Share

Kabanata 24.2

Papunta sa bahay nina Osmond ay nagtatanong-tanong si mommy tungkol kay Osmond at sa kambal. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol sa pagta-trabaho ko, siguro ay sa ibamg araw ko na lang bubuksan ang topic na iyon kapag nagtanong na siya. Ayaw ko kasing makitang malungkot si mommy, I know she will not like the jobs that I get. 

Nang makababa ako sa harap ng subdivision nila ay nakasalubong ko ang pagbaba ni Osmond sa isang kotse. Nakita ko pa sa harapan no‘n si Oliver na tinanguan lamang ako. 

“Nandito ka,” gulat niyang saad. 

Ngumiti ako. Naka-simpleng t-shirt at pantalon lang siya. Kahit mukhang stress dahil sa itim sa ilalim ng mga mata ay gwapo pa rin talaga. 

“Alam ko naman kasing ‘di ko na maabutan iyong sa hearing kaya dumiretso na ako sa inyo.”

Nakikita ko na ang pag-akyat nang gilid ng labi ni Osmond. Pangiti na sana siya nang tumikhim si mommy. 
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status