Share

Chapter 5- He followed her

Author: Juvy Pem
last update Last Updated: 2022-05-10 16:48:19

Tiim bagang na napasunod ang kanyang paningin sa lalaki. Hindi siya makapaniwala na nakaharap siya nang ganitong lalaki sa buong buhay niya. Sabagay, sanay kasi siya na laging lalaki ang lumalapit at ibinibigay lahat ng kanyang gusto. Pero ngayon nagbago na ang panahon, siya na ang may kailangan. Kaya mahirap mang gawin kailangan niyang ibaba ang kanyang pride. Humakbang siya palapit dito. Nakaupo ito sa single chair malapit sa glass wall.

"I'm sorry sir. Nabigla lang po ako. Hindi ko naman po kasi kasalan ang nangyari kanina. Nasa trabaho po ako pero pilit niyang idinadawit ang personal naming problema." Paliwanag niya sa lalaki na patuloy sa paglagok ng inumin nito.

"I don't care about your personal problem. And please, next time be professional in front of our costumers. Hangga't kaya pa nang pasensya mo, pakibagayan mo sila." sagot nito sa kanya.

Labag man sa kalooban, dahil hindi siya sanay na inaapakan siya wala siyang choice kundi umayon dito."Okay sir."

"You can go back now!"

"I am not fired?" gulat niyang sambit.

Tumingin sa kanya ang lalaki. "You want to?"

"No! Of course not. Thanks!" Iyon lang at mabilis na siyang tumalikod bago pa magbago ang isip nito.

Napangiti si Adrian sa inasta nito. Why do he find her reaction cute? Naipilig niya ang kanyang ulo sa naiisip. Remember your plan dude! Sigaw ng kanyang isipan.

Kinabukasan walang pasok si Luna kung kaya may oras siya para bisitahin ang kanyang ama. Pagdating niya sa hospital naabutan niya ang kanyang ama na gising. Halos buto't balat nalang ito na nakaratay sa higaan. Tumulo ang kanyang mga luha habang hinahaplos ang noo nito.

"Daddy, I am here." umiiyak na sambit niya. Dahan-dahan itong tumingin sa kanya. Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha nito. Parang dinudurog ang puso ni Luna habang pinagmamasdan ang ama. "Don't cry dad, sige papangit ka niyan." Saad niya sabay yakap dito.

"A-anak, I felt bad for leaving you like this. H-hindi k-ko na kaya, napapagod n-na ako." Napahagulgol nang iyak si Luna sa narinig mula sa ama.

"I'm sorry daddy, for everything. Naging pasaway ako sa'yo, hindi ako naging mabuting anak." Palahaw niyang sabi, habang yakap-yakap ang ama na nakahiga sa hospital bed.

Walang humpay ang pagtulo ng mga luha nito.

"N-no my princess, alam kong mabuti kang tao, malinis ang iyong kalooban. P-pinalaki kita nang may pagmamahal. Huwag mong pabayaan ang s-sarili mo. K-kung wala ka nang matuluyan, puntahan mo ang lolo't lola mo sa Mindanao. Ask your Tito Jose about thier address." May namuong ngiti sa mga labi ng kanyang ama. Alam niya na nahihirapan na ito, ngunit nahihirapan din siyang tanggapin na tuluyan na niyang hindi masilayan ang mukha ng kanyang ama. Tumango-tango siya bilang sagot."Good girl!"

Pinunasan ni Luna nang maligamgam na bimpo ang katawan ng kanyang ama. Nasasaktan man sa nakikitang kalagayan nito ngunit nanatili siyang matapang sa harapan nito, upang hindi ito mag-alala. Mayroon silang binabayarang nurse na siyang nag-aalaga sa kanyang ama habang wala siya. Tinawagan siya ni Attorney Reyes noong nakaraang linggo, sinabi nito ang tungkol sa nakatagong pera ng kanyang ama. Naka-deposit sa bagong account na nakapangalan sa kanya ang pera, dahil ayaw umano ng kanyang ama na malaman ni Mercedes ang tungkol dito. Laking tuwa ni Luna dahil nabawas-bawasan ang kanyang alalahanin sa panggastos ng kanyang ama sa hospital. Ngayon niya napatunayan kung gaano kahalaga ang pagtitipid, dahil hindi lahat nang panahon ay sagana. Malaki ang pasasalamat niya sa kaibigan ng kanyang ama dahil hindi sila nito iniwan at pinabayaan hanggang sa huli.

Pansamantala siyang nagpaalam sa ama, upang bumalik sa kanyang tinutuluyang paupahan na kwarto. Umalis siya sa tinutuluyang accomodation na pag-aari ng restaurant, dahil ayaw niyang makipag-away sa mga kasamahan niya doon. Malaki ang naitulong sa kanya ng kalahating milyon. Pinaghahati niya ito sa lahat nang gastusin sa hospital. Pinagkasya niya ang kanyang sahod para sa kanyang pang araw-araw na pangangailangan. Kinausap niya ang nurse na kanyang binayaran upang magbantay sa kanyang ama.

"Vivian, ipagkatiwala ko saiyo si daddy. Kung may problema tawagan mo ako kaagad. Malapit lang ang pinapasukan ko rito." Pakiusap niya sa nurse.

"Huwag kang mag-alala Ms. Salvacion hindi ko po pababayaan ang iyong ama." Nakahinga siya nang maluwang. Sinulyapan niya ang kanyang ama na natutulog.

"Maraming salamat,"

Dumiretso si Luna sa supermarket malapit sa kanyang tinutuluyan upang mamili ng mga kailanganin niya sa bahay. Natuto siyang pumili ng mga mumurahing gamit. Noon hindi siya bumibili ng mga gamit na walang tatak. Pero ngayon ang presyo na ang kanyang tinitingnan hindi ang tatak nito.Huminga siya nang malalim, dahil sa kanyang iniisip. Pagkatapos niyang mamili, bitbit ang dalawang supot dahan-dahan siyang naglakad sa maliit na eskinita patungo sa kanyang maliit na inuupahang kwarto. Hindi niya napansin ang pagdaan ng isang pamilyar na kotse.

Pagdaan ng sasakyan ni Adrian sa isang eskinita sa Amorsolo Street. Napansin niya ang isang pamilyar na bulto ng katawan. Takip-silim na ngunit naaninag niya ang dalaga na may bitbit na supot.

"Dito ba siya nakatira Nick?" usal niya.

Napakunot ang noo ni Nikko. "Sino po ang tinutukoy ninyo sir?"

"Miss. Salvacion," saad ni Adrian habang nakatingin sa labas ng bintana. Unti-unti na niyang nakita ang mukha ni Luna habang papalapit sila rito. Hindi man lang lumilingon ang dalaga. Mayamaya lumiko ito sa isang malaking bahay. Malinis at maaliwalas ang garden sa harapan ng bahay.

Dumako rin doon ang tingin ni Nikko. "Baka kamag-anak niya ang nakatira riyan boss."

Kibit-balikat lang ang sagot niya sa kanyang assistant. Napansin niya na bahagyang umaliwalas ang mukha ni Luna kompara noong mga nagdaang araw. Masaya rin ito habang naglalakad sa daan. Nagbago na ba siya? Tanong ni Adrian sa kanyang isipan.

Maagang naghanda si Luna upang pumasok sa trabaho. Maliit lang ang kanyang kwarto na inuupan. Ang katabi niyon ay isang bed spacer room mga estudyante ang umuukupa. Kamag-anak ni Lea ang may-ari ng paupahang bahay. Mabuti na lamang at naalala niya na may paupahan ang tiyahin ni Lea na laon. Minsan na kasi silang nagawi rito noong magkasama pa sila sa eskwelahan. Among her friends, Lea is the sweetest one. Lagi siya nitong iniintindi at pinapaalalahanan sa mga maling kalokohan niya. Magkasalungat sila ni Beatriz, dahil masyado naman itong mapagmataas kaya rito siya naiimpluwensiyahan na gumawa ng mga kalokohan. Dahil marami silang nakatira rito kaya kinakailangan niyang pumila sa banyo upang maligo. Inihanda na muna niya ang kanyang simpleng agahan. Natuto siyang magluto ng piniritong itlog sa tulong ni Tita Melissa ang may-ari ng paupahan. Kahit ang lutuan ay nasa isang lugar lang din, pero maraming kalan ang available na na pwedeng gagamitin nila. Stress free ang bahay na'to kasi organize lahat, dahil metikulosa rin si Tita Mel. Sa labas ng bahay mayroong puno sa lilim nito ay may mga upuan at mesa na pwedeng tambayan. Kaya laking pasalamat niya nang maabutan ang bakanteng kwarto na kanyang inuukopa. Kaya hindi siya nagsisisi na umalis siya sa accommodation ng restaurant.

Pagkatapos niyang maligo, inihanda niya ang kanyang mga gamit saka mabilisang kumain at nagsipilyo ng ngipin. Habang isinusuot niya ang kanyang uniporme napansin niya ang kasiglahan ng kanyang katawan. Napangiti siya, ngayon unti-unti na niyang natatanggap sa kanyang sarili ang bagong mundo na ginagalawan. Maaliwalas ang mukha na lumabas siya sa kanyang kwarto. Handa na siyang harapin ang panibagong araw sa kanyang buhay.

Habang naghihintay siya ng jeep, hindi niya maiwasan ang mapabuntong-hininga. Marami ang nakapaligid sa kanya noon na mga kaibigan, ngunit ni isa wala palang nakakakilala sa kanya. Pilit niyang maging palaban lalo na ngayon na mag-isa na lamang siya. Habang sakay ng jeep nakaupo siya sa pinakahuling parte dahil puno na ito, katabi niya ang isang gwapong lalaki. Ngumiti ito sa kanya, ginantihan niya rin ito nang isang matamis na ngiti. Kasunod ng jeep na sinasakyan niya ang isang gray na Bentley Continental GT. Dumako roon ang mga mata ni Luna dahil mukhang familiar sa kanya ang driver nito. Mayamaya biglang bumilis ang takbo nito at nilagpasan sila. Ang gara ng sasakyan, sobrang yaman siguro nang may-ari, bulong ng kanyang isipan.

Kahit noong may pera pa sila, hindi naman masyadong magara ang kanilang sasakyan. Dahil ayaw ng kanyang ama na hahadlangan na naman ni Mercedes lalo na kung para ito sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )   Chapter 45 - Mercedes meets Canor

    Nagkatinginan ang mag-inang sina Arianna at Mercedes. Hindi sila makapaniwala sa nakikita nila ngayon sa kanilang harapan. Napalingon si Mercedes sa paligid. Marami ng mga taong dumarating papasok sa restaurant. Kung mag-iiskandalo sila ngayon dito ay mas lalong magagalit si Adrian sa kanyang anak. Nanlalambot ang katawan at ramdam n'ya ang pawisang mga palad. Dahan-dahan nilang sinalubong ang matandang lalaki na matalas ang tingin sa kanilang dalawa. Nanggigil si Mercedes dahil ang akala n'ya ay p*t*y na ang matandang ito. Ngunit matikas pa rin ang tindig nito na nakatayo sa kanilang harapan ngayon. Mabilis itong nakalapit sa kanila habang nakangisi. "Hayop ka! Ba't buhay ka pa? Ano na naman bang gusto mo?" galit niyang singhal sa lalaki. "Wala kang kasing sama! Alam kong ikaw ang bumaril sa akin! Magmaang-maangan ka pa? Hindi ko akalain na hindi mo tutuparin ang pangako mo sa akin, Mercedes. Pinabayaan mo ang nag-iisang anak ni Sir! Hindi kita mapapatawad! Pagbabayaran mo ang

  • We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )   Chapter 44 - Adrian's back to Manila

    Nakaupo at nakapatong pa sa tuhod ang baba ni Luna habang nakaharap sa mga manok at pato na pinapakain ng kanyang lolo sa kanilang bakuran. Mamasa-masa pa ang paligid dahil sa magdamag na naman na ulan. Tulog pa ang kanyang anak. Samantalang sila ng kanyang lola ay humihigop ng kapeng barako sa kusina. Bukas ang harapan ng kusina kaya makikita ang kanilang bakuran kung nasaan ang kanyang lolo. Nasanay s'ya sa kape na mano-manong ginawa ng kanyang lolo. Masarap kasi inumin sa umaga masyadong aroma. "Apo, hindi ka ba papasok sa trabaho mo?" nagtatakang tanong ng Lola Sonia niya. Magkaharap silang nakaupo sa upuang yari sa kahoy habang humihigop ng kape. May pagtataka ang rumehistro sa mukha nito. Naibaling n'ya sa mga manok ang kanyang tingin bago sumagot dito. "Mag-resign na ako sa hotel, La." diretso niyang sagot sa matanda. Naramdaman niya ang malungkot na tingin ng kanyang lola. "La, huwag mo akong tingnan ng ganyan. Iiyak ako sige ka. Maaga pa." natatawa na maiiyak niyang sa

  • We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )   Chapter 43 - The Party

    Biglang tumigil ang mundo ni Luna. Parang namanhid ang kanyang buong katawan. Nag-uunahan sa pagpatak ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata. Pinaglalaruan ba s'ya ni Adrian? Bakit kailangan nitong gawin ang mga bagay na ito? Tahimik na ang kanyang mundo kasama ang anak. Mayroon s'yang maayos na trabaho sa hotel na ito para masuportahan ang kanilang anak. Pero bakit ngayon parang lahat ng ito ay unti-unting magbabago dahil lang sa lalaking ito? Naikuyom ni Luna ang kanyang kamao. Pigil-hininga na tinungga n'ya ang halos kalahating baso ng champagne sa lamesa. Mahigpit ang pagkakahawak n'ya sa baso. Kulang nalang ay mabasag n'ya iyon sa galit. Hindi na n'ya pinatapos pa ang speech ni Adrian. Umalis siya sa kanyang kinatatayuan. Nag-aalala namang susundan sana s'ya ni Hazel ngunit pinigilan n'ya ang kaibigan dahil nais n'yang mapag-isa. Dinala s'ya ng kanyang mga paa sa harap ng malaking landscape sa bandang likod ng hotel. Hindi siya masyadong makita ng mga dumadaan dahil may naka

  • We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )   Chapter 42 - The new owner

    Halos nagdadalawang-isip na pumasok si Luna kinabukasan. Matamlay ang kanyang pakiramdam dahil hindi s'ya nakatulog ng maayos ng gabing iyon. Maingat s'yang tumayo upang hindi magising ang kanyang munting prinsesa. Kinintalan muna n'ya ito ng halik sa noo bago s'ya tumayo mula sa kama upang maghanda sa pagpasok sa trabaho. Inilagay muna n'ya ang susuotin para sa party mamaya sa isang bag saka mabilis na naggayak. Habang sakay ng traysikel patungo sa sakayan ng jeep. Hindi n'ya mapigilan ang manalangin na sana ay walang mangyayaring katulad kagabi ngayong araw hanggang sa makauwi s'ya sa kanilang bahay mamayang gabi. Ayaw n'yang mapag-usapan ang tungkol sa kanyang anak. Lalo na kapag si Adrian ang kanyang kaharap. Hindi pa nga dumating ang oras ng party ay kinakabahan na s'ya. Hindi n'ya maiwasang isipin na baka a-attend mamaya sa party ang lalaki. "Hey! Ready kana ba para sa party mamaya?" untag ni Hazel sa kanya habang abala s'ya sa pagtitipa sa kanyang computer.Nagkibit-balika

  • We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )   Chapter 41 - She's surprised

    Biglang nahipnotismo si Luna nang makitang nakatitig si Adrian sa kanya habang nakatayo ito sa kanyang harapan. Hindi n'ya naramdamang iginiya s'ya nito papunta sa sasakyan nito. Ngunit nahimasmasan s'ya bago paman s'ya nakapasok sa loob ng sasakyan. "T-Teka! Mr. De Vera! Anong ginagawa mo?" nabigla n'yang tanong sa lalaki.Ngunit sa halip na sagutin s'ya nito ay bigla s'yang itinulak papasok sa front seat ng sasakyan. Napangangang sinundan n'ya ng tingin ang lalaki na umupo sa driver seat. Kibit-balikat itong tumingin sa kanya ng makita s'yang nakaawang ang bibig. "I told you earlier right? So... here we are. We need to talk, okay? What do you want for dinner?" sunod-sunod nitong saad habang naglalagay ng seatbelt.Saka na n'ya naalala ang sinabi nito kanina. Ang buong akala n'ya ay nakalimutan na nito iyon ngunit ...maling akala lang pala ang lahat. Anong gagawin n'ya? Magsisigaw s'ya upang makakuha ng atens'yon at nang makatakas s'ya sa lalaking ito? No, no, no ! Mali, mali! B

  • We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )   Chapter 40 - Long time no see

    Nagulat si Luna nang may tumapik sa kanyang balikat. Bigla s'yang napalingon sa kanyang likuran. Nakita niya ang nagtatakang mukha ng kaibigang si Hazel. "Anyare saiyo? Bigla ka nalang natulala riyan?" nagtatakang tanong nito sa kanya. "Ha? Eh! Naalala ko lang ang nangyari kagabi." palusot niya rito. Napailing ito. "Girl, hindi ka pa rin ba nakaka-move on doon? I'm sorry, okay? Hindi ko naman kasi alam na magkakilala kayo ng pinsan ko." bahagyang lumungkot ang mukha ni Hazel nang maalala ang ginawa nito sa kanya. "Haist, mamaya na yang pag-e-emote mo riyan. Sayang ang make-up mo. Mukhang may pinaghandaan ka pa naman." nakangisi niyang sagot sa kaibigan. "Oi girl! Alam mo bang sabi ng mga marites dito na kasamahan natin napakagwapo raw ng bisita natin ngayon. At bukod doon, binata pa raw!" excited nitong balita sa kanya. Nagkibit-balikat na lamang siya sa tinuran ng kaibigan. Ano naman ngayon kung gwapo. May mapapala ba siya roon? Hiyaw ng kanyang isipan. Pero bakit iba ata

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status