공유

Chapter 4 - Adrian revenge started

작가: Juvy Pem
last update 최신 업데이트: 2022-05-02 01:23:29

Nanatiling nakatitig si Adrian sa monitor ng CCTV sa kanyang computer, habang pinagmamasdan ang bawat galaw ni Luna. Halatang pumayat ito, kahit mukhang haggard ang mukha lumilitaw pa rin ang angking ganda nito. Napakurap si Adrian sa iniisip, nakalimutan mo na ba ang ginawa niya saiyo? Sigaw nang isipan niya, nakarinig siya nang mahinang katok sa pinto at bumungad ang kanyang secretary na si Josie Abad.

"Sir Adrian, ready na po ang conference room." Wika nito sa kanya.

"Okay, thanks Josie."

Habang nasa gitna ng meeting hindi niya magawang makinig sa mga report ng mga managers, dahil ang babaeng 'yon ang laman ng isipan niya. Mula noong nakita niya ito sa park ay nakaramdam siya nang awa rito. Nakita niya itong nakaupo at nakatitig sa mga daliri nito. Nakaramdam siya nang konsensya dahil, inutusan niya ang manager ng restaurant na pahirapan ito. Hindi niya inaasahan na ganito kalala ang kahihinatnan ng dalaga. Natapos na lang ang monthly meeting, ngunit ni isa walang pumasok sa isipan niya.

Samantalang hindi magkanda-ugaga si Luna sa mga utos sa kanya. Maluha-luhang nagtungo siya sa likuran ng restaurant upang doon mag-uumiyak nang magkaroon siya ng pagkakataon. Pinahiya siya ng manager dahil mali ang naibigay n'yang order sa costumer, pinagalitan siya nito sa harap nang maraming tao. Pinakalma niya ang sarili saka nag desisyong bumalik sa loob. Pagpasok niya sa loob, sinalubong siya ni Kate ang bagong nakilala niya na empleyado ng restaurant, bukod tanging may malasakit sa kanya.

"Are you okay?"

"Yeah! Im trying my best to be okay." Matamlay na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.

"Basta sabihan mo lang ako kapag may kailangan ka," Sagot nito sa kanya.

"Salamat."

Pagdating niya sa kusina, tinawag siya ng manager.

"Oi, Miss Luna Salvacion, hindi n'yo po pag-aari ang restaurant na ito. Palakad-lakad ka lang d'yan, samantalang di magkanda-ugaga ang mga kasamahan mo sa trabaho!" Bulyaw nito na nagpainit nang ulo ni Luna.

"Bakit bawal na po bang magpahinga o di kaya'y iihi man lang sir? " Paasik na sagot niya rito.

Umuusok ang ilong nito sa galit, nag-aakmang susugurin siya ngunit pinigilan ito ng mga kasamahan nila.

"Ikaw, ka bago-bago mo pa lang wala kang galang sa nakakataas sa'yo." Sabi ng isang chief na nakasaksi sa sagutan nilang dalawa.

"Porket baguhan lang po ako, wala na ba akong karapatan ipagtanggol ang sarili ko? At hindi na kailangan magpahinga ganun? Lumabas lang po ako saglit para maipalabas ang galit at sama ng loob ko!" Matapang na sagot ni Luna.

"P'wes kung ganyang pag-uugali meron ka, hindi ka nararapat dito. Maghanap ka nang ibang mapapasukan, dahil hindi namin kailangan ang isang katulad mo!" Sigaw ng manager sa kanya.

Biglang nagulat si Luna sa narinig, hindi siya pwedeng umalis basta-basta dahil kailangan n'yang mag-ipon. Nakita n'yang tinalikuran siya ng manager. Hinabol niya ito at hinarangan, nakadipa ang dalawang kamay niya habang nakatingin dito.

"I'm sorry, okay? Hindi ko sinasadya, kasi naman hindi ako sanay sa ganito. Nakita mo naman po ang nangyari sa akin kanina ginawa ko po ang lahat sa abot nang aking makakaya. Pero dahil sa isang pagkakamali, pinahiya mo po ako sa harap ng maraming costumer, sino po ang hindi sumama ang loob. Please don't fire me sir!" Pakiusap niya rito. Ganito nga talaga siguro ang mga gay istrikto masyado, pero halata namang mabait ito. Hindi niya lang alam kung bakit pilit s'yang hinahanapan nito ng mali.

"Okay! But next time, ayaw kong mauulit ito." sagot nito sa kanya.

"Okay po, maraming salamat." nakangiti n'yang sagot.

"Wag kang ngumiti dahil ang pangit mo!" asik nito sabay talikod sa kanya. Napataas ang isang kilay niya habang hinahabol ito ng tingin papalayo. Nagsibalikan naman sa trabaho ang iba n'yang kasamahan na nakitsismis sa nangyari. Inirapan niya lang ang mga ito saka dumiretso sa kusina upang maghugas ng plato.

Tinawagan ni Adrian ang manager upang makibalita sa nangyari.

"Jason, how is she?" he asked.

"Nako Sir Adrian, binigyan mo ako ng sakit sa ulo, mauubos ang pasensya ko rito sa babaeng ito. Wala na ngang alam na trabaho, masyado pang matapang sumagot, madaling puputi ang buhok ko nito sir." Reklamo nito sa kanya.

"Relax! Hangga't hindi siya tumitino gawin mo ang nararapat okay?" Nakangiti niyang utos dito.

"Okay sir! " Sagot nito mula sa kabilang linya. Walang nagawa si Jason kundi sumang-ayon sa kanya.

Habang nasa loob ng opisina napaisip si Adrian nang malalim kung anong gagawin niya sa dalaga pagbalik niya galing sa kanyang business trip. Habang naghahanda sa pag-alis papuntang Hong Kong, ipinagbilin niya sa kanyang secretary ang lahat nang dapat gawin.

Ilang araw na ang lumipas nakagamayan na ni Luna ang trabaho sa restaurant.

"Luna pakiligpit naman ng table eleven, tatapusin ko lang dito," pakisuyo ni Kate sa kanya.

"Okay, no problem," nakangiti n'yang sagot dito. Pagkatapos niyang nailigpit ang mga plato dinala niya ito sa washing area, saka bumalik at nilisan ang lamesa gamit ang dalang trapo. Tatalikod na sana siya nang may tumawag na costumer. Bigla siyang nagulat dahil kilala niya ang mga ito, sila yung nakaaway niya dahil sa mga naging boyfriend niya na mga sikat na lalaki sa kanilang eskwelahan.

"Ohh Luna, so... this is your new life?" Nakataas ang kilay sa saad ni Charis sa kanya halatang nang-iinsulto.

"Yes! Why?" sagot niya.

"Nasaan na yung yabang mo noon CAMPUS QUEEN?" Halos ipagdiinan nitong sinabi, sabay tawa nang malakas. Nagtinginan ang mga tao na nasa malapit sa kanila.

"Excuse me, I still have something to do in the kitchen." Sagot niya saka nagmamadaling tumalikod. Ngunit biglang hinablot nito ang kanyang braso, hudyat nang pagtilapon ng punas at panglinis na hawak niya. "Ano ba kasing kailangan mo?" Tanong niya rito.

"You! I want you to say SORRY!" Sagot nito na ikinagulat niya, pinagdiinan pa ang huling salita. Bakit niya kailangang humingi ng sorry, wala naman s'yang ginawang atraso rito?

"Why should I? I don't remember, na may ginawa akong kasalan sayo!" Sagot niya rito. Biglang tumaas ang kamay nito, aakmang sasampalin siya ngunit may malaking kamay na sumalo rito.

"What's happening here?" Tanong ng lalaki na tumulong sa kanya, napaka-gwapo nito at ang tangkad. Nakita niyang sumenyas ang kanilang manager na magbigay galang siya, ngunit nanatili siyang nakatayo at nakatingin sa lalaki.

"Luna, what happened?" Tanong sa kanya ng kanilang manager.

"It's nothing Sir," sagot niya rito sabay yuko.

"Nothing? Isang sorry lang naman ang hinihingi ko, mahirap bang sabihin 'yon? Pagkatapos mo akong ipahiya sa harapan ng maraming tao?" Pagsisinungaling ni Charis.

"Is it true?" Tanong ng lalaki na nakialam sa kanila.

"Excuse me sir. Kung maniniwala kayo sa kanila, pare-pareho lang po kayo! Wala akong ginawa sa kanya, personal grudge po ang nangyari." Paasik na sagot niya sa lalaki.

"See? She's rude! I hope you will fire this kind of employee, masisira lang reputasyon ng restaurant n'yo dahil sa kanya." Napamulagat si Luna sa narinig, saka napatingin sa manager niya, nagkibit-balikat naman ito sa kanya.

Nagulat siya nang humarap sa kanya ang lalaki. "You! Come to my office." Nagulat siya sa narinig, sino pala ang lalaki na'to, siya ba ang boss dito? Nanggigigil na sinulyapan niya ang kaklase na si Charis, tinaasan lang siya nito ng kilay.

Habang nakasunod sa lalaki, pinasadahan niya ng tingin ang katawan nito. Hindi niya akalain ganito lang pala kabata ang namamahala sa sikat na restaurant na'to? Hindi niya pinansin ang mga kasamahan na nakatingin sa kanya, tuloy-tuloy siyang umakyat patungo sa opisina nito sa itaas.

Halos ilang minuto rin na nanatiling magkatitigan sina Adrian at Luna. Habang nakaupo si Adrian sa kanyang swivel chair mariin niyang tinititigan ang dalaga na nasa kanyang harapan. Sopistikada ang awra nito na kahit ipinahiya na ay nananatili pa ring nakataas ang noo.

"Magtitigan nalang po ba tayo rito sir?" Nakataas ang kilay na saad nito. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib.

"I am curious about your personality, Miss Salvacion." Seryoso ang kanyang mukha na wika.

"You asked me to follow you here, just for my personality Sir?" Pinagdiinan nito ang huling salita.

Napailing si Adrian saka tumayo. Humakbang siya palapit sa babae saka umupo sa mesa niya. Bahagya naman itong napaatras.

"May virus ba ako?" tanong niya rito.

Matapang siya nitong tinitigan. "Hindi na po mahalaga 'yon sir. Sabihin n'yo na po ang nais ninyong sabihin at nang makabalik na ako sa baba."

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )   Chapter 45 - Mercedes meets Canor

    Nagkatinginan ang mag-inang sina Arianna at Mercedes. Hindi sila makapaniwala sa nakikita nila ngayon sa kanilang harapan. Napalingon si Mercedes sa paligid. Marami ng mga taong dumarating papasok sa restaurant. Kung mag-iiskandalo sila ngayon dito ay mas lalong magagalit si Adrian sa kanyang anak. Nanlalambot ang katawan at ramdam n'ya ang pawisang mga palad. Dahan-dahan nilang sinalubong ang matandang lalaki na matalas ang tingin sa kanilang dalawa. Nanggigil si Mercedes dahil ang akala n'ya ay p*t*y na ang matandang ito. Ngunit matikas pa rin ang tindig nito na nakatayo sa kanilang harapan ngayon. Mabilis itong nakalapit sa kanila habang nakangisi. "Hayop ka! Ba't buhay ka pa? Ano na naman bang gusto mo?" galit niyang singhal sa lalaki. "Wala kang kasing sama! Alam kong ikaw ang bumaril sa akin! Magmaang-maangan ka pa? Hindi ko akalain na hindi mo tutuparin ang pangako mo sa akin, Mercedes. Pinabayaan mo ang nag-iisang anak ni Sir! Hindi kita mapapatawad! Pagbabayaran mo ang

  • We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )   Chapter 44 - Adrian's back to Manila

    Nakaupo at nakapatong pa sa tuhod ang baba ni Luna habang nakaharap sa mga manok at pato na pinapakain ng kanyang lolo sa kanilang bakuran. Mamasa-masa pa ang paligid dahil sa magdamag na naman na ulan. Tulog pa ang kanyang anak. Samantalang sila ng kanyang lola ay humihigop ng kapeng barako sa kusina. Bukas ang harapan ng kusina kaya makikita ang kanilang bakuran kung nasaan ang kanyang lolo. Nasanay s'ya sa kape na mano-manong ginawa ng kanyang lolo. Masarap kasi inumin sa umaga masyadong aroma. "Apo, hindi ka ba papasok sa trabaho mo?" nagtatakang tanong ng Lola Sonia niya. Magkaharap silang nakaupo sa upuang yari sa kahoy habang humihigop ng kape. May pagtataka ang rumehistro sa mukha nito. Naibaling n'ya sa mga manok ang kanyang tingin bago sumagot dito. "Mag-resign na ako sa hotel, La." diretso niyang sagot sa matanda. Naramdaman niya ang malungkot na tingin ng kanyang lola. "La, huwag mo akong tingnan ng ganyan. Iiyak ako sige ka. Maaga pa." natatawa na maiiyak niyang sa

  • We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )   Chapter 43 - The Party

    Biglang tumigil ang mundo ni Luna. Parang namanhid ang kanyang buong katawan. Nag-uunahan sa pagpatak ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata. Pinaglalaruan ba s'ya ni Adrian? Bakit kailangan nitong gawin ang mga bagay na ito? Tahimik na ang kanyang mundo kasama ang anak. Mayroon s'yang maayos na trabaho sa hotel na ito para masuportahan ang kanilang anak. Pero bakit ngayon parang lahat ng ito ay unti-unting magbabago dahil lang sa lalaking ito? Naikuyom ni Luna ang kanyang kamao. Pigil-hininga na tinungga n'ya ang halos kalahating baso ng champagne sa lamesa. Mahigpit ang pagkakahawak n'ya sa baso. Kulang nalang ay mabasag n'ya iyon sa galit. Hindi na n'ya pinatapos pa ang speech ni Adrian. Umalis siya sa kanyang kinatatayuan. Nag-aalala namang susundan sana s'ya ni Hazel ngunit pinigilan n'ya ang kaibigan dahil nais n'yang mapag-isa. Dinala s'ya ng kanyang mga paa sa harap ng malaking landscape sa bandang likod ng hotel. Hindi siya masyadong makita ng mga dumadaan dahil may naka

  • We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )   Chapter 42 - The new owner

    Halos nagdadalawang-isip na pumasok si Luna kinabukasan. Matamlay ang kanyang pakiramdam dahil hindi s'ya nakatulog ng maayos ng gabing iyon. Maingat s'yang tumayo upang hindi magising ang kanyang munting prinsesa. Kinintalan muna n'ya ito ng halik sa noo bago s'ya tumayo mula sa kama upang maghanda sa pagpasok sa trabaho. Inilagay muna n'ya ang susuotin para sa party mamaya sa isang bag saka mabilis na naggayak. Habang sakay ng traysikel patungo sa sakayan ng jeep. Hindi n'ya mapigilan ang manalangin na sana ay walang mangyayaring katulad kagabi ngayong araw hanggang sa makauwi s'ya sa kanilang bahay mamayang gabi. Ayaw n'yang mapag-usapan ang tungkol sa kanyang anak. Lalo na kapag si Adrian ang kanyang kaharap. Hindi pa nga dumating ang oras ng party ay kinakabahan na s'ya. Hindi n'ya maiwasang isipin na baka a-attend mamaya sa party ang lalaki. "Hey! Ready kana ba para sa party mamaya?" untag ni Hazel sa kanya habang abala s'ya sa pagtitipa sa kanyang computer.Nagkibit-balika

  • We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )   Chapter 41 - She's surprised

    Biglang nahipnotismo si Luna nang makitang nakatitig si Adrian sa kanya habang nakatayo ito sa kanyang harapan. Hindi n'ya naramdamang iginiya s'ya nito papunta sa sasakyan nito. Ngunit nahimasmasan s'ya bago paman s'ya nakapasok sa loob ng sasakyan. "T-Teka! Mr. De Vera! Anong ginagawa mo?" nabigla n'yang tanong sa lalaki.Ngunit sa halip na sagutin s'ya nito ay bigla s'yang itinulak papasok sa front seat ng sasakyan. Napangangang sinundan n'ya ng tingin ang lalaki na umupo sa driver seat. Kibit-balikat itong tumingin sa kanya ng makita s'yang nakaawang ang bibig. "I told you earlier right? So... here we are. We need to talk, okay? What do you want for dinner?" sunod-sunod nitong saad habang naglalagay ng seatbelt.Saka na n'ya naalala ang sinabi nito kanina. Ang buong akala n'ya ay nakalimutan na nito iyon ngunit ...maling akala lang pala ang lahat. Anong gagawin n'ya? Magsisigaw s'ya upang makakuha ng atens'yon at nang makatakas s'ya sa lalaking ito? No, no, no ! Mali, mali! B

  • We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )   Chapter 40 - Long time no see

    Nagulat si Luna nang may tumapik sa kanyang balikat. Bigla s'yang napalingon sa kanyang likuran. Nakita niya ang nagtatakang mukha ng kaibigang si Hazel. "Anyare saiyo? Bigla ka nalang natulala riyan?" nagtatakang tanong nito sa kanya. "Ha? Eh! Naalala ko lang ang nangyari kagabi." palusot niya rito. Napailing ito. "Girl, hindi ka pa rin ba nakaka-move on doon? I'm sorry, okay? Hindi ko naman kasi alam na magkakilala kayo ng pinsan ko." bahagyang lumungkot ang mukha ni Hazel nang maalala ang ginawa nito sa kanya. "Haist, mamaya na yang pag-e-emote mo riyan. Sayang ang make-up mo. Mukhang may pinaghandaan ka pa naman." nakangisi niyang sagot sa kaibigan. "Oi girl! Alam mo bang sabi ng mga marites dito na kasamahan natin napakagwapo raw ng bisita natin ngayon. At bukod doon, binata pa raw!" excited nitong balita sa kanya. Nagkibit-balikat na lamang siya sa tinuran ng kaibigan. Ano naman ngayon kung gwapo. May mapapala ba siya roon? Hiyaw ng kanyang isipan. Pero bakit iba ata

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status