Celestine Sandoval's married life was once every woman's dream. Because of the wealth she had, she was able to marry the man she had longed for a long time. It was an almost perfect life for her, but everything turned different when her father passed away. She was obligated to take over all their businesses and properties, but then her husband's treatment towards her became totally different, leading to an abusive relationship. From that moment, her life became miserable and complicated. Her husband made numerous attempts on her life, which almost led to a violent confrontation, ultimately resulting in her tragic death. Celestine Sandoval was buried alive, without any semblance of justice being served. Before taking her last breath, she vowed to herself that she will rise from the grave to seek revenge.
View More“EMMANUEL, Maawa ka bitawan mo ako. Ano ba!” Sigaw ko matapos niya akong kaladkarin sa lupa. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko at pakiramdam ko’y anumang oras ay mapuputol na sa tindi ng pagkakahila niya sa akin.
Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa pagkakahawak ngunit sobrang nanghihina ako para mapagtagumpayan iyon. Animo’y isa akong hayop na hinahandang katayin sa ginagawa niya.Hindi ito ang unang beses. Halos araw-araw niya akong ginugulpi at sinsaktan.Wala akong ibang magawa kundi ang magmakaawa at umiyak sa harap niya.“Emmanuel, pag-usapan natin ito. Maawa ka!” nanghihina man ay pinilit kong magsalita. “Huwag ganito pakiusap.”Ngunit patuloy lang siya sa ginagawa niya na parang wala man lang narinig. Patuloy ang pagkaladkad niya sa akin sa kung saan man niya ako binabalak na dalhin.Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ng buong katawan ko. Pakiramdam ko ay mamamatay ako sa mga pasa at bubog na ginawa niya sa akin.Maya maya ay huminto siya sa paglalakad. Patapon niya akong binitawan mula sa pagkakahawak sa braso at tsaka ay inihagis sa lupa. Halos masubsob ko ang mukha ko sa putik dahil sa ginawa niya, mabuti nalang at naiharang ko agad ang kaliwa kong braso bago pa mangyari ito.Basang-basa ang mukha ko sa magkahalong luha at pawis na patuloy na tumatagaktak. Naramdaman kong umupo sa harapan ko si Emmanuel, hinawakan niya ang mukha ko at hinaplos niya ito ng kaniyang madungis na kamay.Marahan kong nailayo ang aking mukha dahil sa matinding pandidiri na naramdaman. Nanayo ang lahat ng balahibo ko sa ginawa niya. “E-Emmanuel, t-tama na-“ usal ko nang may pagmamakaawa sa boses.Nagulat nalang ako nang bigla niyang higpitan ang hawak sa mukha ko. Unti-ubti kog nalasahn ang dugo sa bibig ko kaya napapikit nalang akong napaiyak. Ang kaniyang mga kuko ay tila bumaon sa aking balat dahilan upang maramdaman ko ang matinding paghapdi nito. Muli akong napapikit na pwersa niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin.“Celestine…” Tila malumanay na usal niya kaya agad akong nagmulat ng mata. Akala ko ay bibitawan na niya ako mula sa pagkakahawak ngunit mas hinigpitan niya pa ito lalo. Mistulang nag-apoy ang mga mata niya sa galit. Napaubo ako ng sunod-sunod. Dugo na ang lumalabas na laway sa bibig ko.Sobrang naghahapdi na ang panga ko sa ginagawa niya.Demonyo ka, Emmanuel!Hindi ko na lamang sinubukang magsalita pa. Ininda ko lahat ng sakit nang sandaling iyon. Sukong-suko na ako, pati ang katawan ko ay sukong-suko na rin pero hindi pwede.Maya-maya ngumiti siya sa harap ko at sunod- sunod na napailing tila natutuwa sa nasisilayan niya.“M-maawa ka..” halos pabulong ko nang usal. Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya mula sa mahigpit na pagkakahawak sa akin pero hindi siya bumibitaw sa halip ay mas lalo niya lang itong hinihigpitan.“Maawa?” inosente niyang tanong at tumingala pa sa itaas na animoy iniisip kung ano ang bagay na iyon saka muling tumingin sa akin at ngumisi.“Wala sa bokabolaryo ko ‘yan Celestine. Alam mo ‘yan.” Iiling-iling niyang sabi saka tumayo at pinagpagan ang maduming damit.Nagulat ako nang bigla niyang tadyakan ng malakas ang puson ko kaya napasigaw ako at napapilipit sa sakit.Agad akong napahawak sa tiyan ko at inalala ang kalagayan ng aming anak na nasa akin pang sinapupunan.Hindi-hindi…Huwag ang anak ko.Nagulat ako nang makitang nagkalat ang dugo sa aking palda.H-hindi…Ang anak ko.H-hindi pwedeng mawala ang anak ko!Pinilit kong tumayo habang iniinda parin ang sakit ngunit isang tadyak na naman sa puson ang natanggap ko mula sa kaniya.Napahiga ako habang hawak-hawak ang tiyan at nakapikit sa sakit ng nararamdaman.“Nakuha ko na sa’yo ang lahat, Celestine. Ang pag-aari at mga pamana sa iyo.” Sabi niya.Agad akong napaatras nang makitang pulitin niya sa kung saan ang isang makapal na kahoy.Agad akong binalot nang matinding kaba at takot.A-Ano ang gagawin niya?Naglakad siya papalapit sa akin habang pabiro pa itong ipinapalo sa kabila niyang kamay.Pahiga akong umatras palayo sa kaniya habang patuloy parin sa pagmamakaawa at pag-iyak.Jusko, tulungan n’yo po ako“Ngayon sabihin mo sa akin kung ano pa ang silbi mo para buhayin kita.” Gustuhin ko mang tumakbo palayo ay nawawalan na ako ng lakas na gawin iyon. Magkahalong kaba at takot ang naramdaman ko habang nakatingin sa kahoy na hawak niya.Gusto ko mang iligtas ang sarili ko lalo na ang buhay ng magiging anak ko p-pero wala akong magawa.Tumatawa-tawa pa niya akong pinagmasdan habang nagpupumilit sa pag-atras palayo ngunit hindi ko na narinig pa ang sumunod niyang sinabi nang maramdaman ko nalang ang malakas na pagpalo ng matigas na bagay sa likod ko.NAGISING ako sa pakiramdam na may mabigat na bagay na nakadagan sa katawan ko. Pinilit kong imulat ang aking mga mata sa kabila ng mga pasa at sugat na natamo nito. Sobrang hapdi ng aking katawan at mukha. Mas lalo pa itong humahapdi sa tuwing natutuluan ito ng aking luha at pawis.Pinilit kong buksan ang mga mata ko at nang mapagtagumpayan ko iyon ay ganoon nalang ang gulat na naramdaman ko nang mapagtanto kong nakahiga ako sa isang hukay.Agad akong napatingin sa katawan ko at nakita na ang kalahati nito ay natatabunan na ng lupa.“E-Emmanuel…” mahinang usal ko at pinilit na tumayo mula sa pagkakahiga. Ngunit sadyang mahina ang katawan ko at napakabigat ng mga bato at lupang halos nakatabon na sa akin.“Celestine.” Bigla ay nakita ko sa may uluhan ko si Emmanuel. Nakangiti at pawis na pawis.Hawak niya sa kanang kamay niya ang isang pala na ginawa niya pang panukod habang nakamasid sa aking kinalalagyan“H-huwag m-mo itong gawin p-pakiusap.” Pagmamakaawa ko ulit sa kaniya. “A-ang anak natin.. M-maawa ka sa anak natin Emmanuel.” Kahit nanghihina na ay pinilit ko paring magsalita at magmakaawa sa harap niya.Matunong itong ngumisi saka biglang lumambot ang mukha. “Patawarin mo ako Celestine. Kung papakawalan kita, buhay ko naman ang masisira. M-makukulong ako, ako ang magdudusa…” animo’y parang batang takot na takot na usal niya. Muling nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.“Pero kung mawawala ka, walang sagabal sa buhay ko.” Dagdag pa nito saka muling ngumiti na parang demonyo.“Kaya hindi— hindi kita pwedeng pakawalan. Buburahin nalang kita sa mundo para hindi ka na maghirap. Diba, pagod ka na?” Magsasalita pa sana ako ngunit agad na niyang tinabunan ng lupa ang ulo ko.Napaubo ako at napasigaw sa sakit nang tamaan ang mata ko. Sobrang-hapdi, hindi ko alam kung paanong makaalis dahil natatabunan na ang kalahati ng katawan ko.Kahit anong pagpumiglas at lakas pa ang ibuhos ko upang makaalis doon ay hindi iyon naging sapat.Ilang minuto ang lumipas ay dahan-dahang humina ang aking paghinga.Naramdaman ko nalang ang sarili kong unti-unti nang nawawalan ng lakas.Hindi pa ako tapos.Tandaan mo maghihiganti ako, Emmanuel Hidalgo.Habang buhay kong isusumpa na hinding-hindi ka sasaya sa magiging buhay mo. Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin at sa anak natin.Babalikan kita.[3rd Person’s POV]10 years ago“Ma?” agad siyang napalingon siya sa kaniyang anak nang magising ito bigla. Nagmamadali niyang tinupi ang mga damit na nagkalat sa higaan at agad itong isinilid sa bag.“Bumangon ka na riyan.” Utos niya nang hindi ito nililingon. Animo’y magbabasakan na ang mga luha niya nang sandaling iyon ngunit kaniya itong pinipigilan.“Saan tayo pupunta ma?” tanong ng anak nito habang nasa pag-aayos parin ang atensyon. Mabigat siyang nagpakawala ng buntong hininga.“Basta bumangon ka na riyan.” ma awtoridad na utos nito. Walang magawa ang anak kaya tumayo ito at inayos ang higaan. Lumapit siya sa kaniyang ina at tinulungan itong mag impake ng mga gamit.Marami siyang tanong, marami siyang gustong linawin sa nangyayari ngunit hindi niya magawa. Palihim niyang pinagmasdan ang kaniyang ina na panay pahid ng luha habang nag-iimpake. Hindi niya maiwasang makaramdam ng matinding lungkot at pangamba. Sa kabilang banda ay nakadungaw ang isang babae sa kanila mula sa isan
[Kenjie Hidalgo]Sunod-sunod na putok ng baril ang pinakawalan ko habang maiging nakatitig sa mga target system na nasa harap. Kitang-kita kong saktong tinaaman sa gitna ang anim na magkahilerang targets.Agad akong napalingon nang makarinig ng palakpak sa likod ko. Nakita ko si Mom, nakatayo lang siya di kalayuan sa kinatatayuan ko.Dali-dali kong inilapag ang baril na hawak at inalis ang mga gears na suot bago patakbong lumapit sa kaniya.“Mom! Anong ginagawa nyo rito?” Bungad ko sa kaniya at nakangiti naman niyang inayos ang magulo kong buhok.“Visiting you here of course.” Usal niya sabay pisil sa ilong ko “You’re doing great here ha?” Usal ni Mom at ginulo pa ang buhok ko.“No choice eh.” Bulong ko at nakatanggap naman agad ako ng kurot at panlalaki ng mata sa kaniya.“Biro lang.” Usal ko. “Si Dad?” Tanong ko at ngumuso naman siya sa may rest house. Nakita ko si Dad na seryosong kausap si Kendrick.Napalingon sa gawi ko si Dad at hindi ko maipaliwanag yung kabang idinulot sa akin
[Emmanuel Hidalgo]Agad kong ipinarada ang aking sasakyan sa garahe at pagkababang-pagkababa ko ay bumungad sa akin ang taxi papalabas na ng gate."Who's here?" Takang tanong ko sa kasambahay na sumalubong sa akin. I handed her the car keys."Si Ma'am Vanessa po." Kumunot ang noo ko sa isinagot niya kaya naman ay nagmadali na akong pumasok ng loob. "Seriously? Wala man lang sumundo sa akin sa airport? I have lots of luggages and suitcases with me." Reklamo nito sa mga kasambahay na ngayon ay nakahilerang nakaharap sa kaniya. "Ano ba ang pinanggagawa ninyo rito? Nakahilata? Nagf-feeling at home? Ganoon?" She's starting to hystericate."I'm gonna fire you all, especially you!" Turo nito kay sa isang kasambahay."Sino ba naman kasing nagsabi sayong umuwi ka." Usal ko at gulat naman itong napaharap sa akin. She immediately changed her mood after she saw me and ran towards my direction."Oh my ghad, honey!" Sinalubong niya agad ako ng halik ngunit bago pa man dumampi iyon sa labi ko ay hi
Hindi mawala isip ko ang nangyari kagabi sa mansion ng mga Hidalgo ngunit ang senaryong pabalik-balik sa isip ko ay ang lalakeng nakita ko kagabi.Sino siya?I think I've seen him somewhere.Did I met him before?Agad akong napalingon sa pintuan nang marinig ang katok mula sa labas."Madame, nasa baba na po si Atty. Bernal." "Susunod ako." Usal ko bago inayos ang sarili sa salamin.Agad kong kinuha ang evelope sa drawer na naglalaman ng DNA tests at iba pang dokumentong magpapatunay na anak nga ako ni Eduardo Almazan.Alam kong gagawa ng kilos si Emmanuel ukol dito kaya uunahan ko na siya."Attorney." Bati ko nang makababa. Prente itong nakaupo sa sofa habang humihigop ng kape.Napalingon siya sa akin at agad na tumayo para yumuko at bumati. "Ms. Elizabeth Almazan, right?" Tanong niya nang tuluyan akong makalapit.Naupo kaming magkatapat pareho sa sofa. Agad ko namang inabot sa kaniya ang mga dokumentong hinihingi niya sa akin nung isang araw pa."May pag-asa pa ba na mabawi ko ang m
Hindi mawala sa isip ko ang impormasyong nakuha ko kanina kay Trisha. Hindi ko inaasahang may iba pa palang nakaalam sa kahayupang ginawa ni Emmanuel sa mga Almazan.-------Flashback:"Hindi na po namin siya mahanap.""What do you mean?"“Sinubukan niya po kasing magsalita noon tungkol sa nangyari sa mga magulang n'yo. Medyo matagal po bago siya nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita. Pero nung tinangka niya pong magsalita, bigla nalang pong hindi namin siya mahanap. Magpi-pitong taon na po siyang nawawala, kaya inisip nalang namin na wala na siya. ” End of Flashback---------Malaki ang maitutulong nito sa akin sa pagpapabagsak ko kay Emmanuel. Magiging matibay na ebidensya ang mga nalalaman niya pag tumistigo siya. Kailangan ko siyang mahanap. "What are you doing here?" Halos mapatalon ako sa gulat nang bumulagta sa harap ko ang isang demonyo.Hindi ko inaasahang may kakaibang pa surpresa pala sa mga bisita ang kasiyahang ito. Hindi ko man lang naihanda ang sarili ko.Agad ko si
Flashback:19 years ago…“Pirmahan mo.” Mahigpit akong hinila ni Emmanuel papunta sa maliit na table na nasa kwarto namin at saka ako pabagsak na itinulak sa sahig. Muntik pang tumama ang mukha ko sa gilid ng mesa, mabuti nalang ay nasangga ko ito gamit ang braso ko.“Pirmahan mo ‘yan.” Matigas na utos niya at napatingin naman ako sa papel na nasa harap ko. “S-Sandoval Incorporated? A-Anong gagawin mo sa kumpanya?” gulat kong tanong sa kaniya nang mabasa ang pangalan ng kumpanya namin sa papel na tinutukoy niyang pirmahan ko. “Wag ka nang maraming tanong at pirmahan mo ‘yan.” Galit na na utos niya sa akin. Mabilis akong umiling at tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig. “H-Hindi ko pipirmahan iyan, Emmanuel. Kung ano man ang binabalak mo, h-hindi mo makukuha sa akin ang kumpanya na pinaghirapan ng mga magulang ko—” Agad akong napapikit nang dakmain niya bigla ang pisngi ko ng kanan niyang kamay saka ito mahigpit na nilapit sa mukha niya. “Baka nakakalimutan mo Celestine.. Pinakasa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments