“Make sure of that. Your brother is really giving me a headache—naiinis na ako sa kanya! Why can’t he just make the marriage work?” iritadong wika ng ina ni Jude habang nakakunot ang noo at nakapameywang.Napabuntong-hininga si Jude, hinaplos ang kanyang buhok at pilit na ngumiti upang pakalmahin ang ina. “Mom, please, cut the crap. I’ll fix this. Everything will be fine and back to normal,”Saglit siyang tiningnan ng kaniyang ina, tila sinusuri kung totoo ang sinasabi niya. Matapos ang ilang segundo, malalim itong bumuntong-hininga at umiling. “You better do something about this, Jude,” sagot nito bago mabilis na lumabas ng opisina.Nang tuluyang makaalis ang ina niya, napasandal si Jude sa kanyang swivel chair at muling napabuntong-hininga. Pakiramdam niya ay biglang bumigat ang mundo sa kanyang balikat.Umiling siya at agad na kinuha ang kanyang cellphone, saka dinial ang numero ni Sebastian. Ilang saglit siyang naghintay habang nagri-ring ang tawag, marahang pinipitik ang mesa gam
Napabuntong-hininga si Sebastian, pilit pinapakalma ang sarili sa harap ni Diane. Ramdam niya ang pag-init ng dugo niya, pero hindi niya maaaring hayaan ang sarili na sumabog sa galit. Kailangan niyang panatilihin ang kontrol. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kanyang upuan at lumapit kay Diane, ang kanyang tingin ay seryoso at mabigat.“Don’t you ever say that again. Please, don’t.” Mahinahon ngunit may bahid ng babala ang kanyang boses habang nakatitig kay Diane.Ngunit hindi pa rin natinag ang babae. Hindi niya hinayaan na basta na lang matabunan ang kanyang pagdududa sa mga sinabi ni Sebastian.“What is your business with her, Sebastian?” madiing tanong ni Diane, ang kanyang boses ay puno ng pangungutya at pagtataka. “She filed for divorce, Seb. Bakit hinahanap mo pa rin siya? Bakit mo siya gustong pauwiin?”Humigpit ang panga ni Sebastian bago siya muling huminga nang malalim, pilit pinoproseso ang sinasabi ni Diane. Hindi siya maaaring matinag—hindi siya maaaring bumigay. Dahan-
Narinig ang mahinang buntong-hininga mula kay Sebastian matapos niyang ibaba ang tawag. Marahan niyang ibinaba ang kanyang cellphone sa ibabaw ng mesa, saka ipinikit ang kanyang mga mata. Pilit niyang inaalala ang bawat detalye ng kanyang sitwasyon, sinusubukang pag-isipan kung paano niya masosolusyunan ang problemang kinakaharap nang hindi nasasakripisyo ang relasyon niya kay Diane. Alam niyang isang maling desisyon lang ay maaaring magdulot ng hindi kanais-nais na epekto, kaya't mas lalo siyang nag-isip nang masinsinan.Habang nilulunod siya ng kanyang sariling mga pangamba, muling tumunog ang kanyang cellphone. Agad siyang napadilat at inabot ito mula sa kanyang mesa. Nang tingnan niya ang screen, isang hindi rehistradong numero ang tumatawag. Sandaling nag-alangan si Sebastian—hindi niya alam kung dapat ba niyang sagutin ito o hindi. Sa huli, pinili niyang huwag sagutin ang tawag at muling ibinalik ang kanyang cellphone sa mesa. Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga at muli
Napa-upo sa upuan si Seraphina habang inaantay ang sagot mula sa kabilang linya. Ilang segundo na ang lumipas, ngunit nanatiling walang tugon mula sa kausap. Muling tumunog ang beep ng telepono, senyales na natapos na ang tawag nang hindi sinagot. Napabuntong-hininga siya, may bahagyang inis at pagtataka sa kanyang ekspresyon. Sino kaya ang tumawag? At bakit hindi ito sumagot nang kanyang sinubukan kausapin?Bahagya niyang niyugyog ang ulo, pilit itinataboy ang bumabagabag na tanong sa kanyang isipan. Dali-dali niyang kinuha ang kanyang bag at saka tumayo mula sa kinauupuan.“Ma’am Yen, aalis na po ako,” paalam ni Seraphina sa kanyang kasamahan bago lumabas ng opisina.Mabilis niyang tinahak ang daan palabas, ang tunog ng kanyang mga hakbang ay sumasabay sa pintig ng kanyang puso. Medyo malayo ang gate, ngunit hindi na iyon ininda ni Seraphina. Pakiramdam niya’y kailangan niyang makalayo agad, parang may kung anong hindi mapakali sa loob niya. Nang marating niya ang exit gate, agad si
Matapos ang ilang minutong pag-uusap ni Seraphina at ng kaniyang kapatid, pinatay na niya ang tawag. Inilapag niya ang cellphone sa kama bago siya humiga, pinakiramdaman ang pagod na unti-unting bumabalot sa kaniyang katawan. Dahan-dahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata, ninanamnam ang katahimikan ng gabi habang sinusubukang ipahinga ang isip mula sa mahaba at nakakabahalang araw.Subalit, hindi pa man siya tuluyang nakakalubog sa antok ay biglang nag-vibrate ang kaniyang cellphone, kasabay ng tunog nito na pumunit sa katahimikan ng silid. Napabalikwas siya at agad itong dinampot mula sa kama. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag, bahagyang tumaas ang kaniyang kilay sa gulat at pagtataka.Si Johann...Saglit siyang natigilan ngunit sa huli ay pinindot din ang sagot."Ms. Dee, good evening. Regarding tomorrow’s event, I can pick you up," wika ni Johann mula sa kabilang linya, may pormalidad sa kaniyang boses, na tila ba isa lamang itong pormal na alok na hindi niya maaaring t
Napatingin na lang si Sebastian sa relo. Alas tres na ng umaga. Ngunit sa kabila ng paglipas ng oras, hindi pa rin siya dalawin ng antok. Hindi niya maintindihan, pero parang mas siya pa ang sabik sa gaganaping research paper presentation.Pagpatak ng alas kwatro ng umaga, sumuko na rin siya sa pagsubok na makatulog. Tumayo siya mula sa kama at agad nagtungo sa banyo para maligo. Sa ilalim ng malamig na tubig, bahagyang naibsan ang kung anumang gumugulo sa isip niya. Matapos maligo, nagpunas siya ng tuwalya at kumuha ng isusuot mula sa kanyang aparador—isang puting dress shirt, itim na slacks, at isang wristwatch na paborito niyang suotin sa mga pormal na okasyon. Maingat niyang inayos ang sarili sa harap ng salamin bago tuluyang lumabas ng kwarto.Pagdating niya sa kusina, bumungad sa kaniya si Ara, ang kanilang maid, na abala sa paghahanda ng agahan.“Good morning ho, sir. Hindi pa ho ako tapos magluto,” magalang na bati ni Ara nang mapansin siyang pumasok.Napatango na lang si Sebas
Nang makaalis si Seraphina, hindi agad nakagalaw si Sebastian mula sa kanyang kinatatayuan. Para siyang napako sa kanyang lugar, waring hindi makapaniwala o hindi pa tuluyang nakakapagproseso ng nangyari. Ngunit bumalik siya sa huwisyo nang marinig niya ang marahang pagsara ng pintuan ng AVR—isang tunog na nagbalik sa kanya sa kasalukuyang realidad. Dahan-dahan siyang lumapit sa pintuan, nag-aatubiling buksan ito, ngunit bago pa man niya magawa ay may isang boses na tumawag sa kanyang pangalan.Napalingon siya at doon ay nakita niya si Diane, nakatayo sa di-kalayuan, may matipid na ngiting nakapaskil sa kanyang labi. Para itong nagpipilit na ipakita ang kasayahan kahit tila may bumabagabag sa kanyang isipan.“You’re here. It’s early for you to visit,” ani Sebastian, kasabay ng paglapit ni Diane sa kanya.Hindi sumagot si Diane. Wala ni isang salitang lumabas sa kanyang bibig, at sa halip ay nanatili lamang ang kanyang payak na ngiti—isang ngiting hindi mawari kung nagpapanggap lamang
Napatingin si Sebastian sa asawa matapos marinig ang malamig at pormal na paraan ng pagtawag nito sa kanya—gamit ang kanyang apelyido. Para bang isa lamang siyang kliyenteng kaharap nito, walang emosyon, walang kahit anong bahid ng dating koneksyon nilang dalawa. Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong kumurot sa kanyang dibdib sa simpleng bagay na iyon.Bago pa man siya makasagot, isang pamilyar na tinig ang sumingit.“Sebastian,” tawag ni Diane, at agad namang napatingin si Seraphina sa babae.Saglit na nagtagpo ang kanilang mga tingin—isang tahimik ngunit matalim na pag-uusap sa pamamagitan ng kanilang mga mata. Ngunit bago pa man lumalim ang tensyon, si Seraphina na mismo ang bumasag ng katahimikan.“Oh, hi. The wife, right?” aniya, may bahid ng pang-aasar sa kanyang boses. Napangiti siya, ngunit halata ang pagkapait sa kanyang ngiti. Tumagilid siya ng bahagya at saka tumingin kay Diane, pagkatapos ay kay Sebastian. “Please, pakilayo nga ng asawa mo. Nakakairita kasi.”Sa
Hindi na muna ni-replyan ni Seraphina ang email ni Alistair. Sa halip, ibinalik na lamang niya ang cellphone sa kanyang bulsa at tahimik na bumalik sa kanyang opisina. Wala na siyang gana pang mag-isip tungkol sa mga sulat o anuman—masyado nang magulo ang kanyang isipan at mas pinili niyang umiwas muna sa anumang dagdag na stress.Pagkapasok niya sa opisina, agad siyang naupo sa kanyang upuan at napapikit. Ramdam niya ang bigat ng kanyang katawan at ang lalim ng pagod na ni hindi niya alam kung saan nanggagaling. Marahil ay epekto pa ito ng emosyonal na pagod na dala ng mga kaganapan nitong mga nakaraang araw. Sa huli, hindi niya na rin napigilan ang kanyang sarili—nakatulog siya habang nakasandal sa kanyang upuan.“Ma’am,” narinig niyang tawag mula sa labas ng pinto. Simula nang siya ay mabuntis, napansin niyang naging mas sensitibo na siya sa kahit anong klase ng tunog—mapa-ingay man o simpleng kaluskos. Kahit mahimbing pa ang kanyang tulog, madaling nagigising ang kanyang diwa sa p
Sa opisina kung saan nagtatrabaho si Alistair, napatingin siya sa mga papel na nakakalat sa kanyang mesa. Halata sa kanyang mukha ang pag-aalala at pagka-dismaya, sapagkat hanggang ngayon ay wala pa rin siyang natatanggap na anumang balita mula kay Seraphina. Ilang araw na rin ang lumipas simula nang huli silang nag-usap, at unti-unti na siyang kinakain ng kaba at pag-aalinlangan. Napabuntong-hininga na lamang siya, pilit na pinapakalma ang sarili habang pinagmamasdan ang cursor na kumikislap sa kanyang computer screen.Sa pagnanais niyang muling makausap ang babae, agad niyang binuksan ang Google at tini-type ang pangalan ng law firm na pagmamay-ari ng tiyuhin ni Seraphina. Umaasa siyang kahit papaano ay may mahahanap siyang impormasyon na makakatulong upang maabot ang babae—anumang detalye na maaaring maging tulay sa kanilang muling pagkikita.At hindi siya nabigo. Kahit na hindi contact number ang kanyang nahanap, nakaramdam pa rin siya ng bahagyang ginhawa nang makita niya ang isa
“I got it, ma’am. I’ll send the evidence right away. Hindi ako makiki-alam kung ano ang gagawin mo diyan sa ebidensya. I just want to tell the truth that I know—before everything else comes to an end. I’ll tell you, and I will also let Trisha know about that—” malumanay ngunit may bigat na sabi ni Alistair, ramdam ang paninindigan sa kanyang boses kahit pa may pag-aalinlangan sa kanyang mga mata.“No. Don’t you ever tell Trisha, Seraphina, or anyone else in my family. Don’t you dare, or ikaw ang patatahimikin ko.” Matigas at malamig ang sagot ng matanda. Walang pag-aalinlangan sa kanyang boses, at sa isang iglap ay nagdilim ang kanyang mga mata. Tahimik na napatingin si Alistair kay Litezia, kita sa kanyang mukha ang pag-unawa—at ang lungkot.He knew—alam niya na ito ang magiging tugon ng ginang sa kanyang balak isiwalat. Hindi na siya nagulat. “I know that you’ll say that,” ani Alistair, mahina ngunit buo, “thus, I just want to let you know na… you don’t need to silence me. Mamamatay
Ang matanda, matapos marinig ang alok ni Alistair, ay nagtaglay ng ilang sandali ng katahimikan. Ang galit na kanyang nararamdaman ay mabilis na napalitan ng kalituhan. Hindi ito isang simpleng kasinungalingan; may bigat ang mga salitang binitiwan ni Alistair. Sa kabila ng lahat ng nangyari, may bahagi sa kanya na hindi kayang tanggapin ang buong katotohanan. Si Trisha? Ang kanyang anak na sobrang inosente. At ngayon, si Alistair—ang bata na unang iniwasan ng lahat—ay ipinapakita ang ebidensya ng isang bagay na hindi niya kayang iwasan.Dahan-dahang napaupo ang matanda, ang kanyang mga kamay ay nakapatong sa mesa, parang naguguluhan kung ano ang susunod na hakbang. Si Trisha… ang nagiisa niyang anak na babae,kung sakali man na ang mga paratang ni Alistair ay totoo, anong ibig sabihin nun para sa kanya? Ang alinlangan sa kanyang dibdib ay nagsimulang mag-ugat, at pati ang mga plano niyang naisip tungkol kay Sebastian ay naging malabo.“Trisha…” bulong niya sa sarili, at kahit ang kanya
“Lola, I haven’t seen her for a while,” wika ni Chantal, sabay lingon sa matandang babae na noon ay nakaupo sa maringal na upuang gawa sa kahoy at balot ng mamahaling tela. Napataas naman ang kilay ng ina ni Sebastian, bakas sa kanyang mukha ang pagtataka. Hindi nito malaman kung sino ang tinutukoy ni Chantal—si Diane ba, ang babaeng hindi niya kailanman tinanggap sa kanilang pamilya, o si Seraphina, na umaliss dahil sa kagaguhan ng kanyang anak.Bago pa man niya masagot ang tanong, isang mahinang katok sa pintuan ang umalingawngaw, at isang kasambahay ang maingat na sumilip mula sa bukas na siwang ng pinto.“Ma’am, may bisita ho kayo,” sabat ng maid, bahagyang yumuko bilang paggalang, pinipilit ang sarili na huwag magpakita ng kaba sa harap ng istriktang ginang ng bahay.“Papasukin mo na lang,” maikling utos ng ina ni Sebastian, hindi man lang nilingon ang maid at nanatiling nakatuon ang pansin kay Chantal. Ang kanyang postura ay nanatiling matikas at dominante, tila bang kahit isang
It’s been three months since nalaman ni Alistair na may terminal disorder. Sa loob ng panahong iyon, marami na siyang pinagdaanan—pisikal man o emosyonal. Hindi niya inaasahang magiging ganito kabilis ang pag-ikot ng mundo, na habang binibilang niya ang mga natitirang araw, kailangan pa rin niyang magpatuloy sa trabaho, magpakatatag, at gampanan ang mga obligasyong iniwan sa kanya ng hustisya.Ngayong araw, nasa opisina siya ng PAO (Public Attorney’s Office). Tahimik ang paligid, maliban sa mahinang ugong ng aircon at ang banayad na paglipat ng mga pahina mula sa mga case files na hawak niya. Suot niya ang kanyang simpleng puting long sleeves at may bahagyang loosened tie—tila ba simbolo ng pagod at patuloy na pakikipaglaban sa sistema.Habang sinusuyod ng kanyang mga mata ang bawat detalye ng kaso, bakas sa kanyang mukha ang bigat ng laman nito. Iilan sa mga kasong nasa kanyang lamesa ngayon ay patungkol sa rape at VAWC (Violence Against Women and Children). Ilan sa mga ito ay nagsus
Isang babae ang nakaupo nang maayos sa isang makinis at mamahaling swivel chair, habang malamig na nagtanong, “Come here. How’s the progress of the plan?” Mariin at pantay ang pagtapik ng kanyang mga daliri sa armrest, nagpapahiwatig ng isang katahimikan at awtoridad na lalong nagpabigat sa tensyon sa loob ng silid.Biglang sumingit ang boses ng isang lalaki, puno ng inis at pagod. “You know, Mom, I’m tired of this! You just want the main house position, and I’m out of it!” Habang nagsasalita siya, mariin ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamao, at ang pait sa kanyang tono ay hindi maikakaila. Sa isang sulok ng kwarto, isang dalagang tila naaaliw ang tumawa nang may panlilibak, kitang-kita ang tuwang nararamdaman niya sa umiinit na pagtatalo.Ngumiti ang babaeng nasa upuan, may kunwaring lambing sa kanyang ekspresyon. “Are you sure about that?” aniya habang bahagyang nakapaling ang ulo. “It’s a win-win situation if you’d only see the bigger picture. You get her—your precious little obse
"How are you, my dear brother? Did you enjoy my gift last week? The wine?"Nanlamig si Sebastian. Tila nanigas siya sa kinatatayuan niya, hindi makapaniwala sa narinig. Hindi niya inaasahan ang tawag na iyon — hindi sa araw na ito, hindi pagkatapos ng lahat ng nangyari.Ang simpleng pagbati ng tinig sa kabilang linya ay nagdala ng alon ng hindi maipaliwanag na kaba sa kanyang katawan. Ang tono ng boses ay hindi ordinaryo — may halong panunukso at mapanganib na lambing, parang isang ahas na handang manila ng biktima, humahabi ng bitag na hindi mo namamalayan hanggang huli na ang lahat.Hawak pa rin ang cellphone sa tainga, si Sebastian ay napapikit, pilit pinipigilan ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.Gift? Wine?Biglang bumalik sa kanyang isipan ang isang bote ng mamahaling alak na dumating sa hotel room niya noong nakaraang linggo — walang pangalan kung kanino galing, walang kahit anong indikasyon kung sino ang nagpadala. Akala niya noon ay simpleng corporate gesture lang ito mul
"You hard-headed bastard! Mahirap bang makinig sa akin? Just once, please, makinig ka naman," naiinis na wika ni Trisha kay Sebastian, ang kanyang tono ay puno ng pagod at frustration habang nakatingin sa kapatid niyang tila hindi nadadala sa mga payo niya."’Hindi mahirap makinig, but it’s not about listening," sagot ni Sebastian, hindi nagpapatalo, ramdam ang bigat ng kanyang loob. "You did it already, nagbigay ka na ng payo, but I need to do what I think is right. Sana noon ko pa ito nagawa," dagdag pa niya, habang pinipilit ipaintindi sa kapatid ang bigat ng kanyang desisyon. "After my daughter almost lost her life, I realized I can’t waste another moment. I don’t want that to happen again. I want to give her a complete family. I don’t want to be like Father. I don’t want to be him."Sa mga salitang iyon ay natahimik si Trisha. Tumigil siya sa paglalakad at napalunok, ramdam niya ang kirot sa dibdib. Alam niya kung gaano kalalim ang sugat na iniwan ng kanilang ama — isang babaeron