HER SECRETLY STONGER HUSBAND

HER SECRETLY STONGER HUSBAND

last updateLast Updated : 2022-09-21
By:  RRAOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
0 ratings. 0 reviews
5Chapters
1.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Hindi alam ni Veronica Atienza, kung saan napulot ng kanyang ama ang isang lalaking nagpakilalang Samson Pelaes, pilit silang ipinakasal at naging asawa nga niya ito, nagkalayo sila dahil nadistino si Veronica bilang isang police woman sa malayong lugar, upang lutasin ang isang kaso tungkol sa isang sindikato, hindi niya alam na involve rin ang asawa niyang inaapi ng lahat, basura, hampas lupa, at kung ano-anong mababang salita ang tinamo nito sa kanyang pamilya, ngunit nanatili ito sa kanyang tabi, kaya naman hindi niya namamalayan na ang dating galit at inis para sa mahirap na asawa ay naging pag-ibig, lingid sa kaalaman ng lahat na anak pala ito ng pinakamayamang tao sa Europe, sa bansang France ito lumaki at nagka-isip. At hindi niya alam na ang lalong ikagugulat niya ay ang espesyal at naiiba pang katangian ng kanyang asawa, ang lakas nito na hindi matatawaran, kaya nabansagang si Samson. Ano kaya ang magiging reaksiyon ng lahat kung sa muli nilang pagkikita matapos ang limang taon ay babalik itong napakayaman na at hindi na nila masasaling pa? Maghihiganti ba ito? O pag-ibig ang paiiralin?

View More

Chapter 1

KABANATA 1

Year 1999 -Baguio City-

Isang lalaking may matipunong pangangatawan ang nagnganagalang Samson, ang nagsisibak ng mga kahoy na ipanggagatong para sa fire place na nasa loob ng mansiyon ng mga Atienza. Tatlong taon na ang nakararaan nang mapang-asawa niya ang isa sa mga anak ng mga ito, si Veronica, isang matapang na alagad ng batas, madalas wala ito sa mansiyon dahil nadidistino ito sa iba’t ibang lugar. Ngunit nang araw na iyon ay bigla itong umuwing malungkot at laglag ang mga balikat.

Gusto man niyang magtanong sa kanyang itinuturing na asawa kung ano ang problema nito, ngunit hindi niya magawa, alam kasi niyang sisinghalan lamang siya nito at papahiyain sa harap ng marami. Ngunit kahit na ganoon ay hindi siya kumikibo o nagpapakita ng anumang reaksiyon. Hinahayaan lamang niya itong gawin ang mga bagay na iyon. Hindi kasi nito nakikita ang tunay niyang kahalagahan bilang asawa at sa pamilya nito.

“Hoy! Samson, bilisan mo nga ang pagsisisbak mo ng kahoy, alam mo namang ang lamig-lamig dito sa lugar natin lalo na kung ganitong papalapit na ang buwan ng Disyembre!” sigaw ni Carlito sa kanya. Ang asawa ng panganay na anak ni Don Martin Atienza. Mayaman at nagmula rin sa kilalang pamilya. Hindi kagaya niya na inaakala nilang isang takas na bantay lamang sa isang underground jail.

“Oo Kuya, eto na matatapos na ang lahat ng mga ito, alam kong lahat ng mga silid ninyo ay malalagyan din,” may pagpapakumbabang sagot niya sa pagtawag nito. Kahit na alam niyang mas matanda siya sa lalaki ng dalawang taon ay kinakailangan pa rin niya itong tawaging kuya. Dahil sa mas matanda raw ang asawa nito.

Ipinagpatuloy pa niya ang pagsisibak sa ilang natitirang mga troso na nasa harapan niya, hanggang sa maging pira-praso na ang mga iyon. “Anong ginagawa mo rito?” napatigil siya sa paghampas ng malaki at may kabigatang palakol sa huling troso na sisibakin niya. At dahang dahan na nilingon ang tinig na kanyang narinig.

“Ano pang ginagawa mo riyan? Kailangan pa bang ulit-ulitin ko ang tanong ko? Bago ka pa tuluyang tumigil at humarap sa akin?” tanong ni Veronica. Nang araw ring iyon ay may malaking kasiyahan sa kanilang tahanan dahil sa pag-uwi nito mula sa malayong destino.

“A, h-hindi naman,” nauutal niyang sagot.

“Wala ka bang balak magbihis at maligo man lang? Malapit nang magsidatingan ang lahat ng mga kamag-anak namin, ayokong mapahiya na isang tulad mo na nga lang ang napang-asawa ko ay ganyan pa ang itsura!” masakit ang bawat salitang binibitiwan ni Veronica sa kanya. Ngunit wala sa loob na napagmasadan niya ang kanyang asawa, hanggang ngayon ay natutulala pa rin siya sa angking kagandahan nito, at pagiging matapang.

Napansin kasi nito na isang lumang pantalong maong na halos puro punit na at kupas na kupas na ang suot niya, maging ang hubad niyang katawan ngunit hindi naman matatawaran ang kakisigan ay napupuno ng mga talsik na putik, at basang-basa ng pawis ang nakita nito at tumambad.

“A, oo… maliligo ako at magbibihis,” sagot pa niya.

“Bilisan mo! Kung sa bagay kahit ano naman ang gawin mo mukha ka pa ring taong putik na pinulot lang ni Papa sa kung saang lugar dito sa Baguio! At tapos ay bigla na lang niyang naisipang ipakasal ka sa akin! Nakakainis!” hiyaw pa nito, at nagmamaktol na muling umakyat sa hagdanan papasok sa kusina ng kanilang mansiyon. Nasa likod bahay kasi siya, bukod sa pagsisibak ng kahoy ay siya rin ang in-charge sa pagluluto at paghahanda ng lahat ng kakainin sa party na iyon para sa pagbabalik ng asawa.

Gusto naman niyang gawin ang bagay na iyon, lalo pa at para sa kanyang pinakamamahal na si Veronica. Kaya naman ng makapasok na ito ng tuluyan ay nagbaglik na rin siya sa loob ng kusina at inayos ang lahat. Kung tutuusin ay hindi kayang gawin ng isang ordinaryong lalaki lamang ang lahat ng mga ginagawa niya. Ngunit para sa kanya ay kakayanin niya ang lahat, handa siyang gawin ang lahat ng mga bagay at ibuhos ang lahat ng lakas na meron siya, mapaglingkuran lamang ang kanyang asawa, mahal niya ito, at ito lang ang dahilan kung bakit siya nabubuhay pa sa ngayon.

Isa-isa muna niyang inilabas ang lahat ng mga pagkain, at inihain iyon sa malaki at mahabang lamesa sa bulwagan kung saan naroon na ang lahat ng mga bisita nila. Naroon ang ilang mga kilalang tao sa buong bansa at ilang mayayamang kasosyo ng kanyang Biyenang si Don Martin. Nakita niya ang palihim na pagkakangisi ng ilang kalalakihan na naroon, alam niyang pinagtatawanan siya ng mga ito dahil sa kanyang pag-aasikasong ginagawa. Nakita pa niyang lumapit ang isa sa mga ito kay Claris, panganay sa mga nakatatandang kapatid ni Veron.

“Claris, anong ginagawa nang bayaw mo? Isa ba siyang katulong dito sa mansiyon? Tila siya ang pinaka punong abala, at sa nakikita ko ay walang ibang katulong dito?” pabulong na tanong nang isang lalaki, na alam niyang isa sa mga may lihim na pagtingin kay Veron.

“Iyan ang napapala niya sa pagpapakasal niya sa kapatid ko, masyado kasing matayog ang tingin sa sarili, wala naman palang maipagmamalaki, hindi ko alam kung anong nakita ni Papa, at nagawa niyang papasukin ang isang hampas lupa para maging miyembro ng aming pamilya,” sambit pa ni Claris.

Lumapit naman ang asawa nito sa kanila at may ibinulong sa kanila, “Tumigil ka na raw sa pagsti-stismis mo sabi ni Papa,” seryosng tiningnan ni Claris ang kanyang ama na nakaupo sa pinaka unahan ng bulwagan, na animo’y isang hari na nakaupo sa kanyang trono.May galit sa mga titig nito para sa anak na panganay.

May ilang oras na ang nakakalipas buhat nang magsimula ang kasiyahan, nakaligo na siya gunit hindi pa rin niya magawang bumaba sa bulwagan upang makisalamuha sa mga mayayamang tao roon. Alam niyang may ibubuga naman siya, at alam niya ang kanyang tunay na katayuan sa buhay, kaya hindi niya inalintana ang mga tao roon, ang ayaw lang niya ay ang makipag plastikan sa mga iyon, at ang makitang napapahiya si Veron sa harap ng mga tao.

Napalingon siya sa bandang pintuan ng marinig niya ang bahagyang pag-ingit ng pintuan, tanda nang pagpasok ng isang tao, si Veron. Tumayo lamang ito roon at napahalukipkip ng dalawang mga kamay sa tapat ng kanyang dibdib.

“Veron….” nabanggit niya ang pangalan ng asawa.

“What are you doing here? Ano magmumukmok ka na lang? Pagkatapos mong gawin ang lahat ng trabahong ginawa mo kanina? Para ano isipin talaga ng lahat na isa kang stimoy rito? O di kaya ay utusan, tigapagsilbi, o boy….” nakakainsultong sambit nito sa kanya. Ano nga ba, ang dapat  nilang isipin sa kanya. Iyon naman ang tingin sa kanya ng lahat.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status