Share

Chapter 2

Mabilisang kain pero maingat ang ginawa ko. Mukhang 'di ko na mababalikan ang tinago kong libro sa bookshop kanina. Agaran akong pumara ng taxi pagkalabas ng mall para magpahatid sa bahay.

Medyo malayo ang bahay namin mula sa pinapasukan ko kaya kailangan kong magrenta ng apartment kasama si Rosetta. At dahil may part-time job naman ako, hindi na ako namo-mroblema sa pera.

Ang sabi ni mama, siya na ang magpapaalam sa adviser ko. Pero nag-iwan pa rin ako ng excuse letter via email. Nag-chat na rin ako kay Rosetta na papunta ako sa bahay namin. Para kung sakaling hindi ako makauwi ngayon, alam niya kung nasaan ako.

Huminto ang taxi sa may guard house ng subdivision. Kinausap ito ng guard at nang magpakita ako, pinapasok na niya kami.

Ibinaba ako ng taxi sa harap ng pulang gate. Nang makapagbayad na, umalis na rin ito. Dumiretso ako sa loob ng bahay para hanapin si mama. Tahimik lang ang loob dahil nasa trabaho si papa sa ganitong oras at mukhang umalis si Manang Celly, ang kasambahay namin.

"Ma? Nandito na ako," tawag ko sa kaniya.

Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. May nakita pa akong hugasin sa lababo na mukhang pinagtimplahan ng tsaa dahil sa nakalitaw na tea bag. Nagpasya akong hugasan na lang ito para walang nakatambak sa lababo.

"Anak?"

Nakarinig ako ng mga hakbang na papalapit. Nang lumingon ako, nakita ko ang nag-aalalang mga mata ni mama.

Mabilis kong iniwan ang hugasin at saka nagpunas ng kamay.

"Bakit? Nag-away ba kayo ni papa?" tanong ko sa kaniya.

Umiling ito sa akin bago siya lumapit. Niyakap niya ako ng mahigpit na para bang pinaparamdam niyang may karamay ako --- na siyang hindi ko maintindihan.

Nang bumitaw siya sa yakap, hinawakan niya ang braso ko at iginiya sa sala. Pinaupo niya ako roon habang siya naman ay tumabi sa akin.

"Ma, hindi kita maintindihan. May nangyari ba? Mabilis akong nagpunta rito kasi may sasabihin ka. Ano po ba 'yon?"

"Patay na si July," diretsang sabi niya.

I looked at her for a moment. She was so straightforward to the point that I can't react. My brain can't function to well because what she said is too impossible.

"Ano bang sinasabi mo, Ma? Kabibigay lang niya ng sulat sa'kin kaninang umaga. Imposible po 'yang sinasabi mo," ani ko.

"The letter earlier, it was from his mom."

"That's impossible, mom! July always sent me letters regularly. He won't fail this time," pagpipilit ko.

"The letter was from his mom. I know it, June... because I received one earlier too!"

Saka ko naalalang dala-dala ko pala ang liham. Agad kong kinuha ang bag ko para halungkatin ang nasa loob. As far as I can remember, inipit ko iyon sa isa sa mga notebooks.

Nilabas ko lahat ng notebook na nasa bag. Binuklat ko ang mga ito hanggang sa makita ko ang liham. Pagkatingin ko sa likod nito, nagsimula na akong kabahan. Mom was right, it was from July's mother, Tita Julieta.

Tinanggal ko ang tinunaw na silyo para mabuksan ang liham. Kinuha ko ang papel sa loob at mabilis itong binuklat.

----

Dear Juniper Gallego,

     We are sorry to be the bearers of this sad news, but our son Julius Lysander Ignacio passed away last Tueday, June 2, 2026. He fell accidentally in the cliff while running at the woods. He was normal these past few weeks and doesn't seem to have a problem. That's why his death is still sudden to us.

     Following the family's tradition, we held the wake with the whole family and relatives in the old mansion of our late ancestors, at the Casa Ignacio. His funeral will be on June 14, 2026. Exactly 10 days after you recieve this letter. We hope that you can come.

Sincerely yours,

Julieta Ignacio

---

My world almost stopped after reading the content of the letter. Mom wasn't lying.

I looked at her, teary-eyed. She has a worried face written all-over. She spread her arms and that's the signal to embraced her.

Hindi na ako nahiya. Yumakap ako ng mahigpit sa kaniya. Sinubsob ko ang mukha ko sa kaniyang dibdib habang siya naman ay hinahagod ang aking likod. My sobs became clearer and clearer until I burst into tears. All I can do is hug her to feel her warmth that comforts me... that makes me assured that everything will be fine. Even if it's not.

"Shh, shh... tahan na. Right after your father arrives, we'll head to Tierra Cota, okay?" mother said.

She looked at my face and cupped my cheeks, wipe down the falling years and looked at me with sympathizing eyes.

"I know this is tough for you, but be strong, okay? For July... for you."

We stayed like that for a how many minutes. Pagkatapos ay umakyat ako sa kwarto para magligpit ng damit na dadalhin papuntang Tierra Cota. My mind is still a mess, I don't know how did I manage to packed my things well.

Matapos mapagod sa pagsasalansan ng damit sa bagaheng dadalhin, humiga ako sa kama at napatitig sa kawalan. I can't stop myself from thinking how's my childhood with July and Thaft.

We were trio back then and I was the only girl. I met July first since we're classmates in kindergarten. Siya yung batang lalaki na hindi nawawalan ng picture book sa katawan. Kahit saan siya pumunta, lagi siyang may dalang picture book. And everyday, iba-ibang picture book and dala niya. Nag-away pa kami dati dahil hindi siya nagpapahiram. And that's how our friendship starts.

We met Thaft in fourth grade. July was forced to join the baseball team and I always watch their practice matches to show my support. Kahit pa man hindi nakakatama ng bola si July. Thaft was the pitcher that time and he intentionally hit July's face. Inaway ko pa siya noon pero tiningnan niya lang ako at hindi nagsalita. But he treated us ice cream as his peace offering.

Wala sa sariling napatingin ako sa bed side table ko. Nakita ko ang litrato naming tatlo na magkakaakbay while wearing our uniform. I was on my pigtails, Thaft is holding a baseball glove and July is in the middle, smiling ear to ear. A tear escaped from my eyes again.

How come that there's only the two of us now? Does time flies so fast to the point that I didn't notice we're growing?

July is a great friend, he's more than a brother. He's the only one who can understands my bad, idiotic side. He's the only one who can handles Thaft anger issues. He's a dependable young man. Now that he's gone, it's like our foundation is gone too.

Hindi ko namalayang nakarating na pala si papa galing sa trabaho. Gaya namin ay hindi rin siya natuwa sa nabalitaan.

Kumain kami ng hapunan nang may bigat sa dibdib. I can barely chew my food even it's my favorite. Manang Celly is also worried after hearing the news.

Kahit gabi na, tuloy pa rin ang pagbiyahe namin papuntang Tierra Cota. It will take 6 hours before we can reach the town. Magbabiyahe ka sakay ng tren at pagdating mo sa station, sasakay ka ulit ng bus papasok sa bayan ng Hermenes. Mula sa Hermenes, gamit ang makalumang jeep, ihahatid ka nito sa tagong bayan ng Tierra Cota at mula roon sa bukana, pwede ka nang magpahatid sa mansyon ng mga Ignacio.

Hindi ako natulog habang nasa biyahe dahil hindi komportable. Puyat na puyat na ako nang makarating kami sa bayan ng Hermenes. May iilang mga bukas na tindahan pa rito at may mga tao pang nasa labas. Ang bayan kasi na ito ang pinakamalapit sa kabihasnan kaya naman mabilis itong mag-adapt sa kung anong mayroon sa siyudad.

Mabuti na lang at may naabutan pa kaming sasakayan na siyang maghahatid papuntang Teirra Cota. Sa gubat kasi ang daan nito at tanging maliliit ng poste ng ilaw lamang ang nagliliwanag ng daan. Pero kung gamay mo naman ang lugar, hindi ka maliligaw.

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Dahil na rin siguro sa antok at pagod dulot ng ilang oras ng pagbabyahe. Hindi ko rin magawang maka-idlip man lang dahil mauga ang sasakyan.

Nang tingnan ko ang oras sa cellphone, malapit na palang mag-alas tres. Mahigit limang oras na rin pala ang lumipas. Wala na ring signal ang cellphone ko mula rito. Kanina, nung nasa Hermenes pa kami, may kaunti pang natira. Pero ngayon, wala na talaga.

Ibinaba kami ng jeep sa tapat ng arko ng Tierra Cota. Gawa ito sa bato habang ang mga letra naman na nagsasabing 'Welcome' ay nagsisimula nang kalawangin.

Hindi katulad sa bayan ng Hermenes, dito wala na talagang taong makikita. Lahat ng mga bahay ay nakapatay na rin ang ilaw at tanging mga lamp posts na lang ang maliwanag. Sobrang tahimik ng paligid, to the point na pati mga hakbang ng iyong mga paa ay maririnig mo.

At dahil malapit kami sa kakahuyan at mahangin dito sa labas, ang pagsayaw ng mga dahon sa hangin ay rinig na rinig din.

Isang itim na kalesa ang lumabas mula sa isa sa mga kanto. Lumapit ito sa amin at huminto. Lumabas mula rito ang isang ale na may taklob na itim na balabal.

"Maligayang pagbabalik sa Tierra Cota, mga Gallego," ani nito. Nang tanggalin niya ang balabal na nakatakip sa kaniyang ulo ay saka lang namin siya nakilala.

"Auntie Lucy!" Lumapit ako sa kaniya at saka nagmano. Siya ang tiyahin ni July na may panaderya rito malapit sa arko. Roon kami madalas tumatambay dati dahil may libreng meryenda.

"Napakalaki mo na, June." Hinawakan niya ang aking pisnge saka ngumiti ng bahagya. Pero halata pa rin sa mga mata niya ang pagdadalamhati.

Bumaling ang tingin ni Auntie sa mga magulang ko. Ngumiti rin ito sa kanila at nakipagbeso. "Nakikiramay kami sa pagkawala ni July," saad ni Papa.

Lumungkot muli ang reaksyon ni Auntie pero mabilis lang ding nawala iyon.

"Andres, kunin mo na ang mga gamit nila. Ihahatid natin sila sa mansiyon."

Bumaba si Andres mula sa pagkakasakay sa unahan. Siya kasi ang nagpapatakbo ng mga kabayo.

Kinuha nito ang mga gamit namin at isa-isang nilagay sa likuran. Nang bagahe ko na ang susunod, huminto muna siya sa harap ko at ngumiti. "Bumalik ka na nga, June."

"Nahuli nga lang ang pagbalik ko," sagot ko sa kaniya.

"Okay lang 'yan. Maiintindihan naman ni July 'yon."

Pinasakay na ako ni Auntie sa loob ng kalesa. Mabuti na lang at may kalakihan iyon kaya nagkasya kaming apat sa loob.

Tahimik lang kami hanggang sa nakarating kami sa mansyon. Sinabi ni Andres na siya na ang bahalang mag-aakyat ng mga gamit namin sa taas kung saan kami matutulog.

Iniwan ko sila Mama kay Auntie Lucy dahil nag-uusap pa ang mga ito. Habang ako ay hinanap kung nasaan ang kabaong ni July.

Masyadong malawak ang mansyon ng mga Ignacio. Maraming mga pasilyo at mga pinto na dadalhin ka sa kung saan-saang parte ng mansiyon. Mabuti na lang at kahit papaano ay tanda ko pa ang mga pasikot-sikot dito.

Natagpuan kong maraming tao sa likurang bahagi, kung nasaan ang hardin nila. Maraming mga kandila at bulaklak na may sulat na 'Condolences' ang makikita ko kung saan-saan. May mga upuan din doon at nasa unahan ang kulay itim na kabaong.

Parang piniga ang puso ko nang makita ko ang tarpaulin sa itaas. Buong pangalan ni July ang nakasulat kasama ang litrato niya. Kaparehong litrato ng bookmark ng libro ko.

Nang nasa harapan na ako ng kabaong, nagdadalawang isip pa ako kung titingnan ko ba ang loob o hindi. Hindi dahil sa takot ako, kundi dahil sa ayokong maniwala na si July ang nasa loob.

Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Sumilip ako kung ano ang nasa loob. Ang napakapayapang mukha ni July ang bumungad sa akin. Totoo nga ang nangyayari. Hindi nga sila nagsisinungaling. Para bang natutulog lang ito kaya gusto kong buksan ang kabaong at gisingin siya.

Tumulo ang luha ko nang hawakan ko ang salamin na nakapagitan sa aming dalawa. Sabi sa pamahiin na hindi dapat matuluan ng luha ang kabaong kaya bawat butil na nilalabas ng mata ko ay kaagad kong hinahawi.

Tiningnan ko siya ng matagal. Pero sa bawat segundong lumilipas sa pagtitig ko, mas lalong sumasakit. Dahil sa wakas, nasa harap ko na ang katotohanan. Hindi ko na siya binabasa sa liham dahil nasa harap ko na.

Nanghina ang aking mga tuhod at ang kaninang pagluha ay napalitan ng paghagulgol. Wala na akong magawa kundi takpan ang mga mata ko. Ayoko nang makita pa sa ganoong sitwasyon si July.

"Nandito na ako," mahina kong saad sa pagitan ng aking pag-iyak.

Hindi ito ang gusto kong sumalubong sa akin sa pagbalik ko rito. Ibang-iba 'to sa naiisip kong paraan ng pagsalubong niya.

Malinaw na malinaw ang pangako niya sa sulat na hihintayin niya ako. Pero hindi sa gantong uri ng paghihintay. Sinabi niyang miss niya na ako at gumanti akong miss ko rin siya. Pero hindi ko inakalang ganitong pangungulila ang madadatnan ko.

Sobrang dami pa ng gusto kong ikwento sa 'yo. Pero sa ganitong sitwasyon na nakahimlay ka na, maririnig mo pa kaya?

//

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status