Share

Kabanata 8

Penulis: Sept
last update Terakhir Diperbarui: 2023-06-07 10:19:58

HINDI maalis ang paghanga sa aking mukha nang sa wakas ay makarating na kami sa bahay ng mga Walker.

Ilang metro din ang layo ng pinakang bahay nila mula sa kulay ginintong gate nito. Nagsasalitan naman ang iba't ibang punong kahoy sa kabuoan ng kanilang lupain. May ilang pagala ring hayop at malawak na taniman.

"Bumaba ka na."

Hindi ko na nagawa pang magpasalamat kay sir Ash. Hinintay niya lang akong makalabas at mabilis nitong pinatakbo ang sasakyan. Naiwan na lang akong nakatanaw sa sasakyan nito na ngayon ay papaliit na nang paliit habang tinatahak ang mahabang daan na pinanggalingan namin.

"Saan naman siya pupunta? Hindi ba at dapat kasama niya ako?" kunot-noong tanong ko sa sarili.

"Maligayang pagdating sa tahanan ng Familia Walker." Inagaw nang sabay-sabay na pagbati ang atensiyon ko.

Sumalubong sa akin ang hanay ng sampung kasambahay na kapuwa mga babae. Hinati sila sa dalawang grupo at ganoon din ang uniporme nilang suot. Sa unahan ng dalawang hanay ay ang dalawang ginang na
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Walking Disaster    Kabanata 8

    HINDI maalis ang paghanga sa aking mukha nang sa wakas ay makarating na kami sa bahay ng mga Walker. Ilang metro din ang layo ng pinakang bahay nila mula sa kulay ginintong gate nito. Nagsasalitan naman ang iba't ibang punong kahoy sa kabuoan ng kanilang lupain. May ilang pagala ring hayop at malawak na taniman."Bumaba ka na."Hindi ko na nagawa pang magpasalamat kay sir Ash. Hinintay niya lang akong makalabas at mabilis nitong pinatakbo ang sasakyan. Naiwan na lang akong nakatanaw sa sasakyan nito na ngayon ay papaliit na nang paliit habang tinatahak ang mahabang daan na pinanggalingan namin."Saan naman siya pupunta? Hindi ba at dapat kasama niya ako?" kunot-noong tanong ko sa sarili."Maligayang pagdating sa tahanan ng Familia Walker." Inagaw nang sabay-sabay na pagbati ang atensiyon ko.Sumalubong sa akin ang hanay ng sampung kasambahay na kapuwa mga babae. Hinati sila sa dalawang grupo at ganoon din ang uniporme nilang suot. Sa unahan ng dalawang hanay ay ang dalawang ginang na

  • Walking Disaster    Kabanata 7

    KASABAY nang mariin kong pagpikit ay ang pagpipigil ko din ng aking paghinga. Ngayon lang ako kinabahan nang ganito. Dinaig ko pa ang isasabak sa giyera kung umasta. Madalas din manginig ang dalawa kong kamay dahil sa kaba. Isama pa ang pamamawis nito kahit pa sabihing malamig naman ang panahon at ang kinalulugaran ko.Samut-sari din ang pumapasok sa isipan ko. Nais kong bumalik at huwag na lang tumuloy. Pero papaano? Papaano ko magagawa iyon kung may malaking bagay na pumipigil sa akin? Hindi ko nais manloko. Pero ngayon, wala na akong pagpipilian. Mamamatay nang wala sa katinuan ang Ina ko kung mas pipiliin ko ang sarili ko."Ayos ka lang ba 'toy? Namumutla ka yata?"Ang singkit na mga mata ng matandang lalaki ang nakasalubong ko. Panandalian niya akong tinanaw at binawasan ang lakas ng andar ng sasakyan. Wala na sa pagmamaneho ang buong atensiyon nito, lantaran na niya akong sinusulyapan ng tingin. Ni hindi niya manlang maramdaman na naiilang na ako sa ginagawa niya.Matigas ang na

  • Walking Disaster    Kabanata 6

    MAHIGPIT na kumuyom ang dalawang palad ko. Matigas akong nakipagtitigan sa ginang. Nanatili naman na masigla ang kaniyang mukha.Mabilis na akong nakabago ng puwesto nang mapagtanto na kikilos siya. Animo'y kidlat na narating ko ang gilid ng pintuan. Nakahanda na ang kamay ko para pihitin ang seradura noon, pero naudlot iyon nang dahil sa isang halakhak.Hindi ko na maitago ang pagkasalubong ng mga kilay ko. Pakiramdam ko'y nagkamali ako ng husga sa ginang na ito.Kinikilabutan ako sa klase nang paghalakhak niya. Wala na ang pagkayumi roon. "Hindi ka na mabiro, hijo," kalaunan ay bawi nito.Dinukwang nito ang lamesita, kinuha roon ang inilapag na purse at isinukbit sa kaniyang balikat. "Hindi ko akalain na matatakutin ka," panunukso pa nito.Inabot na ng dulo ng daliri ko ang seradura ng pintuan. Nanatili naman ang paningin ko sa kaniya."Kay raming tahimik na lugar. Sementeryo pa talaga ang naisipan mo," naiiling na dugtong pa nito.Tumuwid na ito nang pagkakatayo. Nagsimula na ito

  • Walking Disaster    Kabanata 5

    BAKAS na ang pagkangalay kay Mrs. Walker nang lumipas na ang ilang minuto at hindi ko pa rin nagagawang tanggapin ang kaniyang palad."Ehem." Makaagaw atensiyon na tumikhim si Arturo.Doon ko lang napagtanto na hindi na maipinta ang mukha ni Mrs. Walker. Hindi na maipaliwanag ang bumabakas sa kaniyang mukha, kung isa pa ba iyong ngiti o pagngiwi na. Wala na rin sa ayos ang kaniyang postura, bahagya na siyang nakayukod habang tutok ang paningin sa akin.Nagmamadaling tinanggap ko ang kaniyang palad. Pakiramdam ko kasi'y wala rin siyang balak na ibaba iyon. "Salamat po." Napangiwi ako.May kariinan pa na pinisil niya ang palad ko bago niya iyon pinakawalan. Inayos niya muna ang sarili, bago muling naupo sa gilid ko. "Ang kailangan ko lang naman ay isang tapat at mapagkakatiwalaang tao, Darwin." May diin sa dalawang katangian na binanggit niya. Tinapunan pa niya nang matalim na titig si Arturo na napatuwid na lang sa pagkakaupo.Wala sa sariling napalunok ako."Lumaki si Ash sa puder ng

  • Walking Disaster    Kabanata 4

    “ASHFORD WALKER!”Nailagay ko na lang ang dalawa kong palad sa aking mga tainga ng sumigaw nang malakas ang ginang matapos na talikuran kami ni Ash. Ni hindi ito natinag sa pagtawag ng ginang. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad—papalayo sa amin.“Walang modo." Agad kong natutop ang labi ko nang mapagtantong umabot hanggang sa pandinig ng ginang ang sinabi ko.Nakangiti pa rin naman akong hinarap nito. "Babalikan kita, hijo." Bahagya pa nitong pinisil ang palad ko bago ako talikuran. Kinausap muna nito ang isa sa lalaking kasama nito bago sinundan si Ash.“Dar, kinabahan ako sa 'yo,” agad na wika ni Bella nang makalapit na sa akin. "Pasensiya na, beks. Minalas tayo ngayon. Dapat talaga hindi na kita pinilit sumama."Natatawang kinabig ko ito para yakapin. "Hindi naman ako namatay, Bella. Astig nga, nasalo ko iyong patalim."Agad itong nakapaslag sa pagkakayakap ko. Hinuli ang kaliwa kong tainga at marahas na piningot iyon. "Tuwa ka pa talaga. Halos mamatay na ako kanina dahil sa takot.

  • Walking Disaster    Kabanata 3

    “SIGURADO ka bang nandito siya, Bell—”“Babe,” pagputol ni Bella sa sasabihin ko. Para itong isang sawa na nakayakap sa braso ko ngayon. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao. “Okay, babe. Nandito ba talaga si Vico?” “Oo nga promise. Kakastalk ko lang kay Catalina, narito iyong location ng mga higad.” Inilibot ni Bella ang kaniyang paningin. Hanggang sa dumapo iyon sa isang fast food chain. “Ayun! Ayun 'yong damuho!”Mabilis akong nahila ni Bella papasok doon. Agad na tumama ang mata ni Vico kay Bella nang makaupo kami sa katapat mesa nito. Bumakas panandalian ang gulat dito. Nang makabawi, nakangising pinasadahan ng tingin si Bella. Ngayong malapit lang kami sa lalaking ito. May napagtanto na naman ako. Kahit saang anggulo, hinayupak pa rin ang tingin ko sa kaniya."Nakakabanas," wala sa sariling asik ko. Naudlot ang pagkuyom ko ng kamao, nang mag-iwas na ito ng tingin.“Babe, anong gusto mo? O ako ang gusto mong kainin?!” Nasamid ako sa sariling laway nang mabigla sa tanong ni

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status