LOGINNapakibit balikat nalang si Ryah at niyaya na si Ruby sa isang palaruan. Ang biniling ticket ni Ryah para sa forest tracking project ay dinala niya.
Ang event ay isa ring palaruan kung saan maaari kang makahanap ng mga kayamanan o kaya premyo sa pamamagitan ng musika o ibang bagay. Ang dahilan ni Ryah sa pagbili ng ticket ay upang maisanay si Ruby sa kakayahan ng kaniyang pag-iisip. Alam ni Ryah namakakatulong ito kay Ruby dahil para na rin itong treasure hunt. Hindi nagtagal ay inaya na ni Ryah ang anak para pumasok. Nakipaglaro saglit si Ryah kay Ruby upang mawili ito. Sa una ay may kaunti pang takot si Ruby dahil sa bago sa kaniyang paningin ang lugar. Ngunit dahil sa matiyaga niyang pangwiwili ay unti unting nawala ang takot ni Ruby. Napahinga ng maluwag si Ryah at napangiting tinitignan ang anak na naglalaro habang wala siya sa kaniyang tabi. Nakasunod lamang sa likuran si Ryah habang naghahanap naman ng clue si Ruby ng mag-isa. Maya-maya pa'y may mga batang lumapit kay Ruby na naglalaro rin sa loob ng forest tracking. Tila nagliwanag ang paningin ng mga bata ng makita si Ruby. Nilapitan nila ito at may ngiti sa mukhang kinausap. Ang dalawang bata ay halos kasing taon lang ni Ruby. “Halika, maglaro tayo. Tutulungan ka namin maghanap ng clue.” Hindi mapigilang matawa ni Ryah dahil sa cute na buses ng mga ito. “May mga alam na rin kaming clues, ibibigay namin sa 'yo.” “You're so cute. What's your name? Puwede ka ba naming maging friends?” Tanong nito sa pinakamaliit na buses. Mahahalata sa mga bata na galing din sa mayamang pamilya, mabuti nalamang at may mabuti silang puso, at kahit bata palang ay marunong ng makipag-kaibigan sa iba. Naisip naman bigla ang anak ni Zoe na si Keihro. Walang paggalang sa nakakatanda at mapagpanggap, napakabata ngunit ang pag-iisip ay hindi na maganda. Napailing iling nalang si Ryah habang nakangiwi. Hindi nakapagsalita si Ruby. Sa una nga ay may halo pa itong takot. Ngunit ng makita niyang nakangiti ang mga ito at walang balak na masama ay unti unti na siyang naging komportable. Hindi naman pinigilan ito ni Ryah, sa halip ay natuwa pa dahil may mga kaibigan na siya. Mabilis na nahanap ni Ruby ang mga clue dahil sa tulong ng dalawang batang babae. Maliliwanag ang kanilang mukha hanggang sa makarating sila sa huling clue. Ang kaibahan nga lang ay kailangan mong umakyat sa tali upang makita ang clue. Ang dalawang batang babae ay walang kahirap hirap na umakyat. Habang si Ruby ay napatitig nalang. Hindi mapigila ni Ryah na makaramdam ng kaunting kaba. Hindi gaanong mataas ang kaniyang aakyatan at may air cushion sa ilalim, ngunit hindi niya pa rin maiwasang mag-alala kay Ruby dahil baka mahulog ito. At this moment, not far from here, a dignified figure stood tall and looked in this direction. The man wore a pair of gold-rimmed glasses on his straight nose with glasses chains hanging from both ends. Ang mga mata sa likod ng salamin ay may malalalim na tingin, at tahimik na parang isang malalim at madilim na gabi. Nakasuot siya ng puting daming at itim na trousers, sa kaliwang braso ay nakasuot ang mamahaling purselas. Dahil sa kaniyang tindig ay nagmukha siyang isang nanggaling sa isang pilikulang puno ng kapangyarihan. Nakatayo lamang siya at ang kaniyang tindig ay naging dahilan para hindi siya lapitan ng mga tao. Samantala, ang kaniyang assistant sa tabi na si Maiah ay hindi na bago sa kaniya ang gano'n. His master always comes to this kind of place after giving psychological counseling to patients. Ang nararamdaman ng mga pasyente ay sadyang madilim. Ang mga ganitong lugar na puno ng palaruan ay makakatulong sa mga tao na mapawi ang stress o takot. Tahimik na nakatayo si Maiah habang nakasunod sa kaniyang amo at nakatingin sa mga batang babae. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay tila pamilyar sa kaniya ang mga matang naharangan ng eye glasses. Napailing nalang siya at itinuon nag pansin kay Ruby. Sa kabilang banda, si Ruby, dahil sa lakas ng loob ng dalawang bata ay naisipan niya ring kayaning umakyat. Siya ay hindi masiyadong mabilis, ngunit siya ay umakyat ng may pag-iingat. Nakahinga naman ng maluwag si Ryah. Nagkataon namang may bata ring malapit sa kaniya na aksidenteng nahulog at tila nasaktan. Dahil malapit si Ruby rito ay nagambala siya at naisipang tulungan ito. Ngunit sa ilang sandali lang, nadulas si Ruby na dahilan para siya'y mahulog din. “Ah! Mag-ingat ka!” Sigaw ni Maiah na nakatingin lamang kanina. Mabilis na humakbang ang lalaking kaniyang amo papunta kay Ruby at dahan dahan itong sinalo. Si Ruby, biglang namutla at mukhang natakot dahil sa pagkahulog nito. “It's okay. Calm down.” Marahan ang pagkakasabi ng lalaki at tila nagpapatahan ng isang batang hindi natigil sa pag-iyak. Napatitig nalang si Ruby na agad namang kumalma, bahagya pa siyang nahiya ngunit hindi maiwasan ang nakakagigil niyang mukha. Malamig ang buses ng lalaki at may malalalim na tingin ngunit naroon ang kalma. Ngumiti ang lalaki saka ibinaba ng marahan si Ruby. Kinuha niya ang mga clue cards na nahulog sa sahig saka ibinigay sa kaniya. Ginulo niya ang kaniyang buhok. “Mag-iingat ka. Enjoy playing.” Saka siya umalis. Sa kabilang banda naman. Nalaman ni Ryah ang nangyari sa kaniyang anak na saglit na kinausap ng isang nagpapangasiwa sa loob ng forest tracking project. Napatakbo siya sa takot at halos dinig na ang tibok ng ng kaniyang puso dahil sa kaba. Nang masilayan niya ang anak ay tanging isang pigura ng lalaking paalis na lamang ang nadatnan niya—ang kaninang pamilyar sa kaniya. Napailing nalang si Ryah at agad na pinuntahan ang anak na nakatingin sa lalaking unti-unti nang nawawala sa paningin. “Ruby, anak, are you okay? Nasugatan ka ba? Anong nararamdaman mo? May masakit ba?” Sunod sunod na tanong ni Ryah rito habang sinisipat ang buong katawan kung nasaktan ba ito. Napatitig naman si Ruby at tila nalito sa nangyari. Nagsimula siyang manginig at lumingon sa paligid na parang may hinahanap. Agad namang naalerto si Ryah lalo't hindi niya sigurado kung nasaktan ba ito. Ngunit ang sumunod na kaniyang sinabi ay siyang pagkagulat ni Ryah. “Pa-Papa.” Hindi nakaimik si Ryah habang napatitig nalang kay Ruby na lumilingon sa paligid. Akala niya'y natakot ito ng subra na siyang dahilan para hanapin ang kaniyang ama. Napakuyom ang kamao ni Ryah, nakaramdam siya ng kirot sa puso at pagtatampo dahil sa kawalan ng presensiya ni Grayson. Dahil may autism si Ruby ay maaaring iyon ang dahilan kung bakit hindi siya maipagmalaki ng kaniyang ama o kahit ang pamilyang Sandoval. Siguro nga'y ang yumaong si Mrs. Sandoval lang ang tunay na nagmahal at tinanggap si Ruby. Masakit lang sa parte ni Ryah na kahit hindi siya napagtuonan ng pansin bilang 'anak' ng kaniyang ama ay siya pa rin ang hinahanap nito. Napabuntong hininga nalang si Ryah. Kahit ayaw niyang tawagan si Grayson at tanging siya nalang ang magpapakalma kay Ruby ay wala siyang magagawa. “Tatawagan ko ang Daddy mo, okay?” Mahinang sabi ni Ryah habang tinitignan ito. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at nagpakawala muna ng malalim na hininga. Nakailang ring pa ito bago sinagot ng nasa kabilang linya. Nakatingin lang si Ryah kay Ruby. Bago pa man siya makapag salita ay inunahan na ito ng nasa kabilang linya. “Nalaman mo na ba?” Napatigil si Ryah dahil sa sinabi ni Grayson. Saglit pa siyang napaisip bago naisipang magsalita. “Na-Nasa amusement park kami ni Ruby. May nangyari kasing hindi maganda, pero ikaw ang hinahanap niya. Can you come here to make her calm down?” Halos mapiyok ang buses ni Ryah. Narinig ni Ryah ang inis matunog na ngisi nito. “I'm busy, Ryah. I don't have time to play for now. And, don't think that I will change my mind by using Ruby as an excuse. Isn't it your fault kaya siya hindi ayos ngayon?” Natigilan si Ryah at napakuyom nag kamao. Hindi makapaniwala sa mga sinasabi ni Grayson. “You must come to the company tomorrow to do the handover. If you don't go back tonight, I hope you will be more self-conscious.” May badya pang pagkainis sa buses nito. Matunog na napangisi si Ryah dahil sa inis. “Talaga bang wala ka nang pakialam sa anak mo?” Hindi na napigilan ni Ryah ang mailabas ang inis. Walang sinabi si Grayson at basta nalang pinatay ang tawag. Halos manlamig ang kamay at paa ni Ryah sa inis. Napahilamos nalang siya sa mukha dahil hindi niya na alam kung paano ang gagawin niya. Halos wala na ngang pakialam pa si Grayson at tanging company lang ang nasa isip. Hindi man lang naisipang magtanong kung anong nangyari kay Ruby. Napayakap nalang siya kay Ruby habang pinipigalan ang sariling maiyak ano mang oras.THIRD PERSON'S POINT OF VIEW KUNG ikukumpara ni Captain Vector sa mga sundalong nakakakita sa kaniya, para silang mga dagang nakakita sa pusa.Lihim namang hinangaan siya ni Captain Vector at agad siyang humakbang para makipag kamay at batiin siya.Pagkatapos ng ilang salita, agad siyang bumanggit ng isang salita. “ Doctor Ryah, Mr. Ron always praise you specially about your medical treatment. Ngayon nagpapasalamat ako sa 'yo para sa paggamot.”“Don't worry captain. I'll do my best.” Mataimtim na tugon ni Ryah.Nasiyahan naman si Captain Vector sa kaniyang saloobin at mabilis na pinamunuan ang grupo sa bulwagan ng paggamot.Pagkapasok palang ni Ryah, nakita niya kaagad ang mga miyembro ng special force na nakapila sa maayos na hanay.Lahat sila ay nakatayo ng tuwid ma may mataimtim na tingin, walang ano mang palatandaan ng pinsala o pagkapagod. Deretso pa rin ang tindig na parang walang iniinda. Sa halip, mayroon silang mabangis at nakamamatay na aura.Hindi maiwasang humanga ni Ryah
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW SANDALING NATIGILAN si Ryah dahil sa taong hinahanap ni Ruby. Saka niya napagtanto na may sketchbook na nakatago sa braso ni Ruby. Ang bagong pahina ng papel at pininturahan ng mga kulay, ngunit tila sumuko siya sa kalahati. Kumirot naman ang puso ni Ryah kaya hinalikan niya si Ruby sa noo. “'Wag mo siyang pansinin. Draw what you want Ruby.” Ngunit iginiit naman ni Ruby. “Sabi ng teacher. . . matututo ako. . .” Bahagyang nagulat si Ryah sa pagbanggit niya sa isang guro. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakinig talaga si Ruby at naalala pa ang sinabi ng guro. Nakaharap ang sabik na tingin ni Ruby, walang ibang naging paraan si Ryah para tumanggi. Sa huli, kinuha ni Ryah ang tablet, naghanap siya ng ilang propesiyonal na pangunahing kurso sa pagpipinta at ibinigay ang mga ito kay Ruby para pag-aralan. Tuwang tuwa naman si Ruby, agad na naakit ang kaniyang atensiyon at pinapanood nang buong konsentrasiyon. Nang makita ito ni Ryah, hindi n
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW PAGKATAPOS makapag-usap ni Ryah at Mr. Ron, nakipag-appointment siya kay Ryah.Nangako si Mr. Ron na magpapadala siya ng sasakyan para sunduin siya ano mang oras. Matapos maabot ang kasunduan at masabi lahat ng bagay, hindi na inistorbo ni Ryah si Mr. Ron, hindi niya na tinanong pa ito ng maraming bagay at umalis na upang makapag pahinga pa si Mr. Ron.Pagdating niya sa labas ng ward, hindi maitago ni Ryah ang kaniyang pananabik at tuwa. Kahit hindi man sigurado na makikita niya, natutuwa at umaasa pa rin siya na makikita niya na ang misteryusong psychiatrist na iyon. Kung sakaling makita man niya at maimbitahan, tiyak na gagaling ang kalagayan ni Ruby at magsisimula na rin sila ng panibagong buhay.Tuwang tuwa siya kaya hindi niya maiwasang tumingala. Bahagya siyang nagulat nang makita si Matt. Sumandal si Matt sa dingding ng corridor, nakatingin sa baba at itinukof ang kaniyang mga paa, kaswal na nakatayo. Medyo hindi maganda ang timpla ng mukha niya, n
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW HALOS matawa si Ryah sa nasaksihan, matawa sa katangàhan at kawalang hiyaan ni Grayson.Noong may sakit si Ruby, nagtawag lamang siya ng isang psychologist upang makita siya. Walang halong pag-aapura, sa halip hindi na nagtanong tungkol sa partikular na kondisiyon ni Ruby.Kahit masakit ang ulo o nilakagnat, hindi siya nagmamadalinh bumalik para tignan at alagaan si Ruby. Ngayon, makikita niyang magmamadali siya sa isang emergency na hindi niya naman sariling anak.“Kung wala ka naman palang pagmamalasakit Grayson bakit ayaw mo pang makipag hiwalay?” Mahinang bulong ni Ryah habang pinipigilan ang emosiyon.“Ganito ba ang buhay na gusto mo? O nae-enjoy ka sa kilig ng pagkakaroon ng extramarital affair?” Napapikit nalang ng mariin si Ryah. Sa tuwing iniisip niya ito, hindi siya komportable at naiinis ng subra.. . .Sa oras naman na iyon, nasa kabilang subdivision pa ang bahay ni Zoe at halos sampong minutong biyahe ang mula mula sa bahay ni Grayson. Hawa
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW SAGLIT na natigilan si Ryah at hindi nakaimik. Pagkatapos napakamot naman siya sa kaniyang ulo. “Sa totoo po niyan, hindi pa niya natutunan ito dati. Kabibili lang namin at kakahawak niya ng paint brush. First time niya mag drawing ngayon.”Nanlaki naman ang mata ng guro. “Never learned it? And first time? Really? Then your daughter has great potential and incredible talent.”Halata naman ang tuwa sa mukha ng guro. Nagsimula siyang ituro ang painting at nagbigay ng komento rito.Mula sa banggaan ng mga kulay, sa komposisyon at pagkatapos ay sa unti-unting pagbuo ng balangkas.Pagkatapos niyang ipaliwanag ay napangiti siya. “Ang kailangan para sa isang mahusay na pintor ay isang matalas na pakiramdam sa kulay, isang likas na kakayahang magpinta. Isang mayamang imahinasiyon, natatanging pagkamalikhain at isang makabagong kamalayan na nangunguna sa mga ordinaryong tao.”“Ang panloob na mundo ng iyong anak na babae ay tunay na kaakit-akit. If possible, dapat
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW NAPAPAIRAP si Ryah na naghihintay na makarating sa kanilang pupuntahan. Pagkaraan ng ilang sandali, sa wakas ay nakarating na rin sila sa harap ng botika.Ito ay isang luma nang pabilihan ng gamot, karaniwan ang binebenta rito ay effective at herbal kumpara sa iba. Tinatawag nila itong “Herbs for health”.Matapos huminto ng sasakyan sa isang parking lot, nagsalita si Grayson. “Bumalik ka kaagad pagkatapos mong makabili.”Hindi naman umimik si Ryah habang inaakay si Ruby palabas ng kotse. Pagkatapos niyang mag-ayos, malamig ang kaniyang buses na nagsalita.“Naipadala na sa phone mo ang reseta at lahat ng kailangan mong bilhin. Kunin mo na. May iba pa kaming gagawin kaya aalis muna kami.” Sa katutuhanan, hindi niya na gustong gawin ng personal ang mga bagay para sa isang taong hindi karapat dapat at walang ginawang mabuti sa kaniya. Hindi niya gustong pag-aksayahan ng oras ang taong hindi marunong makiramdam. Naduduwal lamang siya sa tuwing naaalala kung pa







