Napatingin na lang si Sebastian sa relo. Alas tres na ng umaga. Ngunit sa kabila ng paglipas ng oras, hindi pa rin siya dalawin ng antok. Hindi niya maintindihan, pero parang mas siya pa ang sabik sa gaganaping research paper presentation.Pagpatak ng alas kwatro ng umaga, sumuko na rin siya sa pagsubok na makatulog. Tumayo siya mula sa kama at agad nagtungo sa banyo para maligo. Sa ilalim ng malamig na tubig, bahagyang naibsan ang kung anumang gumugulo sa isip niya. Matapos maligo, nagpunas siya ng tuwalya at kumuha ng isusuot mula sa kanyang aparador—isang puting dress shirt, itim na slacks, at isang wristwatch na paborito niyang suotin sa mga pormal na okasyon. Maingat niyang inayos ang sarili sa harap ng salamin bago tuluyang lumabas ng kwarto.Pagdating niya sa kusina, bumungad sa kaniya si Ara, ang kanilang maid, na abala sa paghahanda ng agahan.“Good morning ho, sir. Hindi pa ho ako tapos magluto,” magalang na bati ni Ara nang mapansin siyang pumasok.Napatango na lang si Sebas
Nang makaalis si Seraphina, hindi agad nakagalaw si Sebastian mula sa kanyang kinatatayuan. Para siyang napako sa kanyang lugar, waring hindi makapaniwala o hindi pa tuluyang nakakapagproseso ng nangyari. Ngunit bumalik siya sa huwisyo nang marinig niya ang marahang pagsara ng pintuan ng AVR—isang tunog na nagbalik sa kanya sa kasalukuyang realidad. Dahan-dahan siyang lumapit sa pintuan, nag-aatubiling buksan ito, ngunit bago pa man niya magawa ay may isang boses na tumawag sa kanyang pangalan.Napalingon siya at doon ay nakita niya si Diane, nakatayo sa di-kalayuan, may matipid na ngiting nakapaskil sa kanyang labi. Para itong nagpipilit na ipakita ang kasayahan kahit tila may bumabagabag sa kanyang isipan.“You’re here. It’s early for you to visit,” ani Sebastian, kasabay ng paglapit ni Diane sa kanya.Hindi sumagot si Diane. Wala ni isang salitang lumabas sa kanyang bibig, at sa halip ay nanatili lamang ang kanyang payak na ngiti—isang ngiting hindi mawari kung nagpapanggap lamang
Napatingin si Sebastian sa asawa matapos marinig ang malamig at pormal na paraan ng pagtawag nito sa kanya—gamit ang kanyang apelyido. Para bang isa lamang siyang kliyenteng kaharap nito, walang emosyon, walang kahit anong bahid ng dating koneksyon nilang dalawa. Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong kumurot sa kanyang dibdib sa simpleng bagay na iyon.Bago pa man siya makasagot, isang pamilyar na tinig ang sumingit.“Sebastian,” tawag ni Diane, at agad namang napatingin si Seraphina sa babae.Saglit na nagtagpo ang kanilang mga tingin—isang tahimik ngunit matalim na pag-uusap sa pamamagitan ng kanilang mga mata. Ngunit bago pa man lumalim ang tensyon, si Seraphina na mismo ang bumasag ng katahimikan.“Oh, hi. The wife, right?” aniya, may bahid ng pang-aasar sa kanyang boses. Napangiti siya, ngunit halata ang pagkapait sa kanyang ngiti. Tumagilid siya ng bahagya at saka tumingin kay Diane, pagkatapos ay kay Sebastian. “Please, pakilayo nga ng asawa mo. Nakakairita kasi.”Sa
Kahit na nakalayo na si Seraphina, hindi pa rin nawala ang inis ni Diane. Ramdam niya pa rin ang init ng kanyang ulo habang naglalakad pabalik sa lugar kung saan siya iniwan ni Sebastian. Sa bawat hakbang niya ay tila lalo lamang siyang nainis habang iniisip ang nangyari.Pagkarating niya roon, agad siyang sinalubong ng binata na may bahagyang kunot sa noo nang mapansing hindi maayos ang kanyang pakiramdam."What happened? You look angry," tanong ni Sebastian habang tinititigan siya, halatang nag-aalalang baka may hindi magandang nangyari.Napabuntong-hininga na lang si Diane bago siya sumagot, pilit pinapakalma ang sarili ngunit halatang bakas pa rin sa kanyang mukha ang pagkainis."Isn’t it obvious, Seb? I’m angry! Buwisit na babaeng ‘yon!" sagot niya nang may diin, hindi na alintana kung masyado siyang nagiging emosyonal. "Ikaw ang nag-approve ng event na ‘to, ‘di ba? Bakit mo hinayaang imbitahan siya ng program head ng department na ‘to? Hindi mo man lang ba naisip na pwedeng magin
Inis na inilapag ni Sebastian ang kanyang cellphone sa mesa at mabilis na lumabas ng opisina upang habulin si Seraphina at makausap ito. Ngunit huli na ang lahat; nakita na niyang nakasakay ito sa isang kotse at papalayo na. Napakuyom siya ng kamao, ramdam ang panlulumo at inis sa sarili. Wala siyang nagawa kundi bumalik sa opisina, puno ng pagkadismaya, at kinuha muli ang kanyang cellphone. Akala niya'y natapos na ang tawag, ngunit naroon pa rin ang kanyang ina, patuloy sa pagsasalita."Alam mo, Mom, fuck it! Nandoon na 'yun, nakikialam ka pa," galit na sabi ni Sebastian, hindi na napigilan ang bugso ng kanyang damdamin. "Alam mo kung ano? Tama lang na mag-divorce kami ni Seraphina. Tapos na tayo, Mom. Kung gusto mo akong guluhin, wala akong pakialam. Pagod na ako sa pamilyang ito."Matapos sabihin ito, pinatay niya ang tawag at agad na blinock ang numero ng kanyang ina. Malalim siyang huminga, pilit pinapakalma ang sarili bago inilagay ang cellphone sa drawer. Kinuha niya ang susi n
Habang nakapikit si Seraphina, inaantay ang kanyang kapatid na bumalik sa sasakyan, biglang bumukas ang pinto. Inakala niyang si Frederick iyon, ngunit sa halip, ang kanyang anak na si Chantal ang pumasok sa loob. Napasimangot ang bata, halatang hindi masaya sa nangyari."You’re here," malumanay na bati ni Seraphina, pilit na pinapakalma ang kanyang sarili sa presensya ng anak. "Bakit ka nakasimangot?"Tiningnan siya ni Chantal nang matalim, nakataas ang isang kilay, halatang may hinanakit sa dibdib."Isn’t it obvious?" malamig na sagot ng bata. "I don’t like you. But Dad and Uncle Fred insisted for me to get here. And seeing you is ruining my day. Alam mo ba? I was supposed to call Aunt Diane to pick me up here."Bahagyang nanigas si Seraphina sa sinabi ng anak. Alam na niyang matagal nang may hinanakit ito sa kanya, ngunit iba pa rin ang pakiramdam kapag naririnig niya ito mismo mula sa labi ng bata. Gayunpaman, pinanatili niya ang kanyang ekspresyon—walang emosyon, walang bahid ng
“Nandito ka na, Chantal. Tara na,” wika ni Sebastian habang marahang tumayo mula sa kanyang upuan. Walang pag-aalinlangang kinuha niya ang pulsuhan ng anak at marahang hinila ito palabas ng café. Diretso lamang siyang naglakad, hindi man lang lumingon o nag-abala pang kausapin si Diane na nakatayo sa di-kalayuan. Nilampasan lamang niya ito, waring hindi man lang niya narinig ang kanyang pangalan na tinawag nito.“Seb…” mahinang sambit ni Diane habang mabilis niyang tinahak ang direksyon ng mag-ama, pilit na humahabol sa kanila.“Not now, Diane. Gulong-gulo na ako. Pwede ba? Huwag ka nang makisali,” malamig na sagot ni Sebastian, hindi man lang ito nilingon. Direktang nagpatuloy siya sa paglalakad, hawak pa rin ang pulsuhan ni Chantal. Wala nang nagawa si Diane kundi mapatitig na lamang sa papalayong likuran ng mag-ama hanggang sa tuluyan silang mawala sa kanyang paningin.Tahimik lamang si Chantal habang naglalakad sila ng ama. Nagtataka siya sa biglaang pagbabago ng ugali nito. Kanin
“Oh, you're here, Seraphina. Thank you so much sa pagtanggap ng aking imbitasyon,” masayang bati ng ina ni Sebastian habang nakatingin sa bagong dating.Napatingin si Sebastian sa pintuan, at doon niya nakita si Seraphina, kasama ang kanyang nakatatandang kapatid na si Frederick. Hindi niya alam kung bakit pero tila bumigat ang hangin sa loob ng bahay. Ilang oras na rin simula noong huli silang mag-usap, at alam niyang may posibilidad na hindi magiging maganda ang pag-uusap na ito.“It’s okay, Ma,” sagot ni Seraphina gamit ang kanyang kalmadong tinig, tila walang bahid ng emosyon. “Sabi niyo kasi may mahalaga kayong sasabihin, and ako din naman, may mahalaga akong sasabihin.”Napabuntong-hininga na lang si Sebastian, ramdam ang pagod sa paulit-ulit na diskusyong tila wala namang patutunguhan. Tumalikod siya at nagsimulang umakyat sa hagdan, pilit iniiwasan ang usapang alam niyang magiging masalimuot.Ngunit bago pa siya tuluyang makalayo, narinig niya ang malamig ngunit matigas na tin
“Ano'ng ginagawa mo rito? Lumayo ka sa asawa ko!” malakas at galit na sigaw mula sa may pintuan, punong-puno ng tensyon at panibugho. Napalingon si Seraphina sa pinanggalingan ng boses at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Sebastian sa pintuan—nakasandal ngunit halatang handang sumugod anumang oras, ang mga mata’y naglalagablab sa galit.Agad na napatingin si Alistair sa direksyon ni Sebastian, bahagyang nagulat sa biglaang pagdating nito.“Wala kang pakialam—” sagot ni Alistair, mababa ang tono ngunit puno ng pagtutol, pilit pinananatili ang katahimikan ng damdamin sa harap ng tensyon.“May pakialam ako. Asawa ko ang nakahiga sa kama!” mariing sagot ni Sebastian, umabante ng hakbang, at ang bawat kilos niya’y tila nagpapahiwatig ng panganib, na parang isang bomba na anumang sandali'y puputok.“Akala ko ba pinirmahan mo na ang divorce papers—” sambit ni Alistair, bakas sa mukha ang gulat at pagtataka, ngunit hindi ito umatras sa titig ni Sebastian.“Wala akong pakialam, hayop
Narinig pa ni Seraphina ang ugong ng paparating na ambulansya, ngunit unti-unti nang nanlalabo ang kanyang paningin. Nanghihina na siya, at ramdam na ramdam niya ang matinding sakit na bumalot sa kanyang tiyan—tila ba may bumabaling sa kanyang mga laman-loob, pinupunit ito mula sa loob. Halos hindi na siya makahinga sa sakit, at bawat hinga ay tila tinik na bumabaon sa kanyang dibdib, lumalalim sa bawat paghinga. Dumidilim na ang kanyang paligid, at ang bawat segundo ay parang habang-buhay na paghihirap. Nang buksan ng rescuer ang pinto at sumalubong ang malamig na hangin ng gabi, tila nawalan na siya ng lakas upang lumaban pa. Ang lamig ay tila baga humigop sa init ng kanyang katawan, naging paalala na unti-unti nang lumalayo ang kanyang ulirat. Sa huling saglit bago siya mawalan ng malay, hinayaan na lamang niya ang kanyang sarili na lamunin ng kadiliman, na para bang iyon na lamang ang tanging ligtas na lugar sa gitna ng sakit.Nagising na lamang siya sa matapang na amoy ng alcohol
Hindi na muna ni-replyan ni Seraphina ang email ni Alistair. Sa halip, ibinalik na lamang niya ang cellphone sa kanyang bulsa at tahimik na bumalik sa kanyang opisina. Wala na siyang gana pang mag-isip tungkol sa mga sulat o anuman—masyado nang magulo ang kanyang isipan at mas pinili niyang umiwas muna sa anumang dagdag na stress.Pagkapasok niya sa opisina, agad siyang naupo sa kanyang upuan at napapikit. Ramdam niya ang bigat ng kanyang katawan at ang lalim ng pagod na ni hindi niya alam kung saan nanggagaling. Marahil ay epekto pa ito ng emosyonal na pagod na dala ng mga kaganapan nitong mga nakaraang araw. Sa huli, hindi niya na rin napigilan ang kanyang sarili—nakatulog siya habang nakasandal sa kanyang upuan.“Ma’am,” narinig niyang tawag mula sa labas ng pinto. Simula nang siya ay mabuntis, napansin niyang naging mas sensitibo na siya sa kahit anong klase ng tunog—mapa-ingay man o simpleng kaluskos. Kahit mahimbing pa ang kanyang tulog, madaling nagigising ang kanyang diwa sa p
Sa opisina kung saan nagtatrabaho si Alistair, napatingin siya sa mga papel na nakakalat sa kanyang mesa. Halata sa kanyang mukha ang pag-aalala at pagka-dismaya, sapagkat hanggang ngayon ay wala pa rin siyang natatanggap na anumang balita mula kay Seraphina. Ilang araw na rin ang lumipas simula nang huli silang nag-usap, at unti-unti na siyang kinakain ng kaba at pag-aalinlangan. Napabuntong-hininga na lamang siya, pilit na pinapakalma ang sarili habang pinagmamasdan ang cursor na kumikislap sa kanyang computer screen.Sa pagnanais niyang muling makausap ang babae, agad niyang binuksan ang Google at tini-type ang pangalan ng law firm na pagmamay-ari ng tiyuhin ni Seraphina. Umaasa siyang kahit papaano ay may mahahanap siyang impormasyon na makakatulong upang maabot ang babae—anumang detalye na maaaring maging tulay sa kanilang muling pagkikita.At hindi siya nabigo. Kahit na hindi contact number ang kanyang nahanap, nakaramdam pa rin siya ng bahagyang ginhawa nang makita niya ang isa
“I got it, ma’am. I’ll send the evidence right away. Hindi ako makiki-alam kung ano ang gagawin mo diyan sa ebidensya. I just want to tell the truth that I know—before everything else comes to an end. I’ll tell you, and I will also let Trisha know about that—” malumanay ngunit may bigat na sabi ni Alistair, ramdam ang paninindigan sa kanyang boses kahit pa may pag-aalinlangan sa kanyang mga mata.“No. Don’t you ever tell Trisha, Seraphina, or anyone else in my family. Don’t you dare, or ikaw ang patatahimikin ko.” Matigas at malamig ang sagot ng matanda. Walang pag-aalinlangan sa kanyang boses, at sa isang iglap ay nagdilim ang kanyang mga mata. Tahimik na napatingin si Alistair kay Litezia, kita sa kanyang mukha ang pag-unawa—at ang lungkot.He knew—alam niya na ito ang magiging tugon ng ginang sa kanyang balak isiwalat. Hindi na siya nagulat. “I know that you’ll say that,” ani Alistair, mahina ngunit buo, “thus, I just want to let you know na… you don’t need to silence me. Mamamatay
Ang matanda, matapos marinig ang alok ni Alistair, ay nagtaglay ng ilang sandali ng katahimikan. Ang galit na kanyang nararamdaman ay mabilis na napalitan ng kalituhan. Hindi ito isang simpleng kasinungalingan; may bigat ang mga salitang binitiwan ni Alistair. Sa kabila ng lahat ng nangyari, may bahagi sa kanya na hindi kayang tanggapin ang buong katotohanan. Si Trisha? Ang kanyang anak na sobrang inosente. At ngayon, si Alistair—ang bata na unang iniwasan ng lahat—ay ipinapakita ang ebidensya ng isang bagay na hindi niya kayang iwasan.Dahan-dahang napaupo ang matanda, ang kanyang mga kamay ay nakapatong sa mesa, parang naguguluhan kung ano ang susunod na hakbang. Si Trisha… ang nagiisa niyang anak na babae,kung sakali man na ang mga paratang ni Alistair ay totoo, anong ibig sabihin nun para sa kanya? Ang alinlangan sa kanyang dibdib ay nagsimulang mag-ugat, at pati ang mga plano niyang naisip tungkol kay Sebastian ay naging malabo.“Trisha…” bulong niya sa sarili, at kahit ang kanya
“Lola, I haven’t seen her for a while,” wika ni Chantal, sabay lingon sa matandang babae na noon ay nakaupo sa maringal na upuang gawa sa kahoy at balot ng mamahaling tela. Napataas naman ang kilay ng ina ni Sebastian, bakas sa kanyang mukha ang pagtataka. Hindi nito malaman kung sino ang tinutukoy ni Chantal—si Diane ba, ang babaeng hindi niya kailanman tinanggap sa kanilang pamilya, o si Seraphina, na umaliss dahil sa kagaguhan ng kanyang anak.Bago pa man niya masagot ang tanong, isang mahinang katok sa pintuan ang umalingawngaw, at isang kasambahay ang maingat na sumilip mula sa bukas na siwang ng pinto.“Ma’am, may bisita ho kayo,” sabat ng maid, bahagyang yumuko bilang paggalang, pinipilit ang sarili na huwag magpakita ng kaba sa harap ng istriktang ginang ng bahay.“Papasukin mo na lang,” maikling utos ng ina ni Sebastian, hindi man lang nilingon ang maid at nanatiling nakatuon ang pansin kay Chantal. Ang kanyang postura ay nanatiling matikas at dominante, tila bang kahit isang
It’s been three months since nalaman ni Alistair na may terminal disorder. Sa loob ng panahong iyon, marami na siyang pinagdaanan—pisikal man o emosyonal. Hindi niya inaasahang magiging ganito kabilis ang pag-ikot ng mundo, na habang binibilang niya ang mga natitirang araw, kailangan pa rin niyang magpatuloy sa trabaho, magpakatatag, at gampanan ang mga obligasyong iniwan sa kanya ng hustisya.Ngayong araw, nasa opisina siya ng PAO (Public Attorney’s Office). Tahimik ang paligid, maliban sa mahinang ugong ng aircon at ang banayad na paglipat ng mga pahina mula sa mga case files na hawak niya. Suot niya ang kanyang simpleng puting long sleeves at may bahagyang loosened tie—tila ba simbolo ng pagod at patuloy na pakikipaglaban sa sistema.Habang sinusuyod ng kanyang mga mata ang bawat detalye ng kaso, bakas sa kanyang mukha ang bigat ng laman nito. Iilan sa mga kasong nasa kanyang lamesa ngayon ay patungkol sa rape at VAWC (Violence Against Women and Children). Ilan sa mga ito ay nagsus
Isang babae ang nakaupo nang maayos sa isang makinis at mamahaling swivel chair, habang malamig na nagtanong, “Come here. How’s the progress of the plan?” Mariin at pantay ang pagtapik ng kanyang mga daliri sa armrest, nagpapahiwatig ng isang katahimikan at awtoridad na lalong nagpabigat sa tensyon sa loob ng silid.Biglang sumingit ang boses ng isang lalaki, puno ng inis at pagod. “You know, Mom, I’m tired of this! You just want the main house position, and I’m out of it!” Habang nagsasalita siya, mariin ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamao, at ang pait sa kanyang tono ay hindi maikakaila. Sa isang sulok ng kwarto, isang dalagang tila naaaliw ang tumawa nang may panlilibak, kitang-kita ang tuwang nararamdaman niya sa umiinit na pagtatalo.Ngumiti ang babaeng nasa upuan, may kunwaring lambing sa kanyang ekspresyon. “Are you sure about that?” aniya habang bahagyang nakapaling ang ulo. “It’s a win-win situation if you’d only see the bigger picture. You get her—your precious little obse