Mapili si Patrick Santiban sa babae. Dapat may breeding, mahinhin, etiquette, hindi malakas tatawa, hindi magaslaw, elegante at lalong hindi easy to get. Tumama naman s'ya sa huli. Ngunit sa lahat ng ayaw n'ya ay ang pagiging hindi easy to get lang ang nakuha ng dalagang si Inday. Si Melanie, o mas kilala sa palayaw na Inday. S'ya ng gusto ng mga magulang ni Patrick para maging asawa nito. Niligtas ng magulang ni Inday ang ina ni Patrick mula sa kamatayan, at halos mag buwis ng buhay ang magulang n'ya. Sa galak at awa narin sa dalawang matanda ay inalok sila ng magulang ni Patrick, at iyon nga ay ang nakatakdang pag pa-pakasal sa dalaga upang mabigyan ito nang magandang kinabukasan ng kanilang anak. Masagana sa lahat ng bagay ang binata. Ngunit mahirap itong pakisamahan, malupit ito lalo na sa taong hindi niya gusto. Baon ang pangarap, pangaral at ang tatlong legendary panty n'ya na pinag lumaan na ng panahon. Gagawin ni Inday ang makakaya n'ya para pakisamahan si Patrick, na kahit butas-butas man ang panty n'ya at wala ng garter. Sinisiguro niya na mai-inlove parin sakaniya si Mr. Patrick Santiban.
Узнайте больше“Inday ikakasal kana, at gusto namin ni Manay mo na ayusin mo ang iyong ugali sa bahay ng magiging asawa mo.”
Hindi ko tinignan si Amang dahil sobrang sama ng loob ko. Binibilin pa n'ya sa akin ang pag u-ugali ko. Samantalang ang ugali nila umiba narin yata. Ipamimigay na nila ako na parang tuta. “Nakikinig kaba Inday?” Tanong ni Amang bago ako kinalabit. "Amang.” Tawag ko habang masamang-masama ang kalooban. “Bakit kailangan ninyo akong ipamigay? Hindi na ba ninyo ako kayang kupkupin? Masyado na ba akong malakas kumain?" Nag da-dramang tanong ko habang tumutulo ang aking luha kasama ang sipon. “Punasan mo nga sipon mo, para kang bata.” Saway ni Manay sa akin bago hinawakan ang balikat ko. “Para sa'yo rin ito. Dapat maging practical kana lang, para guminhawa naman ang buhay mo.” “Kaya ko namang yumaman!” Depensa ko bago napatalikod sakanilang dalawa. “Pera nalang naman ang kulang, pero malapit na. Nararamdaman ko na mag hintay lamang po ka—” “Lintik naman Inday!” “Amang ayaw ko nga hong mag pa kasal! Hindi pa ako ready, tsaka baka laitin lamang ako ng magiging asawa ko. Ang pangit ko kaya.” Umiiyak na aking paliwanag. “Buti alam mo ate.” Sabat ni Ping bago tumawa. “Totoo namang pangit si ate Inday, tapos garapal pa hahaha.” “Kapatid ko ba talaga 'yan Manay?” Umiiyak na tanong ko bago sinamaan nang tingin si Ping. “Bayaan mo na ang kapatid mo. Makinig ka nalang sa amin, at sa ibibilin namin.” Seryosong sabi ni Amang bago ibinigay ang gamit kong nasa bayong. Ilang piraso lang kasi ang damit ko tapos butas pa ang tatlong panty ko. Suot ko ang isa ngayon. Habang 'yung dalawa ko pang panty walang garter, pero lumalaban pa naman. “Bibilhan ka daw nila ma'am ng gamit pag dating mo sa Manila. Hintayin mo na lamang ang su-sundo sa'yo patungo sa ti-tirhan mo. Huwag kang magiging tamad, ha? Kumilos ka.” Kabilinbilinan ni Amang. “Hayaan mo Amang,” napatitig ako sa ama ko. “Kapag yumaman na ako hindi na alamang ang ulam ninyo.” “Iniinsulto mo ba ako?” “Amang naman, syempre hindi po. Pangako magiging mabait ako, pero hindi ako magiging easy to get.” Paninindigan ko. “May ganun pala noh? Pangit na, pa hard to get pa?” Pang a-asar ni Ping. “Ay well nat lawyer my price two every man!” Mapanindigang sabi ko. “Aym priceless! Ako ang magiging magandang ehemplo sa—” “Ate pwedeng mag tagalong walang pumipigil sa'yo.” Sabat ni Ping na mukang naririndi na sa English ko. Hindi naman sa pag ya-yabang pero may kaalaman ako sa English kahit paano. “Basta!” Kinalampag ko ang dibdib ko. “Anong feeling kumalampag ng sariling pader?” “Kanina ka pa!” Inambahan ko si Ping. “Kapag yumaman ako wala kang balato!” “Ayos lang ate, basta bumili ka ng panty mong bago. Ako kasi na a-awa sa'yo sa tuwing makikita ko 'yung tatlong panty mo tuwing isasampay mo.” Inawat na kami ni Amang. Dumating na kasi 'yung sundo ko. Hindi na ako umiyak pa dahil ayokong mag alala pa sila. Tahimik lang ako buong byahe kasama ang hindi ko kilalang lalaki, may edad na s'ya. Sabi n'ya ay ayaw daw akong sunduin ng sir niya kaya s'ya nalang. Ano namang pake ko sa sir niya? Edi wag niyang sunduin 'di naman ako mamamatay kung wala s'ya. Manghang-mangha ako sa bahay. Kamuntik pang tumulo ang aking laway. Inayos ko ang sarili ko, tapos inalis ko din tsinelas ko iniwan ko sa labas ng gate kasi nakakahiya naman na ipasok ko pa. Kawawa naman nag li-linis. Tiles kasi kahit 'yung labas. Kaya naman nung binaba ako ni kuyang driver, e, iniwan ko sa labas ng gate tsinelas ko. May da-daanan pa daw kasi ito kaya hindi na pumasok. Nakatingin nga sakin 'yung guard na nag bukas kasi bakit ko daw iniwan tsinelas ko? Palibhasa s'ya walang awa sa mga nag li-linis kaya pinasok n'ya sapatos n'ya. “Who are you?” Malamig ngunit baritono ang boses ng lalaki na nag tanong sakin. Mukang kagigising lang nito. “Guard mukang may baliw na nakapasok dito!" Galit na tawag pa n'ya sa Guard. "Baliw na pulubi naman this time? Ta-tanggalin na kita next time kapag may nakapasok pa na—” “Magiging asawa mo ako. Baliw kaba?” Yamot na tanong ko. “You're—” Natigilan ako at napaisip. Ano nga bang English ng minamaliit? Napasubo tuloy ako. Bida-bida kasi eh. “You're smalling me!” Sigaw ko habang duro s'ya. “Hindi mo ba alam na ako ang magiging asa—" Tinalikuran n'ya ako at lumakad. Kaya naman sa inis ko, ay galit akong sinundan s'ya ngunit bigla na lamang akong nadulas. Kaya naman 'yung taob ko ay umangat ang palda ko. Wala pa naman akong dobleng short. “Guard! Ilabas ang babaeng 'to!” Sinamaan n'ya ako ng tingin. "Tsaka mo na ako lokohin pag hindi na butas panty mo." Napaismik s'ya bago ako tuluyang iniwan.Ayaw ko naman talaga sanang sumama kay Patrick, pero anong magagawa ko. Pamilya n'ya nakiusap, tsaka hindi ko kayang pahindian Mommy n'ya noh! Bait kaya sakin non, tapos simpleng bagay lang hindi ko pa pag bibigyan? At isa pa, need ko na talagang masanay na palaging kasama ang soon to be asawa ko. Ang magiging future ko daw. Itay ko po! Si Patrick talaga? Hindi pa pwedeng mag request na si Kenneth nalang? Mas gwapo at mabait pa kahit na cold s'ya, at tsaka kita mo talaga sakaniya na may galang siya sa babae hindi tulad ni Patrick na napaka balahura ng pag u-ugali. "Maging tahimik kalang, ha?" Bilin n'ya. "Pangalan ko Inday at hindi Mark.” Pangangatuwiran ko. "What dou you mean?" Takang tanong n'ya habang ang tingin ay sa daan parin. "Si Mark kasi tahimik lang e, ako? Syempre hindi! Hina mo naman makagets haha. Ako si Inday at hindi si Mark, oki na? Gets na?" Paliwanag ko ng mabuti upang mas maintindihan pa ni Patrick. Sinasabihan akong boba e, s'ya nga itong slow rin pala. "Ewa
[Patrick] Akala ba talaga n'ya bakla ako? Kaya ko s'yang kunin kong gu-gustohin ko. Kaya lang wala akong oras pumatol sa babaeng boba na taga probinsya. Hindi pa ako nahihibang para patulan s'ya. "Ano na namang ginawa mo kay Inday?" Napalingon ako kay Kuya Kenneth. Seryoso itong nakatingin sakin kaya naman napakibit balikat lang ako. "Patrick grow up.” Malamig na sabi niya bago ako tinalikuran. "Bakit ba masyado mong inaalala ang boba na 'yon?" Inis na tanong ko. "Don't you dare talk to me like that", binalingan n'ya ako. "I'm your Kuya at hindi masama ang sinasabi ko. Babae parin si Inday kaya igalang mo s'ya katulad ni Mom. Hindi porque hinahayaan ka namin sa gusto mo ay hindi kana namin pu-punahin sa mali mo." "Pabayaan n'yo nalang nga ako." Inis na sabi ko bago humakbang palayo sakaniya. "Gusto mo si Inday? Edi, pakasalan mo." Madiing wika ko bago umakyat sa hagdan. Halata namang concerned s'ya kay Inday. Mas ok pa nga 'yon, para makalaya ako sa kasunduan na ipinang
Kasalukuyan akong maliligo pero wala na akong panty kaya naman pumuslit muna ako sa kwarto ni Kenneth, baka sakaling may brief s'ya mahiram muna.Bubuksan ko na sana ang pinto pero nakalocked. Susme! Mahigpit pala talaga si Kenneth pag dating sa privacy n'ya. No choice, kay Patrick ako u-umit. Alam kong wala si Patrick dahil nag paalam siya sa magulang niya na may pupuntahan. Malamang sa barkada n'ya o kaya naman ay sa mga babae n'ya? Bahala na s'ya basta ako hihiram muna ako brief n'ya. Nag halughog ako, at mabuti ay nakahanap agad ako. Kaya lang wala na akong tingin-tingin dahil nag mamadali ako at baka maabutan pa ako ni Patrick. Pag dating ko sa kwarto ay nakita ko kung gaano kalaki ang brief n'ya. Sabagay mag tataka pa ba ako? Eh, nakita ko naman na 'yung alaga n'ya, at malaki naman talaga. Nakakatrauma talaga, feeling ko patay ako pag s'ya ang nakauna sakin. Pero hindi manyayari 'yon! Hindi ko s'ya tipo at ayaw ko sa lalaking walang respeto sa gaya kong babae. Ang babae da
"Magandang uma—" "Ayoko sa maingay na tao." Bungad ni Patrick kaya naman hindi na ako natuloy sa pag bati ko. "At tsaka ang baho ng hininga mo.”Laitero din talaga sya e, noh?Inamoy ko ang hininga ko. Napangiwi ako kasi may punto naman pala si Patrick. "Inday sabay kana saming kumain." Alok ni Mrs. Santiban sakin kaya naman agad akong na upo. "Salamat po Mrs. Santi—”"Mommy nalang din ang itawag mo sakin, hija. Part of the family kana kaya huwag mong iisipin na wala kang puwang sa pamilya namin." "Wala naman talaga.” Bulong ni Patrick na ipinaririnig talaga sa akin. Gusto ko siyang sampalin talaga! Nahihiya lang ako sa magulang n'ya kaya naman mag titiis nalang ako, pero hanggang kaylan? Mamaya mapuno nalang ako tapos mahampas ko s'ya bigla ng tubo. Hindi ako basagulera o palaaway pero ako si Inday, at si Inday ay hindi pumapayag maapi!"Kenneth anak kain na." Alok ni Mommy sa panganay niyang si Kenneth. Naipakilala na sakin ng mag asawa ang tatlo nilang anak, pati 'yung na w
Kahit mag sorry s'ya sakin wala na akong pake. Napakasakit niyang mag salita akala naman niya ay napaka gwapo niya! For her transformation! Wait, tama ba? Her?Transformation?Sakit sa ulo mag english spokening dollars. Makapag tagalog na nga lang para hindi nalalaman na lahi kaming boba. "Aalis kana ba talaga Inday?"Napasinghot ako bago sumagot sa Mommy ni Patrick. “Opo, ma'am.”“Pasensya na talaga kong ganoon man ang trato ni Patrick sa'yo, pero sa maniwala ka o hindi mabait naman siyang bata.”"Mabait na bata po?" Napahalakhak ako. "Mrs. Santiban kahit naman po may pagka ignorante ako ay alam ko parin po ang pagkakaiba ng mabait sa demonyo. At magalit na po kayo sakin pero, yes po. Demonyo po ang Patrick Santiban na 'yon." "Hija, pasensya na." Hinawakan ni Mrs. Santiban ang kamay ko at nakikiusap ang kaniyang mata. "Huwag ka namang umalis nalang basta, please? Nangako kami sa magulang mo bilang pag ba-bayad sa kagandahang na gawa nila para samin ng asawa ko. Nais naming mabigy
“Inday.” Tawag niya sa akin ngunit ma-pride ako today. Hindi ako basta madadala sa kahit anong mabulaklak na salita kaya naman tumalikod na ako sakanila. Desidido na akong bumalik sa magulang ko kaysa naman ina-agrabyado n'ya ako! Hindi ko naman ipipilit sarili ko kung ayaw talaga n'ya sakin eh. Bakit? Sino ba s'ya? Artista ba s'ya? Oo, gwapo s'ya pero hindi ko s'ya type. “Inday.” Muli niyang tawag ngunit hindi ako umiimik. “Hayaan mo na muna si Inday.” Rinig kong sabi ni Mrs. Santiban. “Yes, give me embassy.” Seryosong sabi ko pa. “Inday privacy hehe.” Pag ta-tama ni ma'am sa akin kaya naman napangiwi ako. “Basta po mag katunog ay ayos na iyon.” Proud na sagot ko na lamang upang mapanindigan ang kabobahan ko. “Tulad nga po ng sabi nila na yakapin ang iyong sarili at maging proud dahil walang gagawa nito para sa'yo kundi ang sarili mo lang.”“Yeah, I agree with you.” Sabat ni Patrick. Ngunit ma-pride talaga ako kaya hindi ko siya hinaharap. “Proud ka talaga sa sarili mong k
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Комментарии