Share

Chapter 39

“Henry, hijo…” anang kanyang mama ng silipin siya nito sa library.

May tinatapos pa siyang trabaho kaya doon na siya tumuloy pagkatapos nilang maghapunan.

“Yes, Mama.” Aniya ng hindi ito nililingon.

“Can I talked to you?” tanong nito ng makalapit sa kanya.

“Sure. What is it?” at noon lang nilingon ang ina. Sinalubong niya ang mga mata nito. She looked so bothered and worried na ikinapagtaka niya.

“I saw this today,” anito at inilahad sa kanyang harapan ang isang pahayagan na hindi niya agad napuna. Nasa front page noon ang mga mukha nila ni Liana.

“May kailangan ba akong malaman tungkol sa inyo ni Liana?” nang-aarok ang mga matang tanong nito.

Sumandal siya sa kanyang upuan. “You already saw it Mama. Ano pa bang kailangan kong ipaliwanag sa iyo?” tinatamad na tugon niya.

He knew that after yesterday, malalagay sa mga pahayagan ang pangalan niya at alam niyang mababasa nito iyon. Kanina pa dapat niya inaasahan ang komprontasyon ng ina, but she controlled herself from doing so.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status