Home / Romance / When Love Lost Its Way : The Billionaire's Mistake / KABANATA 1 : His unknown first love

Share

When Love Lost Its Way : The Billionaire's Mistake
When Love Lost Its Way : The Billionaire's Mistake
Author: Moonlighty_Jaaa

KABANATA 1 : His unknown first love

last update Last Updated: 2025-06-13 11:22:48

Sa araw ng libing ng kanilang lolang si Mrs. Sandoval, si Ryah Zovee, bilang unang manugang ng pamilyang Sandoval, ay dapat na pumunta sa harap upang magbigay galang at pakikiramay sa kanyang asawang si Grayson Kai Sandoval.

Gayunpaman, hindi siya pinapansin ni Grayson, tanging malamig at walang emosiyon itong nakatingin. Ang kanyang anak naman na babae ay abala sa paglilibang sa kanyang mga laruan na tila gumaganap ng isang press conference para sa kasal.

Maraming mga bisita ang dumating upang magbigay ng kanilang pakikiramay, magkabilaan pa rin ang dumadaang mga tao. Hindi alintana ang mainit na panahon sa Pilipinas.

Mayroong mga kilalang tao na galing sa politikal, business circle at pati na rin media ang dumalo. Maraming nagkikislapang liwanag upang kumuha ng litrato at matunghayan ang eksena para sa isang yumaong kilalang tao.

Samantala, si Ryah Zovee ay hindi mapigilang malungkot ng subra at hindi mapigilang mailabas ng labis ang hinagpis na nararamdaman. Noong nabubuhay pa si Mrs. Sandoval ay dama niya ang pagmamahal nito. Noong siya ay nagdadalang tao, lagi itong pinagluluto ng mainit na sabaw na makakatulong sa kaniya upang mapangalagaan ang pagbubuntis.

Sa tuwing nagkakasakit si Ryah ay lagi siyang inaalala at kinakamusta nito.

Ang kaniyang anak na si Ruby ay dumaranas ng sakit na autism, sa kabila nito ay minamahal ng matandang si Mrs. Sandoval si Ruby at pinaparamdam ang kasiyahang mabuhay sa mundo. Ngayon ay pumanaw na ito ay labis siyang nakaramdam ng lungkot at halos hindi na mapigilang tumulo ang mga luha.

Nagkataon pang sa oras na ito ay tinataboy siya ng kaniyang biyenan na si Lestia.

Siya ay pinaalis sa posisiyon ng mga kamag-anak. Habang ang iba ay may inis na sinabing, “Just take good care of Ruby, Hindi ka na kailangan pa rito.” Na para bang itinataboy at hindi siya kabilang sa pamilya.

Palihim na napabuntong hininga si Ryah at lumingon sa paligid.

Pagkatapos, nakita ng kaniyang mga mata, si Grayson Kai nang diretsong nakatingin sa harap ng mourning hall, nakasuot ng purong itim na suit at isang itim na cashmere coat, dahilan para makaramdam ng lamig ang mga tao at manatili sila sa malayo.

Walang ekspresyon ang kanyang perpektong mukha, maliban sa kanyang magagandang matang sumisigaw ng hinagpis, na tila ba'y isang malamig ngunit maaraw na panahon na may bahid ng ulan.

Nabago ang lahat ng ito dahil sa pagdating ni Zoe Klein Russo, isang hindi inaasahang bisita. May halong pagtataka ang mukha ni Ryah habang nakatingin dito.

Agad sinamahan ni Grayson si Zoe at ang batang kasama nito upang magbigay ramay sa matandang si Mrs. Sandoval. Ang kaninang mukha ni Grayson na malalalim na matang may halong lamig ngayo'y nahahaluan na ng lambing.

Sa hindi kalayuan naman ay may mga mediang hindi nakakaalam na nagbubulungan, “Iyan ba ang binabanggit nilang si Miss Sandoval? They look good together, kahit ang young master ay hindi nagpapahuli.”

“Ms. Sandoval rarely show her face. May mga rumors sa labas na hindi siya puwede sa publiko. Ngayon ay parang hindi na ako maniniwala sa mga rumors, halata namang gusto niya ring magpakita sa mga tao. Mr. Grayson has a beautiful woman hidden in his golden house. Tingnan mo sa tinginan palang nilang dalawa halatang may malalim silang nararamdaman sa isa't isa.” May halong tuwa na sabi nito.

“Bilisan mo at kumuha ka pa ng ilang pictures. It's a rare picture of them together. Siguradong pag-uusapan ito ng marami.” Pagaapura pa ng isa at nagtuloy tuloy sa pagkuha ng mga litrato.

Hind nagtagal, ang isang guest ay lumapit sa kanila para paalalahanan ang mga ito sa kung ano ang kaniyang nalalaman. "That's not Ms. Sandoval, tingnan niyo ang nasa pintuan." Makahulugan nitong sabi. Saglit silang nagtinginan. Naroon si Ryah Zovee. Ibinalik nila ang nagtatanong nang mga mata sa isang guest na inayos ang neck tie.

“Ha? Bakit hindi siya tumatabi kay Mr. Sandoval at nakatayo lang siya riyan. Kung gano'n sino ang babaeng kararating lang?”

Tumikhim ito saglit bago magsalita. “Siya raw ang first love ni Mr. Sandoval, She's Zoe Klein. She went abroad a few years ago and has a high status. Ngayon ay umuwi siya rito sa Pilipinas para buksan ang sarili niyang kumpanya.” Gulat man ay tumango na lamang ang mga media.

“I heard that it was Ryah or I should say Miss Sandoval who relied on old Mrs. Sandoval's love at pinilit niyang pakasalan si Mr. Sandoval, dahilan para masira ang relasiyon nila ni Ms. Zoe.” Umiling iling pa ito pagkatapos.

“A mistress is in power? No wonder, hindi siya katanggap tanggap at pinalayas. Ngayon alam ko na ang dahilan.” Singit ng isang bisita.

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay nagsimula na silang tumingin kay Ryah na may halong panghuhusga at malalagkit na tingin, tila dismayado sa narinig.

Narinig ni Ryah ang kanilang usapan at hindi napigilang mahiya. Napayuko na lamang siya at kunwaring walang narinig. Sa kaniyang loob ay ayaw niya ring magdahilan sa isang katutuhanan. Sa katunayan, ay ang matandang si Mrs. Sandoval talaga ang nagpadali at nag-isip ng kasal nila ni Grayson.

Ilang taon na rin ang nakalilipas, si Grayson Kai Sandoval ay nakaranas ng isang car accident na dahilan para siya ay manlumo at magdusa dahil sa disable legs.

Ang matandang si Mrs. Sandoval ay hinire si Ryah upang alagaan ang pinakamamahal niyang apo na si Grayson. Ginawa ni Ryah ang lahat upang tuluyang gumaling si Grayson at binigyan niya ito ng lakas ng loob, dahilan din ito para mas lalong nahulog ang loob niya kay Grayson.

Nang gabing gumaling si Grayson ay nagdaos ang pamilyang Sandoval dahil sa tuwa. Si Grayson ay lasing noong panahong iyon habang hawak si Ryah at sumisigaw ng, “Zovee, Zovee!” Dahil sa nakaramdam ng kakaibang tuwa si Ryah ay buong buo niyang ibinigay ang katawan at kaluluwa para kay Grayson.

Nang maglaon ay nagkaroon ng pagkakataon na siya ay magdalang tao at ikasal kay Grayson na siyang kahilingan ng matandang si Mrs. Sandoval.

Ngayon, si Ruby ay nasa tatlong taong gulang na, at ito rin ang unang pagkakataon na marinig niya na may first love si Grayson, wala siyang ideya na nagkaroon ng first love si Grayson. Saglit na napatitig si Ryah habang napapaisip.

“Zoe Klein?” tanong niya sa sarili.

Biglang nakaramdam ng pagtataka at pag-alinlangan si Ryah. Bahagya siyang napakagat sa kaniyang labi habang iniisip ang nakaraan.

“Noong lasing siya. Zovee ba talaga ang binanggit niya o Zoe?” Mahinang bulong sa sarili at dahilan para siya ay bumuntong hininga.

Sa kabilang banda, napataas ng kilay si Grayson, sa wakas ay napansin din si Ryah. Nakita niya si Ryah na nakatayo sa tabi ng pinto na may mukhang nag-aalala at may malalalim na iniisip. Agad siyang naglakad palapit dito.

“What are you doing?” Bahagyang nagulat si Ryah, sumalubong sa kaniya ang seryusong si Grayson. Hindi ito isang tanong, isa itong pagsuway at pagbabanta ang tuno.

“A lot of media are here today. Take good care of Ruby. I don't want anything to go wrong at grandma's funeral.” May halong diin at pagbabanta ang sabi niya. Tila walang pakialam sa mga narinig at walang balak kampihan si Ryah.

Maging ang kaniyang mata na kanina lang ay may bahid na ng pagka-amo ay ngayo'y muling nanlamig at walang emosiyon.

Walang ibang nagawa si Ryah kung hindi ang tumango na lamang at ayusin ang sarili. Pilit iniintindi ang nangyayari at isinasawalang bahala ang mga narinig.

Nakaramdam ng kakaibang lamig si Ryah habang nakatingin sa kaniya. May mga tanong siyang gustong sabihin ngunit hindi niya alam kung paano. Naging mabuti sa kaniya ang matandang si Mrs. Sandoval at naisip na hindi talaga iyon ang panahon para pag-uusapan ang bagay na bumabagabag sa kaniya.

Ibinaba ni Ryah ang tingin at umiling nalang, dinala na lamang niya si Ruby sa lounge ng kamag-anak sa labas mourning hall.

Sa kabilang banda, napakunot ng kaunti ang noo ni Grayson, tila hindi nasiyahan dahil walang sinabi si Ryah. Pagkatapos ng ilang segundo ay nabalik siya sa kaniyang sarili. Bumalik siya sa dati niyang posisiyon—katabi si Zoe na namumula na ang paligid ng mata dahil sa kakaiyak, nagmistulang kaawa-awa.

Inabot ni Grayson ang kaniyang panyo kay Zoe. Mas lalong naging dahilan upang pag-usapan sila ng mga tao. Ang paraan nang pagsasama nilang dalawa ay talagang hindi tama.

Literal na sa kanilang dalawa lamang nakatingin ang mga tao kaya walang nakapansin sa batang lalaking kasama ni Zoe na tumakbo palabas.

Sa labas, napapabuntong hininga si Ryah, hinawakan niya sa braso si Ruby na patuloy pa ring nakalubog sa kalungkutan.

Nang biglang, bumukas ang pintuan at tinulak ito nang malakas dahilan para makagawa ng ingay. Nanginig si Ruby dahil sa gulat at takot na agad namang pinakalma ni Ryah.

Ang anak ni Zoe na si Keihro ay mayabang na lumapit sa harap ni Ruby. Mula ulo hanggang paa niya ito na tininggan na parang nanghuhusga.

“I know you,” ani niya na may ngisi sa labi. “You are Father Grayson's daughter, right?”

“Balita ko may problema ka sa utak? Totoo ba?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • When Love Lost Its Way : The Billionaire's Mistake   KABANATA 62

    THIRD PERSON'S POINT OF VIEW KUNG ikukumpara ni Captain Vector sa mga sundalong nakakakita sa kaniya, para silang mga dagang nakakita sa pusa.Lihim namang hinangaan siya ni Captain Vector at agad siyang humakbang para makipag kamay at batiin siya.Pagkatapos ng ilang salita, agad siyang bumanggit ng isang salita. “ Doctor Ryah, Mr. Ron always praise you specially about your medical treatment. Ngayon nagpapasalamat ako sa 'yo para sa paggamot.”“Don't worry captain. I'll do my best.” Mataimtim na tugon ni Ryah.Nasiyahan naman si Captain Vector sa kaniyang saloobin at mabilis na pinamunuan ang grupo sa bulwagan ng paggamot.Pagkapasok palang ni Ryah, nakita niya kaagad ang mga miyembro ng special force na nakapila sa maayos na hanay.Lahat sila ay nakatayo ng tuwid ma may mataimtim na tingin, walang ano mang palatandaan ng pinsala o pagkapagod. Deretso pa rin ang tindig na parang walang iniinda. Sa halip, mayroon silang mabangis at nakamamatay na aura.Hindi maiwasang humanga ni Ryah

  • When Love Lost Its Way : The Billionaire's Mistake   KABANATA 61

    THIRD PERSON'S POINT OF VIEW SANDALING NATIGILAN si Ryah dahil sa taong hinahanap ni Ruby. Saka niya napagtanto na may sketchbook na nakatago sa braso ni Ruby. Ang bagong pahina ng papel at pininturahan ng mga kulay, ngunit tila sumuko siya sa kalahati. Kumirot naman ang puso ni Ryah kaya hinalikan niya si Ruby sa noo. “'Wag mo siyang pansinin. Draw what you want Ruby.” Ngunit iginiit naman ni Ruby. “Sabi ng teacher. . . matututo ako. . .” Bahagyang nagulat si Ryah sa pagbanggit niya sa isang guro. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakinig talaga si Ruby at naalala pa ang sinabi ng guro. Nakaharap ang sabik na tingin ni Ruby, walang ibang naging paraan si Ryah para tumanggi. Sa huli, kinuha ni Ryah ang tablet, naghanap siya ng ilang propesiyonal na pangunahing kurso sa pagpipinta at ibinigay ang mga ito kay Ruby para pag-aralan. Tuwang tuwa naman si Ruby, agad na naakit ang kaniyang atensiyon at pinapanood nang buong konsentrasiyon. Nang makita ito ni Ryah, hindi n

  • When Love Lost Its Way : The Billionaire's Mistake   KABANATA 60

    THIRD PERSON'S POINT OF VIEW PAGKATAPOS makapag-usap ni Ryah at Mr. Ron, nakipag-appointment siya kay Ryah.Nangako si Mr. Ron na magpapadala siya ng sasakyan para sunduin siya ano mang oras. Matapos maabot ang kasunduan at masabi lahat ng bagay, hindi na inistorbo ni Ryah si Mr. Ron, hindi niya na tinanong pa ito ng maraming bagay at umalis na upang makapag pahinga pa si Mr. Ron.Pagdating niya sa labas ng ward, hindi maitago ni Ryah ang kaniyang pananabik at tuwa. Kahit hindi man sigurado na makikita niya, natutuwa at umaasa pa rin siya na makikita niya na ang misteryusong psychiatrist na iyon. Kung sakaling makita man niya at maimbitahan, tiyak na gagaling ang kalagayan ni Ruby at magsisimula na rin sila ng panibagong buhay.Tuwang tuwa siya kaya hindi niya maiwasang tumingala. Bahagya siyang nagulat nang makita si Matt. Sumandal si Matt sa dingding ng corridor, nakatingin sa baba at itinukof ang kaniyang mga paa, kaswal na nakatayo. Medyo hindi maganda ang timpla ng mukha niya, n

  • When Love Lost Its Way : The Billionaire's Mistake   KABANATA 59

    THIRD PERSON'S POINT OF VIEW HALOS matawa si Ryah sa nasaksihan, matawa sa katangàhan at kawalang hiyaan ni Grayson.Noong may sakit si Ruby, nagtawag lamang siya ng isang psychologist upang makita siya. Walang halong pag-aapura, sa halip hindi na nagtanong tungkol sa partikular na kondisiyon ni Ruby.Kahit masakit ang ulo o nilakagnat, hindi siya nagmamadalinh bumalik para tignan at alagaan si Ruby. Ngayon, makikita niyang magmamadali siya sa isang emergency na hindi niya naman sariling anak.“Kung wala ka naman palang pagmamalasakit Grayson bakit ayaw mo pang makipag hiwalay?” Mahinang bulong ni Ryah habang pinipigilan ang emosiyon.“Ganito ba ang buhay na gusto mo? O nae-enjoy ka sa kilig ng pagkakaroon ng extramarital affair?” Napapikit nalang ng mariin si Ryah. Sa tuwing iniisip niya ito, hindi siya komportable at naiinis ng subra.. . .Sa oras naman na iyon, nasa kabilang subdivision pa ang bahay ni Zoe at halos sampong minutong biyahe ang mula mula sa bahay ni Grayson. Hawa

  • When Love Lost Its Way : The Billionaire's Mistake   KABANATA 58

    THIRD PERSON'S POINT OF VIEW SAGLIT na natigilan si Ryah at hindi nakaimik. Pagkatapos napakamot naman siya sa kaniyang ulo. “Sa totoo po niyan, hindi pa niya natutunan ito dati. Kabibili lang namin at kakahawak niya ng paint brush. First time niya mag drawing ngayon.”Nanlaki naman ang mata ng guro. “Never learned it? And first time? Really? Then your daughter has great potential and incredible talent.”Halata naman ang tuwa sa mukha ng guro. Nagsimula siyang ituro ang painting at nagbigay ng komento rito.Mula sa banggaan ng mga kulay, sa komposisyon at pagkatapos ay sa unti-unting pagbuo ng balangkas.Pagkatapos niyang ipaliwanag ay napangiti siya. “Ang kailangan para sa isang mahusay na pintor ay isang matalas na pakiramdam sa kulay, isang likas na kakayahang magpinta. Isang mayamang imahinasiyon, natatanging pagkamalikhain at isang makabagong kamalayan na nangunguna sa mga ordinaryong tao.”“Ang panloob na mundo ng iyong anak na babae ay tunay na kaakit-akit. If possible, dapat

  • When Love Lost Its Way : The Billionaire's Mistake   KABANATA 57

    THIRD PERSON'S POINT OF VIEW NAPAPAIRAP si Ryah na naghihintay na makarating sa kanilang pupuntahan. Pagkaraan ng ilang sandali, sa wakas ay nakarating na rin sila sa harap ng botika.Ito ay isang luma nang pabilihan ng gamot, karaniwan ang binebenta rito ay effective at herbal kumpara sa iba. Tinatawag nila itong “Herbs for health”.Matapos huminto ng sasakyan sa isang parking lot, nagsalita si Grayson. “Bumalik ka kaagad pagkatapos mong makabili.”Hindi naman umimik si Ryah habang inaakay si Ruby palabas ng kotse. Pagkatapos niyang mag-ayos, malamig ang kaniyang buses na nagsalita.“Naipadala na sa phone mo ang reseta at lahat ng kailangan mong bilhin. Kunin mo na. May iba pa kaming gagawin kaya aalis muna kami.” Sa katutuhanan, hindi niya na gustong gawin ng personal ang mga bagay para sa isang taong hindi karapat dapat at walang ginawang mabuti sa kaniya. Hindi niya gustong pag-aksayahan ng oras ang taong hindi marunong makiramdam. Naduduwal lamang siya sa tuwing naaalala kung pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status