Share

Kabanata 02

MC.

"So tell me na, 'te." Aspen shaked my shoulders. "What's the score between you and Aziel?"

Napatigil ako sa tanong niya, ever since that incident on how Azi told me such comforting words ay iba na tuloy ang nararamdaman ko tuwing nakikita o naririnig man lang ang pangalan niya. Gosh, and that staring contest we had!

I shook my head to shake off the thought. That was probably because it was my first time hearing it from a stranger.

"Wala nga, dapat ba meron?" Sarkastikong tanong ko sa kanya, inirapan niya ako.

"Kasi naman, tingnan mo nga at pati sa building nila ay umabot ang chismis na may something daw sa inyo."

Kumunot ang noo ko. "Where did you get that?"

"Nung time na sinundo ka niya sa room! Naging issue kaya 'yon," she said.

Hindi ko nalang siya sinagot dahil ayaw ko nang lumalim pa ang usapan, baka naman saan pa mapunta.

But she was pretty persistent.

"So ano nga?" Pangungulit niya pa. How I wish Sienna was here, magaling kasi iyon mag-iba ng topic. Paniguradong tungkol sa mga lalaki ang pag-uusapan niyon. Mas mabuti na siguro iyon, kaysa naman itong si Aspen na puro Aziel ang bukambibig.

"I don't know, alright? Hindi ko din alam." I answered based on what I felt during that time.

He might be. Or not. Time will only tell.

Ipinilig kong muli ang ulo para tanggalin ang ibang bagay na pumapasok sa isipan ko. Ano na naman ba 'tong iniisip ko?

"Huy, pero alam mo, simula nung makita ko kayong magkasama, naging ship ko na kayo." Singit muli ni Aspen na akala ko'y tapos na sa pang-aasar.

"Gaga."

"Seryoso! Kasi ang astig niyo tingnan, tipong isang tingin mo lang sa inyong dalawa na magkasama," she sighed dreamily. Para bang may inaalala siyang tanawin. The sight was probably me together with Aziel. "Grabe! The power it holds!"

Umiling-iling nalang ako sa mga pinagsasasabi ni Aspen. Bahala siya sa buhay niya, basta ako, hindi ko nakalimutan ang assignment ni Prof. Jim.

"Hoy, putangina!" Natatarantang pumasok si Sienna sa room. "May assignment?!"

"Ha?!" Agad tumayo si Aspen para kausapin si Sienna ng maayos. Matapos ang ilang minutong palitan ng salita ay sabay silang napatingin sa 'kin.

I rolled my eyes at them and gave them my notebook that contained my assignment. Binigyan nila ako kaagad ng matamis na ngiti.

"Guys," pumasok si Lev sa room namin. "Pinapatawag tayo sa quadrangle. May announcement raw."

The whole class grunted. Especially the two girls beside me.

"Aba gago," Aspen glared at Lev. "Ngayon pa nagsabi na tapos ko na tuloy kopyahin ang assignment ni Meriah! Nagsabi man lang sana kaagad para bukas ko na 'to gagawin!" Pagpaparinig niya.

Sinegundahan siya ni Sienna na nagpaparinig din kay Lev. "Talaga lang, ha! If I know, sinadya iyon."

Napailing nalang ako sa pagmamaktol nilang dalawa at sabay silang hinila papuntang quadrangle.

Puno ng reklamo ang mga kaklase ko habang papunta sa plaza, dala-dala ang tig-iisang upuan.

"Tangina, ang init ng Pilipinas pero mas hot ako!"

Napa-irap nalang ako sa sinabi ni KL, wala talagang araw na hindi siya nag-e-extra. Kasalukuyan siyang nagdadala ng dalawang upuan, isa sa kanya at isa sa classmate namin na may hika at hindi puwedeng magbuhat ng mabibigat, lalo na't sobrang init ng panahon.

Hindi ko tuloy alam kung gentleman ba si Kalen o nagpapakitang gilas lang talaga siya sa lakas niya. Iba kasi ang mga sinasabi niya sa ginagawa niya e.

"Alam mo, Kalen," sumingit ako. "Ang sabi literal na upuan ang dalhin sa plaza. Hindi ang magbuhat ng sariling bangko."

Nagsimula iyon ng tawanan at asaran sa klase, panandalian nawala ang init sa kanila. I saw how KL glared at me because of what I've said pero nginisihan ko lang siya bilang ganti.

Nang dumating kami sa plaza ay para kaming hinahanda at binigyan ng second-hand experience kung sakaling may plano silang lutuin kami. Bakit ba kasi ang init?

What's more annoying was that, the announcement got postponed the very last moment may dahil nasira daw sa sound system. Of course, we'll have to wait.

I kept on sighing because of the heat, buti na nga lang at may upuan. Kung hindi, ewan ko nalang. Pinagpawisan na ako ng sobra, wala pa akong payong at naiwan ko pa ang tumbler ko sa room!

Hindi ko rin alam kung nasaan sina Aspen at Sienna dahil kusa nalang kaming nagkawatak-watak sa oras na dumating kami sa quadrangle. Tuloy ay humalo na ako sa mga estudyante sa ibang strand.

Iniisip kong bumalik muna sa room para manlang mawalay panandalian sa init dito at makuha ang tumbler ko. Akmang tatayo na ako upang magpaalam kay Lev na nasa unahan, but I halted when I sensed someone sat beside the vacant chair beside me.

"Mawawalan ka ng puwesto 'pag babalik ka pa ng room," Aziel said. He was smiling when I turned to him.

Napabuntonghininga ako. He's right, ayoko naman mapunta sa likod pagkatapos, dahil bukod sa walang mga upuan do'n ay hindi pa maayos na naririnig ang nagsasalita sa stage.

"Here," he handed me two packs of cloud nine and a bottle of C2. Nang hindi ko kunin 'yon ay mas nilapit niya pa sa'kin.

Wala akong nagawa kun'di ang kunin iyon dahil nakakahiya naman at baka mangalay siya. The moment I took it, he opened his umbrella for the two of us. Open space ang quadrangle kaya talagang nababad na kami sa init.

Magpapanggap na lang ba akong walang naririnig na bulungan o mahihiya ako ng sobra dahil sa dami ng mga matang nakatingin sa amin?

"Don't mind them," rinig kong bulong niya. Napansin niya ata ang pagkailang ko sa mga tumitingin.

"Galit ba 'yan sila sa akin o ship nila tayo?"

I heard his heartful laugh. "Ask them. I think it's fifty-fifty."

I don't know if fate was playing with me of what. Dumating sina Aspen at Sienna na may mga nakakalokong ngiti. Agad ko silang inirapan nang makita ang pang-aasar sa kanilang mukha.

"Hoy, Galvez, ano 'yan?" Kasama din nila si KL na nakangisi kahit na may marka ng sapatos sa puti niyang t-shirt. Napangiwi ako, ang hirap siguro iyon labhan.

"Nangyari sa'yo?" I asked him. Napatawa sina Aspen nang parang may naalala.

"Gago, sis, kinarate siya ni Ateng Kyce! Ang intense sana ng labanan, kaso dumating si Aguilar! Sayang!" Pagku-kuwento ni Sienna, maypa action pa siya ng karate kaya sinensyasan siya ng teacher na magbehave.

Nawala ang ngisi sa mukha ni KL at napalitan iyon ng inis, "Gago, 'wag mo i-mention pangalan niyan. Kumukulo dugo ko."

Napatawa kami, sinapak siya ni Aspen. "Ayan kasi, puro kagaguhan, hindi nalang umamin ng maayos. 'Pag ikaw, maunahan, tara shot puno."

Hindi na ako naki-chismis pa dahil nag-announce ang Student Council na maayos na daw ang sound system at magsisimula na raw.

Buong event ay tahimik at halatang wala sa mood si Kalen, habang ang dalawa kong kaibigan ay hindi na yata nakinig at inaasar lang kami ni Azi na hindi umalis sa tabi ko mula nung magsimula.

Tinawag nga siya nung kaibigan niya na sa tingin ko ay isa ring basketball player, pero nang makita na magkasama kami ay hinayaan lang siya nito.

Hindi ko din alam kung anong trip nito, and even if I would try stop him, hindi ko alam kung makikinig ba kaya hinayaan ko nalang.

Tinapos nila ang announcement sa pagpapakilala sa aming mga participants sa quiz bee. Nagulat pa ako dahil pinaakyat kami sa stage.

"Mr. Alvarez is the representative of ABM, while Ms. Lee is GAS'."

Pinakilala nila ang iba pang participants na galing sa ibang strand at kumaway ako nang makita si Constance, one of my friend.

"Mr. Galvez is from STEM, and Ms. Mendoza from HUMSS." ani Professor Jim na siyang announcer.

Pinaakyat nila kami sa maliit ng stage na nasa kaliwang bahagi ng quadrangle upang ipakilala kami sa mga estudyante. Iba't-ibang cheers ang natanggap namin mula sa iba't-ibang strand.

"There are so many things to explain about this quiz bee but it would take much of our time if we explain to you. So, instead, please just welcome our contenders!" Litanya ni Professor Jim.

Napuno ng palakpakan ang quadrangle.

"Ship ko 'yan, MCiel!" Narinig kong sigaw ng isang junior na studyante. Napakunot tuloy ang noo ko sa narinig, MCiel? Sa sobrang lakas kasi nito ay halos buong crowd ang nakarinig. Ang iba pa nga sa sumegunda nito ay galing sa strand ko kaya nagtaka ako.

"Taray, may ship name." Rinig kong bulong ni CE sa akin nang magkatabi kami. CE or Constance Ellery Lee was one of my few girl friends in this school, maliban kina Aspen.

Madalas kaming magkasama at magkagrupo kapag may mga contests noon kaya't naging close kami. Our personalities and mindset were almost similar so the both of us immediately clicked.

Although CE spends more of her time alone, and we also had different buildings considering the differences of our strand kaya't hindi kami masyadong nakakapag-usap.

"Ha?"

"Hatdog. Sabi ko sana all may ship name," sabi niya.

My forehead knotted even more. "What do you even mean?" I knew what ship name was, I wasn't that ignorant but it still confuses me.

"MCiel, MC and Aziel."

Napaawang ang labi ko. 'Yun pala 'yon? Hindi ko napigilan ang pagpula ng aking mukha. Mabuti nalang at magkahiwalay kami ng upuan nina Aziel at nakapokus ang lahat sa atesnyon ng announcer.

"Gaga." Tanging nasabi ko, hindi mawala ang pang-aasar sa mga ngiti ni CE kaya napairap ako. Tuloy ay hindi ko alam kung bakit naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. Tinampal ko ito nang mawala.

Tumingin ako sa kila Seven na ngayon ay tumatawa kasama si Aziel, "Ship ko rin kayo." I pouted my lips towards Seven, nakita ko ang pamumula rin ng mukha niya kaya't hindi ko napigilan ang aking tawa.

"Nang-aasar ka pa, ikaw nga 'tong kinikilig." I told her, inirapan niya ako bilang sagot.

Ngunit agad ding nawala ang ngiti ko nang mapansin ang malulungkot at nanghihinayang niyang mga mata na ngayon ay naka'y Seven nakatingin.

"Why?" I didn't had to ask what happened.

Napangiti siya ng mapait at umiling, "Wala."

Inungusan ko siya, "Bakit nga?"

Umiling siya ng ilang ulit. Pagkatapos ay lumabi siya. "Out of league," she whispered.

Napatigil ako. As far as I knew, Seven was born with a golden spoon in his mouth. Kung tutuusin ay halos magkaparehas lang sila ni Aziel sa larangan ng pagiging kilala dito sa school. While Constance was just a simple girl, I would say. Napabuntong hininga ako. Totoo ngang isa sa mga hadlang sa pag-ibig ay ang aspeto sa buhay.

Ngumiti nalang ako kay CE, "Okay lang 'yan."

If they were destined for each other, even your level and league won't be a nuisance for your love.

Natapos ang announcement at bumalik ako sa mga kaibigan ko, matapos din magpaalam kina CE at Seven, pansin ko ang pagka-ilang ni CE kay Seven habang ang huli naman ay masyadong comportable sa kanya.

"Let's go?"

Napakunot ang noo ko kay Azi nang magtanong siya. Wala naman akong sinabing magkakasama kami, ah? Nakisiksik lang naman siya kanina, akala ko ay aalis din siya pagkatapos noon.

"Ha?"

He showed me his perfect teeth by smiling, "You say that word a lot. Palagi kong napapansin." He told me. Ngayon ko lang din na-realize na totoo nga.

"Saan ba tayo?" Tanong ko sa kanya.

"Lunch?"

"Kasama ko mga kaibigan ko—"

Saktong dumating sina Aspen. "Ay, Galvez, sama ka?"

Parang naging close agad sila sa maliit lang na panahon na 'yon. Extroverts, I should say. I would really never.

Hindi ko alam kung ano'ng nangyari pagkatapos, basta ay napilit nila akong sumama maglunch at buong isang oras na iyon ay napuno ng asaran ang table namin.

Ship name, huh? Hindi pa nga ako nagkakagusto sa kanya. Ang advance naman.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status