Share

Kabanata 7

KASABAY nang mariin kong pagpikit ay ang pagpipigil ko din ng aking paghinga. Ngayon lang ako kinabahan nang ganito. Dinaig ko pa ang isasabak sa giyera kung umasta. Madalas din manginig ang dalawa kong kamay dahil sa kaba. Isama pa ang pamamawis nito kahit pa sabihing malamig naman ang panahon at ang kinalulugaran ko.

Samut-sari din ang pumapasok sa isipan ko. Nais kong bumalik at huwag na lang tumuloy. Pero papaano? Papaano ko magagawa iyon kung may malaking bagay na pumipigil sa akin? Hindi ko nais manloko. Pero ngayon, wala na akong pagpipilian. Mamamatay nang wala sa katinuan ang Ina ko kung mas pipiliin ko ang sarili ko.

"Ayos ka lang ba 'toy? Namumutla ka yata?"

Ang singkit na mga mata ng matandang lalaki ang nakasalubong ko. Panandalian niya akong tinanaw at binawasan ang lakas ng andar ng sasakyan. Wala na sa pagmamaneho ang buong atensiyon nito, lantaran na niya akong sinusulyapan ng tingin. Ni hindi niya manlang maramdaman na naiilang na ako sa ginagawa niya.

Matigas ang na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status