy sa pagkainis. Napakamot na lang sa ulo ang huli.
Nagkanya kanyang umalis ang mga taong naki-usyuso, at bumalik na sa kanya-kanyang tricycle ang mga driver at Nagsara na lang maaga ng tindahan si Carla na tinulongan naman ni Tisoy.
Naiwan si Ally at ang lalaki sa labas ng kanilang tindahan na mukhang nakikiramdaman sa isa't isa.
Nagluto ang mama ni Ally ng pansit at adobong manok para sa kanilang tanghalian. Tumulong si Ally sa pagluluto samantalang si Cooper ay printe lamang nakaupo sa sofa sa sala. Na Abot tanaw lamang si Ally at Aling Marie sa kusina. Nakikita niya itong masayang nagluluto kasama nito ang ina. Pasulyap- sulyap lamang si Ally sa kanya habang may naghihiwa ng mga sahog sa pansit. At may panahon ding magkasalubong ang kanilang mga paningin na si Ally ang siyang unang iiwas. " Anak, mukhang mayaman yang asawa mo ah. Saan mo naman yan na bingwit ha?" may kuryusidad nabulong ng mama niya sa kanya. " alam ba ito ng ate mo? Inunahan mo pa siyang mag asawa ha" dadag pa nito. "ha, ah eh, s-sa i-internet po. Friend ko kasi siya sa F*cebook ma"nauutal na pagsinungaling niya sa mama niya. " at saka ikaw na bahala sa ate mag paliwanag ma, sure kasi ako na magtatampo yun" malungkot niyang pahayag dito. Close sila ng kanyang Ate Aria pero hindi niya nakuhang ipaalam man lang dito dahil hindi naman siy
Dumating ang Linggo, ito na ang pagkakataon na uuwi siya sa kanila. Mahigit isang buwan narin siyang hindi nakauwi simula nang sa bahay na siya ni Cooper nakatira. Parang sinisilihan ang puwit nya dahil hindi siya mapakali. Kinakabahan siya sa maaaring reaksyon ng kanyang mama sa mga pinaggagawa niya sa buhay niya. Although hindi naman siya napahamak subalit may ugali ang mama niya na hindi makapagpigil basta may nagawa siyang mali. Sigurado puno ang tenga niya dito mamaya pagdating sa kanila. Nakabihis na siya at hinihintay na lamang niya ang mag-ama. Umupo muna siya sa sofa sa salas at doon na lamang siya maghintay sa dalawa. Kanina pa siya upo ng upo, kalaunan naman ay tatayo, palakad-lakad na animoy bangaw, lingid sa kanyang kaalaman kanina pa siya napapansin ni Cooper sa taas hindi lamang siya nito sinisita. " mommy let's go na po, I'm excited to meet Lola Marie." saad ng bata na nakikinita ang excitement sa mga mata. Tumugon naman siya ng hilaw na ngite sa bata na bakas sa kan
As usual, maagang gumising si Ally dahil nakasanayan na rin niya ito simula nang dumating siya sa mansyon ni Cooper. Natawa nga siya sa kanyang sarili dahil noong nasa bahay pa siya nila ay tanghali na siya kung gumising. Lagi na lang siyang nabubungangaan ng kanyang mama dahil tanghali na siya gumising. Nagluto siya ng almusal nila tipikal na ulam para pang agahan, tulad ng piniritong itlog, ginisang corned beef na may potatoes and celery stalk, bacon, fried rice with mixed vegetables at ang favorite ni Sophia na tortang talong with ground pork. Nakahanda na ang dinning ng bumaba si Sophia at Emma para kumain. Nakapagbihis narin ito ng uniform at handa na para sa eskwela. " good morning mommy Ally." magiliw na bati ni Sophia kay Ally sabay yakap at halik sa pisngi nito. " good morning too baby, si- si Daddy mo?" alanganing tanong niya sa bata. " I'm here...." biglang sabat naman ni Cooper habang papalapit sa misa. Sinipat niya ito at naka bihos na rin pala ito. Agad naman
Araw ng Linggo ngayon at walang pasok sa eskwela si Sophia. Nangako si Cooper na mamasyal sila ng anak kasama si Ally. Noong Byernes pa ng gabi nila ito pinagpaplanuhang mag ama. Pero bago pa sila pupuntang Inner harbour kung saan mamasyal dadaan muna sila sa pinaka-malapit na simbahan within Ten Mile Point ang Holy Cross Catholic Church. Pagatapos nilang nag simba ay diritso sila sa Beacon Hill Park na ikinalundag ni Sophia sa tuwa. Doon muna sila mag-iikot bago sila pupunta ng Inner harbour para doon na mag lunch. Ang Inner harbour nqman is a scenic waterfront in BC, featuring recreational vessels, seaplanes, whale watching tours, and showcasing the city's historic architecture, stunning ocean views, and amazing landmarks which invite tourists to promote their tourism. Napaka outstanding ng lugar at bagay na bagay sa mga mag-anak, at taong dating o magkasintahan. After nilang nag iikot sa Inner harbour ay diritso na sila sa Royal BC Museum na mas lalong ikinasaya ni Sophia. Paborit
Cooper's POV Maagang pumasok ng opisina si Cooper dahil sa marami itong dapat e-review, at pag- aralan marami ding mga E-mails na dapat sagutin, at pagkatapos marami pa siyang mga papeles na pipirmahan. Hindi madali ang negosyo niya lalo na at tungkol ito sa construction. Napakalawak ang saklaw ng kanilang construction company dahil nasa kanila ang magagaling na engineer at architect. Samantala ang gusaling ito ay isa lamang sa mga exclusive condominium building nila at mayroon itong 30th floor lamang. Tanging mga malalaking negosyante, mga politiko, professionals at celebrities ang nakatira dito. Marami paring available units para sa gusto mag avail nito at ang maganda dito ay fully furnished na ang bawat unit ng condominium na ito nasa occupants na ang disisyon kung may dapat ba silang bagohin sa mga gamit sa loob. Nasa 25th floor ang opisina ni Cooper at tanaw nito ang buong syudad ng Victoria at medyo may kalayuan sa Ten Mile Point kung saan naka tayo ang mansion ng binata na
Tamang tama at nakapagbihis na si Ally nang tinawag siya ni Emma para sa hapunan. Agad naman siyang bumaba at pumunta sa dining area. Printi ng nakaupo si Cooper habang hinihintay siya, mukhang siya lang ang hinihintay ng mag ama. Tumingin siya kay Sophie at ngumite, at nakatingin din ito sa kanya na may ngite din sa labi. Nang malapit na siya sa misa ay tumayo si Cooper at ipinaghila siya nito ng upuan. Gentleman as ever talaga ang lalaking ito. Matipid siyang ng sabi ng thank you dito at nginitian din ng matipid. Nang makaupo na siya ay nag simula ng magdasal si Sophia para makakain na rin sila. Maganda talaga ang pagpapalaki ni Cooper sa anak dahil mabait at may disiplina ito sa sarili. Pagkatapos magdasal ng bata,hinainan niya ito ng pagkain para hindi na ito mahirapan.Pagkatapos Inalok naman niya si Cooper ng ulam na hindi abot nito at tumango naman ito saka niya hinain din sa plato nito. Nag mukhang literal na nanay at asawa talaga siya sa mga ito. Para talaga siyang maybahay kun
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments