Share

Chapter 4 Green Foods

<Sabrina Grace>

I tried to argue with Kioz na dito na lang ako sa bahay pero hindi ako nanalo sa kanya.

Sumama ako sa kanya dahil kasama namin pauwi si Kikay at si Carcat. Nasa backseat si Kikay habang karga niya si Carcat.

Hindi pwedeng sumama sa akin si Kikay kasi madaming inuutos sa kanya si mom.

“Kioz are you sure that mom is okay bringing Kikay with us?” I asked him for the fifth time. I’m a little worried.

“Don’t worry about your mom. I’ll handle it,” he said seriously while his eyes fixed on the road.

Tumingin ako sa likod at nakangiti si Kikay sa akin.

How I wish Kikay can stay with us para meron akong kausap at kasama. I’m comfortable with her, at para ko na din siyang kapatid.

“Sir, excited na akong makita ang bahay mo!” Excited na sabi ni Kikay habang nakayakap sa pusa.

Hindi ko alam kung paano napapayag ni Kioz si mom na isama namin si Kikay. Ayaw ni mommy ko na umalis ng bahay si Kikay kasi siya iyung katiwala niya, at utusan. Favorite niya si Kikay.

“I want barbeque,” mahina na sabi ko habang nakasandal ang ulo sa headrest ng chair.

“What kind of barbeque?” Tanong sa akin ni Kioz habang nasa daan ang kanyang tingin. Kamay niya lang ang nakahawak sa manubela ng sasakyan, habang ang left hand niya ay nakasandal sa pintuan. Ang gwapo niya tignan sa angle na ito. His nose is sharpen in side view.

“Hindi ko alam.”

Kioz heaved a sigh.

“I’ll buy you a pork barbeque. Anything else?”

Nag-isip pa ako ng gusto kong kainin.

“I want buko pandan!” Natatakam na sabi ko sa kanya.

“The mall is already closed and where am I going to buy buko pandan? Why you didn’t tell me when I was on my way to pick you up,” kalmadong sabi niya sa akin.

Ah, so sinisisi niya ako?

“Hindi ko naman alam na pupuntahan mo ako.” Rason ko.

“Of course, Babalikan kita.”

Uminit ang ulo ko sa sinabi niya.

“Eh, kung sinabi mo na babalikan mo ako. Wala ka ngang sinabi, diba! Umalis ka lang! Wala ka ng ibang sinabi!” Tumaas na ang boses ko dahil naiinis na ako. Umiinit na ang ulo. Bigla akong na-high blood. Palagi na lang pinapakulo ni Kioz ang dugo ko.

“That’s understood. I don’t have to elaborate on it,” diin nito.

Pinagmumukha ba niya na hindi ako makaintindi? I’m not stupid.

“Anong tingin mo sa akin hindi nakaka-intindi?” Inis na tanong ko sa kanya at hinarap siya; he took a glimpse of me.

“I didn’t mean it, Sabby. Alright, I’ll find Buko Pandan,” pagsuko niya, at bumuntong hininga.

Hindi pa rin ako natuwa sa sinabi niya.

“Ma’am, sir, huwag naman po kayo mag-away. One week na po kayo nag-aaway,” biglang sabi ni Kikay.

Bago maganap ang kasal ay nag-away kami ni Kioz. Dahil sa away namin ay hindi na niya pinatuloy ang kasal, but the oldies always win.

“Hindi kami nag-aaway. Ganito kami mag-usap,” madiin at inis na sagot ko kay Kikay. Sinamaaj ko din siya ng tingin, para mabawasan naman ang inis ko.

Hindi ko alam kung bakit bwisit na bwisit ako kay Kioz. Gusto ko siyang kagatin ng mariin sa kanyang braso.

“Sabi mo, eh. Statement mo iyan kaya tama ka,” Kikay answered me.

“May gusto ka ba, Kikay?” Tanong ko sa kanya habang ang tingin ko ay nasa daan.

“Sa asawa mo ma’am? Ay, wala po akong gusto kay sir Kioz!”

Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

“May gusto ka ba kainin? Bibilhan ka namin,” madiin na sabi ko sa kanya, at sinamaan ko siya ng tingin.

Napatakip siya ng bibig nang ma-realized niya ang kanyang sinabi.

Tumingin ako kay Kioz na nakakunot noo. Mukhang hindi niya na-gets ang sinabi ni Kikay.

“Ma’am, starbucks venti coffee lang po ang akin. Pa-add na din po ng croissant,” Kikay said na nahihiya.

After five more minutes of katahimikan ay nakaramdam ako ng antok, pagod at pagka-inip. Gusto ko kagatin ang braso ni Kioz, gusto ko din pisilin ang pisngi niya.

“Let's go home,” I said to Kioz and yawned.

“I thought you wanted Buko Pandan?”

“Oo, ang bagal mo mag drive. Parang may patay,” reklamo ko sa kanya, at inikutan ko siya ng mata. I am giving him attitude.

“Bakit ang init ng ulo mo, Sabby?”

Hindi ako sumagot at tumingin sa labas.

“It’s better this way,” maikling sagot ni Kioz.

“Yiieh, binabagalan ni sir kasi nakasakay ka ma’am. Ganyan talaga ang mga lalaki. Iyung pinsan ko kapag sakay niya ako sa motor ay para na kaming lilipad, pero kapag girlfriend niya ang kasama niya ay para siyang nagtitipid sa gas dahil sa bagal.”

Hindi magandang isinama namin si Kikay.

Kioz U-turned nang may restaurant kami na nalagpasan.

A minute later his phone rang.

“Katey…” he greeted the other line.

Nang marinig ko ang pangalan na iyon ay nagpintig ang tenga ko. 

“...”

“Yeah. I’ll talk to my brother. If he doesn't show up, I’ll be the one to sign the contract as an apology on behalf of Jeadon.”

Nagkita na sila ni Jaedon?

“Perhaps before lunch? It’s that okay with you?”

Hindi ko marinig ang sagot nang nasa kabilang linya.

“My secretary will send you the location and restaurant.”

May sinabi ang babaeng kausap niya. Kioz sexily chuckled.

“Don’t think that way. Jaedon is not showing up when he is thinking about something.”

“...”

“ Right, I’ll call you tomorrow Katey.”

“See you tomorrow Mr. Harrington. Couldn’t wait to become your business partner!” I heard the woman chuckle nang ilayo ni Kioz ang phone niya sa kanyang tenga. Malakas ang speaker ng iphone kaya narinig ko.

Using one hand, Kioz manoeuvred the wheel and entered a restaurant that opened twenty-four-seven.

Sino ba iyung Katey na iyon? Mukhang close sa dalawang magkatapid. Boses palang hindi na katiwa-tiwala. Ang landi ng boses. Hmph! 

“Who’s that?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko na itanong ang bagay na iyon.

“Jaedon’s supposed to be a business partner,” he answered to me at tinaggal ang seatbelt niya.

“Huh! Why? What happened?” Curious na tanong ko.

“Jaedon didn’t show up the day of signing their contract. Katey gives Jaedon a second chance.”

Lumabas si Kioz at pinagbuksan niya ako ng pinto. Inalalayan din niya ako makababa mula sa sasakyan.

Hinubad niya ang kanyang coat at nilagay sa aking ulo.

Tumingin ako sa kanya na nagtataka.

“You’re pregnant. Baka maambunan ka,” he said. Naniniwala pa pala ang lalaking ito sa mga bagay na ganyan.

“Careful, Sabby,” Na-aalalang sabi niya pagkababa ko. Ang reckless ko kasi bumaba

“Please, next time wear flat shoes, or better, wear slippers,” sabi niya nang makitang naka heels ako.

Inirapan ko lang siya at napailing na lang siya.

Ibinalik ko ang topic about Jeadon.

“Why are you involved in Jaedon’s business?” I asked, looking for an answer.

“I’m helping my brother to raise his business,” he sighed, “but unfortunately he doesn’t exert effort.

Naglalakad na kami at ang isang kamay ni Kioz ay nakapulupot sa bewang ko para alalayan niya ako. Nakalimutan ko na kasama namin si Kikay na nakasunod lang sa amin.

I yawned again.

“I want to go home,” reklamo ko kay Kioz.

Pagpasok namin sa restaurant ay bigla akong nag crave sa beef steak.

“I want beef steak,” sabi ko sa mahinang boses.

“You are supposed to eat a healthy meal.”

Napairap ako sa sinabi niya. He doesn’t seem strict. Tinaggal ko na din iyung coat niya na nakapatong sa ulo ko at ibinigay ko sa kanya.

Hindi naman kami close noon, hindi nga kami ganoon nagpapansin, at alam naman ng buong pamilya niya na ang nakakabatang kapatid niya ang gusto ko. Alam nila kung paano ko habulin si Jaedon.

Kioz and I always have a fights simula nang mabuntis niya ako.

I was calling him brother but now… it’s kinda awkward kung tatawagin ko pa siyang ganu’n.

“I’m craving to beef steak,” naiiyak na sabi ko sa kanya,

Matagal niya akong tinignan bago siya bumuntong hininga.

“All right, let’s sit” pagsuko niya.

Pinanghila niya ako ng upuan, katabi ko si Kikay habang nasa harapan namin si Kioz.

“Sir, mukhang mamahalin dito ah. Mukhang pagdating kay madam ay hindi mo siya tinitipid,” komento ni Kikay. Kahit kailan hindi niya mapigilan ang bibig niya.

“At saka, ngayon lang ako nakakain sa mamahalin na restaurant. Ang bait mo naman sir. Sana mabuhay ka ng matagal,” puri ni Kikay habang nakangiti siya ng malapad kay Kioz.

“Anong pinagsasabi mo diyan?” Inis na tanong ko kay Kikay, “Sinasama kita sa ibang bansa. At kung saan kami ni mommy ay nandoon ka din.”

“Ay oo nga pala, ma’am, hehe. Last month pa po kasi ako nakakain sa expensive restaurant. This month ay first time po,” dahilan niya at kinamot ang ulo niya.

Napatingin ako kay Kioz nang nag o-order na siya ng kakainin namin.

“Is that all, sir?” Tanong ng waiter kay Kioz.

Hindi man lang tinanong ni Kioz kung ano ang gusto namin kainin ni Kikay. Kinuha ko ang menu.

“Kioz, did you order beef steak?” I asked while my eyes were roaming the menu.

“Yeah, you, what do you want?” Tanong ni Kioz sa katabi ko.

Wow, tinanong ang kasambahay pero ako hindi.

Akmang magsasalita si Kikay nang magsalita ako.

“Ako na ang mag o-order ng sa kanya,” I said at tinignan si Kikay ng makahulugan.

“Sabi ko nga ma’am,” Kikay answered.

I ordered all the foods that I wanted to eat. Hindi man lang ako pinag order ni Kioz.

“I already ordered a meal for you, Grace,” Kioz said.

“Is that all ma’am?” Tanong sa akin ng waiter.

“May halo-halo ba kayo diyan?” Tanong ko sa kanya.

“Wala po, madam,”

Napasimangot ako sa sinabi niya.

“May milk ba kayo? Kahit milk and ice lang, okay na sa akin,” sabi ko sa waiter.

“Wala po kaming dessert ma’am.”

Mas napasimangot ako at tinakpan ang menu at ibinigay sa waiter.

“Sige iyun lang lahat ng order ko,” sabi ko sa kanya ng malungkot.

Inulit ng waiter lahat ng order namin.

“You ordered a lot,” Kioz commented.

Hindi ako sumagot at nakanguso lang ako.

“I thought you wanted Buko Pandan?” He asked.

“Gusto ko ng mga pagkain na color white. I want white rice, and milk,” malungkot na sagot ko habang nakasimangot.

“Ay ma’am, baka maging color white niyan ang anak niyo,” sabat ni Kikay.

“Hindi ko tinatanong ang opinion mo” masungit na sagot ko kay Kikay.

“Sungit naman ni madam.”

Kioz got his phone and started to text someone. Update niya siguro yung kabit niya, or si Katey te-text niya. Wala pa kami isang buwan na kasal ay nambabae na siya.

I saw his head frowned. Sino ba ang ang ka-text niya? Ang bilis niya din mag type. Malaman ko lang ang kabit niya ay hihiwalayan ko siya.

Kalahating minuto nang i-serve ang mga order namin. Kami lang ang tao dito sa resutaurant dahil oras na din.

“Bakit ang daming pagkain na may gulay?” I asked.

“That’s for you. Eat healthy,” sabi ni Kioz at nilagyan ng pagkain na Chinese ang plate ko.

“Ang sweet mo naman sir. Sana makatagpo ako ng lalaking tulad mo. Gwapo, caring, mabait tapos matangkad,” Kikay voice is full of admiration. Hindi namin siya pinansin.

“Huh! I’m not eating veggies and that’s not what I want!” Reklamo ko.

“Hindi naman ako kambing para kainin ang mga iyan,” I added.

“I’m doing this for my baby. You’re carrying my child and he or she also needs nutrients,” he explains firmly.

May kumirot sa puso dahil ang concern niya lang ay ang anak niya. Anong tingin niya sa akin? Surrogate mom?

“I want my baby to be healthy,” Kioz said while putting kangkong on my plate.

Mabuti na lang nag order siyang dim sum.

Wala akong nagawa kundi kainin ang mga inorder niya, pero masaya naman ako kasi may gusto ako na binigay niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status