Share

Chapter 5 Jaedon's Words

<Sabrina>

“Alam niyo ba ang chika? Nabuntis ni sir si ma’am, kaya pala hindi ko siya nakita na dinala ni sir dito iyon dati.”

Napahinto ako sa pagbabasa nang marinig ko ang isang kasambahay.

Hindi ko alam kung nasaan sila. Naririnig ko ang kanilang boses.

“Baka sinadya niyang magpabuntis kay sir Kioz dahil habol niya ay pera at power!” Anang isa sa kanila.

“Malandi si Ma’am, ang chika diyan ay gusto ni Ma’am Grace ang kapatid ni Kioz na si Sir Jaedon. Naku, ang inosente ng mukha niya iyon pala hitting two birds in one stone siya!”

Familiar ang boses nang apat na nagsasalita na kasambahay.

“Sigurado ako na sinadya ni ma’am Grace iyon! Alam ko meron siyang business! Kaya siya nagpauntis para palakasin ang business niya! Anak mayaman naman siya, pero gold digger!”

Kinuyom ko ang kamao ko sa narinig ko.

“Baka nga hindi anak ni sir Kioz iyon!”

Naluluha na ako dahil sa mga sinasabi nila tungkol sa akin.

“At kung anak naman ni sir Kioz, ay pupusta ako na sinadya ni ma’am na magpabuntis kay sir natin!” Sigurado na sabi ng isa sa kanila.

Alam na ng lahat ang nangyari.

Pinunasan ko ang luha ko at pumasok sa kwarto.

Wala si Kioz dahil pumunta siya sa kumpanya, ang sabi niya sa akin ay may-aasikasuhin lang siya saglit.

Pati sa sarili kong shop ay pinag-uusapan ako ng mga staff ko. 

Akala ko ay mabait ang mga kasambahay ni Kioz. 

O baka tama din sila ng sinasabi sa akin.

I lock the door at umiyak ako mag-isa. Nagdadasal ako na huwag munang umuwi si Kioz dahil hindi ko alam ang sasabihin ko kapag nakita niya akong umiiyak.

Si Kikay lang ang nag-iisang tao na hindi nag ju-judge sa akin.

Napahawak ako sa tiyan ko at pinagsusuntok ko iyon. 

Dahil sa bata na ito ay tuluyan na akong nawalan ng pag-asa kay Jaedon. Dahil sa bata na ito ay nakulong ako sa isang kasal na hindi ko naman ginusto.

“Arrggg! Bwisit!” I punch my tummy hard para mawala ang bata. Ayaw ko sa bata na ito.

Nang walang nangyari dahil sa pagsusuntok ko ay humagulgol ako sa iyak. My life is a mess.

Lumipas ang buong umaga ay hindi pa rin umuuwi si Kioz kaya naisipan ko na pumunta sa bahay nila. Alam ko na nandoon si Jaedon.

Sabik ako na makita si Jaedon. Ilang araw ko siyang hindi nakita, hindi ko akalain na hindi ko siya kayang isipin ng isang araw. Kioz occupied my mind dahil sa strict niya sa akin, ginagawa niya akong bata na walang alam. Ang daming bawal at hindi pwedeng gawin. Pakiramdam ko ay para akong isang grade school. Dapat ay maaga natutulog at huwag magbabad sa gadgets.

Nakabihis na ako. Nagbihis ako ng mabilisan. Takot ako na hindi ko maabutran si Jaedon sa bahay, alam ko ang schedule niya kapag pupunta siya sa bahay.

Kahit merong sariling bahay si Jaedon ay alam ko na madalas siyang umuuwi sa magulang niya.

Hindi ko na tinignan ang mukha ko sa salamin.

Napamura ako ng maalala na wala sa akin ang cellphone. Kioz confiscated my phone kagabi because I was watching chinese drama. Hindi ako makatulog kaya nanonood muna ako and I didn’t expected na kukunin niya ang phone ko. My ipad is missing too.

Nagpahatid ako sa driver ko. Nakahinga ako ng maluwag na wala ng madaming tanong ang driver sa akin.

Kioz is made me feel that I am prisoner dahil sa strict niya sa akin. Lahat ng kilos ko ay dapat reported sa kanya.

Mabilis kaming nakadating sa bahay dahil hindi na rush hour, at wala masyadong sasakyan. Walang traffic.

“Hija, napadala ka? Nasaan si K?” Tanong sa akin ni mommy.

“Nasa kumpanya po. Ka-meeting niya po si Katey,” I answered and kiss her cheeks.

“Tara sa backyard. Nandoon si Liam at Jaedon nagmimiryenda. Nag lunch ka na ba?” Mahinhin na tanong ni mommy sa akin habang patungo kami sa backyard.

Tumango ako kahit hindi totoo. Hindi na ako kakain para mawala na ang bata sa sinasapupunan ko.

“Mabuti na lang anak, napadalaw ka. Meron na akong ka-kwentuhan, sabi ng mommy mo ay pupuntahan ako, hindi naman siya pumunta. Ang mommy Divine mo talaga ay madalas tamad.” Kwento sa akin ni mommy. Madalas na hindi sila natutuloy sa lakad nila ni mommy Divine dahil sa katamaran ng isang iyon.

“Mommy, Kanina pa ba nandito si Jaedon?” Tanong ko sa kanya.

“Kahapon pa siya nandito. Dumalaw din kaninang umaga si K,” mommy updated me. Hindi na ako sumagot.

“Hindi pa rin nag-uusap si K at Jaedon. Nababahala na ako sa dalawang iyan. Simula pagkabata hanggang tumanda ay ngayon lang sila hindi nag-usap ng ganyan katagal.”

Nakaramdam ako ng hiya at konsensya sa sinabi ni mommy sa akin. Silang apat na magkakapatid ay close at strong ang bonding nila.

“May utang ka din sa akin! Singilin mo si kuya K dahil may utang din siya sa akin!” Dinig ko na sabi ni Liam. ang batang ito, kalalaking tao ang lakas ng boses niya; para siyang babae. Nagmana kay mommy.

“Ano ang pinag-aawayan niyo, huh?!” Tanong ni mommy sa dalawa niyang anak pagkalapit namin sa kanila.

Napatingin sa akin si Jaedon at kaagad din nag-iwas ng tingin.

“Anak, Jaedon, nandito si Grace, binibisita ka, yiiieh,” tukso ni mommy at kinurot ang kanyang anak na hindi makatingin sa akin.

“Oops! Hindi na pala kayo pwede!” Mommy added while smiling widely.

“I have to go mom, meron pa pala akong meeting,” paalam ni Jaedon.

Ramdam ko na iniiiwasan ako ni Jaedon. Kapag napapatingin siya sa akin ay binibigyan niya ako ng nakakadiring tingin.

“Jaedon, pwede ba tayong mag-usap?” Lakas na loob na tanong ko.

Napahinto siya.

“Why would I talk to slut like you,” harsh na sabi niya.

“Hoy! Jaedon! Hinay-hinay ka sinasabi mo! Sister in-law mo na iyan. Matanda na siya sa’yo dahil asawa na siya ng kuya K mo!” Pangaral ni mommy sa kanya.

Hindi pinansin ni Jaedon ang mommy niya at sa akin lang ang tingin.

“Hindi mo pa rin ba ako tatantanan, huh? O baka naman hindi ka makuntenton kay kuya K at gusto mo ay kaming dalawa?” Nag-uuyam na tanong niya at umigting ang panga niya.

“Naku Jaedon! Huwag kang ganyan kay Grace! Malilintikan ka na sa akin!”

“Jaedon, hindi naman namin sinasadya ni kuya K. hindi ko naman alam na sa kanya kwarto iyon! Inaamin ko na hindi ako lasing ng mga oras na iyon! Akala ko kasi kwarto mo iyon! Hindi ko naman alam na mabubuntis ako!” Naiiyak na paliwanag ko sa kanya.

Wala kaming label ni Jaedon pero hindi ako tumitigil ipaliwanag sa kanya na aksidente ang nangyari.

“Huh! So, gusto mong sabihin na, okay lang merong mangyari sa inyo ni Kuya? Nasaktuhan lang na nabuntis ka niya? Nagpapatira ka ba sa kanya kapag wala ako, huh!” Malakas na sabi ni Jaedon sa huling sabi niya.

Naiyak ako sa sinabi niya. Nakayukom na din ang kanyang kamao.“Alam na ba ni kuya K na nilaspag na kita, huh!?” Malakas na tanong ni Jaedon.

Natakot ako sa sinabi niya dahil nandito si Liam at mommy.

Hindi ako nakapagsalita. I don’t know how to defend myself.

“Jaedon! Ano ang pinagsasabi mo, huh!” Galit na sabi ni mommy sa kanya.

“Mom, pwede ba huwag kang mangealam?” Pikon na tanong ni Jaedon sa kanyang nanay.

“Paano ako hindi mangengealam kung binabastos mo na si Grace sa harapan ko, huh! Sinabi ko na sa’yo Jaedon, wala na tayong magagawa sa nangyari. Kasal na sila at magkakaanak  na. At saka, hindi mo naman mahal si Grace, bakit ganyan ka maka-react?” Tanong ni mommy sa kanya.

“Mom, please, please, shut your mouth!” Sigaw ni Jaedon.

“Porke’t tumanda ka na ay gaganyanin mo na ako? Hindi ako ginaganyan ng dalawa mong kuya Jaedon!” Banta ni mommy sa kanya.

“Jaedon, please, let’s talk in private” nagmamakaawang sabi ko sa kanya.

“I don’t want to engage myself and waste my time with women like you. You’re dirty Grace!” Nandidiring sabi niya at tumingin sa tiyan ko.

“Jaedon, patawarin mo na ako. Ikaw lang naman ang mahal ko,” pagmamakaawa ko sa kanya.

Hinawakan ko ang kamay niya nang lagpasan niya ako. Pagpapakamatay ako kapag hindi niya ako napatawad.

“Alam ko na malaki ang kasalanan ko sa’yo. Maniwala ka naman na ikaw pa rin ang mahal ko,” nagmamakaawa na sabi ko sa kanya.

Humarap siya pero hindi tumingin sa akin. Nakatingin siya sa kamay ko na nakahawak sa kanyang braso.

“Isang lapit mo pa sa akin Grace makakatikim ka na sa akin,” duro niya at nanliliksik ang mata niya.

“Bitch!” sabi niya at malakas na tinulak niya ako. Nasagip ako ni Liam.

“Naku, Jaedon! Kakarmahin ka! Pagod na ako sa’yong bata ka!” Sigaw na habol ni mommy.

“Grace, anak, huwag mo na lang pansinin ang sinabi ni Jaedon, huh? Hindi naman ako nagkulang ng pagmamahal sa kanya. Kumpleto sa aruga si Jaedon, hindi ko alam bakit ganyan na ang ugali niya. Ako din ay hindi ko na siya kilala,” pagpapatahan sa akin ni mommy, she feel sorry.

“Kakausapin ko siya para sa’yo. Huwag ka ng umiyak. Ako ang bahala sa’yo. Tahan na anak… baka mapa’no ang baby mo. gusto ko na magka apo,” marahan na sabi niya.

“Pabayaan mo muna si Jaedon. Baka crush ka nu’n at umasa siya na siya lang ang gusto mo kaya ganu’n ang reaction niya. Pagpasensyahan mo si Jaedon dahil na-spoiled,” mom added.

Umiyak lang ako. Si Liam ay tahimik na sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.

“Anak, huwag ka ng umiyak. Ako ang kinakabahan sa’yo. Gusto mo ba tawagin ko si K?”

Mabilis akong umiling ng itanong niya iyon. Mas magiging kumplikado kapag nalaman ni Kioz ang bagay na ito.

Kinakabahan ako kay Liam dahil madaldal siya. Bawat detalye ng mga narinig niya ay i-kukwento niya kay Kioz.

“Teka, umupo ka na muna diyan. Nasaan na si Charlot. Charlot! Kuha ka ng water!” Utos ni mommy sa kasambahay.

“Huwag na po. Mas mabuti na uuwi na lang po ako,” sabbi ko sa kanya at tumayo na.

“Huh? Dito ka na mag dinner. Papupuntahin ko dito si K, para sunduin ka niya. Kakadating mo lang ay aalis ka na naman,” nag-aalalang sabi ni mommy sa akin.

Umiling lang ako. Hindi ako makapagsalita dahil sa pag-iyak.

“Doon ka na lang muna sa kwarto ni K.”

Isang mapait na alaala ang nandoon sa kwarto ni K.

Umiling lang ako ay mommy habang pinipigilan ang sarili ko na umiyak.

“Aalis na po… ako… pabayaan mo muna… ako,” hirap na sabi ko sa gitna ng pag iyak.

“Grace! Ipapasundo kita kay K!” Sigaw ni mommy.

Tumakbo ako para hindi niya ako mahabol.

Nanghiram ako ng sasakyan sa driver habang umiiyak. Ang driver ay na-schock dahil naiiyak ako kaya kaagad na binigay niya sa akin ang susi.

Mabilis ko na pinaharurot ang kotse para hindi nila ako mahabol.

Umiiyak ako habang nag da-drive. Mas maganda na mamatay na lang ako, walang nagmamahal sa akin, walang naghahanap sa akin. Akit pa ba ako nabuhay.

Meron akong pera, mayaman ang mga magulang ko pero hindi ko kayang makuha si Jaedon. Hindi ako kayang mahalin ng lalaking mahal ko.

Mabilis akong nag da-drive habag umiiyak, wala na din ako masyadong makita sa daan dahil sa luha.

Nakakarinig na din ako ng busina dahil sa bilis ng pagmamaneho ko. Muntik na din ako makabangga ng isang motor.

Pagod na ako. Ayaw ko na, suko na ako. Ang sabi nila ay hayaan ko lang, isuko ko lang pero wala naman nangyayari,

Kailan ba mare-realize ni Jaedon kung gaano ko siya kamahal? Siya lang naman ang minahal ko ng sobra-sobra.

Wala na akong makita sa daan at ang bilis ng pagmamaneho ko.

Bigla na lang may malakas na tunog akong narinig at biglang nag right turn ang sasakyan ko.

Napapreno ako ng malakas at kinabahan. Ano ang nangyari?

Ano ang sound na iyon?

Nakarinig din ako ng ingay sa labas at ang mga sasakyan ay huminto. Biglang may bumukas sa pinto ng sasakyan ko, at isang lalaki na galit iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status