Mistress By Contract

Mistress By Contract

last update最終更新日 : 2025-10-01
作家:  Athengstersxx連載中
言語: Filipino
goodnovel16goodnovel
評価が足りません
6チャプター
146ビュー
読む
本棚に追加

共有:  

報告
あらすじ
カタログ
コードをスキャンしてアプリで読む

Sa gitna ng kawalan ng pag-asa, napilitan si Amara na pirmahan ang isang kontrata. Isang kasunduang magtutulak sa kanya na maging exclusive mistress ng isang makapangyarihang CEO, si Dominic Severino. Ang kapalit:, malaking halagang kailangan niya upang mailigtas ang buhay ng kanyang kapatid. Ngunit malinaw ang kondisyon ng kontrata, hindi siya dapat mahulog kay Dominic. Para kay Dominic, ang relasyon nila ay dapat manatiling lihim at walang kasamang emosyon. Para kay Amara, ito ay sakripisyo, isang kasinungalingang kailangan niyang itago sa lahat, lalo na’t ang tunay niyang pagkatao ay hindi niya maaaring ipaalam. Subalit habang lumilipas ang mga gabi, nagsisimulang mabali ang mga patakaran. Nagiging possessive si Dominic, ayaw siyang pakawalan kahit pa malinaw ang kasunduan.

もっと見る

第1話

Chapter 1

Malakas ang tibok ng puso ni Amara habang nakaupo siya sa loob ng isang malawak na opisina sa pinakamataas na floor ng Severino Corporation. Ang sahig ay gawa sa makintab na marmol, ang dingding ay puro salamin na tanaw ang kabuuan ng lungsod. Sa bawat gilid ay may art piece na hindi niya kayang bilhin kahit buong buhay siyang mag-ipon. Lahat ng ito’y sumisigaw ng yaman at kapangyarihan.

Ngunit higit na nangingibabaw sa lahat ay ang presensya ng lalaking kaharap niya, si Dominic Severino, ang malamig at makapangyarihang CEO.

Mataas ang panga nito, matalim ang tingin at bawat kumpas ng kanyang kamay ay parang may bigat na kayang magdikta ng kapalaran ng sinumang haharap sa kanya. Marami ang nagsasabing wala itong puso, na ang tanging alam niya ay pera, negosyo at kapangyarihan. At ngayong kaharap niya ito, ramdam ni Amara ang katotohanan ng lahat ng bulung-bulungan.

“Alam mo na ang mga kondisyon, Miss Alcaraz.” Malamig ang boses ni Dominic habang pinipihit ang makapal na folder sa mesa upang mailapit sa kanya. “Isang taon. Sa panahong iyon, ikaw ang magiging exclusive mistress ko. Walang ibang lalapit sa’yo. Walang ibang makakahawak sa’yo. At higit sa lahat—”

Huminto ito, tumitig sa kanya na para bang binabalatan siya hanggang sa pinakaubod ng kanyang kaluluwa. “Hindi ka dapat mahulog sa akin. Kapag nangyari iyon, mawawalan ng bisa ang kontrata na pinirmahan mo. At mawawala rin ang lahat ng makukuha mo mula rito.”

Parang may mabigat na bagyong dumaan sa dibdib ni Amara. Ang bawat salita ay parang chain na pumupulupot sa kanya. Ngunit kailangan niyang kayanin. Kailangan niyang lunukin ang lahat ng sakit, lahat ng hiya, lahat ng takot dahil hindi siya ang nakataya rito, kundi ang buhay ng kanyang kapatid na si Aaron.

Si Aaron…

Napapikit siya at mabilis na pumatak ang luha bago pa man niya ito mapigilan. Bumalik sa kanyang isip ang image ng kanyang kapatid, nakatali sa kama ng ospital, maputla ang balat, halos hindi makakilos dahil sa sakit na unti-unting kumikitil sa kanyang lakas. Ang mga doktor ay nagsabing may pag-asa pa, pero kailangan ng malaking halaga para sa agarang operasyon ng kapatid niya. 

Halagang kailanman ay hindi niya kayang kitain sa pagtatrabaho sa maliit na kainan na pinapasukan niya.

At ngayon, narito siya. Sa harap ng kontratang nakalatag sa mesa.

“K-kung pipirmahan ko ito…” nanginginig niyang tanong, pilit na iniangat ang kanyang ulo, “Agad n’yo po bang ibibigay ang pera?”

Walang alinlangan si Dominic nang sumagot. “Oo. Sa sandaling makita ko ang pirma mo dyan, ipapadala ko agad sa ospital ang halagang kailangan niya. Hindi ko hahayaang maging matagal ang mga transaction.”

Mariin siyang napalunok. Gusto niyang sumigaw, gusto niyang umiyak, gusto niyang tanungin kung bakit kailangan pa ng ganito kapait na kondisyon ni Dominic sa kanya. Ngunit alam niyang walang saysay ang lahat. Ang mundo nila ay hindi pantay.

Hinawakan niya ang ballpen na inilapag ni Dominic sa mesa. Mabigat ito sa kanyang palad, para bang bawat segundo ay nagpapaalala ng bigat ng desisyon na gagawin niya.

“Handa ka na ba?” malamig na tanong ni Dominic.

Huminga siya nang malalim, pinilit patigasin ang kanyang puso. “Oo,” mahina ngunit buo niyang sagot.

Dahan-dahan niyang isinulat ang kanyang pangalan sa papel. Sa bawat guhit ng pirma, para bang unti-unti siyang tinatanggalan ng kalayaan. Sa huling tuldok ng kanyang pirma, ramdam niyang wala nang atrasan ito.

***

“Simula ngayon, akin ka.”

Nagulat si Amara nang marinig ang mababang boses ni Dominic. Nang tumingin siya, tumayo na ito mula sa kanyang swivel chair at lumapit sa kanya. Malalaki ang hakbang, mabigat ang aura, parang isang hari na dahan-dahang lumalapit sa isang alipin.

Paglapit nito, walang alinlangang hinaplos ang kanyang baba gamit ang malamig na daliri. Bahagya siyang napaigtad, ngunit pinigilan ang sarili. Hindi siya dapat magpakita ng kahinaan. Hindi siya dapat matinag.

Ngunit paano niya pipigilan ang sariling katawan na tumugon sa init na dala ng malamig na haplos ng lalaki?

“Wala kang dapat ipag-alala,” bulong ni Dominic, halos dumikit ang labi nito sa kanyang tenga. “Kung susundin mo ang lahat ng kondisyon, hindi ka masasaktan. Bibigyan kita ng lahat ng luho mo, lahat ng proteksyon na kailangan mo, basta’t tandaan mo, akin ka lang.”

Tumigil ito at muli siyang tinitigan nang diretso sa mata. Matalim, mariin, puno ng pag-angkin.

Para bang sa mismong araw na iyon, hindi na siya si Amara Alcaraz. Siya na ang babaeng nakatali sa pangalan at kagustuhan ni Dominic Severino.

***

Kinagabihan, halos himatayin si Amara sa pag-uwi sa maliit na inuupahang apartment. Sa isang banda, nakahinga siya ng kaunti, dahil alam niyang ligtas na ang operasyon ng kapatid niya. Ngunit sa kabilang banda, ramdam niyang may bahagi ng kanyang sarili na hindi na kailanman maibabalik.

Pagbukas niya ng pinto, sinalubong siya ng mahina at pilit na ngiti ni Aaron. Nakahiga ito, nakakabit ang ilang tubo sa katawan, maputla ngunit nakatingin sa kanya ng may pag-asa.

“Ate…” mahinang tawag nito, “Kumusta ang trabaho mo?”

Napasinghap siya, at mabilis na pinunasan ang kanyang luha. Pilit siyang ngumiti, pilit na itinago ang lahat ng pait. “Maayos naman. May bago akong… boss.”

“Talaga? Buti naman. Sigurado akong kaya mo ‘yan, Ate. Malakas ka, e.” Ngumiti si Aaron, at bahagyang pumikit.

Hinaplos ni Amara ang buhok ng kapatid. Pinilit niyang paniwalaan ang sinabi nito, na malakas siya, na kaya niya. Ngunit sa loob-loob niya, alam niyang mahihirapan siyang buuin ang sarili.

Sa bawat alaala ng matalim na titig ni Dominic, sa bawat salitang binitiwan nitong puno ng pag-angkin, ramdam niyang may paparating na unos na hindi niya alam kung paano sasalubungin.

At doon, habang nakatitig sa mahinang mukha ng kapatid, muling sumagi sa isip niya ang tanong na kinatatakutan niya.

‘Hanggang saan ko kayang tiisin ang kontratang ito bago ako tuluyang masira?’

もっと見る
次へ
ダウンロード

最新チャプター

続きを読む

読者の皆様へ

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

コメントはありません
6 チャプター
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status