Sa gabing malamig, habang nakatulala si Ryah sa isang sulok at malalim ang pag-iisip ay siyang pagdating ni Grayson. Sinulyapan niya itong papasok sa loob ng kanilang bahay. Napairap na lamang siya ng palihim dito.
Kaswal namang ipinatong ni Grayson ang nasa braso niyang suit jacket sa isang sofa nang makapasok ito. Ang dalawang butones ng kaniyang pulo ay nakatanggal. Naamoy naman kaagad ni Ryah ang pabango na hindi pamilyar sa kaniya nang makalapit ito. Bahagyang napaduwal si Ryah. Naisipan niyang aalis na sana ngunit biglang nagsalita si Grayson habang nagsasalin ito ng tubig sa baso. “Ruby's condition has been unstable recently. Please vacate your laboratory. Marami pa akong kailangang dapat gawin. From now on, you just need to take care of her.” Napalingon si Ryah dito ng nagtataka. Tila hindi naintindihan ang sinabi. Bago pa man siya makapagsalita ay muling nagsalita si Grayson. “The Sandoval family and the Russo's family have reached a strategic cooperation. To show my sincerity and support, I plan to let Zoe take care of the company's matters. She has worked in a large company overseas, so she can do it more professional than you can.” Natulala nalang bigla si Ryah habang ramdam ang parang pang aapi at kawalang tiwala sa kaniya. Ramdam niya sa pananalita ni Grayson ang pamamaliit sa kakayahan niya. Hindi na nakapag pigil si Ryah at pagak na napatawa. “Okay, go ahead. As far as she can do what I can.” May halong diin na sabi nito. Hindi makapaniwalang tumingin si Grayson kay Ryah dahil sa sinabi nito. Samantala, nakaramdam naman ng panginginig si Ryah dahil sa galit, pigil siyang maglabas ng kaniyang emosiyon. Malaki ang naitulong ni Ryah sa kumpanya at dapat lang na siya ang kumilos doon. Isinakripisiyo kahit ang sariling hangarin para lang Grayson. Maraming proyekto ang nagawa ni Ryah at ang lahat ng iyon ay may malaking naidulot sa kumpanya. Hindi siya nagkulang sa pagtatrabaho kaya labis ang kaniyang galit na basta nalang ibigay sa iba ang posisiyon na para sa kaniya. Hindi siya makapaniwala na nasasabi ni Grayson ang mga bagay na iyon. Sa kabila ng mga pagod ay tila wala lang ito kay Grayson. Nakaramdam ng panunuyo sa lalamunan si Ryah dahilan ng pagpigil sa pag-iyak. Namamanhid na rin ang sarili. Biglang napaisip si Ryah, ang malamig na pakikitungo ni Grayson, ang kapabayaan kay Ruby at ang pagiging malupit ng pamilyang niya'y nagiging dahilan upang gumawa siya ng desisiyon na para sa anak niya. Wala nang maramdamang pagmamahal si Ryah at tanging puot at kahihiyan ang tanging pakiramdam. Nangilid ang mga luha ni Ryah ngunit deretso pa rin ang tingin kay Grayson na mas lalong nanlamig ang pakikitungo. Tila sinampal siya ng katutuhanan na kahit anong gawin nito'y wala ng saysay ang pagiging mag-asawa nila. “G-Grayson, ano ba talaga ako sa 'yo—” Halos mabasag ang buses ni Ryah sa pagsasalita. Hindi niya na natapos ang pagsasalita dahil dinugtungan kaagad ito ni Grayson na may lalim sa buses. “You don't have to put on such an aggrieved expression, Ryah. This is my decision. Siguradong hindi mo rin magagawa dahil kay Ruby.” Tinignan niya ng masama si Ryah. “And, what kind of question you are asking. Please refrain from asking like that again. Fix yourself, Ryah.” Tila may pagbabanta nitong sabi saka umalis. Napahilamos sa mukha si Ryah ng tuluyan ng makaalis si Grayson. Bumuga siya ng hangin. “Dàmn, ako pa ang dapat umayos? Ruby, I'm sorry if we need to let go your f-father.” Hindi niya na napigilang maupo sa gilid habang napadukdok sa kaniyang tuhod at umiyak. Napatakip siya sa kaniyang bunganga. Kung hindi lang para kay Ruby, ay hindi siya matagal na mananatili sa piling ni Grayson. Ngunit ngayon ay nagiging malinaw na ang lahat sa kaniya. “Ang pait mong mahalin.” . . . Makaraan ang ilang oras ay naisipan ni Ryah na dalhin na lamang si Ruby sa amusement park. Ang pakiramdam niya kasi ay ayaw niya munang manatili sa kanilang tahanan. Hindi niya maiwasang isipin ang mga bagay na nakakapagpasakit sa kaniya at gusto niyang lumanghap ng sariwang hangin lalo't nakakaramdam siya ng sikip sa paghinga. Naisipan niyang ilakad si Ruby sa may mga tao. Ayaw niya rin namang masanay ang anak na matakot sa mga taong makikita niya. Bagama't autistic si Ruby, sa puso, isa siyang normal na bata na naghahangad din na makapag laro. Gustong gusto ni Ruby sa mapuno at malilim na lugar. Mas nakakapag enjoy siya dahil sa sariwang hangin, sa katunayan, nakakatulong ito sa paggaling niya. Kita ang tuwa sa mukha ni Ruby lalo na noong makita ang pink na little fox at purple rabbit na theme. Hawak lamang ni Ryah ang kamay ni Ruby habang pinagmamasdan ang paligid. Ayaw rin namang bumitay ni Ruby rito. Napalingon sa paligid si Ryah nang may marinig na nagtatawanan. Napatigil siya ng makita ang mag-asawang kasama ang dalawang maliliit na anak. Nakalatag ang picnic carpet sa damuhan sa gilid. Masaya silang nagsasalo sa mga dinalang pagkain at mararamdaman talagang kuntento sa kanilang buhay kahit sino man ang tumingin. Simple lamang sila ngunit masaya. Mapait na napangiti si Ryah habang may inggit sa matang nakatingin sa mga ito. Ang tingin ng lalaki sa kaniyang asawa ay may halong paghanga at hindi nawawala ang pagmamahal. Sa tatlong taong pagsasama ni Ryah at Grayson ay hindi niya man lang naranasan ang tignan siya ng buong pagmamahal at paghanga. Laging seryuso at walang emosiyon ito kung tumingin. May mga oras na nagliliwanag ngunit walang bahid ng pagmamahal. Hindi niya nasubukan na ilaan ni Grayson ang ilang oras para kay Ryah at Ruby. Ang pagsama sa amusement park kahit ilang minuto ay hindi nito nagawa. Kaya labis ang pangungulila ni Ryah sa pag-ibig ng isang asawa. “Sana ganiyan niya rin ako tingnan.” Mahinang bulong ni Ryah sa sarili. Patuloy na nakatulala sa isang pamilya. “Kailan niya kaya ako aayain sa ganiyan. Hirap namang maramdaman ng pagmamahal niya.” Napapabuntong hininga niyang sabi. Napapaisip na hanggang ngayon pala ay nabubulag pa rin siya dahil sa labis na pagmamahal kay Grayson. “Then, why would you stay for such a person?” Bahagyang napatalon si Ryah nang may magsalitang lalaki sa kaniyang tabi. Tinignan niya pa saglit si Ruby dahil baka nagulat din ito, ngunit patuloy lamang siya sa paglalaro. Tinignan muli ni Ryah ang nagsalita. “Settling for less?” Tanong nito dahilan para matunog na napangiwi si Ryah. “Bakit ganiyan ang suot mo, ang init init sa Pinas.” Tila naiiritang sabi ni Ryah at tinignan mula ulo hanggang paa ang lumapit. Malalaki ang kaniyang buses. Nakasubrero ito at nakasuot ng facemask na itim. Nakasuot pa ito ng Jacket habang ang mga kamay ay nasa bulsa. Tanging mata lamang ang nakikita ni Ryah ngunit kapansin pansin pa rin ang tindig nito. Makakapal ang kilay at perpektong mga mata. Ngunit kahit gano'n, hindi pamilyar si Ryah kung sino ito. “I asked you first, ba't tinatanong mo rin ako?” Sarkastikong sabi nito dahilan para umasim ang mukha ni Ryah. 'Sino ba 'to? Basta nalang lumalapit,' ani ni Ryah sa kaniyang isip. Napabuntong hininga nalang si Ryah at umiwas ng tingin. 'Settling for less?' Naalala ni Ryah ang sinabi ng lalaki. Napakamot nalang siya sa batok dahil para siyang sinampal ng katutuhanan. 'Bakit nga ba ako nagse-settle sa ganitong relasiyon?' Tanong niya sa kaniyang sarili habang hindi alam ang isasagot. Hindi nalang siya nakapag salita at natahimik. Ilang minuto lang ay napatawa ang lalaking nasa tabi niya dahilan para tingnan niya ulit ito ng gulat at isipin na baka nasisiraan na ito ng bait. “I'm just kidding. It's okay if you can't answer my question.” Tumango nalang si Ryah habang pinagmamasdan ito. “But I hope, one day, you can finally leave your pains.” Naguluhang tumingin si Ryah dito. Hindi niya maisip kung kilala ba siya nito o hindi dahil sa pananalita niya. “Wait lang. Sino ka ba kasi? Do you know me?” Gulong gulo na tanong niya. Nagkibit balikat lang ito saka tunalikod at umalis. Napanganga naman si Ryah na nakatingin sa likuran nitong palayo na ng palayo. “Aba't.” Hindi makapaniwalang sabi niya. “S!raulo ba 'yon?”THIRD PERSON'S POINT OF VIEW NAPANSIN naman ni Grayson ang tingin ni Ryah at mahinahong nagsalita. “After breakfast, prepare yourself. It's the 4th week of Lola's death. Kailangan nating bumalik sa lumanv bahay para magbigay galang.”Pagkatapos niyang paalalahanan si Ryah ay naalala niya ito. Sa mga araw kasi na nagdaan, pagod na pagod si Ryah at ang dami kaagad ang nangyari, hindi niya na kasi gaanong alam ang dapat gawin kaya nakalimutan pa niya ang isang napakahalagang araw.Bahagyang nakonsensiya si Ryah, natural na hindi niya tinanggihan ang sinabi ni Grayson. Dapat siyang pumunta. Ang huling pagsisisi ni Ryah ay ang hindi niya nakita si Mrs. Sandoval sa huling pag-kakataon sa araw ng libing.Ngayong handa na siyang hiwalayan si Grayson, kailangan niya pa ring pumunta at magpaalam kahit anong mangyari.Pagkatapos ng almusal, nagpalit na kaagad si Ryah at binihisan niya na rin si Ruby. Nagpalit ng puting pang-itaas at itim sa ibaba. Pagkatapos ay dinala si Ruby kasama si Grayson
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW MASAYANG masaya si Kezia para may Ruby at hindi niya maiwasang magsalita ulit. “This is a great sign! I think, you can also send her to a special school. Ang mga teachers doon ay karaniwang natapos ng psychology. They can provide care at lead children like Ruby. Maybe it will help more.”Napaisip naman si Ryah sa sinabi ng kaibigan. Ang bagay na iyon ay napakahalaga ngang bagay. Ang psychologist na makakapagpagamot kay Ruby ay hindi pa rin nahahanap hanggang ngayon, at maaari lamang siyang bumuo ng mga gamot para sa paggamot ng mga pisikal na sakit, ngunit hindi propesiyonal sa sikolohikal na aspeto.Kung gagabayan si Ruby ng walang pag-iiangat, baka hindi na matuloy ang paggaling ni Ruby.Mas mabuti ngang ipadala siya sa isang espesiyal na paaralan. Agad niya namang tinanong si Kezia. “Alam mo ba kung saan dito sa Pilipinas mayroong gano'ng school?”Tumango naman si Kezia. “Mayro'n, mayro'n din sa malapit lang. I actually know this. I heard about it by
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW MALAMIG ang pabalik na tanong ni Ryah.Ginamit ni Grayson ang trabaho, bilang dahilan upang makasama ang kaniyang unang pag-ibig sa buong araw, at halos hindi na sila mapaghiwalay. Pagkatapos ay hindi niya papayagang si Ryah na makahanap ng mga kaibigan na makakasama o kahit trabaho man lang.Ang mga opisiyal ay pinahihintulutang magsunog, ngunit ang mga karaniwang tao ay hindi pinapayagang magsindi ng mga lampara. Tila double standard na nakakabukas ng mata.“Grayson, dahil pinatalsik mo na ako sa Sandoval's Family, hindi ba dapat kalayaan ko na magdesisiyon kung sino at ano ang makakasama ko? Kung saan ako magtatrabaho? Anong karapatan mo na kuntrahin ako ngayon sa kabila ng walang tingin mong tinatakwil ako?”Pagkatapos sabihin ito ni Ryah ay ayaw niya nang mag-aksaya pa ng oras para magsalita at ipaintindi ng paulit ulit ang lahat kay Grayson. Niyakap niya nalang si Ruby at naglakad lakad.Lubhang madilim ang mukha ni Grayson ngunit hindi niya na ito
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW HINDI na napigilan pa ni Grayson ang magalit dahil sa pinapakita ni Ryah. Sa isip niya ay masiyado niyang pinabayaan si Ryah kaya naman paulit ulit niyang hinahamon ang ugali nito.Hinabol ni Grayson si Ryah at hinawakan ang pulso nito ng mahigpit. Matalim naman ang matang lumingon si Ryah. “Ryah. Hindi ka pa na tapos? Paulit ulit mong pinupuntirya si Keihro. He's still young, why are you thinking like that way about him? Ano naman kayang kasamaan ang nasa isip niya? Do you have any problem at madilim ang loob mo sa lahat at tingin mo sa mga tao ay masama?” May diin at galit na pagsasalita ni Grayson.Namilog naman ang mata ni Keihro at agad na nagkunwaring nakakaaawa. “T-Tita Ryah, kung ayaw mo akong makipaglaro kay Ate Ruby hindi ko na siya hahanapin ulit. Just please, don't fight because of me! Tito Grayson really love ate Ruby, itinabi niya muna ang trabaho niya at binigay kay ate Ruby ang oras para makapaglaro. Please, 'wag mo siyang ilayo. Let them
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW NATIGILAN si Ryah at pilit iniintindi ang nagsasalita mula sa kabilang linya. 'Sinama niya nanaman ang anak ni Zoe?' Bigla namang nanlumo ang katawan ni Ryah. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa ng anak ni Zoe kay Ruby at kung gaano ito kabastos. Kahit na nasa paligid si Ryah o Grayson, ang batang iyon ay may lakas loob pa ring gumawa ng masama kay Ruby.Kung wala siya ngayon, hindi siya mag-aalinlangang na gumawa ng kahit ano.'Hindi talaga maaasahan si Grayson!' Nag-alala ng subra si Ryah at wala na siyang pakialam pa. Mabilis niyang ibinaba ang tawag at oatakbong pumunta sa sasakyan para magmaneho papunta sa amusement park.Pagdating niya, ginamit niya ang kaniyang posistioning watch para mabilis na mahanap ang kinaruruunan ni Ruby.Pagdating palang, halos manlumo na ang kaniyang tuhodn nang makita ang isang iksenang ikinakasakal niya.Nakita ni Ryah na bitbit ni Grayson si Keihro para maglaro sa climbing wall ng mga bata. Marahil dahil nag-ala
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW NANG marinig ito, biglang nagsalubong ang makakapal na kilay ni Grayson. “She came to Cruz group to find a job?”Nagkunwaring nagulat si Zoe. “You don't know?”Nabahiran naman ng lungkot ang mukha ni Grayson at tumango. “I don't know about that thing.”Lalong nagulat si Zoe. “Actually, hindi siya naghanap ng trabaho, but to talk about cooperation to Matthew Lucas. I think, familiar sila sa isa't isa. Iniwan pa nga ako ni Mr. Matthew ng tatlong oras just for Ryah.”Sa puntong ito. Nagkunwari siyang kumawala ng isang bagay sa isip niya at iniba ang usapan. “Anayway, I'm sincerely happy for Ryah to have recovered so fast. With Mr. Matthew's protection, I'm sure hindi siya maaapi. Right?”Matapos marinig ito, nakaramdam si Grayson ng kakaibang pakiramdam na hindi maipaliwanag na sama ng loob sa kaniyang puso.'When did Ryah know about Matthew?' Tanong niya sa kaniyang isip.Ang taong iyon ay hindi basta basta at kinilala, ngunit isang taong maipapantay kay Gr