Share

CHAPTER FORTY-EIGHT

CIARA'S P.O.V

As Jashler's wish, kinabukasan nga ay bumalik kami sa ospital kung saan naka admit si Jamie.

Nakakalungkot lang na hindi namin kasama si Ashy ngayon. Pinilit naman namin na isama siya pero siya na rin ang kusang tumanggi dahil gusto raw niyang igalang ang kagustuhan ni Jashler na huwag muna siyang makita.

Kaya ngayon, kaming lima lang ang magkakasamang bumalik sa ospital. Ako, si Tyler, si Tyrrah, si Tyrone, at si CK.

Hindi kagaya ng kagabi ay sa private room na namin inabutan si Jamie. She's finally out of the emergency room. Iyon nga lang ay hindi namin inaasahan ang masamang balita na bumungad sa amin. Wala na ang baby na dinadala niya…

"Kamusta na si Jamie?” mahinang tanong ko kay Jashler. Sinadya kong sundan siya nang lumabas siya kanina mula sa kwarto na kinaroroonan ni Jamie. Umiiyak pa rin kasi ito at hindi mapakalma. Kinailangan pang tumawag ng doktor para magturok ng pangpakalma dito na kalaunan ay naging dahilan na rin ng tuluyan niyang pagkatulog.

"I… don't t
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status