Share

Chapter 4

Kung nagulat ang babae, mas lalo naman si Henry. He looked at her unbelievably.

Sino bang mag-aakala na ang babaeng hinahanap niya ay dito pa sa mismo sa pamamahay niya matatagpuan? Ang babaeng buong araw na lang ay lamang ng kanyang isipan.

Hindi mawala-wala sa isip niya ang inosenteng anyo nito noong gabing iyon kahit nakasuot ito ng malaswang damit. Her dreamy eyes says a lot of things na tumatak na isip niya. Makinis ang balingkinitan nitong katawan, mahaba ang tuwid na tuwid at itim na itim nitong buhok.

And her lips... Those rosy-red lips na parang isang prutas sa pagkakatamis ay hindi na yata niya pagsasawaan pang halikan. At naalala pa niya kung paanong halos madurog iyon sa mismong mga labi niya.

Naramdaman niya ang mabilis na pagre-react ng sariling katawan sa iniisip.

F*ck! Mabilis niyang mura sa sarili at tinitigang mabuti ang babae.

Sinusundan ba siya nito? Naririto ba ito para pagbayaran ang pagkakasabit sa kanya, dahil hindi naman niya ito napakinabangan?

Naniningkit ang mga matang tinitigan niya ang babae ng maalala iyon. “What are you doing here?” tiim-bagang na tanong niya rito. Nasa mga mata niya ang tinitimping galit para sa babaeng kaharap.

Bahagya itong napaatras na tila nakakita ng multo at naputulan ng dila. Hindi ito makasagot.

“I said, what are you doing here?” ulit niya sa tanong na iyon kanina sa mas malakas na tinig na ikinapitlag nito.

Dahan-dahang nagyuko ng ulo ang babae. “D-dito po ako nagtatrabaho…” paanas na tugon nito.

“Anong sinabi mo?” aniya na halos magdikit na ang ang mga kilay sa pagsasalubong noon. Hindi niya naiintindihan ang sinasabi ng babaeng ito.

Nilingon siya nito at sa nag-aalangang tinig ay muling sumagot. “Maid po ako dito,” anito.

Napababa siya ng sasakyan ng wala sa oras at ibinagsak ang pintuan noon na halos ikahimatay ng babae. Dali-daling siyang pumasok sa loob ng kanilang bahay at kaagad na hinanap ang ina.

“Oh, hijo, naririto ka na pala.” Nakangiting bati sa kanya ng kanyang ina.

“Mama, sino na naman ang bagong katulong na ipinasok mo dito? Where did you met her? Dumaan ba siya sa agency na kinukuhanan mo?” madilim ang mukhang sunod-sunod na tanong niya dito.

Bahagyang napataas ang kilay ng kanyang mama sa mga tanong niya. “Oh, you’ve met her?” ganting tanong nito na mas lalo niyang ikinainis.

“I am asking you Mama.” Malumanay na tugon niya sa tinitimping inis. Bakit ba hindi na lang siya sagutin nito?

Gusto niyang malaman kung paanong napasok ang babaeng iyon dito sa pamamahay nila.

“She’s Liana. Recommended siya ni Perla, iyong masahista ko.” Maikling tugon ng kanyang ina habang nakangiti.

“Recommended by your what Mama?” Ang hindi makapaniwalang tanong niya rito sa napalakas na tinig? Kailan pa ito naging ganoon kakampante sa mga kinukuhang kasama nila sa bahay.

“Are you questioning me now, ha, Henry?” seryosong tanong nito. Mukhang hindi nito nagustuhan ang tono ng pananalita niya.

Ilang beses na huminga ng malalim si Henry pagkatapos ay nilingon ang babaeng pinag-uusapan nila. Nasa gilid ito ng malaking main door habang nakayuko ang ulo.

Sinundan naman ng ina ang kanyang tinitingnan at napangiti ito. “Liana… come here. Ipapakilala ko sa ‘yo ang anak ko,” magiliw na tawag nito sa babae na mas lalong ikinapagtaka ni Henry.

Her mother didn’t trust anyone so easily, lalo na kung kakikilala lang nito. But, this woman, she’s different. Mabilis nitong nakuha ang loob ng kanyang ina.

Marahan namang lumapit sa kanila ang babaeng tinawag nitong Liana. Iwas na iwas ang mga mata nito sa kanya.

“Liana, this is Henry. Henry, this Liana. Siya ang bago nating makakasama dito sa bahay.” Pormal na pagpapakilala sa kanila ng kanyang mama.

Naniningkit ang mga matang tiningnan niya ang babae. Hindi naman ito makatingin ng deretso sa kanya.

“M-Ma… magandang hapon po, Sir.” Anito sa nanginginig na tinig.

Sa halip na sagutin ay tinalikuran niya lang ito at dere-deretsong umakyat sa kanyang kwarto. Pagdating doon ay malakas niyang isinara ang pinto.

Nagpapaunawang tiningnan ni Mrs. Enriquez si Liana na bahagyang napapitlag sa narinig na kalabog sa itaas.

“Pagpasensyahan mo na ang anak kong iyon. Hindi naman talaga ganoon kagaspang ang ugali niya,” anito.

Tumango si Liana at pilit na nginitian ang matandang babae. Hindi siya makaimik dahil kanina pa naninikip ang dibdib niya.

Pilit niyang itinatago dito ang takot na kanina pa nararamdaman. Pero pakiramdam niya anumang sandali ay bibigay ang mga tuhod niya.

Hindi niya akalaing sa maikling panahon ay muli silang magkikita ng lalaking iyon. Kung pwede nga lang umuwi na lang siya ay ginawa na niya. Ngunit, nakautang na siya kay Mrs. Enriquez at ayaw naman niyang ipahiya si Aling Perla dito.

Bukod doon, nahihinuha naman niyang mabait ang inang ito ni Henry. Hindi kagaya ng lalaki iyon na lagi yatang galit at parang pasan-pasan ang mundo.

**

Nang makapagpalit ng uniporme si Liana, mabilis ang kanyang mga kilos na nagtungo sa kusina. Hapunan na ng kanilang mga amo at ang sabi sa kanya ng mga kasama niyang sina Anji at Jam, dapat ay naroroon daw sila para madaling tawagan kung saka-sakali.

Naabutan niyang naghahayin na ang dalawa. Si Anji ang siyang pinaka-cook doon habang si Jam naman ang labandera. Hindi nagkakalayo ang edad ng mga ito at parehong may mga pamilya na rin. Kaya’t nagulat ang mga ito ng malamang twenty-one pa lang siya.

Tinulungan niya ang mga ito at maya-maya pa, bumaba na ang mag-ina. Tahimik lang na naghapunan ang mga ito.

Kwento ng dalawa sadya daw ganoon ang mga ito. Mabait daw si Mrs. Enriquez at nuknukan naman daw ng sungit si Henry.

Pero salaysay ng pinakamatagal na doong si Jam, hindi naman daw ganoon si Henry dati. Katunayan nga daw ay napakabait nito.

Nang tanungin ni Anji kung anong nangyari, hindi na sumagot si Jam. Hindi na ito nag-detalye pa ng mga nangyari noon dahil personal na buhay daw ng amo nila ang pinag-uusapan nila.

Napaisip naman si Liana. Ano nga kayang nangyari noon na nakapagpabago kay Henry? Gwapo pa naman sana ito kaso hindi naman ito marunong ngumiti.

“Hoy!” panggugulat ni Anji sa kanya. “Ang lalim yata ng inisip mo d’yan,” anito.

Kiming ngumiti siya dito. “Wala naman,” aniya.

Mataman siya nitong tinitigan ng biglang dumating si Jam.

“Liana tawag ka ni Sir Henry,” anito na ikinawala ng kulay ng mukha niya.

Nagtatakang nagkatinginan ang dalawa ni Jam at Anji. Pagkatapos ay nagtatanong ang mga matang tinitigan siya.

“P-Pasensya na kayo… Medyo hindi pa ako sanay sa ganito, kaya madali akong kabahan.” Pagsisinungaling niya sa mga ito. “Bakit daw?” tanong pa niya kay Jam.

“Ewan ko… Hindi ko alam,” tugon nito kasabay ng pagkikibit-balikat.

Napabuntong-hininga siya. “Nasaan siya?” tanong niyang muli kay Jam.

“Nasa library. Puntahan mo na lang.”

Tumango siya dito at iniwan na sa kusina ang dalawa.

Mabagal ang mga naging paghakbang niya papunta sa library. Ang mga kamay na magkasag-op sa kanyang harapan ay nag-uumpisa ng mamawis. Kinakabahan siya ng todo. Ano kayang sasabihin nito sa kanya?

Matagal na sandali siyang tumayo sa harapan ng pintuan ng library ng marating iyon. Kumatok-dili siya doon. Ang kanyang dibdib ay tinatambol ng husto na halos hindi na siya makahinga pa.

“Huh! Kaya mo ‘to Liana,” bulong niya sa sarili kasabay ng sunod-sunod na paghugot ng hininga.

Tumitig muna siya sa nakasarang pinto bago kumatok doon.

“Come in.” Anang buong-buong tinig ni Henry.

Marahang pinihit ni Liana ang seradura at mabagal na ibinukas iyon. Nakita niyang nakaupo sa likuran ng lamesa si Henry habang may hawak na mga papel sa kamay nito at abala sa pagbabasa niyon.

“S-Sir… ipinatatawag niyo daw ho ako?” nauutal na tanong niya dito.

Nag-angat ito ng ulo. Pigil na pigil naman ni Liana ang kanyang paghinga habang nakatingin dito.

Tumayo si Henry at lumapit sa kanya. Nang nasa harap na niya ito ay bigla itong yumukod kaya’t mabilis niyang ipinikit ang mga mata.

Ilang segundo rin siya sa ganoong posisyon ng maramdaman ang kamay ni Henry na humawak din sa seradura na hindi pa rin pala niya binibitawan hanggang ng mga sandaling iyon. Mabilis nitong isinara ang pinto at pagkuwa’y bumalik muli sa lamesa.

Unti-unti niyang iminulat ang mga mata at sinalubong iyon ng nang-uuyam na tingin ni Henry.

“Hindi ko alam na may pagnanasa ka pala sa akin Liana,” anito at pagak na tumawa.

Nanlalaki ang kanyang mga matang napatitig sa mukha nito. She wanted to shout at him kung hindi lang niya naalalang boss niya rin ito.

“Hindi ko alam ang sinasabi ninyo, Sir.” Pagdiriin niya sa huling salita.

Naging mabalasik ang anyo ni Henry. “Bilib din naman nga ako sa ‘yo. Nagbebenta ka ng laman pero parang ang taas-taas ng tingin mo sa sarili mo,” panunuya nito sa kanya.

Ikinuyom niya ang dalawang palad sa tagiliran. “Kung wala na ho kayong ibang sasabihin, babalik na ho ako sa trabaho.” Aniya sa maigting na tinig.

Lalong dumilim ang anyo ni Henry. “At sinong may sabi sa iyong tapos na akong magsalita? Hindi pa ako nag-uumpisa Liana,” aniya at tumayo. Lumakad itong muli papalapit sa kanya.

Napaatras si Liana sa may pintuan. Kakaiba ang nakikita niya sa mga mata ng lalaki. Nag-aapoy iyon.

“Ayoko sa lahat ay ang pinangungunahan ako.” Anito sa nagngangalit na mga bagang. “Katulong ka lang dito kaya natural na sumunod ka sa mga ipinag-uutos sa ‘yo. At kung hindi pa kita dini-dismiss, ibig sabihin ‘non hindi pa ako tapos magsalita. Kaya huwag kang bastos.” Mariing wika nito.

Nakaramdam naman ng panliliit sa kanyang sarili si Liana dahil sa panlalait na iyon ni Henry. Kulang na lang sabihin nitong hampas-lupa siya na walang karapatang tumanggi dito.

Blangko ang mga matang sinalubong niya ang mga tingin nito. Walang mangyayari kung makikipagmatigasan siya dito, dahil siya lang ang talo sa huli.

“Ano pa ho bang sasabihin ninyo?” tanong niya dito.

Namulsa muna ito bago sumagot. “I have rules here at gustong kong malaman mo iyon. Una, ayokong nakakarinig ng ingay kapag naririto ako sa bahay. I am still working when I am here. Pangalawa, I don’t take no as an answer. Kung ano ang sinabi ko iyon ang susundin mo. At pangatlo, bawal ang kahit na sino na pumasok sa kwarto ko ng walang pahintulot mula sa akin. Nagkakaintindihan ba tayo?” mahabang wika nito.

Tumango naman si Liana.

“Pinagbigyan ko lang si Mama kanina, pero ito ang i*****k mo d'yan sa isip mo…” anito at pinakatitigan siyang mabuti. “Marunong akong maningil. And you only have one chance, Liana. Kapag nagkamali kang muli, you’ll be out of my house.”

At pagkasabi noon ay tinalikuran na siya nito at muling binalikan ang ginagawa kanina. Ni hindi na nito nilingon ang namumutlang si Liana.

Laglag ang mga balikat ng dalaga na lumabas ng silid na iyon. Hindi na niya napansin ang paghabol ni Henry ng kakaibang tingin sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status