Share

Kabanata 3

I woke up feeling heavy. Ang ulo ko ay kumikirot. Paulit-ulit na pumipintig. Ang bigat ng talukap ng mga mata ko. Ayaw ko pa ring bumangon. 

Ano ba ang nangyari kagabi? 

I looked around and noticed that everything is different. The ceiling is white, the wallpaper is grey with a little pattern of dandelion, the bed is soft and bouncy... just like what I have before... way back home. I am still in the process of taking in my surroundings when I remember where I should be right now. 

I gasp and look at my clothes. Ang mga alaala mula kagabi ay bumabalik sa akin. Iyong lalaki! I can‘t see his face from my memory. It‘s a blur. Siya siguro ang nag-dala sa akin dito. Hindi ito ang dorm ko. 

Ano ba ang iba pang nangyari at umabot ako sa kwartong ‘to? 

I heave a sigh. “I am fine. I am fine,” I remind myself. Wala namang masakit sa akin. Maayos ang pakiramdam ko maliban lamang sa ulo.

Ilan ba ang nainom ko? Parang hindi naman gano‘n kadami. Did I become drunk? Some happenings last night are still vague. 

Pagkatapos kong kausapin siya? Ano ang sumunod na nangyari? Did I come with a different man?! 

Dahan-dahan akong tumayo sa kama. Medyo nahirapan akong balansehin ang sarili dahil talagang medyo nahihilo pa ako. I am confused and scared. Parang gusto kong tumalon sa bintana na malapit sa akin. 

Hindi gano‘n kaliwanag ang hallway nila dahil patay ang ilaw. Neutral ang kulay ng dingding hanggang sa umabot akong sala. Mayroong painting at ilang litrato roon. Ang sofa ay pang average family size, kasya ang tatlo at mayroong dalawang one-seater sofa sa magkabilang dako. Hindi ko maiwasang maalala ang family room namin noon. Parang ganito rin iyon. May flat screen sa harap kung saan kami nagmu-movie marathon nina mommy at minsan ng mga pinsan ko. May mattress sa lapag namin para makahiga sila at magkasya kami. 

Ang gandang alalahanin nang mga panahong ‘yon. It was like seeing my family again in this room. I smile. 

“Buti at gising ka na.”

Napaatras ako sa boses na narinig. I remember his face now... iyong lalaki kagabi. He is also the same man that is in front of me. He is wearing a white shirt and... boxers short. 

Bahay niya ba ‘to? 

Mukha siyang iritado. Todo ang simangot. “Anong ginagawa mo?” tanong niya, nakasulyap siya sa tinitignan kong tv. 

Hindi ko pinansin ang tanong niya at ang simangot na suot. Kahit na mayro‘n din akong hiyang nararamdaman ay hinarap ko pa rin siya. “B-bakit.. mo ‘ko dinala sa bahay mo? Alam mo naman na roon ako nagta-trabaho 'di ba? Saka.. ‘di ba? Walang.. walang nangyari.. na.. na kung ano?”

Parang mas lalo ko lang siyang ginalit. Mas lumapit ang kilay niya sa isa‘t isa. “Ni hindi ko nga alam ang pangalan mo! Saka pwede ka ng umuwi, dinala lang kita kasi ang kulit mo! Tsk!”

Ako? Makulit? I am always behaved and good. ‘Di ako gaanong nasasabihan ng ganyan dahil madalas ay tahimik lang ako. But from the way I acted last night I think… from the small pieces of memories I can remember, maybe I am. 

“Ang tanong ko lang naman ay kung may... kung anong nangyari. Like… inappropriate things… if ever there is— Wala ka naman sigurong ginawa ano? I mean— I-I look fine but… you are a stranger! Kung mayroon ka mang ginawa– kasi kung mayroon talagang tatawa–”

His eyebrows are in a line, he cut me off. “See?! Ang kulit mo!” He pinched the bridge of his nose. “Wala akong ginawa sa ‘yo. Wala akong kahit na anong interes sa ‘yo, maliwanag? I just bought you here because I don‘t want to guilt myself when I left you there.. the people in that place are not conservative, they are not familiar with the word respect. They might take advantage of you… dapat nga ay pinapasalamatan mo ako.”

Bumuntong hininga ako at marahang tumango. Ngayong wala nang alak sa sistema ko ay nawawalan na ako ng sasabihin, balot pa ang hiya sa akin. “Okay. Salamat kasi... hindi ka nag-take advantage and… uhm… wala naman akong ginawang masama ‘no? Hindi ko na kasi... maalala lahat.”

Nag-aalala kasi ako lalo na‘t iyon ang unang beses na nalasing ako. Kung siya ay walang ginawa, baka ako naman ang mayroon. 

“Di ba.. wala naman?” alinlangan kong tanong. 

He pinched his nose, but before he could pull out a word, a cry enveloped the house. 

Lumingon siya sa kusina. “Why did you even work there when you cannot handle seven shots,” he murmured. I didn‘t get it clearly. Napairap siya at saka ako tinignan. 

Umiling siya. “Walang kang ginawa. Sapat naman na siguro ‘yung idlip mo ‘no?”

Mas lumakas ang pag-palahaw na narinig ko. Kumunot ang noo ko at hinanap kung saan galing ang iyak. Malakas, maliit at matinis ang boses na iyon. Sinundan iyon ng isa pa. May hikbi na. Baby ba ang mga iyon? 

Nasa pinto siya ng kusina kaya hindi ko makita ng buo ang loob. Wala rin akong balak na pumasok dahil hindi ko naman ito bahay at gusto niya na rin akong umalis. 

“Umuwi ka na,” sabi niya at pumasok na sa kusina. 

Hindi ko alam ba‘t hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Pinanood ko ang pagpasok niya sa loob at doon ay nakita kong kinuha niya ang isang baby na nakasuot ng pink na onesie papunta sa braso niya. Gano‘n din ang isa ngunit ito naman ay naka kulay blue. They are twins. 

Hindi natigil ang iyak ng dalawa kahit na hinihele na sila ng tatay nila. Hindi ko maiwasang maawa at mapangiwi para sa kanya. Ang bigat ng dalawang iyan at mukhang pagod na pagod siya. Puyat siya kakainom kagabi. I think the two of us is still there at twelve midnight.

Puyat siya kakainom kagabi... tapos may iniiwan siyang anak? Sino naman kaya ang nag-alaga sa mga ‘yan? Arogante na nga iresponsable pa. 

I tilt my head. Naalala ko ang sinabi niya sa akin na... iniwan daw siya ng girlfriend niya? Or was it asawa? Pero kahit pa ano iyon ay iniwan siya nito kasama ang mga anak nila. Maybe he is really broken, but still... he should be more strong for his babies. Dapat ay ‘di na siya umiinom ‘pag gabi. 

Palakas nang palakas ang iyak nila kaya naman hindi ko na napigilan pang lumapit papunta sa direksyon niya. Napalingon naman siya at bumalik na naman ang kaninang ekspresyon: Inis. 

“Ba‘t nandito ka pa?! Sabi ko umalis ka na!”

Hindi ko na lamang pinansin ang pag-taas ng boses niya at kinuha ang baby na naka-blue na sa hindi inaasahan ay sumama sa akin. Umiiyak pa rin siya at humikhikbi pero nabawasan ito nang kumapit siya sa akin. 

“Tutulungan lang kita saglit. Timplahan mo na silang gatas baka gutom lang.” 

Sinubukan kong kuhanin ang isa pang baby sa braso niya pero nilayo niya iyon sa akin na mayroong masamang tingin. Salubong na salubong ang kilay niya na akala mo ay may balak akong iuwi ang anak niya. 

Tinaasan ko siyang kilay. “Bilis na!” matigas na sabi ko. 

Tumitig siya sa akin saglit bago tuluyang iniabot ang baby. They look lost, their eyes is like a puppy‘s who keeps wandering around to find its owner. They are cute. Malaki ang mata at bilugan na bilugan ang mga pisngi. 

Humina ang iyak nila at pawala na nang pawala ang hikbi habang inuugoy ko sila. Tama ako na masakit nga ito sa braso. Ang bigat nila. 

“You two are heavy 'no?” I like talking to babies a lot. We usually go to different orphanages before Christmas.

Ang dalawang sanggol na hawak ko ay natahimik at napatitig nang ilang saglit sa akin. Akala mo ay kinikilala nila akong dalawa sa mga titig nila. 

“Ilang buwan na sila?”

Mukhang nangingilala na ang dalawang ito at siguradong lalakas ang iyak nila pag na-realise nila na estranghero pala ang may hawak sa kanila. Sana lang ay huwag silang pumiglas sa akin. Sa bigat nila ay baka malaglag ko sila. 

“5 months. Magsi-six.”

“Wow. Parang mas malaki pa sila sa six months.”

Hindi siya sumagot so I tone down my excitement and just stare at the babies while making faces. Kahit wala silang reaksyon ay nawiwili ako. Their faces is just so adorable.

“Give them to me. Palalamigin na lang naman ang bote nila.”

Sinubukan kong burahin ang ngiti sa mukha ko habang inaabot sa kanya ang mga anak niya. “Bye-bye.” I gave them a small wave and a bright smile, hoping for a giggle in return but the twins just stare and put their thumb in their mouths. 

Nang mapatingin ako sa tatay nila ay nawala kaagad ang ngiti ko. Wala kasi siyang emosyon pero mukhang galit pa rin. Narinig ko siyang suminghal kaya naman kaagad na akong tumalikod sa kanila upang umalis. 

“Thank you ulit,” sabi ko habang papaalis na sa kusina. 

“Anong... pangalan mo?”

Medyo mahina ang pahabol na tanong niya kaya lumingon ako at tinasaan siyang kilay. Hindi siya nakatingin sa akin. 

“Anong pangalan mo?” magaspang at pabalang pa rin ang tanong kahit na binabaan na ang tono. Trying hard maging softie. 

“Dion.”

Alam kong may sasabihin pa siya kaya binagalan ko ang lakad kahit papuntang sala at hindi ako nagkamali dahil sa narinig na malalim na buntong hininga galing sa kanya. 

“Kumain ka na muna bago umalis. May gamot sa hangover dito.”

Ngumisi ako at mabilis na itinago iyon bago humarap sa kanya. I know he‘ll turn soft because of the babies. I do not have enough money right now so might as well take his offer. 

Mabilis akong naupo sa harap niya. Tinapay at hindi timpladong kape lamang ang nandoon. Tinignan ko siya upang hintayin ang sasabihin niya. 

Nakalapag na ang mga baby sa high chair nila. May laruan doon kaya naman nalilibang sila. 

Tinuro ng lalaki ang ref. “Kita mo ‘yang ref? Buksan mo tapos kumuha ka ng pagkain. Magluto ka kung gusto mo. Pero hindi pwede iyong matagal.”

“Okay,” I said with a pout. Mukhang nahihirapan siyang utuin ang mga baby sa pag-aliw sa kanila, binabato kasi ng dalawa iyong rattle. Hindi pa ata malamig ang gatas na tinimpla niya. 

“I will… cook for you too, is that okay?” tinanong ko lang siya dahil mukhang ayaw niya sa ibang tao para pakialaman siya. I don‘t want to be rude, this is his house. 

It took a while to get his reply, “Okay.”

And I don‘t know his name.. 

Naghahanap ako ng pagkakataon para magsalita. Tumikhim ako. “Ikaw? Anong... pangalan mo?”

“Osmond,” mahina niyang sagot. 

The babies were blubbering some nonsense in the background while I was cooking. Kumuha akong tatlong itlog. Pinagsama ko na ang mga ito at binate upang madami ang magawang scramble. This is awkward and feels wrong in some way, parang nanghihimasok kasi ako sa personal space niya at medyo naiinis pa rin ako dahil sa pagdala niya sa akin dito.

Hindi ko pa maalala ang lahat ng mga ginawa ko kagabi. I just hope that it‘s not that embarrassing. 

Ang kusina niya ay malawak at ang mga gamit ay kumpleto, pang-chef gano'n. Mukhang mahilig siyang magluto. Mayroon pang oven sa ibaba ng stove niya. 

Naramdaman ko siyang gumalaw sa gilid ko. Patapos na ako pero hindi ko magawang lingunin siya. Kinuha niya lang ang dalawang bote na nakababad sa isang mangkok at umalis na. 

I sigh and turn off the fire. Nilagay ko sa magkaibang plato ang itlog at kumuhang kanin. I don't usually want to eat in another person's house but I'll make this an exception since I really want to know what happened last night. 

“Here,” pagsabi ko no‘n ay kaagad na tumitig sa akin ang dalawang anghel na nakaupo sa baby chair. Kambal sila ngunit malaki pa rin ang kaibahan ng mukha. Mas kita mo ang kaibahan dahil sa layo nila sa akin. 

Nginitian ko ang dalawa at naupo na sa harap nila. 

“It looks like both of them like me.” I just said it to start a conversation. 

Napatingin siya sa akin. Ang mukha niya ay wala ng emosyon pero medyo iritado pa rin ang dating. I think it is because of his eyebrows. Makapal ito at walang gaanong kurba. Naaalala ko ang isang laro dahil sa itsura niyon, angry bird. 

He threw a small glance. “No. They just like your voice.”

I squint my eyes, I scowl. “Paano mo naman nasabi? Sa akin kaya sila nakatingin kanina pa.” It is true though. Hawak na nila ang bote nila pero ang mata ay nasa akin pa rin. 

“Your voice is exactly like their mom's.”

My eyes bug out a little. I look down and stab the egg with my fork. Para akong nahiya sa iginiit ko kanina. I really assumed though. Hindi naman pala talaga ako gusto. 

“Hindi nga?” Sinagot lang niya ng tingin ang tanong ko. 

Marami na akong na-encounter na baby. Nag-be-babysit din ako noon sa tuwing weekend lalo na kapag aalis ang tito at tita ko. Pupunta ako sa kanila para tulungan ang pinsan kong mag-alaga. Kahit doon pa lang ay parang nababasa ko na ang galaw ng ilang baby kaya akala ko gusto nila ako. 

“Bakit ‘di ka pa kumakain?” tanong ko nang mapansing hindi man lang nagalaw ang kutsara at tinidor niya. 

Saka ko lang napansin na roon lang siya sa mga anak niya nakatingin. Sulyap lang ang ibinigay niya sa akin. Parang iniiwasan niya ang mata ko. 

“Kapag ayaw na kasi nila ay binabato na nila ang bote.”

I nod. Mukhang inaabangan niya ngang gawin nila iyon. My cousin is also like that. Kung hindi niya idudura ang gatas ay ibabato niya ang bote. 

“Siguro... mahirap ‘yan ‛no?”

“Of course not,” he says with a lot of sarcasm. 

Inirapan ko siya. “Alam mo nakakainis ka.”

Umiling siya at tinignan ako. “Hindi. Ikaw alam mo bang nakakainis ka?”

Kinagat ko ang loob ng pisngi sa inis sa kanya pero nakuhang pa ring magsalita, “You know that I don‘t like you, right?”

His expression tells me that he doesn't really like me here. “Yeah. I've noticed.”

“Ganyan ka ba lagi makipagusap? Walang gana?” tanong ko. I am not obliging him to answer me with smiles. I just become curious. 

“Depende lang talaga sa kausap.”

In short ay hindi niya ako gustong kausap. Ayos lang naman iyon sa akin.

Ngumuso ako at hindi na siya pinansin. Ang sungit at bastos kausap. I just eat in silence for the past minutes and didn't mind the commotion that was happening in front of me. Ang kambal ay binato nga ang bote na siya namang sinalo niya. Kilalang-kilala niya ang mga anak. 

Bigla siyang nag-salita, “Alam mo… hindi ko alam kung bakit ka nagtrabaho sa ganoong lugar at... ganyang klaseng trabaho pa pero hindi bagay sa ‘yo. You are easily drunk.”

Pakiramdam ko ay dinidiktahan niya ako. “So?”

He shrug. “It‘s just a piece of advise. Baka kasi may mag-take advantage sa ‘yo sa lugar na iyon.”

Naisip ko na iyan habang dinadamdam ang sakit ng ulo ko kanina. Hindi gano‘n kadami ang nainom ko pero nakalimutan ko na ang nangyari kagabi at nagawa ko pang sumama sa isang estranghero. Hindi malayong mangyari ang sinabi niya na siyang kinakatakot ko rin. 

It's not really good pero hangga't wala pa kasi akong tawag na natatanggap ay kailangan ko pang mag-trabaho. Sayang ang araw lalo na‘t maayos din naman mag-bigay doon. 

Siguro ay maghahanap na lang ako ng paraan upang maiwasan ang pag-inom upang hindi ako malasing. 

“I know. I'll just look after myself...”

Suminghal siya. “Well, that's your choice.” I don‘t like the way he sounded. Parang akala niya ay lugi pa ako sa ganito. Kaya ko naman ang sarili ko. 

Ang baby na naka-pink sa harapan ko ay biglang umamba palapit sa akin. Inaabot niya ako gamit ang kamay at ang mata niya ay nagsusumamo. Nakanguso pa siya at nagsasalita ng kung anu-ano. 

Napatingin ako sa papa nila at pabalik sa baby. I miss my cousins so much. She reminds me of them.

“Pwede ba?” tanong ko. 

Hindi ko maintindihan ang reaksyon niya dahil sa ginawa ng baby niya. Medyo bumukas ang bibig niya doon at salubong na naman ang kilay. Marahan at mabagal ang tango niya para sa tanong ko.

Lumapit ako sa baby at kinuha na siya. “Hello, what's your name?”

Of course her father is the one who answered. “She's Oaklyn. You can call her Lili.”

“What a cute name..” Nilaro ko ang baba niya, kinurot ko iyon nang mahina na siyang kinahagikhik niya. Natutuwa ako sa reaksyon niya lalo pa't ‘di siya nahihiya sa akin kahit na gusto lang nila ako dahil naaalala nila ang mama nila sa boses ko. 

Umupo na ako pabalik sa aking upuan. “May kiliti ka dito, ha?” Nakakahawa ang tunog ng tawa niya. It's soft, free and full of bliss. Ang sarap talagang bumalik sa pagkabata. Kain at tulog lang. 

Nasa gitna kami ng kasiyahan namin ni Lili nang kuhanin siya ng daddy niya sa akin. Nagulat ako at medyo nasaktam sa paraan ng pagkuha niya. He should be more careful! Akala mo ay hindi niya anak ang kukuhanin. 

Nainis talaga ko doon lalo pa't namatay ang tawa ni Lili, pero tiningnan niya lang ako gamit ang malamig niyang mata. “Ubusin mo na 'yan para makaalis ka na..”

I stare at Lili who's looking at me while opening her hands for me. “Sana ay hindi mo na lang binigay sa akin si Lili kung gano‘n mo rin naman pala siya kukunin.” 

Tumaas ang kilay niya at iritadong nag-salita. “Hindi nasaktan ang anak ko. Kumain ka na lang diyan para makaalis ka na. Pakialamera.”

I look at him but refrain myself from answering. Bigla naman akong nahiya nang maalala na nakikikain lang ako kaya tumango na lang ako at mabilis nang kumain. Hindi ko na siya binalingan pa. Nagpakalasing ako at natulog sa bahay ng iba. If I am irritated to woke up here, maybe what he felt is higher than my irritation, he payed for the liquor that I drink, he let me sleep here and now I am alo eating. Of course he's beyond irritated.

Nag-madali na lang akong kumain. Baka nag-alala na rin sa akin si Porah. Hindi pala ako nag-paalam sa kanya. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status