Share

KABANATA 01

Malakas ang tambol ng puso ko habang naghihintay sa manager ng diner na pinag-applyan ko. Ngayon ang first day ko pero mukhang wala pa naman silang balak na isalang ako kaagad.

                    

Inilagay ko sa likod ng tenga ang iilang takas na buhok at tumayo ng tuwid nang makita ang manager na palapit na sa akin. Nakataas nag kilay nito at tila rumarampa sa runway stage kung maglakad.

“G-goodmorning sir.” bati ko sa kanya. Mabilis lang nya akong nginitian at bumalik na kaagad sa dati ang mukha nya.

He looked at me from head to toe before talking about my supposed business here today. “Dahil bago ka, observe-observe ka muna. Ihahabilin kita dito kay Cyrus.” Bumaling sya sa kanyang likuran kung saan nakatayo ang Cyrus na tinutukoy nya.

“Oh Cyrus, alam mo na. Pakituruan nang bukas ay makapagsimula na. Gets?”

“Noted sir!” sagot ni Cyrus na ikinasimangot ng manager. Umalis na ito at kami nalang ni Cyrus ang naiwan doon.

“Tara iwan mo muna ang gamit mo sa locker room.” aniya at nauna na sa paglalakad. Nagtungo kami sa pintuan kung nakasabit ang isang paalala na ‘staff only’ . May dalawang shelves ng locker ang nasa loob at may isang pintuan din sa gilid na tingin ko’y pintuan ng comfort room nila dito.

May inabot na susi si Cyrus sa akin at itinuro ang pang-apat na locker. “Huwag mong iwawala ang susi. Sabihin mo kapag handa kana. Sa labas nalang kita hihintayin.” aniya at lumabas na.

Akala ko ay masungit sya o suplado. Pero nang tinuturuan na nya ako ay palagi syang may nasasabing nakakatawa. Ilang beses tuloy kaming binantayan ng tingin ng manager.

“Ahm, sino nga ulit ang may-ari nitong hotel?” tanong ko kahit alam ko naman na ang sagot.

“Si Mr. Adam Valmoria. Isang business tycoon dito sa syudad.”

Itinaas-baba ko ang aking ulo, nagkukunwari na ngayon lang nalamn iyon. Ang totoo ay gusto ko lang kumpirmahin sa ibang tao. Sa internet ko lang kasi nababasa ang mga ganitong impormasyon.  

“Nakalimutan ko rin palang sabihin. Si Madam Charlotte Valmoria ang may-ari nitong diner. Iyong anak ni Mr. Valmoria.” dagdag nya na ikinagulat ko. Naramdamn ni Cyrus ang pagkatigil ko kaya inihinto rin nya ang pagkuskos sa mesa upang tignan ako.

“Ayus ka lang?”

Ibig sabihin ay  sobrang lapit ko na sa kanya. Paano kung magkita kami dito? Makikilala nya ba ako? Anong gagawin ko kapag nagkita kami? Paano ako makikipag-usap sa kanya?

Parehong kaba at excitement ang naramdaman ko nang malaman iyon. After 3 long months, I now have a chance to talk to him and introduce myself. But how? Puro ‘what if’s’ ang mga tumatakbo ngayon sa utak ko. Siguro naman ay magiging maayus ang unang pagkikita namin. Hindi ba?

It has to be. I mean, I’ve been waiting for this my whole life. Lord please, make that day the happiest day of my life. I prayed.

“Kung gusto mo pwede ka naman nang umalis. Tutal ay mukhang mabilis ka naman matuto. Nasa bulletin board ang oras ng shift mo. Paki-check nalang bago ka umalis.” tuloy tuloy na sabi ni Cyrus. Nang matapos syang magsalita ay kaagad na akong nagtungo sa locker room at kinuha ang mga gamit ko.

Pumasok ako sa school ng may ngiti sa labi. Sobrang ganado ako matapos mabatid na napakalaki na ng tyansa ko para makapag-usap kami. Gusto ko agad ipaalam ito kay mama pero magkaiba ang oras dito at sa Canada. Siguro ay mamayang pag-uwi ko ay tatawagan ko sya. Matutuwa kaya iyon?

Huling usap kasi naming patungkol rito ay nagkatampuhan kami.

Sa sobrang saya ko ay hindi man lang ako kinabahan sa pa-exam ng prof ko ngayong araw. Nakakapagtaka rin na hindi ako natakot bumagsak nang hindi ko masagutan ang isang katanungan roon.

Iyong ang estado ng emosyon ko buong araw. Pakiramdam ko ay wala nang masama pa ang pwedeng mangyari sa araw na iyon. It was almost a perfect day for me.

Bago umuwi ay dumaan pa akong muli sa hotel. Gusto ko lang makita at iparealize sa sarili ko kung gaano ako kaswerte na ganito na ako kalapit sa tatay ko. Madalas din ako dito noong nakaraang buwan, nagbabakasakaling makita sya rito total ay sya naman ang may-ari ng hotel.

But like what I said, it was almost a perfect day, until someone ruined it.

Unti-unting napawi ang ngiti ko nang makita ang pamilyar na lalaki malapit sa lobby ng hotel. He’s wearing a navy blue tuxedo. Pormal syang nakatayo roon habang may kausap sa kanyang cellphone. Kapansin-pansin rin ang suot nyang relo na mukhang mamahalin.

Kaunting lingon lang nya ay posibleng makita nya ako, At ayaw kong mangyari iyon. Kaya walang ano-ano’y mabilis akong kumilos at aalis na sana roon. Pero gaya ng hinuha ko kanina, lumingon sya banda sa kinaroroonan ko at nakita nya nga ako.

Nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mga mata. Nahinto ng ilang segundo ang gulat nyang mga mata sa akin bago muling binalingan ang kausap sa telepono. May sinabi sya rito at kaaagd itong ibinulsa. Mabilis lang ang naging paghagod nya sa kanyang itim na buhok bago humakbang. Dahil doon ay kinabahan ako at nagpatuloy na sa pag-alis. Mukhang may balak syang lapitan ako.

No way!

Nakasalubong ko pa si Cyrus na mukhang lumabas lang para magbreak dahil nakita ko ang sigarilyong mabilis nyang itinapon nang matanaw akong palapit sa kanya.

“Adalyn, anong ginagawa mo rito? Bukas pa ang shift mo ah.” Salubong nya sa akin.

“A-alam ko. May dinaanan lang. Ah… ano- sige mauna na ako.” Halos hindi na ako huminto sa paglalakad habang kausap sya.

“Babye! See you bukas!” naguguluhan man sa ikinikilos ko ay kumaway nalang si Cyrus. Lalo ko pang binilisan ang paglalakad nang makitang nakasunod nga sa akin si Franco.

Dahil punuan ang jeep ay taxi na ang sinakyan ko pauwi sa dorm. Natatakot ako na baka maabutan pa ako ni Franco.

Sa loob ng taxi ay lalo kong naramdaman ang kaba dahil sa katahimikan.

Bakit ba kasi sa dami ng lugar ay naroon sya?

Naroon pa kaya sya bukas? Hanggang gabi pa naman ang shift ko sa diner. Naku naman!

Sana bukas wala na sya roon.

“Dito nalang po kayo bumaba miss. May sasakyan sa harapan.” saad ng driver matapos ang ilang minutong byahe, napasulyap ako sa labas.

Isang mamahaling sasakyan ang nasa harapan ng gate ng dorm. Maya-maya ay bumaba mula rito si Harper. Matamis ang ngiti syang kumaway sa kung sino man ang nasa loob ng sasakyan na iyon.

Kaagad rin akong nagbayad at bumaba na ng taxi.

Bahagya syang napatalon nang matantong ako ang sakay ng taxi. “Ada ikaw pala! Akala ko naka-uwi kana.” Aniya at napapasulyap sulyap sa kaaalis lang na sasakyan.

“Ang sosyal naman. Taxi” puna nya. Nakangiti man ay halata ang kaba sa mukha nya. “N-nakita mo ba yung nasa loob ng sasakyan?”

“Hindi naman. Bakit?” kunot noo kong tanong. Ayaw ba nyang ipaalam sa amin kung sino ang naghatid sa kanya?

Umiling lang sya at niyaya na akong pumasok. Hindi na rin ako nangulit pa at hinayaan na sya. Lalo na at hindi pa rin ako mapakali na muntikan na kaming magkalapit ni Franco kanina. Buti nalang ay natakasan ko!

At kung maabutan man nya ako ay hindi ako magsasalita, hindi ko sya kakausapin.

“Eve, vitamins ba iyan? Shit! Sumasakit na ang ulo ko kakabasa.” si Olivia habang hinihilot ang sintido nya.

Umatras ng kaunti si Eve sa pwesto ni Olivia at ininom ang isang capsule nang nakatalikod sa amin.

“Mga bakla, aalis na ako. Overtime uli ako mamaya. Alam nyo na ah.” paalala ni Lauren habang nagmamadali syang lumabas.

“Huh? Dalawang gabi, magkasunod?” pagtataka ni Harper sa tinuran ng kaibigan namin.

“Oo. Pasensya na, yung auntie ko kasi.” Yun lang at tuluyan na syang lumabas.

Nagkatinginan kaming apat at sabay sabay na bumuntong hininga. Ngunit napatingin kay Eve nang makita ang ini-angat nyang bag. “Naiwan nya” maikling saad nito.

Lumapit si Harper sa kanya at kinuha ang bag. Inilapag nya iyon sa coffee table at binuksan. “Hoy! Kay Lauren yan. Baka magalit iyon!” si Olivia na nakasandal pa rin sa sofa. Mas maliit ang bag na ito kumpara sa bag na bitbit ni Lauren sa tuwing papasok sya sa trabaho. Sa tingin ko nga ay wala naman masyadong mailalagay na gamit rito.

“Titignan lang naman.” malokong nakangiti si Harper bago inilabas ang mga gamit na nasa loob ng bag. Halos manlaki ang mga mata naming lahat nang makitang puro atm ang naroon. Napa-ayus rin ng upo si Olivia at pinagmasdan ang mga atm na galing sa bag ni Lauren.

“Kung ganito pala ang katas ng pag-o-over time ay sa school na ako matutulog.” Pabirong saad ni Harper.

“Teka may papel.” Kinuha ni Olivia ang mga nakatuping papel sa loob ng bag.

“What the hell!”

Kaagad naming ibinalik sa loob ng bag ang lahat ng atm at tseke. Oo! Tseke yung mga nakatuping papel na nakita namin! Bilog na bilog ang mga bibig naming apat dahil sa gulat. Higit sa anim na figure ang nabasa kong amount ng pera roon. At hindi lang isang tseke iyon. Lima! Limang tseke na naglalaman ng higit sa 6 figures na pera.

“Ang yaman ni Lauren.”

Hindi na kami naka-imik pang lahat matapos iyon. Maging sa hapag-kainan ay tahimik kami. Napansin iyon ni ate Mariana pero hindi nalang din sya nang-usisa pa.

“Mag-ingat nga pala kayo, pakiramdam ko ay may nagtatangkang pumasok sa gate kagab----“ Naputol sa pagsasalita si ate Mariana nang maubo si Harper sa kinakain. Maging kaming tatlo ay bahagyang napayuko nang mapagtanto ang tinutukoy nya.

Kaagad inabutan ni Eve ng isang basong tubig si Harper. “Ayus ka lang ba?” tanong ni ate Mariana sa kanya,

Pilit na ngumiti si Harper dahil hindi pa rin fully recovered mula sa pagkakabulunan. “O-opo. Sorry hehehe”

“Huwag kayong mag-alala susubukan kong kumpirmahin kung meron ngang gustong pumasok rito tuwing gabi.” Seryoso nitong saad, kumbinsido na may kung sinoman ang nagtatangkang akyatin itong dorm kagabi.

Imbes na matakot sa sinasabi nya ay natawa pa kami dahil alam namin kung sino ang tinutukoy nyang narinig nya kagabi. Lauren should really do something about her work. It’s only a matter of time before ate Mariana will know about her getting home late at night.

And where did she get those checks and atm? Bakit parang wala syang balak gamitin ang mga iyon?

Sa pagtulog ay unti-unti naman nang nawala sa isip ko ang tungkol sa bag ni Lauren. Lalo pa at may problema ako sa trabaho.

Hindi pa rin kasi ako matahimik at baka magkita kami ni Franco bukas pagpasok ko sa trabaho. Naiinis ako sa tuwing maiisip na baka wala akong maisip na paraan at talagang magkasalubong uli kami bukas. Hindi naman ako pwedeng lumiban, unang araw ko bukas sa trabaho.

Ano ba yan!

Ano ba kasing ginagawa nya rito? At bakit parang balak nya akong lapitan? Para saan pa?

Akala ba nya ay nakalimutan ko na ang ginawa nya sa akin noon? Aba!

Nakaramdam ako ng matulis na bagay sa aking dibdib nang maalala ang nagyari sa nakaraan. Lalo akong nainis nang mapagtantong naaapektuhan pa nga ako. Apat na taon na ang nakalilipas, dapat ay nakalimutan ko na rin iyon. Dapat ay ayus na kung magkita kami ulit.

Pero hindi pa, masakit pa rin. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status