Walking Disaster

Walking Disaster

last updateLast Updated : 2023-06-07
By:  SeptOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
9Chapters
781views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Literal na delubyo o sakuna ang tingin ni Darlene Lopez kay Ashford Walker. Simula nang aksidente o sinadya man ni tadhana na makilala ni Darlene si Ashford ay hindi na naging normal ang takbo ng kaniyang buhay. Hindi na nga naging maganda ang naging pagkikita nila ay dumagdag pa ang isang pagkakamali na maghahatid sa kaniya para kagatin ang trabahong magpanggap bilang isang lalaki na lingid sa kaalaman ni Ashford—kapalit ang salaping sasagot sa lahat ng dinadamdam niya. Hindi lang isang lalaki, kung ‘di isang hamak na body guard slash alalay pa ni Ashford Walker na punung-puno ng kayabangan at kahanginan sa katawan. Magiging amo niya ang lalaking uutas ng kaniyang buhay. Ang lalaking titigan palang siya ay nanlalambot na siya. Ang lalaking kayang patigilin ang ikot ng kaniyang mundo at patidin ang kaniyang paghinga gamit lamang ang pamatay nitong mga galaw. Si Ashford na dinaig pa ang isang bagyo sa lakas ng dinadalang hangin sa katawan. Si Ashford, ang lalaking pinantayan ang isang lindol, na walang ginawa kung ‘di yanigin ang kaniyang buhay. Makakayanan kaya ni Darlene na bantayan ang lalaki sa kabila nang kaliwa’t kanan na gulong pinapasok nito? O ang dapat ba niyang bantayan at ingatan ay ang kaniyang puso na nagsisimula nang tumibok para dito?

View More

Chapter 1

Prologo

DALAWANG ARAW. Dalawang araw akong nakatulog ayon sa Doctor na gumamot sa akin.

Malala man ang tinamo kong sugat, awa naman ng Diyos at buhay pa rin ako ngayon.

Nakangiwing pinagmasdan ko ang ginagawang pagbabalat ni Bella ng mansanas. Walang kaingat-ingat na humihiwa ito roon, walang pakialam kahit pa konting lingat lang ay ang balat na niya ang matatalupan.

“Mabuti na lang at may stock sila ng blood type mo. Kung wala, hindi ko na alam ang gagawin ko, Darlene," problemadong wika nito.

Hindi ko alam kung paano niya nalaman na narito ako. Ang nag-aalalang mukha na niya agad ang sumalubong sa akin nang magising ako.

“Malayo naman ito sa bituka.” Matamis ko siyang nginitian. Sinagot niya naman iyon nang pagsupalpal ng piraso ng mansanas sa bibig ko.

“Anong malayo?! Nag-agaw buhay ka, beks. Kung nagkataon, ikaw na ang tagapag-alaga ng tandang ni San Pedro.”

Hindi ko na siya natugunan pa, nang maputol ang pag-uusap namin ng bumukas ang pinto ng silid na kinalalagyan ko rito sa pagamutan.

Iniluwa noon ang seryosong si Ashford. Malamig ang kaniyang mga mata nang tumutok ito sa akin.

Wala sa sariling nahila ko ang manipis na kumot hanggang sa aking dibdib. Nakuha noon ang atensiyon niya. Gumalaw ang kaniyang panga bago gumawa nang mabibigat na yabag patungo sa kinapupuwestuhan ko.

“Leave,” mahina ngunit mariin na utos nito.

Tarantang lumabas ng silid si Bella. Tangkain ko mang sumunod sa kaniya ay hindi ko naman magawa. Nanlalambot ang katawan ko—ang buong pagkatao ko dahil sa klase ng titig na ipinupukol sa akin ng lalaking kaharap ko ngayon.

“Ku—”

Hindi ko na naituloy pa ang tangka kong sasabihin nang agad ng sumapol sa mukha ko ang isang brown envelope.

Hindi ko na hinintay pa na utusan niya akong buksan iyon, nagkusa na ako. Naglalaman iyon ng sampung litrato at isang birth certificate. Mukha ko ang nasa lahat ng larawan—iba’t ibang anggulo sa damit na pambabae.

“Mukha ba akong kagago-gago, Darlene Lopez?!” umalingawngaw sa apat na sulok ng silid ang nanggagalaiti niyang tinig.

Nangangatal ang aking labi na tinitigan siya. “M-Magpapaliwanag ako.”

Alam na niya.

“Para saan pa?” tumawa ito nang pagak dahil sa sinabi ko. Iniangat nito ang hintuturo paduro sa akin. “Niloko mo ako. Pinaniwala mo akong lalaki ka. All these time, nagmumukha lang akong tanga. Akala ko ba pamilya na kita?”

Sunod-sunod ko itong inilingan. “H-Hindi ganoon, Ash. Makinig ka naman sa akin, o.”

Nanatili siyang bingi sa pakiusap ko. “Ayoko nang makita pa iyang pagmumukha mo sa pamamahay ko.” Naglalaro ang kalungkutan at galit sa kaniyang mga mata.

“P-Pero hindi ko kaya.”

“Nagawa mo na nga akong lokohin, ‘di ba?” Walang pasabing tinalikuran na ako nito.

Nagsimula nang manubig ang aking mga mata. Dahil sa pagkataranta at takot na tuluyan siyang mawala. Hindi ko na nagawa pang indahin ang sugat ko nang simulan ko siyang habulin.

“Oo, nagkamali ako, Ash. Nagsinungaling ako. Pero huwag naman ganito. Huwag mo namang itapon na lang ang lahat ng pinagsamahan natin. Dahil. . .” Hindi ko magawang ituloy ang tangka kong sasabihin.

Natatakot ako sa magiging reaksiyon niya. Hindi ko kakayanin kung hindi niya ako tatanggapin.

Kusa na siyang huminto nang marating ang hamba ng pintuan.

“Anong dahilan?” walang kabuhay-buhay na tanong nito.

Napahinto ako sa pagluha. Binundol na agad ng kaba ang dibdib ko sa isipin pa lang sa magiging tugon niya.

“Mahal kita, Ash,” pabulong lang sa simula hanggang sa pinaabot ko na sa kaniyang pandinig ang tunay kong nararamdaman. “Hulog na hulog na ako, Ashford. Hindi ko na alam kung paano ako makakaahon—sa nararamdaman ko para sa iyo.”

Pinilit kong salubungin siya nang matamis na ngiti ng muli niya akong hinarap.

“Iyon lang?” pagkabagot ang namayani sa kaniya. “Katulad ka lang din nila, magaling magpasakit ng ulo.” Namulsa ito. “Babae nga naman.”

Tuluyan na niya akong iniwanan.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
9 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status