Share

Kabanata 4

3 days have passed at wala pa rin akong natatanggap na tawag mula sa mga in-apply-an ko. 

Bumuntong hininga ako habang nag kukuyakoy sa upuan. Nasa harap ko si Porah at nasa nightclub kami. Iba nga lang ang itsura nito ngayon.

I need to continue working para makadagdag sa ipon ko. At kahit pa may alinlangan at takot ako nitong mga nakaraan ay naging maayos naman ang pagta-trabaho ko rito kahit papaano. 

Nasabi sa akin ni Porah na kapag umaga raw ay isang simpleng resto bar ito at mayroonng mga nagpe-perform na banda sa stage. Kapag gabi kasi ay mga dj ang nandoon. S-um-ide line muna ako rito dahil may sakit ang dalawa nilang waitress ngayon. 

Gano’n pa rin naman ang itsura ng nightclub, ang kaibahan lang ay walang kahit na anong ilaw ang mayroon dito bukod sa puti. Maliwanag din at mayroon nang mga nakalatag na mga mesa sa paligid. Mas maaliwas ang itsura nito. Mas maaliwalas at mas kita ang lawak ng nasabing nightclub. 

Mukhang close ni Porah ang may ari nitong Duo, dahil sa naalala ko noon ay ni hindi niya ako na-introduce sa boss namin at kaagad na lamang akong isinalang sa trabaho. 

“Talagang bang hindi gano‘n kadami kapag ganito?” Wala kasi kaming gano‘n kadaming customer, sobrang konti pa lang ang pumunta upang kumain. 

Tumango siya at humarap sa kakaunting tao na nagke-kwentuhan sa mga mesang bilugan sa gitna.

Tinignan ko siya, bahagya kong nilapit ang stool na inuupuan ko sa kanya. “Ah... Porah? If you didn‘t mind... sino ba ang boss natin talaga? Ba‘t parang.. . ikaw lang ang nag-ma-manage?”

Ilang gabi ko nang napapansin na laging siya ang nag-bibigay ng sweldo sa amin kada gabi. Siya ang nag-aabot at nag-bibilang, madalas din ay sa kanya lumalapit ang ilan naming kasama upang mag-tanong sa damit na susuotin at ilan pang bagay. 

She is like a manager in this place… although, she feels more superior.

She looked at me with a little surprise. “Hindi ko ba nasabi sa ‘yo?”

Hindi ako siguradong umiling. I don‘t even know what she‘s referring to. 

Kumunot ang noo niya. “Isang taon ka naman na nangungupahan doon sa dorm ni Aling Marta ‘di ba?”

“Oo...” Tumango ako. 

She look at me in disbelief and shakes her head. Parang gusto niyang matawa, nagpipigil lang sa maliit niyang pag nguso. “Ako ang may-ari nito. Pamana ng namatay kong magulang.”

I slowly nodded, digesting the information she said. So, kaya siya nasasabihan na siya ay requiter ay dahil siya ang may ari? Kaya wala siyang pinakilala sa akin na manager o boss ay dahil siya rin iyon. Kaya pala mukhang takot sa kanya ang ilang babae rito. 

Hindi nga lang niya ito nasabi kaagad sa akin. Kaya siguro naging mailap sa akin ang ilang katrabaho dahil sa pagiging malapit namin ni Porah sa isa‘t isa. 

I scratch my head. Dahil sa pagtulong sa akin ni Porah ay itinuturing ko na siyang kaibigan ko at ayaw ko siyang ma-offend pero may isa pang bumabagabag sa akin. Gusto ko kasing mas kilalanin pa ang taong nag-pasok sa akin upang mas malaman kung ano ba talaga ang kapasidad ng mga trabaho rito sa Duo. 

“Totoo ba na... ah... nagre-recruit ka raw ng mga... ah... like yung nagbe-benta ng katawan?”

I haven‘t heard anything from my co-workers about this issue yet. It‘s just that… most of them were… somewhat wild for me… I have seen a lot of them make out with a customer and even let their hands wander everywhere… It is fine by me as long as it is done with full consent. The rumors get back to me after that… the thoughts make me uncomfortable. Sexworkers are illegal in the Philippines.

Ngumisi siya. “Mga pokpok?” she asks with a tone of confirmation then laugh lowly. “Nanay ko ‘yon. ‘Yon nga ang dahilan kung bakit nabuo ako... kaya ‘di ko gagawin ang bagay na iyon. Ayaw kong may matulad sa akin na nabuo lang din sa kalandian. Gagawin lang nilang walang kwenta ang buhay ng bata.”

Napaawang ang bibig ko at napaiwas ng tingin sa kanya. I am shock with her choice of words. Naging insensitive siguro ako roon para maging ganito ang reaksyon niya. Alam kong mayroong problema si Porah pero parang wala naman kasi ako sa tamang posisyon upang tanungin siya tungkol do‘n. 

 “I‘m sorry.”

“Ba‘t ka nag-sosorry?” Suminghal siya at napailing. “Pero kung may narinig ka nang ganon sa ‘kin… ba‘t sumama ka pa rin?”

“Kasi masamang husgahan ka eh 'di naman kita kilala. Saka... mukha ka namang mabait.” I give her a genuine smile. 

Tumaas ang kilay niya at napangiti nang malaki. “Wow! First time!” aniya na nakatawa. “Pero para sabihin ko sa ‘yo ng diretso. Hindi, Dion… hindi ako mabait.”

Nakitawa ako sa kanya. Pakiramdam ko ay gumaan ang loob ko nang maging malapit kami ni Porah. I always feel sad. Empty. I've been feeling homesick no matter how many months I have been away. I always miss our home. The coziness, the scent and warmth everytime I enter our door. When I am at home, I feel like I‘m inside a cave full of pillows. And even though I always feel like they don‘t really take me seriously and they just ignore my series of stories and feelings— it‘s still home. It is where I always feel I belong.

“Ikaw? Parang wala kang ka-close roon sa dorm? Trip na trip mo ang pagiging lonely ‘no?” biglang saad niya. 

Wala pa ring pumapasok na tao kaya sa tingin ko ay ayos lang na pahabain ang usapan namin. 

“Hindi naman. Maybe because... I am not used to... this kind of environment,” I told her, unsure how to explain.

Tumango siya. “Mayaman ka talaga ‘no?”

Hindi ko talaga alam kung paano sasabihin ang estado ko. Lagi iyang natatanong mula bata pa ako pero lagi ko ring naiisip na hindi naman sa akin ang kung anong mayroon ang mga magulang ko. Sila ang nag-pakahirap no‘n eh, hindi ko alam kung dapat din ba akong maki-claim sa kung anong mayroon sila gayong wala naman akong naidulot para mapalago iyon. 

“Hindi naman talaga,” medyo mahabang lintanya ko dahil ‘di sigurado kung dapat ko bang sabihin. “Sa mga magulang ko naman kasi ang mga iyon.”

Tumango siya. “So, lumayas ka? Para may mapatunayan?” Naghalumbaba siya. 

Napaiwas aoo ng tingin at napakagat sa labi. Nag-init ang pisngi ko at napakibit balikat na lang sa sinabi niya. Parang kilalang-kilala kiya ako. Nababasa sa mga tingin. 

I felt uncomfortable with that, I just don‘t like it when people can read me. 

“Parang... gano‘n na nga.” I don‘t really want to talk about it… hindi ko pa nao-open up ang bagay na ito sa kahit na sino mula nang naglayas ako. It just brings me a different feeling of sickness under my stomach. The guilt from running away, the fear that envelops me knowing that I do not have any family to rely on and the pain that still lingers in my heart… the pain why I run away. All of it stayed with me through my lonely days. 

Tumikhim ako. “I do not really like to talk about it that much… saka… yeah, lumayas ako… para may mapatunayan.”

Her eyes shows interes, lumapit siya sa akin. “Eh ‘di mayaman ka talaga?”

I scratched my head. “Well… you can say that if I am still there… but… like I have said, that luxury didn‘t come from me. It‘s theirs.” And I am here… trying to test my limitations to start my own different path of luxury. 

“Alam mo... minsan ka lang maging maswerte sa buhay. Hindi lahat nakakaranas ng karangyaan. Kung ako ang papipiliin sa magiging sunod na buhay ko ay mas gusto kong nasa posisyon mo. If I have that kind of money... I would be the happiest.” Nakikita ko ang kintab sa mga mata niya habang nakatanaw sa malayo. Hindi siya nakangiti pero masaya ang mga mata niya, she looks like she's dreaming. “Pera ang batayan sa buhay… you wouldn‘t live without it… saka kung iisipin, wala ka rito at nagta-trabaho kung nanatili ka sa inyo.”

I can see where she‘s coming from. When you are born with a gold spoon in your mouth, you can really have everything. Alam ko dahil lahat naman nang gustuhin kong laruan at damit noon ay nakukuha ko, pero nang mapasok ko ang buhay na ‘to na walang kahit na anong perang natatanggap sa kanila, mas naintindihan ko na ang halaga ng pera. Totoong nabibili nito ang lahat, totoo na ito ang isa sa mga pinakaimportanteng bagay para mabuhay. Mas naintindihan ko na rin kung bakit may ilang taong nagiging gahaman para magkapera, pero iyong kasiyahan pa rin kasi ang gusto kong makuha. I do not see it in that house… unfortunately.

Sa isang taon na nalayo ako sa amin ay naramdaman ko kung paano ang talagang mahirap na buhay na sinasabi nila at masaya ako dahil doon. Malayo man siya sa buhay ko rati parang mas na-satisfied naman ako dahil ang mga bagay na mayroon ako ngayon ay galing talaga sa akin. Napaghirapan ko. 

I didn‘t answer. Maybe she can just see what happened to me but she couldn't really understand my feelings unless she was in my shoes. Ayaw na ayaw kong nag-e-explain kaya nanahimik na lamang ako. I couldn't really see a reason to respond. 

“May tao! Kuhanin mo ang order niya!” Tinulak niya ako at pumunta na sa likod ng counter. 

I compose myself and smiles. Lumapit ako sa bagong dating na nakaupo sa table kung saan malayo sa dalawang customer namin. 

Ito ba yung..? 

“Good morning, Sir Osmond.”

Gulat siyang nag-angat ng tingin. “Ikaw ulit,” he stated.

Bakit kaya lagi siyang nandirito? Mukha namang mayaman siya. I just thought that most men who has money will be in a high end bar. Medyo cheap naman kasi ang isang ito kumpara sa iba. Hindi sikat ang mga banda at syempre ang mga tao rito ay hindi din katulad niya na mayaman. 

“Nandito ka pa rin.”

Inabot ko na lang sa kanya ang menu at ngumiti ng hilaw. “Please take your order, Sir.”

Bumuntong hininga siya at kinurot ang bridge ng ilong. Naiwan tuloy sa ere ang kamay ko. Parang galit na naman siya. Mas bagay talaga sa kanya kung ngingiti siya. 

Tiningala niya ako at bahagyang naningkit ang mga mata niya. “May alam ka ba sa mga bata?”

Inilayo ko muna sa kanya ang hawak kong menu at kinunutan siya ng noo. Why is he suddenly asking me random questions? Ang bossy at dominant pa ng dating na akala mo ay sinasabing dapat mo siyang sagutin. 

“Bata?“ hindi ako sigurado sa tanong niya. 

Tumaas ang isang kilay niya. “Oo. Bata. Baby. May alam ka ba sa pag-aalaga?” his voice is stern, and the way he states his every word makes it seem like he is talking to a kid. 

Kinagat ko ang dila upang magpigil inis at nilingon si Porah. Mukha siyang naiinip at naiinis. Nakakunot ang noo niya at nang mapansin na nakatingin ako ay kaagad na tumaas ang mga kilay. 

Why does everybody suddenly feel irritated? 

Nilingon ko si Osmond at sumagot, “Mayroon ho.”

Why do I feel like I am being interviewed? Naalala ko ang huling taong sinubukan kong apply-an. Parang katulad niya ang Mr. Lazarcon na iyon. 

He nods. “Do you want to be my nanny then?”

“Ano?!” my voice came out as a roar. “Nanny mo? Ang tanda mo na, Sir.” Ngumiwi ako sa kanya at napailing. Ano ba ang naiisip nito? 

“Hindi ako. Lutang ka ba? Siyempre iyong mga anak ko!”

“Bakit?”

Ang weird niya naman kasi! Sinong tao ang biglang mag-aalok ng ganyan sa isang tao na nakikitaan niyang mayroon namang trabaho at ni hindi naman nag-a-apply para sa kanya. 

Hindi siya sumagot at nakatingin lang talaga ng diretso sa akin. “Ano? Bakit? Eh ‘di ba noong nakaraan sinabihan mo ‘kong huwag maging pakialamera tapos kinuha mo pa sa akin si Lili nang buhatin ko siya? Ayaw mo sa ‘kin, ba‘t bigla kang nag-aalok diyan?”

I really like children. I adore them but I can't really see myself being a nanny. Marangal na trabaho ito at madalas ay ang nanny na rin ang tumatayong magulang ng isang bata, which is the same case with me… pero...  hindi ko alam kung kaya ko. 

“Ano?” hamon ko sa kanya. Ang tagal kasing sumagot. 

Huminga siyang malalim at napasinghal. Yumuko siya at napakamot sa ulo bago siya walang emosyong humarap sa akin. “Kasi kailangan ko ng mag-aalaga sa kanila. Baka lang available ka. Tataasan ko naman ang sahod. Maa mataas sa nakukuha mo rito.”

Ang arogante. Ang pagsasalita at ang mukha ay puno ng kayabangan at kasiguraduhan na akala mo‘y talagang papayag ako. 

“Hindi po ako interesado.” Umiling ako. 

Biglaan niyang kinuha sa kamay ko ang menu. “Bakit?” doon na siya nakatingin. 

Pinagmasdan ko na lang siya. I don't need to answer him. 

Hinintay ko ang order niya pero mukhang may hinihintay din siya sa akin. Akala mo ay nagpapakirandaman kaming dalawa sa unang taong kikibot. Ayaw niya talagang mag-salita. 

“May napili ka na ba, sir?”

Umangat na naman ang tingin niya sa akin. “Bakit ayaw mo?”

I need a job. That's the truth, but I am still hoping for the calls from the jobs I applied for. Saka may choose naman akong manatili na lang dito kung sakali. 

“Hindi naman ako madalas na naroon kapag umaga. Tsaka ‘di rin siya mahirap especially that you have an advantage for my kids.” Is he trying to convince me? 

“Well, Sir. I don't care even if you are not there for the whole day. And coming from you? Hirap na hirap ka nga po na patahanin sila 'di ba? Tsaka kambal po ang anak niyo. Isa lang ako. And what advantage are you talking about?” pagdidiin ko sa mga sinabi niya. 

I really hate it when I am annoyed. Lagi na lang nangunguna ang bibig ko sa tuwing inis.  Hindi ko pa rin ma-kontrol ang ganito kong nakasanayan. 

“Miss Dion... hindi ka mag-iisa dahil anak ko rin ang mga iyon. Aaalagaan ko rin sila. And about the advantage? Like what I have told you... you sound like their mother. They like you. They always cry when an unfamiliar face looks at them but Lili even lets you carry her, right?” His face didn't even make a change. It is still straight, no emotion written. 

Talagang ipaglalaban niya ang isang 'to. Akala mo ay nasa debate kami kung magbigay siyang mga pahayag at idiin ang mga iyon. 

“Sir... may hinihintay lang akong tawag at sigurado ho akong matatanggap ako roon. If you are worried that your kids will not grow fond of their nanny that's why you're trying to hire me, then maybe... you should just... leave them to some relatives?”

He rolled his eyes. Nakakairita siya. 

I might sound confident with my statement pero alam ko sa sariling mas malaki ang posibilidad na hindi ako matanggap. Especially to that Lazarcon.

He‘s still firm. “Hindi rin nila kaya. Hindi kaagad sumasama ang mga anak ko kahit sa kanila. That‘s why I have a hard time trying to get them a nanny, they don‘t like people they are not familiar with. .. and in your case... it's really different. They like you already.”

Ngumiwi ako sa kanya. “Kaya nga ho dapat ngayon pa lang ay sanayin mo na sila sa pamilya mo hindi ba? Para naman po masanay na sila sa kanila.”

He grunted and before he could speak a hand tapped my shoulder and a voice interrupted him. 

“Mayroon bang problema rito? Sir? Dion?”

Nilingon ko at nginitian si Porah. Hindi ko na binalingan ang lalaki at baka mas kumulo ang dugo ko. Talagang desidido siyang kunin ako. 

“Wala naman. Nahihirapan lang si sir dito na... mamili ng o-oder-in.”

Tumango si Porah kahit na ‘di mukhabg kumbinsido. Sumenyas siya sa akin na bumalik na lang ako sa likod ng counter kaya naman kaagad ko nang ibinigay ang menu sa kanya. I am more than happy to be there. 

Pagdating doon ay kaagad kong sinilip ang cellphone ko. Hindi ko ito si-nay-lent nitong mga nakaraang araw dahil nga sa hinihintay na tawag ngunit wala pa rin. 

It is just three days. Three days... 

Paano kapag ‘di ko nga nakuha maski isa sa mga iyon? Will I let myself stay here for a while? 

Gusto ko rito dahil kasama ko si Porah ngunit may ilan pa rin kasing nagpapadalawang isip sa akin tuwing nandito. 

I look at his table. Mukhang nagkakasundo na sila ni Porah pagdating sa bibilhin niya. Naalala ko ang mga baby niya. Ang liit pa pero nagawa na silang iwan ng mama niya. Nakakaawa siya at hindi niya masusubaybayan ang paglaki nila. They are wonderful. 

I tap my fingers in the wooden counter. Kung iisipin ng mabuti at isasantabi ko muna ang inis... kaya ayaw ko na tanggapin ito ay dahil talaga sa lalaking iyan. Ayaw ko siyang makita o makausap. Ayaw ko sa kanya. 

He will not be a good example for his children when they grow up. He can't keep being rude and arrogant. 

And I think I should also add my studies about this decision. Mayroon lang namang break ngayon at ilang buwan lamang ito. Kapag natapos na ito at sapat na ang ipon ko ay babalik na ako sa pag-aaral at aalis din sa trabaho na iyon. I can't be attach with them.

Bumuntong hininga ako at hinawakan ng mahigpit ang cellphone. Sana ay matanggap talaga ako. 

“Dion...” Nag-angat ako ng tingin kay Porah at tinaasan siyang kilay upang tanungin.

“Hindi mo naman iyon type 'no?”

Umiling ako at mahina pang napasinghal. Bakit may ganyang tanong? 

Seryoso lamang ang mukha ni Porah bago tumango. “Sige. Mag-luluto na ako.”

Dumaan na siya papunta sa maliit na kusina sa loob habang taka ko lang siyang minasdan. May sinabi kaya ang lalaki na iyon sa kanya? Ba't biglang naging ganon ang reaksyon niya? 

Sinulyapan ko pa ang mesa niya. Nakatingin dito kaya't umiwas agad ako. His gaze is powerful. Kung makatitig pa ay akala mo may ginawa kang masama. 

Pinanood ko ang mga tao sa harap ko at nang mayroon nang umalis na customer sa gitnang table ay kaagad na akong lumapit doon upang linisin. Tinanggal ko ang mga plato at baso doon bago punasan. I sprayed some water before wiping again. 

May naramdaman akong presensyang dumaan sa gilid ko at nakita ko na lang ang tao na iyon na nakaharap na sa akin. Prente lamang siyang umupo roon na parang walang nagpupunas sa harapan niya. 

“Why can't you just accept the job?”

Kumunot ang noo ko. Ang kulit. “Nakikita niyo naman na may ginagawa po ako ‘di ba? At kung hindi n‘yo alam, trabaho po ang tawag dito.”

“You can just quit this you know.” Nakasunod ang mga mata niya sa kamay ko habang nagsasalita.

“At bakit ko naman gagawin ‘yon para sa inyo, sjr? Ang pakialamero niyo po.” Inirapan ko siya. 

“I will higher your check, you can even take advances whenever you want.”

Hinarap ko na siya dahil sa kanyang sinabi. Nag-tataka ako kung bakit ganito na lang niya akong pilitin. “Bakit ako ang napili niyo, Sir Osmond? Kung makapag-try kayong kumbinsihin ako... ang effort naman ata. ‘Yong totoo? Pag-na-nanny lang ba ang gagawin ko ro‘n o magiging taga-linis din ng buong bahay?”

Napapikit siya at napaiwas tingin. Nakita kong napangiwi pa siya bago harapin ako ulit. “Okay... let's make this clear. Mag-na-nanny ka lang and no, wala kang ibang kailangang gawin kung hindi bantayan lang ang mga anak ko, okay? I just... I just wanted you because I know they wouldn't cry anymore whenever I go to work. Hindi na ako kailangan pang tawagan nang tawagan dahil lang hinahanap nila ako at ayaw nila sa nanny nila.” He really took his time to explain and convince me while looking at my eyes. 

He really wanted me for that job, ha? Ang dami niyang sinabi. 

Bumuntong hininga ako. Hindi ko pa naririnig ang offer niyang pera pero ayaw ko talagang tanggapin ito lalo pa‘t mayroon akong hinihintay na trabaho at dahil nga pag-na-nanny iyon, matagalan. Sana ay may tawag na mamaya.

“Student pa po ako. Nagta-trabaho lang pansamantala. Sa tono niyo kanina parang kailangan niyo ng matagalang taga-alaga— at hindi ako iyon.”

Wala siyang nasabi roon. Medyo nalukot din ang mukha niya at napatitig sa akin. Inaayos ko na ang pagkaka-ayos ng mga upuan sa harapan niya sa puntong iyon. 

Kukuhanin ko na dapat ang tray na dala nang hawakan niya ang braso ko. Iritado ko siyang sinamaan ng tingin at kaagad na binawi iyon. “Bakit?” tanong ko sa kanya. 

He looked confused. “Estudyante ka pa lang?”

“Yes. Estudyante. See? Hindi ako pasok sa requirements mo.”

Inirapan ko na lamang siya at iniwan na. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status