Share

Chapter 1

"Thank you, ma'am! Please come again soon." Malawak na ngiti ang ibinigay ko sa huli naming customer. Pagkalabas nito ng pinto, saka naman ako nag-unat ng mga kamay. "Sa wakas! Tapos na rin." Lumapit ako sa sign na nasa pintuan para ilipat iyon sa 'We're Close' sign.

"Pagod na pagod ba, June?" Tanong ng kasama kong si Keith. Dala-dala niya ang mop para linisan ang sahig.

"Yeah, finals kaya namin kanina! It was really hard but thank God, I manage to answer them all. Though, hindi ako sigurado sa iba." Kinuha ko ang pamunas para magpunas ng mga mesa.

Alas dose nagsasara ang coffee shop na pinagtatrabahuan ko, pero ngayon ay napatagal kami dahil sa dami ng customers kanina. Kaya naman halos mapunit ang labi ko kangi-ngiti sa huli naming customer nang tumayo ito sa kinauupuan niya.

"Luckily, hindi ko na kailangan problemahin 'yan," natatawang sabi ni Keith.

As far as I know, Keith stopped going to school already due to his personal reasons. At sa aming lahat na empleyado rito, siya lang ang full-time dahil mga estudyante kami. Madalas siya ang taga-salo ng schedule kapag nagkaproblema.

"Ako na ang bahalang magsara ng shop. Mauna ka na, June. Diba sabi mo pagod ka?"

"Hala, sure ka ba? Kaya pa naman kitang tulungan, hindi pa naman ako inaantok ng sobra." I asked him worriedly. He's been working 8 hours straight and yet he still volunteer to close the shop.

"Yes, I'm sure. You still have classes tomorrow, right? Umuwi ka na, magco-commute ka pa naman," he answered.

Wala na akong magawa dahil siya na rin ang nag-insist. I helped him to keep clean-up before going to the comfort room to change my clothes.

Basa ng pawis ang likuran ng t-shirt ko. Tatangkain ko pa sanang amuyin pero parang pagsisisihan ko kaya hindi ko na tinuloy.

Matapos kong magpalit ay nagpaalam na ako kay Keith na mauuna.

"Text me when you get home, okay?" He reminded me before I can leave the shop.

I paused for a second to looked at him. He raised his brow when he saw I grinned. "Ikaw, ha? Huwag mo namang ipahalatang patay na patay ka sakin, Keith. Ako lang 'to."

"Sira! Hindi ako pumapatol sa bata." Tinawanan ko lang siya bago lumabas. Sinuot ko ang jacket ko dahil malamig na. May mga bukas pa namang mga shops at may makikita ka pa rin namang mga tao na palakad-lakad sa daan.

Besides, the city doesn't sleep anyway.

Naglakad pa ako ng ilang minuto bago makarating sa sakayan ng bus. Hindi naman malayo ang apartment na tinutuluyan ko, pero wala na kasing mga jeep sa ganitong oras.

"Sa Ronaville Avenue lang, Kuya." Inabot ko ang bayad ko sa konduktor at binigay niya naman sa akin ang butas na ticket. Inayos ko ang upo ko at saka nagsuot ng earphones. Maya-maya ay aalis na rin naman ang bus dahil hindi na nila hihintaying mapuno pa.

Nang makababa ako sa Ronaville, kailangan ko pang lakarin hanggang sa kanto ng Lovini. Hindi gaya sa may coffee shop, dito wala ka nang taong makikitang palakad-lakad. Pero hindi naman madilim ang daan dahil sa mga lamp post na nagkalat.

Bago ako makapasok sa village ng Birdseye, binati muna ako ng guard. Inalok niya pa akong ihatid gamit ang golf cart hanggang sa apartment na hindi ko naman tinanggihan. Masyado na akong pagod para maglakad.

"Salamat, kuya!" Pagpapasamat ko sa kaniya.

"Walang anuman, ma'am." Kumaway naman ito sa akin bago niya pinaandar paalis ang cart.

Umakyat na ako pagkaalis niya. Mabuti na lang at nasa second floor lang ang nirerentahan ko kaya hindi na masyadong mahaba ang aakyatin ko.

Pagkatapat ko sa room 45, hindi ko na kailangan pang kunin ang susi ko dahil alam kong gising pa si Rosetta, ang pinsan ko. Naririnig kong nakabukas pa ang TV. Hula ko ay nagbi-binge watching na naman siya. Kumatok lang ako at maya-maya ay bumukas na ang pinto.

"You're so tagal," reklamo niya. May suot pa siyang clay mask kaya napaatras ako ng kaunti. Siya ang kasama ko sa ilang taon ko ritong nag-aaral sa siyudad. She's my cousin from my mother's side and when I tell you she cooks so good, I really mean it.

"Daming customers," maikli kong sagot. Pumasok na ako sa loob at saka naghubad ng sapatos. Sinabit ko sa coat rack ang hinubad kong jacket bago tumuloy paloob.

"The mailman came here again. You have 6 letters, I put them in your room." Bumalik siya sa panunood ng TV habang ako naman ay sa kusina ang diretso para uminom ng tubig.

"July already sent me last day, bakit naman ang dami?"

"I don't know. Why naman kasi hindi na lang kayo mag-text or chat sa messenger? Letters is so makaluma na!"

Binalik ko sa loob ang pinag-inuman kong tumblir. "Baliw. You know Tierra Cota don't have transmission towers yet."

"Yeah, whatever. May tinira akong adobong chicken sayo. Nasa ref if you want."

"No, thank you. I want to sleep already, I'm exhausted." Reklamo ko bago pumasok sa loob ng kwarto.

I didn't bother to open the lights and used my phone to find something to wear in the drawer. Pabigat nang pabigat ang talukap ng mga mata ko kaya binilisan ko na ang pagbibihis at saka nag-dive sa kama.

I feel the comfort of my bed andthat's the cue to make my whole system rest.

--

Nagising ako bandang alas nueve na. I have to go to school at 3 but I don't have classes anymore dahil tapos na ang finals kahapon. May kailangan lang akong ipasa sa adviser ko. To spend my vacant hours, I brewed some jasmine tea and grab the book that July sent me.

He sent me this last time together with his letter. Now I have to send him something in exchange too.

Pumwesto ako sa may bintana ng kwarto dahil mahangin doon at tamang-tama ang liwanag na galing sa labas.

Binuklat ko ang libro kung saan ang huli kong binasa. I used July's photo as a bookmark cause I don't have one. I leaned my back to the reclining chair and let my imaginatuon do the work as I read the book.

It's about the tale of the village where the people lives there are disappearing one by one each night. And Hopper, the main character has a hunch that it was cause by aliens because he witnessed one incident of abduction. And his goal is to save the villagers before the symbiotes mark them.

The plot is interesting kaya naman ganado talaga akong magbasa to the point na hindi ko na namamalayan ang takbo ng oras. July did a good job picking this book. I wonder kung saang part na siya since nauna siyang mag-umpisa kaysa sa akin.

When my phone alarm rings, I closed the book to start preparing myself. I planned to visit the mall before going to school to grab something for me since yesterday's payday. Baka makahanap din ako roon ng pwedeng pangregalo kay July kahit wala namang okasyon.

Nang lumabas ako sa kwarto, nadatnan kong nanunood na naman ng TV si Rosetta. Ever since na nagkaroon ng wifi connection per floor ang partment, hindi na niya tinantanan ang mga series na nakikita niya sa Netflix. Hinayaan ko na lamang siya roon at dumiretso sa kusina para kumain.

"Anong ulam?" tanong ko.

"I already reheated the leftovers last night. May boiled eggs diyan sa kaldero, you can have two if you want. Don't mind me, tapos na akong kumain." She stuff some popcorn in her mouth without even looking at me. She's so busy watching.

Kumain na lang ako nang tahimik sa lamesa habang pasulyapsulyap sa pinapanood niyang K-drama. Rosetta have the luxury of time to binge watch since she's all done with her responsibilities. Ako na lang ata ang may dapat asikasuhin sa school.

"The landlord said that the mailman went earlier. He left the letter at the gate. Nakalimutan kong kunin kanina, you can manage to get that naman, diba?" Tumayo ito para mag-refill ng orange juice sa ref. Pagkatapos ay bumalik lang din sa kaninang pwesto. "You're receiving a lot of letters this day, may ganap ba?" Nilingon niya ako nang may pagtataka ang nakaguhit sa kaniyang mukha.

I just shrugged my shoulder, "I don't know. Hindi ko pa nabasa ang mga liham kahapon. Maybe some of them are from Thaft or Auntie Lucy."

"They loved you that much?"

"Maybe? I was a good girl back there so... it's not questionable."

Nagkibit balikat lang si Rosetta at saka binalik ang tuon sa panunood.

Matapos kumain ay naghugas ako ng pinggan. Sinama ko na rin ang mga natira sa lababo para malinis tingnan. Bago maligo, nagwalis muna ako sa loob ng kwarto dahil pakiramdam ko maalikabok na. Kawawalis ko lang naman nito kahapon pero parang ang dumi na sa paningin ko.

Nakita kong nakabukas ang isa sa mga liham na nakapatong sa study desk ko. Nagtaka ako dahil wala naman akong ginalaw kagabi. Nilapitan ko ito para tingnan kung anong laman. Pagkabuklat ko ng papel sa loob, hindi liham ang bumungad kundi isang lumang alien poster.

Medyo lukot na ang tig-gigilid nito pero maayos at matingkad pa naman ang kulay.

At the bottom, the phrase 'They're real' is written in a creepy font. A big green face of an alien is drawn in the center which catch the attention of anyone who will look unto it.

Hindi ito pamilyar sa akin kaya binalik ko siya sa loob ng envelope. Hinanap ko kung kanino galing pero wala naman akong nakitang pangalan bukod sa akin. Hinayaan ko na lang ito at naligo na.

Dahil maaraw sa labas, nagbitbit ako ng payong. Pagkababa ko ng apartment, nakita kong nagdidilig si Manong Fred, ang landlord, ng mga halaman niya.

"Trabaho na naman ba, June?" Tanong niya.

"Sa eskwelahan po ang punta ko, Manong," sagot ko sa kaniya.

"Ay siya, mag-ingat ka. Dumaan kaninang umaga ang kartero, mukhang may liham ka na naman. Kunin mo na lang d'yan sa mailbox." Huling bilin niya bago ako makalabas ng gate.

Kinuha ko ang liham na sinabi niya sa mailbox. Bubuksan ko pa sana ito nang may nahagip akong papadaan na tricycle kaya pinara ko ito at nilagay na lang sa loob ng bag ang liham. Siguro mamaya ko na lang babasahin iyon kasabay ng mga nasa kwartong hindi ko pa nabubuksan.

"Kuya, sa Vindanggo Mall po." Binigay ko sa kaniya ang bayad at umandar na rin agad ang sasakayan papunta sa sinabi kong lugar.

Mabilis lang kaming nakarating dahil hindi traffic. Sa bookstore agad ang punta ko para tumingin kung may magandang libro ba akong makikita. Tumagal ako ng ilang minuto roon bago ako nakaramdam ng gutom at saka pumunta sa food court.

Isang order ng sisig lang ang binili ko at saka pumwesto sa pinakadulong table na medyo may kalayuan sa maraming tao.

Dalawang oras pa ang bakante ko. Mahaba pa para maglibot dito sa loob.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya napatigil ako sa pagsubo. Pagtingin ko sa caller ID, si mama pala kaya sinagot ko ito agad.

"Hello, ma?"

"June, where are you?" Bakas sa boses niya ang pagkabahala kaya naman nagtaka ako.

"Nasa mall ako ngayon, kumakain, bakit po?" tanong ko.

"After you finish eating, head here at the house. ASAP!"

"Bakit, ma? Anong nangyari?"

"It's July."

Naguguluhan ako sa inaasta niya. Kaya naman binaba ko ang kutsara para pagtuunan ang pag-uusap namin.

"Why? What happened to July?"

"Just head here immediately and I'll tell you."

//

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status