Share

Chapter 6 Car Accident

<Sabrina Garce>

Galit ang mukha niya na humarap sa akin.

“Miss, hindi ka ba marunong mag drive? huh! Bumaba ka diyan at huwag mong subukan tumakas!” Galit na sabi niya sa akin.

Bigla akong kinabahan sa pagsigaw niya sa akin, nakakatakot siya. Galit ang kanyang mukha, hindi ako sanay na sinisigawan ako.

Sa takot ko ay sumunod ako sa kanya.

Napatingin ako sa kumpulan ng mga tao at napatulala ako nang may isang babae na nakahiga sa daan, duguan at walang malay. Meron din isang batang lalaki na nakasuot ng school uniform ang walang malay na nakahiga sa samento.

Napatingin ako sa lalaki habang ang mukha ko ay takot habang umiiyak ako.

May idea na ako sa nangyari pero gusto ko marinig kung tama ang hula ko.

“Ano ang ginawa k-ko?” Umiiyak na sabi ko habang lumuluha.

“Huwag mo ng hayaan na tumakas dahil papadating na ang mga pulis. Alam ko na din ang plate number mo,” galit na sabi niya sa akin.

“Hija, hindi ka ba marunong mag drive, huh? Hindi ka marunong mag preno. Sinagasaan mo ang mag-ina. Hindi mo ba alam na kapag sa pedestrian lane ka ay dapat mabagal ang takbo mo,” sabi sa akin ng isang lalaki na may katandaan.

“Sa presinto ka na magpaliwanag, hija.”

Nag cause na din ng traffic ang aksidente na ginawa ko.

Nakatingin lang ako sa dalawang mag-ina na walang malay habang tinitignan ng mga witness kung buhay pa ang dalawa.

Ano ang ginawa ko?

“Ipagdasal mo na lang na buhay pa sila.”

Nakatulala lang ako. Hindi ko alam ang gagawin ko, at i-re-react ko. Hindi pa rin nag si-sink in sa utak ko na nakapatay ako.

Nakapatay ako, huhu.

Buong oras na iyon ay nakatulala lang ako. Wala akong pakialam kahit na huliin ako ng mga pulis. Nakatulala pa rin ako habang sakay ako ng mga pulis sa sasakyan nila. Hindi ko na din alam ang nangyari sa sasakyan ko. Ang daming tao.

Sobrang daming nakiki-chismis. Meron din dumating na reporter.

Ang dalawang mag-ina ay mabilis na isinugod sa hospital at ilang minuto lang ay dumating ang mga pulis at kaagad ako na hinuli.

“Dito ka na muna pansamantala habang hinihintay natin magising ang mag-ina. Mukhang makakasuhan ka. Ang bata pa naman ng itsura mo,” anang isang binatang pulis sa akin.

“Ta-tawagin ko lang iyung a-asawa k-ko,” umiiyak at wala sa sarili na sabi ko sa mga pulis. Muntikan pa akong mapapiyok.

“Sige, tawagan mo na. Meron ka ba pantawag diyan?” Tanong sa akin nung kasama niyang pulis.

Tumango lang ako at wala ako sa sarili na tinawagan ang number ni Kioz. Ang pangalan niya ang unang bumungad sa list ko kaya siya ang tinawagan ko.

Isang ring lang ay sinagot ni Kioz ang tawag ko.

“Hello,” he greeted in a deep baritone voice. Mas naiyak ako.

“Hello? Grace, what did you call?” Malambing na tanong niya.

Humikbi ako dahil sa tono ng boses niya.

“Are you crying?”

Kahit hindi ko siya tignan ay alam ko na nakakunot ang noo niya at nag-aalala siya. Nag-aalala siya sa akin dahil love ako ng mommy niya, at nakakabatang kapatid na ang turing niya sa akin.

“K-kioz…” iyak na sabi ko sa pangalan niya at humagulgol na.

“Fuck! Why are you crying? Where are you?” Nag-aalalang sabi niya, at narinig ko na tumayo siya sa kinakaupuan niya. May mga narinig din ako na boses ng mga lalaki sa kanyang linya. Mukhang nasa meeting siya.

Kaninang umaga, bago siya umalis ng bahay ay narinig ko na may meeting siya. May tumawag kasi sa kanya.

“Grace! Damn. Where are the maids? May masakit ba sa’yo, huh? Tell the maids to bring you to the hospital.”

Kioz worried too much about me, I never felt this feeling. Jaedon never worried this much about me.

“You have your driver there,” nag-aalalang sabi niya.

“I’m at the presinto,” sabi ko na hindi nautal. Hindi ko alam kung paano ko nasabi iyon ng straight.

**

Wala pa kalahating minuto ay dumating si Kioz na nag-aalala. Nang makita niya ako na nakaupo habang umiiyak ay mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap niya ako.

“Fuck! Are you okay? What happened?” Tanong niya nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.

Sobrang nag-aalala ang kanyang mukha.

Sa takot ko ay niyakap ko siya ng mahigpit at humagulgol sa kanyang balikat.

“Kioz… a-ayaw ko m-makulong…” iyak na sabi ko sa kanya. Para akong bata na may ginawang malaking kasalanan at takot na takot.

Niyakap ko siya ng mahigpit dahil takot ako.

Niyakap ko din siya kasi pagdating niya ay ramdam ko na concern siya sa akin, at ramdam ko na may karamay ako.

“Shhh,” he hushes me and caresses my hair gently.

“I won’t let it happen,” he murmured and assured me.

“A-a-are you… going to pay. T-the justice?” Hirap na tanong ko sa kanya dahil sa pag-iyak.

Alam ko na nalilito siya sa sinabi ko.

 Hindi ko namalayan na mahigpit ang yakap ko sa kanya.

Sobrang lakas ng iyak ko. Para akong bata. Ayaw ko din kumawala sa yakap kay Kioz dahil baka pinagtitinginan na ako.

Kung Jaedon ang nandito ay magrereklamo siya na umiiyak ako.

“Tell me what happened. I will resolve it… I won’t let something bad happen to you Grace,” sincere na sabi niya habang pinapakalma ako.

“Shhh. stop crying, please? Shhh… tama na.”

Mas lalo lang akong naiiyak sa pagpapatahan niya sa akin.

Bakit hindi ganito si Jay sa akin? Iyung kapatid niya ay palagi akong pinapaiyak. Ang layo ng personality nilang magkapatid.

“Huwag m-mo ako p-papabayaan,” takot na sabi ko sa kanya. Nagmamakaawa ang aking mukha kay Kioz, at mahigpit ko na hinawakan ang kanyang kamay. Takot ako na baka iwan niya ako dito mag-isa. I don’t want my feet step inside the cell.

Kumalas ako ng yakap sa kanya. Humarap ako sa kanya na umiiyak at magulo ang mukha. I know I look shit at this moment.

“P-please, do-don’t tell my parents about this,” worried na pakiusap ko sa kanya.

He cupped my booth cheeks gently, looked gently into my eyes, and wiped my tears.

“Shhh… calm down, okay? Hindi kita pababayaan. Tama na,” he said and wiped my tears gently and he looked at me so worried.

“Stop crying. Tama na… I don’t want to see you crying,” malambing na sabi niya, at para akong natutunaw.

Mas naiiyak ako sa lambing ng boses niya.

Hindi ko akalain na bukod kay Kikay at kay mommy ay isang tao na concern sa akin. Pero, ayokong umasa kasi alam ko naman ang totoo.

Parehas sila ng mommy na ayaw akong makitang umiiyak. Maybe Kioz is worried and concern to me kasi alam niya kung gaano ako kamahal ng mommy niya.

“Please… stop crying, babe…”

Nagmamakaawa na sa akin si Kioz, at mukha na din siyang nahihirapan.

Muli akong yumakap kay Kioz at itinago ko ang mukha ko sa dibdib niya. Hinayaan niya akong gawin pamunas ang suit niya.

“Sir, okay pa ba si ma’am? Water sir?” Alok ng nag-iisang babaeng pulis dito.

Kanina ay hindi niya ako pinapansin. Dumating lang si Kioz ay naging concern siya.

Isang oras at kalahating oras akong pinapatahan ni Kioz sa prisinto. Hindi din nila ako makausap dahil shock pa rin ako. Hindi ako makapaniwal na nakapatay ako. I am praying na okay lang iyung mag-ina.

Hindi ko alam kung ano ang didibdibin ko sa mga oras na ito; ang pagiging broken hearted ko ba kay Jay, or ang pagsagasa ko sa mag-ina.

Mas naiiyak ako dahil naaalala ko ang mga nakaraan. Noong bata ako ay si Kikay ang nandiyan kapag nagkaka trouble ako. Tapos ang mommy ni Kioz ang nag a-attend sa mga events sa school.

Kaya nagkagusto ako kay Jay kasi palagi siyang kasama ni mommy, tapos siya iyung unang naging best friend ko na lalaki. 

Ang mga pulis ang kausap ni Kioz. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila, naririnig ko lang ay ang kanilang mga boses.

Nakadikit ako kay Kioz dahil takot ako.

**

<Third Person>

“Sir, ayon sa mga witness. Your wife is driving fast and the cars behind her notice that she’s being reckless. At ayon sa mga left lane ay sinadya ni mom banggain ang mag-ina.”

“But, there’s a man. He stated that, when he opens the car door, your wife is crying and looks not in herself.”

Seryosong nakikinig si Kioz sa mga pulis habang si Grace ay nakaupo sa tabi niya habang nakatulala. Kioz is holding his wife’s hand while his attention is to the police man.

“Sir, kung patay na ang mag-ina ay maaari siyang makasuhan, lalo na kung may pamilya ang mga iyon at gustong kasuhan si ma’am,” explanation ng lalaki.

Kioz remained silent.

Bumabagabag sa kanya kung bakit umiiyak si Grace, at kung bakit wala siyang tawag na natanggap na umalis ng bahay si Grace.

Kinuyom ni Kioz ang isa niyang kamao. He has idea but he needs evidences na tama ang hinala niya.

Isang tao lang naman ang dahilan ang alam niya kung bakit aalis ng bahay si Grace.

“At ipagdasal mo na lang sir, kapag nagising ang mag-ina ay hindi nila kakasuhan si ma’am,” the policeman added.

“Can I bring my wife home while the mother isn’t awake yet?” Kioz asks in an intimidating way.

The policeman felt pressure scared; pumayag ito na makauwi ang dalawa.

“Huh… sir-”

“My wife is in shock. I have to take her home. She’s pregnant,” matigas na sabi ni Kioz sa police.

Walang nagawa ang police sa gusto ni Kioz at tumango na lang siya.

“Sige sir, habang walang nagrereklamo at nagsasampa ng kaso sa kanya.”

Kioz stand up at inalalayan ang asawa na nakatulala. Hanggang sa maisakay niya sa kotse ay wala ito sa sarili.

While inside the car ay tinawagan niya ang kanyang secretary.

“Cancel my meeting with Katey, and to Mr. Lim. Call my lawyer and tell him to meet me his free time within this day,” matigas na sabi ni Kioz at tumingin sa kanyang asawa na nakatulala lang.

“Copy. Anything else sir?”

“And go to Happy Heart Hospital. I’ll send you the details. Settle the bill and look for the patient’s family. Offer them a huge amount of money. Go to the place that I’ll send you. Ask for the CCTV recorded, and delete the file. The rest, you know what you will do,” matigas na sabi ni Kioz.

“Arrasso, sir!”

Kioz didn’t reply and ended the call.

He heaved a sigh and looked at his wife beside him.

Nilagay niya ang seatbelt ni Grace.

Now, he needs to settle the issue between him and his brother Jaedon.

Pagkadating ni Kioz sa bahay ay inalalayan niya ang asawa na umiiyak na naman.

“Hala! Sir, anong nangyarin kay ma’am?” Tanong ng mayodorma ng bahay.

Kioz didn’t answer the old woman's question.

“Bring one glass of water in our room,” Kioz replied at nagtungo sa kwarto nila mag-asawa.

Inalalayan ni Kioz ang asawa na mahiga pero ayaw ni Grace.

“H-hindi ko sila pinatay… h-hindi ko naman s-sinasadya..” paliwanag ni Grace.

Kioz stops from fixing the pillow for her.

Kioz heaved a sigh and sat beside her on the bed.

“Shhh. I know… you don’t need to explain. I know that your innocent wife,” muling pagpapatahan ni Kioz sa kanyang asawa. Hinahaplos niya ang likod ni Grace.

“Rest assured that I will handle it,” he assured again.

“Stop crying and worrying,” malambing na sabi ni Kioz at muling pinunasan ang luha nito.

A knock on the door interrupted them.

“Paano kung patay na sila?” Grace asked worriedly.

“Shhh. don’t think too much. They are still alive,” he assured at inayos niya ang buhok ng asawa.

“I saw them l-laying on the ground and… and showered with t-their o-own blood,” Grace said at humagulgol sa iyak.

“Shhh,” he kissed her forehead and kept on caressing her back.

“While I am by your side you don’t have anything to worry about.”

Kioz keeps on assuring her.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status