Share

KABANATA 08

Tahimik ang naging byahe namin.

Hindi pala.

Walang nagsasalita sa aming tatlo dahil si Gordon ang panay ang salita. Pa-ulit ulit akong nakakarinig ng mura mula sa kanya sa tuwing nababanggit nya ang bar na pinagtatrabauhan ni Lauren.

“Gordon calm down and stop talking. Let the girl rest.” Mukhang maging ang kaibigan nyang si Franco ay hindi na rin natiis ang mga naririnig kay Gordon.

Sinunod naman nya ang sinabi ni Franco at hindi ko na muli syang narinig pang nagsalita. Sinubukan ko silang silipin mula sa salamin at gayun na lamang ang pagkamangha ko nang makita kung paano hagkan ni Gordon si Lauren.

Halata sa ayos ni Lauren na hindi maganda ang pakiramdam nya, marahil ay dahil sa alak o sa kung ano pa man ang nangyari kanina sa bar. Nakayuko ang ulo nya sa balikat ni Gordon habang ang mga braso ng lalake ay nakapalupot sa kanyang baywang.

Maingat din ang kilos ni Gordon sa tuwing sisilipin nya ang mukha ni Lauren, sinisigurong hindi nya ito magigising sa pag-galaw. But I can a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status