Share

What if the shoe won't fit?
What if the shoe won't fit?
Author: undertheheat

SIMULA

Maingat kong ibinaba ang mga bagahe ko mula sa taxi na sinakyan ko patungo rito.

“Ayus na po ma’am.” saad ng driver nang matapos nyang ibaba mula sa compartment ang mga kahon na dala ko. Nagpasalamat ako rito bago nya tuluyang buhayin ang makina ng sasakyan at umalis.

Pagharap ko sa gate ay sinalubong ako ng isang ginang na tingin ko’y nasa mid-40’s na ang edad. Hindi sya nakangiti at hindi rin naman nakasimangot pero dahil sa bulaklaking duster at salamin na suot ay inisip ko agad na baka strikto sya.

 “Pasok ka.” maikli nyang paanyaya habang binubuksan ang gate.

Tahimik akong sumunod sa kanya habang pinipilit na kayanin ang lahat ng bag at kahon na dala ko.

  Pagpasok ng gate ay madamong hardin ang una mong makikita. Ibinaba ko ang mga bitbit ko sa terase ng bahay. Ang bahay ay isang old Spanish house pero mukhang matibay naman. Ito yung tipo ng mga bahay na madalas na ginagamit sa mga horror movies dahil makaluma ang disenyo.

Sinubukan ko pang katukin ang ding ding sa tabi ko pero mabilis din natigil nang marinig ang mahinang pag-ubo ng ginang. “Ikaw na ang huling boarder na hinihintay ko. Iyong kwarto mo  ay nasa itaas, sa dulo. May maliit na sala rin sa itaas kung sakaling hindi ka komportable dito sa ibaba, pero ang kusina at kainan ay malapit lang sa hagdan.” Paliwanag nya.

Medyo hindi ako mapakali sa hindi malamang dahilan. Hindi naman sya nakasimangot pero ang seryoso ng boses nya, kaya puro tango nalang ang nagawa ko.

Patuloy lang sa pagpapakilala si ate Mariana tungkol sa bahay hanggang sa makapasok kami sa pinaka-sala ng bahay. Inilibot ko ang aking mga mata, sa kaliwang bahagi nito ay makikita ang hagdan na nasa tabi lang ng pintuan patungong dining room. Namamangha sa mga nakikita ay hindi ko na napakinggan pa ang mga sumunod pang sasabihin ng may-ari nitong bahay.

Medyo malaki nga ito para sa isang tao lang, at ang sabi nya kanina ay ako na ang huling boarder.

Ilan kaya kaming mga boarder nya? Buti nalang ay nakaabot pa ako. Napakaganda kasi ng disenyo ng bahay. Makaluma at para kang nasa probinsya. Puro nalang kasi sa probinsya makikita ang mga ganitong klase ng bahay. Kapag sa syudad, puro na makabago ang mga disenyo. Dito pakiramdam ko ay nasa 90’s pa ako. Tahimik at ramdam mo yung hangin na pumapasok mula sa mga bintana.

Bigla naman akong napa-ayus ng tayo nang lumingon sya sa akin. Pinagmasdan nya ako ng ilang segundo bago nakuha ang atensyon nya ng babaeng nagmamadali pababa ng hagdan.

Pormal ang suot nito at nakalugay ang mahabang itim na buhok. Kasunod nito ay isa pang babae na may bitbit na envelope at tila hinahabol sya.

“Sandali! Yung report mo, baka makalimutan mo!” sigaw nito. Bahagya itong tumigil sa gitna ng hagdan nang marealize na may kulang nga sa gamit nya.

Babalikan na sana nya ito ngunit nasira ang heels ng sapatos na suot nya nang subukang maglakad pabalik sa itaas. Buti na lamang ay nasalo sya ng babaeng nasa likod nya kung kaya’t hindi sya tuluyang nahulog.

“Hala! Yung sapatos ko!” she exclaimed.

Napakunot ang noo ko at maging ang noo ng baabeng sumalo sa kanya. “Muntikan ka nang mahulog sa hagdan at sapatos pa rin yung concern mo?”

Naupo sya sa hagdan at pinagmasdan ang sapatos na nasira, “May presentation ako ngayon, hindi pwedeng magrubber shoes!” naiiyak nyang reklamo.

“Eh, wala naman akong heels. Hindi ako nagsusuot ng ganun, doll shoes pwede na ba?” suhestyon ng isa pa. Sumimangot naman ang babae at tinignan ang doll shoes na suot ng kasamahan nya.

Halata naman sa mukha nya na hindi nya gusto ang suhestyon ng kasama at hindi nga bagay iyon sa suot nya. Lumapit ako at itinuro ang suot kong heels ngayon. “Pwede mong gamitin yung akin.” saad ko at naupo rin sa tabi nya. Pagkahubad ko ng sapatos ko ay sinubukan nyang suotin, ngunit hindi iyon kasya sa kanya.

“Hala! Paano na ito?” ngayon ay umiiyak na talaga sya.

“Hindi ba pwede iyong doll shoes nalang Olivia? Hindi naman siguro magagalit ang professor mo.” Hindi na rin natiis ni ate Mariana ang magsalita dahil may tumutulo ng luha sa mata ni Olivia.

Sakto naman ang dating ng dalawa pang babae. Ang matangkad sa kanila ay may bitbit na supot habang ang mas maliit naman ay naka-uniporme, handa nang pumasok sa paaralan.

“Anong meron?” yung matangkad ang nagtanong nang makita kaming nasa hagdan.

“Ikaw ba yung bago? Lauren nga pala.” inilahad nya ang kamay nya at tinanggap ko iyon kahit pa mukhang wrong timing ang intorductions sa ganitong oras dahil sa kasamahan naming umiiyak. “Ada, Adalyn.”

“Anong iniiyak mo dyan dhai?” sa wakas ay tinuon na ang pansin kay  Olivia.

Olivia is too upset to talk, kaya ako na nag nagsabi ng problema nya, “Nasira kasi ang sandals na suot nya. Hindi naman kasya sa kanya ang suot ko.”

“Pahiramin mo Harper” lingon nya sa kasabay na pumasok. “Naku! Hindi pwede. Nag-iisa lang ito at may OJT ako ngayon.”

Lauren rolled her eyes at bumuntong hininga bago tanggalin ang heels na suot. “Ayan. Subukan mo.” Kaagad na kinuha iyon ni Olivia at halos magtatalon sya nang magkasya iyon sa kanya.

Hindi ko mabilang kung ilang ‘thank you’ ang sinabi nya bago sya tuluyang nakaalis.

“Papasok na rin ako. Bye bye!” paalam ni Harper at nagmamadaling umalis.

“Tutal ay nandyan naman na kayo, kayo na ang magpaliwanag dito kay Adalyn ng mga patakaran dito.” Si ate Mariana.

Pagkaalis nya ay ilang segundo muna kaming nagtitigang tatlo. Hindi ko alam kung maiilang ba ako o kakabahan, lalo na sa titig ni Lauren. Matangkad at magandang babae si Lauren. Kita ko rin kung gaano kaganda ang hubog ng katawan nya dahil sa sleeveless top at shorts na suot nya.

“Nasaan ang mga gamit mo?” pagbasag nya sa katahimikan. Napalunok muna ako bago sumagot, “Nasa labas pa.”

“Everleigh nga pala. Eve nalang for short.” Nakangiting pagpapakilala ni Everleigh habang naglalakad kami patungo sa kinalalagyan ng mga gamit ko. Sya yung babaeng nag-abot sa envelope ni Olivia kanina.

Kumpara kay Lauren mukhang mahinhin itong si Everleigh. Malambot ang features ng mukha at bagay rin sa kanya ang itim na buhok na hanggang siko nya ang haba. Tingin ko’y mas bata sya sa akin o baka nagmukha lang syang bata dahil sa pantulog na suot nya.

Tinulungan nila akong i-akyat ang mga gamit ko patungo sa pinaka-huling kwarto. Nadaanan pa namin sa sala si ate Mariana na nagkakape at mataman kaming tinitigan nang mapansin kami.

Iyon ang araw na nakilala ko sila. Hindi ko alam kung paano sila kakausapin at naiilang pa ako sa tuwing makakaharap sila. Pero ngayon? May distansya pa rin naman pero hindi na nagkakahiyaan.

At dahil mas nauna sila ng ilang linggo sa akin ay sa kanila ko nalaman na hindi naman pala ganun ka-istrikto si ate Mariana. Pero dahil may mga rules naman ay sinusunod namin iyon.

Bukod sa isa.

Matapos ipagbuhol ni Harper ang dalawang kumot ay inihagis ni Olivia ang kabilang dulo nito palabas ng bintana habang ang kabilang dulo naman ay itinali sa paanan ng kama ni Eve. Humawak sa dulo si Lauren at sinubukan gamitin ang kumot para maka-akyat sa bintana.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na ginawa namin ito pero kinakabahan talaga ako sa tuwing may sinusuway kaming utos. Pakiramdam ko ay mahuhuli at mahuhuli kami. Alas-dos na kasi ng madaling-araw at ngayong lang naka-uwi si Lauren mula sa trabaho nya.

“Baka gusto nyong hilahin nang mapabilis ang pag-akyat ko.” Nahihirapang saad ni Lauren. Napatango kaming apat at ginawa nga ang sinabi nya. Ilang Segundo lang namin hinila ang kumot at mabilis rin naka-pasok mula sa bintana si Lauren.

Kaagad naman syang inabutan ng tubig ni Eve dahil hingal ito mula sa pag-akyat.

“Salamat.”

“Overtime?” makahulugang tanong ni Olivia. “Ano pa nga ba.” sagot naman ni Lauren sa kanya.

Minsan lang naman mangyari ito kaya hindi na naming ginagawang big deal. Hindi nga lang namin naipapa-alam kay ate Mariana. Natatakot na pagalitan at lalong maghigpit.

Maayus naman silang kasama sa dorm, kaya nagkakasundo kami sa maraming bagay. Gayunpaman ay makikita mo pa rin naman ang pagkaka-iba namin sa isa’t-isa.

Gaya nalang ni Olivia na sobrang tutok sa pag-aaral kaya madalas magkulong sa kwarto. Hindi ko rin sya nakikitang lumalabas-labas kasama ng mga kaklase o kaibigan nya. Pakiramdam ko ay wala nang ibang nangyayayri sa buhay nya kundi ang mag-aral.

“Sige balik na ako sa kwarto ko, may recital pa kami bukas. Kailangan kong mag-review.” paalam nya. Olivia left the room carrying the thick pile of reviewers she has been marking with highlighter this past few days.

Bago makalabas ay nakita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata, tanda na inaantok na sya. But I know, that is not enough reason for her to stop reading her books and notes.

“Ako rin siguro. Natanggap ako sa inapplyan kong trabaho. Tutuloy muna ako roon bukas bago pumasok.” Maging ako ay nagpaalam na. Nakita kong inaantok na rin si Everleigh at mukhang pagod na pagod si Lauren. Malamang matutulog na ang mga ito.

Inilapag ni lauren ang baso bago nagsalita. “Oo. Sige na, magpahinga na kayo. Salamat ulit mga dhai.”

Nginitian ko sya tsaka tumuloy na palabas. Sumunod naman sa akin si Harper. “Goodnight Harper!” mahina kong saad, tahimik na nagpapaalam.

“Anong goodnight? Nagrereview si Olivia, hindi na ako patutulugin non! Baka tatapusin ko nalang yung powerpoint ko para sa makalawa.” Marahas nyang bulong.

Bahagya akong natawa dahil sa sinabi nya. Apat ang kwarto dito sa itaas pero tatlo lang ang pinarenta ni ate Mariana. At ako lang ang mapalad na nagkaroon ng solo na kwarto dahil ako ang huling dumating. While the four girls are sharing the two remaining rooms.

“Magkakape nalang siguro ako sa almusal.” dagdag pa ni Harper bago tuluyang pumasok sa kanilang kwarto. Ako naman ay dumiretso na rin sa kwarto ko. Dahan-dahan lang ang pagbukas sa pintuan dahil tahimik na at madaling makaramdam si ate Mariana.

Harper is a smart girl pero may pagka-clumsy. Minsan rin ay tila wala sa reyalidada dahil madalas na tulala, parang may malalim na iniisip. I wonder what could that be?

Nang tuluyan nang makapasok ay dumiretso ako sa kama. Nakahanda na para matulog nang masagi ng paningin ko ang maliit na picture frame na nakapatong sa aking bed side table. Luma na iyon at puro heart shaped stickers ang disenyo nito.

I sigh when I realized who is in the picture. I made this frame as soon as my mother gave me his only picture in her possession.

 I have been looking for him since I got here. Now that I know where he is, all I can do for now is to watch him from afar. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status