Share

KABANATA 12

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Charlotte kanina.

 

Alam n’ya ang tungkol sa akin. May nabanggit s’ya tungkol sa nangyari noon. Anong nangyari noon? What did she mean na sinubukan kong agawin ang daddy n’ya?

 

At bakit ganito?! Puro nalang nauuwi sa konprontasyon ang interaksyon ko sa mga kaaptid ko. Hindi ganito ang inisip at hiniling ko na mangyayari. This is completely messed up!

 

Anong pang mukha ang maihaharap ko sa tatay ko kung ganito na kasama ang tingin sa akin ng mga kapatid ko?

 

Hindi naman siguro si Franco ang nagsabi ano? Hindi naman n’ya magagawang pangunahan ako. Pero kanino pa ba malalaman ni Charlotte iyon? S’ya lang ba ang nakakaalam, what about Stephanie?

 

I sighed. Wala na bang mas lalala pa sa mga nangyayari?

 

Naramdaman ko ang pagtutubig ng aking mga mata nang mapansin na maliwanag sa kalsada dahil sa mga parol na nakasabit sa bawat kabahayan. Hindi gaya ng normal na gabi, maraming tao ang nagkalat sa kalsada ngayon kahit pa malalim na ang gabi.

 

Malamang ay naghihintay ang lahat para sa Noche Buena.

 

Maging ang mga bata ay nasa labas rin. Mukha pang galing simbahan ang iilan. Sayang, hindi ko matatawagan si mama. I was hoping her voice would help me ease the lonesomeness I am feeling right now.

 

This holiday is something I anticipate every year. Palagi akong excited at kahit kailan hindi pumalya iyon. Kahit kailan hindi ako nagkamali ng akala na magiging maganda ang takbo ng mga huling araw ng taon para sa akin.

 

Pero, mukhang iba atah ngayon.

Bumigat ang mga paa ko dahilan kung bakit lumilikha ng tunog ang bawat hakbang. Kung minsan ay pinagtitinginan ako ng mga taong nadaraanan ko. Pero dedma lang, masyado akong okupado ng mga tumatakbo sa isip ko para bigyang pansin pa iyon.

 

Sa tuwing naiisip ko na palapit ako nang palapit sa dorm ay tila lalong bumibigat ang loob ko. Ilang araw nang tahimik sa bahay, at ano pa bang magbabago ngayong gabi?

 

Panigurado ay ganun pa rin naman. Lalo lang akong malulungkot kung uuwi ako sa dorm.

 

Should I go somewhere else? Kahit ngayong gabi lang.

 

Huminto ako sa paglalakad nang makarating sa tapat ng gate. I stood there staring at the two-story old house for a little while. Isa-isang pumasok sa isip ko ang mga taong nasa loob ng bahay na iyon.

 

Lauren,

 

Olivia,

 

Harper,

 

Eve, and

 

Ate Mariana.

 

Obviously, may mga problema din sila ngayon. Lahat ay may pinagdaraanan. Kung iisipin ay napakalungkot ng bahay. Sa tuwing pagmamasdan ko ito ngayon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng awa.

 

Maybe, trying to keep 6 strangers in one place everyday is not the best idea nor a good one.

 

We don’t know each other, but we tried to get along. Unfortunately, we failed. We couldn't relate to each other, which is why it's difficult. Hindi namin maintindihan ang isa’t-isa pero alam kong lahat kami ay gustong mapakinggan.

 

Well, sinubukan naman namin magkaisa sa lahat ng bahay. We are seeing each other every single day, imposibleng kahit papaano ay wala kaming alam sa isa’t-isa. But maybe, it’s not enough?

 

Kulang pa ang oras at panahon.

 

I was debating with myself when I felt a vibration in my pocket. Kaagad kong kinuha iyon at pinagmasdan ang screen ng aking cellphone.

 

I got a message from Franco.

 

Franco:

Ady, Merry Christmas! I know how much you love this time of year, and I'd like to be the one to greet you. We've been distant in recent days, and I'd like to give you space, but can I call?

 

Hindi pa nagsisink-in ang unang laman ng mensahe n’ya ay may kasunod kaagad iyon. Nakaramdam ako ng pagkirot sa loob ng dib-dib matapos mabasa ang huling mensahe n’ya.

 

A lump formed in my throat all of a sudden. I was having difficulty swallowing. My eyes grew hot as I shut off my phone, not planning to respond to his messages.

 

Franco:

Ady, I miss you. Please, I badly want to hear your voice.

 

Sinubukan kong pumikit upang mapigilan ang pag-iyak. Pero lalo lang tumulo ang namuong luha na pilit kong pinipigilan kanina.

 

“Yey! Christmas na bukas!” rinig ko mula sa kalayuan. Nang dumilat ay nakita ko ang isang bata na karga-karga ng isang ginang habang papasok sila sa kanilang bahay.

 

The little girl is holding her fist up in the air. Malawak ang ngiti n’ya nang dumako sa akin ang kan’yang mga mata. She looks so innocent and happy. I envy her.

 

I tried to give her a sweet smile, but I guess I failed because her grin slowly fades the more she glances at me. I felt terrible.

 

Mukhang nakakahawa itong nararamdaman ko. Ni hindi ko mapeke pati ang pag-ngiti.

 

Mukhang dadagdagan ko pa ang bigat ng aura ng bahay kung tutuloy ako sa pagpasok. Mas ayus siguro kung pumunta nalang muna ako sa ibang lugar.

 

Muli akong bumaling sa bahay ni ate Mariana. Nag-iisa ang makulay na parol na nakasabit sa malaking bintana sa ikalawang palapag. May mga christmas lights rin na nakapalupot sa malaki n’yang puno na kami ang naglagay.

 

I remember how we prepared all of these in a short period because we were all willing to help Olivia prepare for her parents’ visit.

 

Awtomatikong lumipad ang kamay ko sa aking pisngi nang maramdaman ang panibagong luha na tumulo mula sa aking mata. Akmang aalis na ako nang makita sina Eve at Lauren sa ‘di kalayuan.

 

May hawak na dalawang bote si Lauren habang si Eve naman ay nakayakap sa sarili ang mga braso.

 

Naglakad sila patungo sa akin at kaagad akong ikinulong ni Eve sa mga braso n’ya nang makalapit. Lauren smiled at me.

 

“You don’t look fine. Come on, let’s get inside.” Eve whispered.

 

Hindi ako tumutol at sumama sa kanila papasok. Akala ko ay tutuloy sila sa loob ng bahay ngunit lumiko sila patungo sa garden na s’yang dahilan nang pagkunot ng aking noo.

 

Iilang baso ang naroon at si Harper na abala sa kan’yang cellphone ang nadatnan namin.

 

 “A-anong ginagawa natin dito?”

 

Inilapag ni Lauren ang dalawang bote na ahwak n’ya sa mesa at ngayon ko lang natantong alak ang mga iyon.

 

Lauren is smirking at me as well as Harper.

 

“We’re gonna celebrate Christmas eve!” malakas na saad ni Everleigh.

 

Iginaya n’ya akong maupo sa tabi ni Harper. Bagamat naguguluhan pa rin ay naupo ako.

 

Hindi ako kaaagd naka-imik at pinanood lang silang kumilos at maghanda sa balak nila.

 

Lauren put the two bottles of liquor out of the paper bag while slowly dancing to the christmas song that Harper played. Her phone speaker is loud enough for the music to hear around the garden.

 

Eve was sitting beside me and smirking at Lauren.Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang malaking paper bag sa kan’yang tabi. Hindi ko batid ang laman no’n pero may hinuha ako.

 

“Akala ko ba ay wala kayong plano para sa pasko?”

 

Sabay-sabay silang nagkibit balikat at nagkatinginan. “We changed our minds. Bawal ba?”

 

Umiling ako.

 

Talagang wala akong problema rito. Gusto ko ito.

 

It was soothing to watch them at this special location, enjoying this small preparation. Ang kaninang malalaking alon ng kalugkutan ay unti-unting naibsan. Naghintay pa ako ng ilang minute bago tuluyang nawala iyon.

 

Nakaupo kaming apat, pinalilibutan ang mesa. Maririnig mula rito ang ingay sa labas at sa katabing mga bahay pero hindi pa rin nito nasisira ang magaan at kalmadong pakiramdam na ibinibigay ng hardin.

 

I never felt trees and plants this comforting. Kaya siguro dito naglalagi si ate Mariana, now I know.

 

Harper let out a deep breathe, “This is…nice.”

 

Sumang-ayon ang dalawa sa sinabi n’ya.

 

Kanina lang ay halos hindi ako pumasok at binalak pang sa ibang lugar na muna magpapalipas ng oras. Buti nalang naabutan kong nasa labas pa sina Eve at Lauren. Mukhang mas maganda ito kaysa sa plano ko kanina. Baka lalo lang akong nalugmok sa sarili kong mga ideya kung sakali.

 

Mas gumaan ang pakiramdam ko sa kaalamang may kasama ako ngayong gabi. Sa lahat atah ng maling akala ko ay ito ang pinaka-nagustuhan ko.

 

Buti nalang ay nagkamali ako ng inakala. Hindi naman pala magiging malungkot ang gabing ito para sa akin at para sa mga kasamahan ko sa dorm. Thankfully, they thought of a simple way to celebrate Christmas this evening.

 

“Alright! Why don’t we tell each other things we usually wish Santa Claus to gift us when we were young?” Lauren suggested.

 

“Sure!”

 

“Yeah, I’ll start!’

 

Umalis sa pagkakasandal mula sa upuan n’ya si Harper at sandaling tumitig sa mesa. “Ah!” aniya nang may maisip at bumaling kay Lauren na kasalukuyang naghihintay sa sagot n’ya.

 

“It’s a little crazy but, I once wished Santa Claus to give me a brother.”

 

Mahinang natawa si Lauren sa sinabi ni Harper. “Bata nga naman.” Aniya na tunog nangiinsulto.

 

“Sana hiniling mo rin ang pang-matrikula sa kolehiyo.” dugtong pa n’ya.

 

Umikot ang mata ni Harper bago pabirong hinampas kay Lauren ang cell pone na hawak. Umilag si Lauren pero mas lalong lumakas ang tawa nito na maging kami ni Eve ay nahawa n’ya.

 

“Ako naman! Hiniling ko noon na maging butterfly because, they’re pretty and they can fly!” Eve giggled.

 

“Cute.” I slightly nodded.

 

“Kids and their innocence.”

 

“Ang yabang. Ikaw ba? Anong wish mo noon kay St. Claus?” I asked Lauren.

 

Tumuwid s’ya ng upo upang maabot ang isang bote ng alak. Isa-isa n’yang binuhusan ng laman ang apat na basong naroon. The cups were half full when she disrtubited it to each of us.

 

Nang matapos ay tsaka n’ya sinagot ang tanong ko.

 

“Well, I did not ask Santa Claus for anything. Dahil, hindi ko s’ya kilala!” Aniya sabay halakhak.

 

“Parang ewan.”

 

“Hays!”

 

“Ewan ko sayo!”

 

Nagpapalo pa s’ya sa mesa nang makita ang mga reaksyon namin. Napa-iling ako dahil sa kalokohan n’ya. S’ya ang nagpasimula nito tapos s’ya pa itong walang maisagot.

 

“Seriously? Parang wala naman akong kilalang bata na hindi kilala si Santa Claus. Spill it Lauren, imposibleng wala.”

 

Humupa ang tawa n’ya at huminga ng malalim. She drank the entire cup of liquor. Her lips pursed and her eyes squinted after drinking.

 

“Guys, I'm dead serious. I didn't know who Santa Claus was until I was 12 years old. But I was old enough at the time to realize he wasn't real.”

 

“He is real!” Harper insisted.

 

Umiling si Lauren sa kan’ya bago muli nagsalin ng alak sa basong hawak. “Oh yeah? So, Eve, tell us about the time you transformed into a colorful insect, huh?”

 

I couldn't help but lift my cup humorously in response to Lauren's sarcastic remark.

 

After that, they traded snide remarks for a while. Eve and I often laugh while we watch them.

 

Sa sandaling panahon na iyon ay tila ko nakalimutan ang mga nagpapagulo sa isip ko kanina. Kaya naisip ko, baka ito ang dahilan kung bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo, kami pa ang napiling pagsama-samahin.

 

There could be a reason, right? Everything happens for a reason. I’d like to speculate that, it’s more comforting.

 

This, the liquors, the garden, the stories, and these people were all soothing. This was just what I needed at this point in my life.

 

Isa nalang ang kulang… si Olivia.

 

Was she still not okay? Masyado bang malalim ang pinag-awayan nila ng mga agulang n’ya that she is not able to go out of her room and celebrate with us?

 

If that’s the case, real or myth, I wish Santa Claus to give her the comfort she needs.

 

“I couldn't give you those, but I did bring you other gifts.” May mahina kaming boses na anrinig sa kung saan.

 

All of a sudden, Olivia was there. Standing at the entrance of the garden. Diretso ang tayo at halos hindi kami matignan. Her voice was a bit shaky, actually.

 

Natigil ang tawanan at asaran. Lahat ng mga mata ay nakatutok kay Olivia.

 

Wala ni isa sa amin ang nakapagsalita o nagbigay reaksyon kaagad. Humigpit ang hawak ni Olivia sa handle ng mga paper bag na dala n’ya nang mamuno ang katahimikan.

 

Sandaling bumaba ang tingin n’ya bago huminga ng malalim at pumikit ng mariin bago muling bumaling sa amin. Pero bago pa man makapagsalita ay pumikit s’ya ulit.

 

Tumaas ang dalawa kong kilay dahil sa ginawa n’ya.

 

“I…I was a bitch and I am so sorry about that. Hindi ko naisip na hindi lang ako may problema at dinamay ko kayong lahat sa frustration ko. I am very sorry. Please, forgive me?”

 

I smirked.

 

Awtomatiko kaming nakatinginang apat matapos magsalita ni Olivia.

 

Gaya ko ay nakangiti ang tatlo. Maloko ang mga ngiti nila kahit pa seryoso si Olivia sa mga sinabi n’ya at may dala pang regalo.

 

Kinuha ni Harper ang baso ng alak na nakalaan sa kan’ya at tumayo. Naramdaman ni Olivia ang paglapit ni Harper sa kan’ya kaay napadilat ito.

 

“Hindi naman pwedeng hindi ka kasama.” Saad ni Harper habang inaabot kay Olivia ang basong hawak n’ya.

 

Olivia gave us a weak smile before pulling Harper into a tight hug.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status