Share

CHAPTER THREE

Author: Eyah
last update Last Updated: 2021-09-03 07:38:35

THE PRESENT

5 YEARS LATER…

ASHY’S P.O.V

Five years ago, I almost died. And that became the reason on why my parents came to decide na dito na ako sa Japan pag- aralin at patirahin pansamantala. I never refused to do what they said dahil alam ko naman na para rin sa akin iyon. Kaya ito ako ngayon, limang taon na ang nakalilipas at nandito pa rin ako. Natapos ko na ngang lahat- lahat ang pag- aaral ko dito, eh!

Pero kahit nandito ako, kahit minsan ay hindi ako nawalan ng komunikasyon sa mga taong malalapit sa akin na naiwan ko sa Pilipinas. Sila Mommy at Daddy, sila Tita Klara at Tito Peterson, at syempre, si Jamie.

‘’How are you there?’’ nakangiting pangungumusta ni Jamie sa akin.

I’m talking to her as of now.

Gaya ko ay graduate na rin siya sa Pilipinas.

‘’I’m fine. Ikaw?’’ masayang saad ko.

‘’Hmm, ito, okay rin naman.’’ sabi n’ya. ‘’By the ways, wala ka bang planong bumalik na dito sa Pilipinas?’’

Napaisip ako.

Sa totoo lang, ang plano ko talaga ay bumalik na agad ng bansa once na matapos ko na ang pag- aaral ko dito.

Pero kapag naaalala ko na makikita ko na naman si Cyruz Keith? Ang kumag na iyon?? It’s so… argh! Parang gusto ko na dito na lang sa Japan magkapamilya, tumanda, at mamatay!

‘’Wala pa, eh. But I’ll think about it.’’ sabi ko na lang.

Napansin ko ang unti- unting pagkabuo ng malisyosang ngiti sa mga labi niya.

‘’Ikaw, ah! Matagal ko nang napapansin!’’ tila nanunuksong sabi niya.

I raise my eyebrow up.

‘’Napapansin? Ang alin?’’ nagtatakang tanong ko.

‘’Ikaw! You’re always blooming, sissy! May… nagpapa- bloom na ba sa iyo diyan?’’

Nanlaki ang mga mata ko.

‘’What? Wala, `no!’’ pagde- deny ko.

Well, wala naman talaga, eh! May mga nanliligaw, oo. But there’s no one na nakapasa sa standards ko.

‘’By the way, maiba ako.’’ rinig kong sabi n’ya, ‘’Did you already know na na malaking gulo ang hinaharap ng pamilya mo at ng mga Villarosi?’’

Napakunot- noo ako dahil sa sinabi n’ya.

‘’What?!’’

Hindi siya nakapagsalita agad.

‘’Jamie, I’m asking you. Ano’ng---‘’

‘’W- wala, Ashy. A- ano… I- I guess, sila Tito at Tita ang dapat mong tanungin tungkol doon.’’ utal na sabi niya. Hindi na siya makatingin sa akin ng diretso. ‘’S- sige na. I have to end this call. May job interview pa ako mayamaya.’’

Wala sa loob na tumango na lang ako.

‘’S- sige, Jamie. T- take care always.’’

Pagkatapos naming mag- usap ay agad kong tinawagan si Mommy pero offline at out of reach siya.

Hindi ko maipaliwanag pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Ramdam na ramdam kong may mali talaga…

Binaba ko ang cell phone ko at kinuha ko naman ang laptop ko.

I immediately book a one way plane ticket.

Because yes, I am going back to the Philippines the soonest possible time.

CK’S P.O.V

For the past five years, stable at maayos ang lagay ng kumpanya at ng lahat ng negosyo ng mga Monteflabio at mga Villarosi. Not until this unexpected thing happened.

‘’Unti- unti na tayong bumabagsak. Hindi biro ang halaga na natangay sa atin ng mga letseng scammer na iyon!’’ seryoso at malakas na sabi ni Tito Santi.

‘’Kailangan na nating gumawa ng hakbang habang maaga pa at may magagawa pa tayo. Dahil kung hindi, pare- parehas tayong pupulutin sa kangkungan!’’ dagdag pa ni Daddy.

Humugot ako ng malalim na hininga.

‘’Hindi tayo dapat magpaliguy- ligoy ng desisyon. Hindi madaling kalaban ang mga Del Fuego. They can go deeper than the black market. Mga mafia lords ang namumuno doon. Malas lang natin at tayo ang napag- trip- an nilang biktimahin.’’ tiim- bagang na sabi ko.

‘’Ganito na pala kalaki ang problema ng kumpanya. And yet, wala man lang isa sa inyo ang nag- abala na sabihan ako.’’

Lahat kami ay napalingon sa bagong dating.

Chram…

Hindi ako makapaniwala na makikita ko ulit siya pagkatapos ng limang taon. At sa ganito pang situwasyon.

Now, she’s standing there emotionlessly.

Ang laki na ng pinagbago niya…

‘’Ngayon na nandito na ako, baka naman meron nang may gusto na i- open up sa akin ang lahat ng mga problema dito.’’ sabi niya ulit.

Naglakad siya palapit sa amin at umupo sa bakanteng upuan.

‘’A- anak… K- kailan ka pa umuwi?’’ hindi makapaniwalang tanong ni Tita Eliza.

‘’Kararating ko lang, Mom. I’ve been calling everyone of you pero ni isa sa inyo, walang sumasagot. And base on what I heard, I think alam ko na kung bakit parang busy kayong lahat.’’ seryosong sagot ni Chram.

‘’So, tell me, Ashy, hija. How’s Japan---‘’

‘’I’m sorry, Tita. But I think, it’s not the right time to talk about Japan. Mukhang may mas malala pong problema ang dapat nating pag- usapan. Ang dapat niyong sabihin sa akin.’’

Napalunok ako habang nakatitig pa rin sa kanya.

She’s still have her white complexion. Pero wala na ang dati ay mahaba niyang buhok. It is now cut into a short hair. May manipis na make up na rin siya and that made her look so untamed.

‘’I’m asking on what’s happening, Cyruz Keith. Hindi ko hiningi na titigan mo ako.’’

Napakurap ako nang marinig ko ang sinabi niya.

And she’s calling me by my whole name, huh? Honestly speaking, siya lang ang tumatawag sa akin sa buong pangalan ko. At hindi ko alam pero may kakaibang saya akong nararamdaman everytime na binabanggit niya iyon.

Tumayo ako.

‘’If that’s what you want.’’ sabi ko pa.

Tinaasan niya ako ng kilay.

‘’What? Kailangan ba nakatayo ka pa bago mo ipaliwanag sa akin lahat?’’ sarkastikong tanong niya.

I le out a frustrated sigh.

‘’It’s up to you. Pero ayaw mong sabihin ko sa iyo ang lahat ngayon na? Then fine. Meet me at my place seven in the evening later. Kapag hindi ka dumating, I’ll be assuming na ayaw mong malaman lahat ng nangyayari sa kumpanya.’’

Pagkasabi ko noon ay naglakad na ako palabas ng conference hall.

When I finally close the door, I can’t help myself not to smile.

Alam kong hindi maipapaliwanag ng buo ng mga magulang namin sa kanya ang lahat ng problema ng kumpanya. Kaya alam ko rin na wala siyang choice kundi ang puntahan ako. Alas syete mamayang gabi.

Napangiti ako.

Naughty smile, to be exact.

Limang taon mong tinakasan ang labanan natin, Chram. And now that you’re here again, itutuloy na natin ang naudlot nating laban. And this time, I’ll make sure na mananalo ako ulit.

JAMIE’S P.O.V

Nasa kalagitnaan ako ng pagsusuklay nang makarinig ako ng sunud- sunod na katok sa pintuan ng kwarto ko.

‘’Ma’am Jamie, may naghahanap po sa inyo!’’ malakas na sabi pa ng katulong namin na si Manang Paulita.

Probably, she’s the one who’s knocking on my bedroom’s door.

Napapikit naman ako nang mariin.

‘’Manang, kung si Jashler lang po iyon, please say to him na wala ako dito---‘’

‘’Hindi po si Sir Jashler iyon. Babae po at ‘Ashy’ daw po ang pangalan.’’

Napatayo ako.

What? Si Ashy? Imposible!

Dali- dali akong naglakad at mabilis na binuksan ang pintuan ko.

‘’Thank you, Manang.’’ sabi ko muna bago ako tuluyang tumakbo pababa ng hagdanan.

Saglit akong napahinto dahil may nakita nga akong pamilyar na pigura ng isang babae na nakaupo sa isa sa mga sofa na nasa salas ko.

Nakatalikod siya sa direksyon pero alam ko at sigurado akong siya nga iyon.

‘’OM… Ashy, sissy?’’ hindi makapaniwala kong saad.

Tumayo siya at unti- unting humarap sa akin.

And yes, siya nga talaga ang bestfriend ko!

Napatili ako at excited na tumakbo palapit sa kanya.

Niyakap ko agad siya ng mahigpit.

‘’Grabe! Parang kanina lang, kausap pa kita on video call, ah? Pero ngayon, nasa harapan na ulit kita! At…! Look at you, sissy!’’ sabi ko at bahagyang lumayo sa kanya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. ‘’Glow up to the fullest, sissy! Pak na pak!’’

Tumawa lang siya.

‘’Ikaw din naman, eh. You’re as beautiful as ever din.’’ nakangiti ring sabi niya.

‘’Well, magkaibigan tayo kaya understood na na maganda tayo parehas. We’re both drop dead gorgeous! Right, Ashy, sissy?’’

Tumawa siya.

‘’Yes, of course, Jamie, sissy!’’

Pagkatapos noon ay parehas kaming natawa ng malakas.

‘’Before I forgot, what do you want me to serve you? Juice, water, tea, or---‘’

‘’No, Jamie. Huwag na. Hindi rin naman ako magtatagal, eh. I have an important--- no, an unimportant person to meet.’’

Naging interesado ako sa sinabi niya lalo na nang marinig ko na tila bigla s’yang nainis. And I think, alam ko na kung sino ang unimportant person na kailangan niyang kitain.

‘’Parang alam ko na kung sino ang taong iyon, ah?’’ natatawa kong sabi. ‘’But for formality’s sake, itatanong ko pa rin. Sino ba iyong ‘unimportant person’ na tinutukoy mo?’’

Bigla ay tumitig siya sa akin ng mataman at seryoso.

‘’None other than my mortal enemy. Si Cyruz Keith Villarosi.’’

ASHY’S P.O.V

Pagkatapos kong dumaan sa bahay ni Jamie ay dumiretso na ako sa bahay namin. I must take a rest first before I prepare myself to face my mortal and worst enemy. Kailangan ko ring mag- ipon ng mahaba- habang pisi ng pasensya dahil paniguradong madugong bangayan na naman ang mangyayari sa pagitan naming dalawa.

After a few hours of sleep, bumaba na ako at naghanap muna ng makakain sa kusina.

Puno pa rin naman ng stocks ang refrigerator at ang freezer. Latest at updated pa rin naman ang mga appliances na nandito. Kaya sigurado ako na kung anuman ang problema na kinakaharap ng mga Monteflabio at Villarosi, alam ko na hindi pa ganoon kalala iyon. Kayang- kaya pa rin naming iyong masolusyunan. And I promised myself that I’ll do anything for the Monteflabio and Villarosi to win the first position on the whole business circle once again.

Gagawin ko ang lahat. Kung kinakailangang harapin ko at araw- araw na pakisamahan ang mortal kong kaaway, gagawin ko. Maibalik ko lang ang mga pamilya namin sa posisyon na dapat naming kalagyan.

Hindi na ako gaanong kumain ng marami.

Bumalik na ako agad sa kwarto ko at naghanda na ng susuotin para sa pagkikita namin ni Cyruz Keith.

I prefer to wear a simple white dress and a pair of white high heeled stilettos as well. Hahayaan ko na lang siguro na nakalugay ang buhok ko.

Kinuha ko ang isang puti ring sling bag. Dito ko ilalagay ang iilang gamit na dadalhin ko. Cell phone, wallet, panyo, at… pen knife.

Yes, limang taon na ang nakalilipas, mula nang manganib ang buhay ko ay sinanay ko na ang sarili ko na magdala ng kahit anong self defense item. Dalawang taon din akong nagsanay ng manual self defense sa Japan.

Ayoko lang kasi na maulit na naman ang mga nangyari sa akin dati.

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim.

Okay, Ashy, forget about the past. Mag- focus ka sa present. May problema ang kumpanya at iyon ang dapat mong atupagin sa ngayon.

Nagpakawala pa ako ng sunud- sunod na hininga bago ako tuluyang kumalma.

Pumasok na ako agad sa CR para makapaligo na.

Kailangan kong alisin sa isip ko lahat ng pwede makapag- distract sa akin.

Iisa lang ang dapat na pagtuunan ko ng pansin ngayon. At iyon ay wala nang iba pa kundi ang kumpanya na sinimulan pa ng mga lolo at lola namin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • When Enemies Turned Into Mafia Partners   CHAPTER FIFTY-NINE

    JASHLER’S P.O.VKasalukuyan kaming nanonood sa eksena nina Tyrone at Tyrrah habang sama-sama kaming nakatago sa likod ng isang malaking mausoleo ilang hakbang lang ang layo sa kanila.Habang nakatingin sa kanila at nakikinig sa pinag uusapan nila ay hindi namin maiwasang kiligin at matawa paminsan-minsan. Yes, mabibigat nga ang linyahan nilang dalawa pero sa nakikita ko, alam kong maaayos din nila iyon. Si Tyrone pa? He’s the best man every woman could ask for. At sa aming magkakaibigan, siya ang pinakamatino at pinakamahinahon. Kaya hindi niyo ako masisisi kung bakit gano’n na lang kalaki ang tiwala ko sa lalaking iyon. Anyways, balik sa pakikinig namin sa eksena ng dalawang baliw naming mga kaibigan. Oo, baliw. Dahil pareho lang naman talaga silang mga baliw na baliw sa pag ibig. ‘Di ba?Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makita ang falling action sa nagaganap na gulo sa pagitan nila. They’re still shouting at each other real loud. I bet, hindi nila magagawa iyan kung alam nilang

  • When Enemies Turned Into Mafia Partners   CHAPTER FIFTY-EIGHT

    TYRRAH’S P.O.VNaglalakad ako at palabas na ng sementeryo nang mapansin ko bigla na wala na ang singsing sa daliri ko. As of now, I should be wearing two rings— ang singsing na tanda ng engagement namin ni Tyrone at ang singsing na bigay pa ni Mommy noong nabubuhay pa siya. Pero huli na nang mapansin ko na iisang singsing na lang pala ang suot ko. At ang nawawala pa ay ang singsing na galing kay Mommy!I’ve been wearing it like since forever! At hindi ako papayag na basta-basta na lang mawala iyon. Never!Kaya kahit mabigat sa loob ko ay naglakad ako ulit. Pero this time, sa kabilang direksyon naman. Pabalik sa puntod nina Mommy kung saan na ako galing kanina.Sa kalagitnaan ng paglalakad ko, bigla ko na lang naramdaman na parang mag kung ano, o kung sino na sumusunod sa akin. Pero dahil nagmamadali na ako ay hindi ko na iyon pinansin pa. I just focus on what I have to do: ang bumalik sa pinanggalingan ko habang hinahanap ang singsing ko na bigla na lang nawala o baka nahulog sa kung

  • When Enemies Turned Into Mafia Partners   CHAPTER FIFTY-SEVEN

    TYRONE’S P.O.VHabang nagmamadali kami sa pagpunta sa sementeryo, ang lugar na na-track ni Ashy na kinaroroonan ng fiancee ko ay hindi ko magawang mapakali.I am nervous, I am worried. At hanggang ngayon, hindi ko magawang alisin at pigilan ang utak ko na mag isip at humanap ng kung anu-anong posibilidad na pwedeng maging rason nang biglaan niyang pag alis.“I thought everything is fine now, Tyrrah. Nag usap na tayo. I gave you all the assurance in this freaking world, just so you could not feel bad. And you said that its fine, and you’re fine already. You even promised that our wedding will happen whatever it may face. Pero ano na ngayon? Nasaan ka na? Why did you just run and left me behind like this?” hindi maiwasang sumbat ng isip ko.I was hurt and feeling betrayed at the same time. Maiintindihan ko naman kasi kung sinabi niya na alng at pinarating sa akin ng maayos ang lahat. Lagi naman akong nakikinig sa kanya at lagi ko namang ginagawa lahat ng tingin kong pinakamabuti. Basta

  • When Enemies Turned Into Mafia Partners   CHAPTER FIFTY-SIX

    TYRRAH’S P.O.VKung kailan akala kong ayos na lahat, doon pa biglang bumalik ang takot at pagdududa ko sa sarili ko na bunga pa rin ng masaklap kong nakaraan.Few years ago, I answered Tyrone a ‘yes’. Pumayag akong maging kami na sa wakas. At ang pagpayag na iyon ay hindi lang bunga ng awa o napilitan lang akong sagutin siya. He courted me for the last few years. Pinatunayan niya sa akin kung gaano niya ako kamahal sa kabila ng mapait kong nakaraan. Sa kabila ng napakarami kong kakulangan. He still stood beside me, patiently waiting will all the respect a woman like me could ever get. Hindi niya ako itinuring na iba. He made me feel like a normal woman who used to be in an ordinary and usual environment. He did everything that a man could do for his woman. He made me feel loved every single time. He treated me as if I am some kind of a princess. At higit sa lahat, marami siyang bagay na isinakripisyo para lang sa akin.And those thoughts made me week as I stumble to my knees. Alam kon

  • When Enemies Turned Into Mafia Partners   CHAPTER FIFTY-SEVEN

    ASHY’S P.O.VMatapos ang natanggap kong tawag mula kay Tyrone ay hindi na ako napakali pa. And after that conversation we just had, I received a message from him containing an address of what seemed to be a… pastry shop?Hindi naman na ako nag aksaya pa ng panahon at binilin ko na agad ang anak ko sa mga kasambahay. I then called my parents and Cyruz Keith’s nang sa ganoon ay may magbantay pa rin na kapamilya namin sa anak ko. After that, I took nothing but my car key and immediately rush to the place that Tyrone just sent. Pagkarinig ko roon ay hindi na ako nagulat at nagtaka pa nang makita ko na kumpleto na kaming magkakaibigan doon. Well, except of course for Tyrrah dahil siya nga ang nawawala.“May idea na ba kayo kung saan posibleng nagpunta si Tyrrah?” salubong na tanong ko agad sa kanila nang makalapit na ako.“We still don’t have any clue. Ikaw nga ang sinasabi ko kanina pa na contact-in dahil baka sakaling nagbigay siya ng kahit ano’ng hint o information sa iyo kung saan siy

  • When Enemies Turned Into Mafia Partners   CHAPTER FIFTY-SIX

    3 months later…ASHY’S P.O.VOo, tatlong buwan na nga ang mabilis at agad na lumipas mula nang mangyari ang lahat. Ang pagkawala ng anak nina Jamie at Jashler, ang paninisi sa akin, at ang muntik nang pagkasira ng pagkakaibigan namin.But thankfully, hindi rin nagtagal ang problemang iyon sa amin. We managed to find everything behind it just in days! At masuwerte kami na sa kabila ng sakit at galit na nararamdaman noon ni Jashler ay hindi siya basta-basta nagpadala sa damdamin niya at nagbubulag-bulagan sa sitwasyon. He still did the right thing as soon as he could— bagay na siyang naging simula para unti-unting bumalik ulit sa normal ang lahat.Matapos kasi niyang malaman ang totoo sa likod ng pagkalaglag sa anak nila ni Jamie, sinimulan niya nang humanap ng ebidensiya na magpapatunay na totoong ang ina niya nga ang may malaking kinalaman sa likod ng ‘aksidente’ umano at bunga ng ‘stress’ na pagkalaglag ng anak nila. Together with the boys, the found the said drugs that are intention

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status