Share

CHAPTER TWO

Author: Eyah
last update Huling Na-update: 2021-09-03 07:24:00

REVENGE GONE WRONG

ASHY’S P.O.V

Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis ang pagkakangiti ko. I smell success! Nararamdaman ko na tagumpay ako ngayong araw na ito!

Pagkatapos kong magpalit ng pambahay--- a simple oversized shirt and a shorts--- ay agad na akong lumabas ng kwarto ko.

Pupunta ako sa kitchen to check if there’s something I can eat. `Tapos, tatambay ako sa garden. Kakain habang nagbabasa ng paborito kong libro.

Pasipol- sipol pa ako habang naglalakad pababa ng hagdanan.

Hanggang sa makarating ako sa kitchen ay nakangiti pa rin ako at sumisipol.

‘’Oh, hija, mukhang masayang- masaya ka, ah?’’ nakangiting bati sa akin ni Manang Ising, ang cook namin.

‘’Oh, yes, Manang. ‘Cause you know what?’’ excited na sabi ko sa kanya. ‘’Nagantihan ko si Cyruz Keith kanina!’’

Kunot ang noong tumingin siya sa akin.

‘’Ano’ng ibig mong sabihin na nagantihan mo siya?’’ nagdududang tanong niya,

‘’He made me feel embarrassed in front of our class kasi, eh! `Tapos, he stole my burger pa! Kaya… noong paalis na kami ni Jamie, I shouted na mabulunan sana siya!’’ nakangusong saad ko.

Tumawa naman siya.

‘’Oh, nasaan ang pagganti mo doon, hija? Maaari namang hindi siya mabulunan doon. Hindi ka nakasisiguro.’’ sabi ni Manang. ‘’At tandaan mo, hindi sa lahat ng oras ay mabuti ang naidudulot ng pagganti.’’

‘’Of course I knew it, Manang! But that… that guy? He deserves all the revenge in this whole wide world! Nakakainis siya!’’ nanggigigil na sigaw ko.

‘’Eh, ano nga’ng ginawa mo?’’ tanong niya ulit.

Naalala ko naman agad ang ginawa ko kaya napangiti na ako.

‘’I leave a bottle of drinking water sa table namin ni Jamie. At kapag nabulunan siya, he has no choice but to drink the water. And I put something sa water na iyon kaya---‘’

‘’I knew it. Sinadya mo ang lahat ng iyon.’’

Suddenly, I froze.

Pamilyar sa akin ang boses ng lalaking bigla na lang nagsalita mula sa likuran ko. At sigurado ako na si… si Cyruz Keith iyon!

Dahan- dahan akong humarap sa kanya.

He’s staring at me blankly.

‘’B- bakit ka ba nandito, ha? B- bakit… B- bakit ka nakikinig sa usapan ng may usapan---‘’

‘’I’m here ‘cause my mom’s here. Sinama niya ako.’’ walang emosyon na saad niya. ‘’At nakikinig ako sa usapan n’yo ni Manang Ising dahil kung hindi ako nakinig, malamang na hindi ko mapatunayan na ikaw nga ang may gawa ng nangyari sa akin sa cafeteria. Well, alam ko naman na ikaw talaga ang may kasalanan.’’

Napalunok ako.

‘’Here’s the recording, by the way.’’ sabi niya pa sabay taas sa cell phone niya. ‘’I record what you’ve said earlier. And since your mom’s here and my mom’s here, too, ipaparinig ko na sa kanila ang recording na ito ngayon mismo. So that they can finally see kung gaano ka kasama.’’

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

‘’You can’t do this to me, you---!’’

‘’Sinimulan mo na, Chram. I’m just playing with you all along. Pero sa ginawa mo kanina? You officially start the war between us. And to tell you what? I gladly accept this battle. At hinding- hindi ako magpapatalo sa iyo. Bare that in your mind.’’

Naiwan akong tulala sa kinatatayuan ko.

Kung hindi pa ako tinapik ni Manang Ising ay hindi pa ako mababalik sa katinuan ko.

‘’W- where did he go?’’ naiiyak na tanong ko sa kanya.

‘’Sa study room yata ng daddy mo, hija.’’ sagot niya naman.

Dali- dali akong tumakbo paakyat sa taas. Papunta sa study room ni Daddy.

Walang babala kong binuksan ang pinto.

Hindi ako nakakilos agad nang mapansin ko na nandoon nga si Mommy at si Tita Klara. Kasama si Cyruz Keith. At ngayon ay nakatitig silang lahat sa akin.

‘’Ashy, anak, come here.’’ pormal na utos ni Mommy.

Nakayukong naglakad ako palapit sa kanila.

‘’Why did you do that, huh? Bakit mo nilagyan ng pamurga ang inumin ni CK?’’ marahang tanong ni Tita Klara.

‘’H- he… H- he made me feel embarrassed, Tita!’’ naluluhang sumbong ko. ‘’H- he asked me about my virginity in front of the whole class!’’

Rinig kong napasinghap silang dalawa. Si Cyruz Keith naman ay tahimik lang.

‘’Anak! Why did you do that?!’’ nanlalaki ang mga mata at malakas na tanong ni Tita Klara.

‘’It’s not the issue here, Mom. Pinag- uusapan natin ang paglalagay ni Chram ng pamurga sa inumin ko.’’ nagtatagis ang mga bagang na sabi lang ni Cyruz Keith.

‘’Kahit na. You shouldn’t have done that. Malaking kahihiyan sa aming mga babae ang tanungin ng gano’ng bagay sa harapan ng maraming tao!’’ sabi naman ni Mommy.

‘’A- at isa pa, h- hindi ko naman gagawin na lagyan ng pamurga iyong tubig kung hindi mo ako pinahiya, eh. A- and it’s my water! S- sa akin iyon. K- kung hindi mo inagaw iyon, eh, ‘di sana hindi mo nainom iyon.’’ nakalabing sabi ko.

‘’Oh, my darling, Ashy…’’ sabi ni Mommy at niyakap ako. Ganoon din ang ginawa ni Tita Klara.

They’re both hugging me habang si Cyruz Keith ay hindi maipinta ang mukha.

Sa kabila ng namamasa kong mata dahil sa luha ay nagawa ko pa ring ngumiti ng mapang- asar sa kanya.

You said the war between us has already begun, right? Well, hindi rin kita aatrasan.

CK’S P.O.V

All this time, inakala ko na laru- laro lang ang lahat ng asaran at bangayan namin ni Chram. Never in my mind na tinototoo niya na pala ang lahat ng iyon.

And hell yeah, wala lang sana sa akin ang lahat. We’re just making fun of each other. Pero dahil sa ginawa niya? Hindi ko alam kung ano pa ba ang posible kong magawa magantihan lang siya.

Dinampot ko ang cell phone ko nang marinig ko ang biglang pagtunog noon.

One unread message from Jashler.

Binuksan ko agad iyon at binasa.

‘According to Jamie, papunta s’ya ng mall together with Ashy. Pero maghihiwalay din daw sila sa waiting shed. Ashy will just wait for a taxi there dahil hindi raw ito masusundo ng driver nila.’

Napangiti ako pagkabasa ko sa mensaheng iyon.

Okay, CK, it’s your time to shine.

Agad akong nagpalit ng damit--- all black outfit to be exact. Mula sa mask, hoody jacket, pants, at sapatos. Itim rin ang helmet at gloves ko na kapares ng kulay itim din na motor ko.

Humanda ka sa akin, Chram. I’ll never let you pass this trip without me doing a revenge for you.

Sumakay na ako sa motor ko at mabilis na pinasibad iyon palayo.

Habang umaandar ako ng mabilis ay hindi ko maiwasang mapangiti.

Makakaganti na naman ako sa iyo, my dearest Chram Ashy Monteflabio.

Hininto ko ang motor ko ilang hakbang ang layo sa waiting shed na malapit sa mall kung saan daw maghihintay ng taxi si Chram. Sa waiting shed kung saan ko gagawin ang pagganti ko sa kanya.

Pagkatapos ng halos kalahating oras ay nakita ko nang naglalakad sila ni Jamie papunta nga sa waiting shed.

Nag- usap pa sila saglit bago sila nagyakap. Then Jamie walked away from her.

Naghintay pa ako ng ilang sandali.

Magdidilim na rin kaya halos wala nang tao sa paligid.

Ini- start ko ang motor ko at mabilis na pinaandar iyon palapit kay Chram.

Nagulat siya sa mabilis na pag- andar ko at ginamit ko ang pagkakataon na iyon para kuhanin ang bag niya.

Then I went away.

Nang medyo makalayo na ako ay huminto pa ako para tingnan siya.

She’s sitting on the floor. Looking so helpless.

Napangisi ako.

This is war, Chram. Sinimulan mo ito. At ikaw ang pumilit sa akin na gawin ito.

Sinakbit ko ang bag niya sa isang braso ko.

Tsaka ako nagpatuloy sa paglayo.

¤ ¤ ¤

Nagising ako sa kakaibang ingay sa paligid. Parang… Parang may gumigising sa akin.

Inis akong nag- inat at dumapa para ipagpatuloy ang tulog ko.

Nagtakip rin ako ng unan sa ulo para kahit papaano ay maibsan ang kung anong ingay na naririnig ko.

Pero kasabay naman noon ay ang paglakas ng pagyugyog ng kung sino sa balikat ko.

‘’Hmm… Ano ba iyon?!’’ inis na sigaw ko habang nakapit pa rin.

‘’CK, anak, ano ka ba naman?! Bumangon ka na nga diyan! We need your help. Nawawala si Ashy!’’

Napabalikwas ako ng bangon.

‘’M- Mom… w- what do you mean nawawala si Ashy?’’ kinakabahang tanong ko.

‘’N- nagpaalam lang daw siya sa Tita Eliza mo na may bibilhin sa mall kasama si Jamie. She must be at home by seven p.m!’’ naluluha n’yang sagot.

Automatic akong napatingin sa maliit na orasan na nakapatong sa bed side table ko.

Alas nuwebe na ng gabi…

Shit!

Dali- dali akong umalis sa kama ko at nagsuot ng damit.

‘’Anak? Saan ka pupunta?’’ nag- aalalang tanong ni Mommy habang sinusundan ako pababa ng hagdan.

‘’I’ll find Chram, Mom.’’

Tama. Kailangan kong hanapin si Chram. Dahil malamang sa hindi, ako ang may kasalanan kung bakit siya nawawala ngayon.

Gamit ang motor ko ay bumalik ako sa waiting shed kung saan ko huling nakita si Chram pero… wala na siya doon.

Napansin ko na may matandang nagtitinda sa gilid ilang hakbang lang ang layo sa mismong waiting shed.

Bumaba ako at naglakad palapit sa kanya.

‘’Uhm, m- magandang gabi po. I… May itatanong lang po sana ako.’’ nag- aalangang sabi ko.

Binalingan niya naman kaagad ako ng atensyon.

‘’Ano iyon, hijo? At ano’t nasa labas ka pa ng ganitong oras?’’ nagtatakang tanong n’ya.

‘’May… May napansin po ba kayong babae doon sa waiting shed kanina? M- maputi po siya. H- hanggang balikat ko siya. Mahaba ang buhok at naka- kulay blue na dress---‘’

‘’Ah, natatandaan ko sya, hijo. Siya ang dalaga kanina na naagawan ng bag, hindi ba?’’

Napalunok ako.

May nakakita sa nangyari at sa ginawa ko kanina…

‘’S- siguro po. N- napansin niyo po ba kung saan siya nagpunta?’’ tanong ko.

Saglit siyang natahimik na parang nag- iisip.

‘’Doon!’’ sabi niya bigla pagkatapos ng ilang sandali. Nakaturo siya sa direksyon na dinaanan ko kanina. ‘’Doon siya nagpunta pagkatapos ng nangyari kanina.’’

Tumangu- tango ako.

‘’Salamat po.’’ sabi ko agad,

Bago ako tuluyang umalis ay kumuha ako ng isang libo at inabot iyon sa kanya.

‘’Pakibantayan po muna iyon. Please.’’ sabi ko sabay turo sa motor ko na nakahinto sa hindi kalayuan. ‘’I’ll try to find her over there.’’

Hindi niya pa sana tatanggapin ang pera na binibigay ko pero iniwan ko na iyon sa ibabaw ng mga paninda niya.

‘’Babalik po ako kaagad.’’

Nagmamadali na akong naglakad sa direksyon na tinuro ng matandang tindera.

Damn. Sana lang talaga, makita ko na agad si Chram. Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa oras na may mangyaring masama sa kanya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • When Enemies Turned Into Mafia Partners   CHAPTER FIFTY-NINE

    JASHLER’S P.O.VKasalukuyan kaming nanonood sa eksena nina Tyrone at Tyrrah habang sama-sama kaming nakatago sa likod ng isang malaking mausoleo ilang hakbang lang ang layo sa kanila.Habang nakatingin sa kanila at nakikinig sa pinag uusapan nila ay hindi namin maiwasang kiligin at matawa paminsan-minsan. Yes, mabibigat nga ang linyahan nilang dalawa pero sa nakikita ko, alam kong maaayos din nila iyon. Si Tyrone pa? He’s the best man every woman could ask for. At sa aming magkakaibigan, siya ang pinakamatino at pinakamahinahon. Kaya hindi niyo ako masisisi kung bakit gano’n na lang kalaki ang tiwala ko sa lalaking iyon. Anyways, balik sa pakikinig namin sa eksena ng dalawang baliw naming mga kaibigan. Oo, baliw. Dahil pareho lang naman talaga silang mga baliw na baliw sa pag ibig. ‘Di ba?Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makita ang falling action sa nagaganap na gulo sa pagitan nila. They’re still shouting at each other real loud. I bet, hindi nila magagawa iyan kung alam nilang

  • When Enemies Turned Into Mafia Partners   CHAPTER FIFTY-EIGHT

    TYRRAH’S P.O.VNaglalakad ako at palabas na ng sementeryo nang mapansin ko bigla na wala na ang singsing sa daliri ko. As of now, I should be wearing two rings— ang singsing na tanda ng engagement namin ni Tyrone at ang singsing na bigay pa ni Mommy noong nabubuhay pa siya. Pero huli na nang mapansin ko na iisang singsing na lang pala ang suot ko. At ang nawawala pa ay ang singsing na galing kay Mommy!I’ve been wearing it like since forever! At hindi ako papayag na basta-basta na lang mawala iyon. Never!Kaya kahit mabigat sa loob ko ay naglakad ako ulit. Pero this time, sa kabilang direksyon naman. Pabalik sa puntod nina Mommy kung saan na ako galing kanina.Sa kalagitnaan ng paglalakad ko, bigla ko na lang naramdaman na parang mag kung ano, o kung sino na sumusunod sa akin. Pero dahil nagmamadali na ako ay hindi ko na iyon pinansin pa. I just focus on what I have to do: ang bumalik sa pinanggalingan ko habang hinahanap ang singsing ko na bigla na lang nawala o baka nahulog sa kung

  • When Enemies Turned Into Mafia Partners   CHAPTER FIFTY-SEVEN

    TYRONE’S P.O.VHabang nagmamadali kami sa pagpunta sa sementeryo, ang lugar na na-track ni Ashy na kinaroroonan ng fiancee ko ay hindi ko magawang mapakali.I am nervous, I am worried. At hanggang ngayon, hindi ko magawang alisin at pigilan ang utak ko na mag isip at humanap ng kung anu-anong posibilidad na pwedeng maging rason nang biglaan niyang pag alis.“I thought everything is fine now, Tyrrah. Nag usap na tayo. I gave you all the assurance in this freaking world, just so you could not feel bad. And you said that its fine, and you’re fine already. You even promised that our wedding will happen whatever it may face. Pero ano na ngayon? Nasaan ka na? Why did you just run and left me behind like this?” hindi maiwasang sumbat ng isip ko.I was hurt and feeling betrayed at the same time. Maiintindihan ko naman kasi kung sinabi niya na alng at pinarating sa akin ng maayos ang lahat. Lagi naman akong nakikinig sa kanya at lagi ko namang ginagawa lahat ng tingin kong pinakamabuti. Basta

  • When Enemies Turned Into Mafia Partners   CHAPTER FIFTY-SIX

    TYRRAH’S P.O.VKung kailan akala kong ayos na lahat, doon pa biglang bumalik ang takot at pagdududa ko sa sarili ko na bunga pa rin ng masaklap kong nakaraan.Few years ago, I answered Tyrone a ‘yes’. Pumayag akong maging kami na sa wakas. At ang pagpayag na iyon ay hindi lang bunga ng awa o napilitan lang akong sagutin siya. He courted me for the last few years. Pinatunayan niya sa akin kung gaano niya ako kamahal sa kabila ng mapait kong nakaraan. Sa kabila ng napakarami kong kakulangan. He still stood beside me, patiently waiting will all the respect a woman like me could ever get. Hindi niya ako itinuring na iba. He made me feel like a normal woman who used to be in an ordinary and usual environment. He did everything that a man could do for his woman. He made me feel loved every single time. He treated me as if I am some kind of a princess. At higit sa lahat, marami siyang bagay na isinakripisyo para lang sa akin.And those thoughts made me week as I stumble to my knees. Alam kon

  • When Enemies Turned Into Mafia Partners   CHAPTER FIFTY-SEVEN

    ASHY’S P.O.VMatapos ang natanggap kong tawag mula kay Tyrone ay hindi na ako napakali pa. And after that conversation we just had, I received a message from him containing an address of what seemed to be a… pastry shop?Hindi naman na ako nag aksaya pa ng panahon at binilin ko na agad ang anak ko sa mga kasambahay. I then called my parents and Cyruz Keith’s nang sa ganoon ay may magbantay pa rin na kapamilya namin sa anak ko. After that, I took nothing but my car key and immediately rush to the place that Tyrone just sent. Pagkarinig ko roon ay hindi na ako nagulat at nagtaka pa nang makita ko na kumpleto na kaming magkakaibigan doon. Well, except of course for Tyrrah dahil siya nga ang nawawala.“May idea na ba kayo kung saan posibleng nagpunta si Tyrrah?” salubong na tanong ko agad sa kanila nang makalapit na ako.“We still don’t have any clue. Ikaw nga ang sinasabi ko kanina pa na contact-in dahil baka sakaling nagbigay siya ng kahit ano’ng hint o information sa iyo kung saan siy

  • When Enemies Turned Into Mafia Partners   CHAPTER FIFTY-SIX

    3 months later…ASHY’S P.O.VOo, tatlong buwan na nga ang mabilis at agad na lumipas mula nang mangyari ang lahat. Ang pagkawala ng anak nina Jamie at Jashler, ang paninisi sa akin, at ang muntik nang pagkasira ng pagkakaibigan namin.But thankfully, hindi rin nagtagal ang problemang iyon sa amin. We managed to find everything behind it just in days! At masuwerte kami na sa kabila ng sakit at galit na nararamdaman noon ni Jashler ay hindi siya basta-basta nagpadala sa damdamin niya at nagbubulag-bulagan sa sitwasyon. He still did the right thing as soon as he could— bagay na siyang naging simula para unti-unting bumalik ulit sa normal ang lahat.Matapos kasi niyang malaman ang totoo sa likod ng pagkalaglag sa anak nila ni Jamie, sinimulan niya nang humanap ng ebidensiya na magpapatunay na totoong ang ina niya nga ang may malaking kinalaman sa likod ng ‘aksidente’ umano at bunga ng ‘stress’ na pagkalaglag ng anak nila. Together with the boys, the found the said drugs that are intention

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status