Share

Chapter 46

Mula ng mangyari ang insidenteng iyon at maipakilala na ni Cely sa mga anak si Domeng, napadalas na ang pagpunta nito sa bahay nina Liana. Henry never liked it, but he cannot voice it out to her. Pero ramdam naman ni Liana ang pagkadisgutong iyon ni Henry.

Maging si Aling Perla ay palaging nakanguso sa tuwing naroroon ang nobyo ng ina. Hindi nito gusto ang nakikita at hayagan naman nitong ipinapakita sa kanyang ina ang pagkadisgusto kay Domeng.

Gaya ng hapong iyon. Naroroon na naman ang lalaki, na kung makatawa at makapag-utos kay Aling Perla ay parang siya ang may-ari ng bahay.

“Ako'y nanggigigil na d'yan sa lalaking ‘yan at d'yan sa nanay mo, Liana. Kapag hindi ako nakapagpigil makakatikim ‘yang si Cely ng salita sa akin,” tumatahip ang dibdib na wika nito habang naglilinis ng basong ininuman ni Domeng.

Humingi ito ng juice kanina habang kasamang nanonood ng tv si Lester. Siya naman ay naghahanda ng hapunan nila.

Huminga siya ng malalim at nagpapaumanhing tiningnan ang matanda.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status