Share

KABANATA 5 : The medicine

last update Last Updated: 2025-06-13 11:27:31

Pabugang huminga ng malalim si Ryah, kumuha siya ng tasa saka ito nilagyan ng maligamgam na tubig at inaya si Ruby na uminom na ng gamot.

Binuhat niya si Ruby at napagpasiyahang sa kuwarto na ito painumin. Pagkaupo, saglit niyang tinignan ang mga pills na may pagtataka. May nararamdaman siyang mali sa mga gamot na hawak niya.

“This smell. . . why does it smell so much like a sedative,” sabi niya at inamoy ito ng mabuti. “Yes. More like it!”

Nagbago bigla ang ekspresiyon ni Ryah. Kumunot ang kaniyang noo. “Kung ang gamot na 'to ay talagang pampakalma, Then, ito ang dahilan kung bakit laging kalmado ang pakiramdam ni Ruby pagkatapos ng treatment—” napatigil siya saglit at may naisip. “Then it's making people feel that her treatment is very ‘effective’!” Gulantang niya.

Mabilis na nag-uunahang tumibok ang kaniyang puso. Hindi niya malaman kung paano na ang gagawin. Dahil kung totoo man ang nasa isip niya ay nagsisimula na siyang kabahan.

“Hindi pa gano'n kalala ang kalagayan ni Ruby na kailangan ang psychiatric na gamot. This medicine has serious side effects on the body!”

Muling napatanong si Ryah sa sarili kung isa ba talagang mahusay at sikat na psychologist si Ailyn. Ngayon ay hindi na siya naniniwala rito. Nagiging malinaw na sa kaniya ang lahat. Wala nang hinintay pa na pagkakataon si Ryah, naghanap kaagad siya ng bagong psychiatrist.

Mabilis niyang binuksan ang kaniyang laptop at nagsimulang mag search ng mga mapagkakatiwalaang Doctor, ngunit sadyang mahirap ang paghahanap.

Si Ruby ay na diagnose na may autism noong siya ay isang taong gulang pa lamang. Sa nakalipas na dalawang taon, binisita nila ang iba't ibang mga Doctor sa buong bansa at paulit ulit silang inaanyayahan na magpagamot, ngunit kahit ganoon ay kakaunti ang naging resulta at hindi naagapan.

Napasabunot nalang si Ryah sa kaniyang buhok. Matagal siyang naghanap ngunit wala siyang mahanap na mapagkakatiwalaan, ilang oras na rin siyang paikot ikot sa internet ngunit wala siyang nakita.

Sa oras din na 'yon, biglang tumawag ang kaniyang kaibigang si Kezia. Siya ay nagpunta sa ibang bansa para sa isang business trip, ilang araw ang nakalipas ay nabalitaan niya ang pagpanaw ni Mrs. Sandoval. Kaya tumawag siya upang aliwin ito.

“Sis, kamusta? Huwag kang masiyadong malungkot riyan, ha? Ayaw ni Lola Sandoval ang nalulungkot ka at alam mo 'yan.” Napatigil si Ryah.

Sa katunayan ay hindi niya maiwasang malungkot lalo na't pinalayas siya sa libing, hindi niya nakita ang matanda hanggang sa huling pagkakataon.

Umiling iling nalang siya at sumagot mula sa telepono. “O-Oo naman.”

“Sure? Magpakatatag ka. 'Wag kang umiyak dahil wala namang mangyayari kahit isang drum pa 'yan. Kahit wala na siya, kasama mo pa rin ako—si Baby Ruby.” Natigilan saglit si Kezia at may pag-aalalang nagsalita. “By the way, kamusta si baby Ruby? Gumaan na ba ang pakiramdam niya?” Umiling si Ryah kahit hindi naman ito nakikita sa tawag.

“Hindi, nagkataon nga na tinawagan mo ako, 'di ba marami kang kakilala? 'Yong connection sa ibang tao. May kilala ka bang magaling na psychologist? Nag-aalala na ako sa kalagayan ni Ruby.” Sinulyapan niya pa ang anak na abala sa ginagawa.

Napaisip si Kezia kung sino ba ang kilala niyang tao. Pagkatapos ng ilang segundo ay sumagot din ito. “Mayro'n nga akong alam.” Napaigtad si Ryah. “Talaga? Puwede kong malaman kung sino?”

“Oo naman. 'Yon nga lang, nabalitaan ko na maraming bansa ang nag-uunahahan sa kaniya, para makuha siya, kahit domestic military ginagawa ang lahat para mahuli.”

“Napaka mysterious niya and his whereabouts are unknown, I mean, powerful? I don't know how to contact him at the moment.” Napatuktok nalang si Ryah ng daliri sa mesa.

“But, let's give it a try, Ryah, para kay Ruby. Ruby will be able to recover. Mahanap lang natin ang taong 'yon.”

Hindi maipagkakailang nagkaroon ng pag-asa si Ryah dahil sa sinabi ng kaibigan, ngunit unti-unting nawala.

Iniisip niya na kung totoo man ang sinabi ng kaibigan, paano siya makikipag ugnayan dito kung sila'y makapangyarihan?

Tila naramdaman ni Kezia ang pagtahimik sa kabilang linya kaya muli itong nagsalita. “Don't worry Ryah. Tutulungan kitang maghanap tungkol sa kaniya, hihingi rin ako ng tulong sa ibang tao para sa 'yo. Kung may balita, sasabihin ko rin sa 'yo kaagad, Okay?” Napangiti naman si Ryah.

“O-Okay, salamat.”

Sa puntong ito, ang tanging magagawa ni Ryah ay maghintay at humiling ng isang himala.

Ang ineresetang gamot ni Ailyn ay hindi puwedeng inumin, hindi niya na rin binalak pang ipainum kay Ruby. Maaaring maapektuhan ang katawan ni Ruby lalo na't napakabata pa nito. Sa ngayon ay igugulgol niya na lamang ang maraming oras para kay Ruby.

KINAUMAGAHAN, pagkatapos ng almusal, sinamahan niya si Ruby na gumawa ng reaction training sa playground.

Sa oras na iyon, may nag popped up na balita sa kaniyang phone. Isasawalang bahala niya na sana ito ngunit nabasa niya ang pangalang Grayson Kai Sandoval at Zoe Klein Russo.

Kumunot ang noo ni Ryah at kinuha ito para tingnan. A bold headline came into view: [Sandoval's Group and Russo's Group form a strategic partnership.]

Natigilan si Ryah sa nakita. “Kung tama ang pagkakaalala ko, ang head ng family Russo ay si Zoe na kababalik lang galing sa ibang bansa. Right?” Bulong niya sa sarili.

Isang hindi inaasahang balita na hindi niya alam ang tungkol doon. Habang pinapanood ang balita, magkasamang nakatayo sina Grayson at Zoe at nakatutok sa kanila ang camera. Nakaramdaman ng pamilyar na pangyayari si Ryah. Ganitong ganito rin ang sitwasiyon noong araw ng libing. Magkasama at sa kanila nakatutok ang media.

Pinindot niya ang comment section para tingnan kung ano ang sinasabi ng mga tao. Napangiti siya ng mapait dahil sa nakitang mga komento na pinupuri sila.

'Ito nanaman ang couple na Grayson at Zoe! They are such a perfect match!'

'This is a true marriage of the rich and powerful, a golden boy and a beautiful girl, a powerful alliance.'

'Hindi mo talaga maipagkakailang itinadhana sila para sa isa't isa.'

'Give me more of this kind of candy. Gusto ko talagang makakita ng couple na pinapakita ang affection nila sa isa't isa.'

'A perfect couple, indeed.'

Napahigpit ang hawak ni Ryah sa kaniyang cellphone, feeling ironic. Ang nangyari ay hindi siya nakilala ng mga tao, naging ang kinikilalang couple ay ang dalawa. Hindi niya tuloy mapigilang sumama ang loob na ano mang oras ay maiiyak siya sa sakit.

Si Grayson ay kinilala niya bilang isang 'low-key', bihira ang magpakita sa publiko at halos ayaw pa.

Now, he is parading around town with his 'first love'. Maayos niyang inaasikaso at pinapatakbo ang kumpanya sa loob ng maraming taon, sa huli iilan lang ang nakakaalam sa mga senior executive na si Grayson at Ryah ang totoong couple.

Hindi sinasabi ni Grayson sa iba't ibang tao ang tungkol kay Ryah, hindi niya rin hinahayaang malaman ito.

Ryah closed the news page and found that her heart was still aching. Napapikit siya ng mariin at dinama kung ano ba talaga ang nararamdaman niya. May halong sakit ngunit namamanhid. Nakakaramdam ng pagod sa puso.

Pinigilan niyang maluha at inisip kung dapat ba siyang umiyak sa bagay na pareho ang dahilan.

Ngayo'y nakakaramdam siya ng kawalan ng pag-asa. Siguro'y nasasanay na siya sa ganitong uri ng pait.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • When Love Lost Its Way : The Billionaire's Mistake   KABANATA 16

    Ryah Zovee POINT OF VIEWSANDALI kaming natahimik na tila pinapakiramdaman ang bawat isa. Maya maya pa, inilagay mo Kezia ang mangkok na hawak niya sa tabi ng maliit na mesa saka ako tinanong. “How do you feel? Are you still cold? May nararamdaman ka pa bang hindi ka kumportable?” Sunod sunod na tanong niya sa akin habang sinisipat ako.Umiling ako sa kaniya. “I feel much better now, thank you, Kezia.” Tinignan niya ako ng napapataas ng kilay.“Why are you so polite to me? I just want to know if you are feeling better now.” Hindi ako nakaimik sa sinabi niya kaya't napakamot nalang ako sa batok ko.Naramdaman ko ang pagbuntong hininga niya. “What if stay with me tonight? Gabing gabi na. And! Don't think about anything, puwede ka namang umuwi nalang bukas.”Napakamot nalang ako ulit. Gusto ko sana kaso si Ruby, siguradong hahanapin ako no'n pagkagising niya. “Gusto ko sana, kaso si Ruby nasa bahay. Takot siya sa mga kulog at kidlat lumalakas pa naman ang ulan.” Pagpapaliwanag ko sa kani

  • When Love Lost Its Way : The Billionaire's Mistake   KABANATA 15

    Ryah Zovee POINT OF VIEWHindi ko na napigilang mapaupo habang napayakap sa sarili dahil sa halo halong ginaw at sakit ng nararamdaman. Ramdam ko ang pamumula ng mata ko. Nanginginig akong kinapa ang cellphone ko at pinilit humarap sa screen. Lumalabo na ang paningin ko ngunit pinipilit ko nalang ang sarili na maghanap ng puwedeng ma-contact.Sa huli, ang tanging puwede kong ma-contact ay si Kezia. Mabilis ko itong tinawagan at napapikit na nanginginig habang hinihintay na sagutin niya.Nang sagutin niya mabilis akong nagsalita. “Ke-Kezia. Puwede bang s-sunduin mo ako?” Nanginginig na sabi ko habang pilit kong nilalakasan ang buses ko. Napapikit pa ako ng mariin dahil sa malakas na hangin na tumama sa katawan ko.Narinig ko ang pagkasinghap sa kabilang linya na tila nagulat. “Ryah? What's going on? Tell me, where are you? Pupunta ako kaagad diyan.” Tarantang sabi ni Kezia sa kabilang linya. Sinabi ko kaagad ang address ko. Rinig ko sa kabilang linya ang pagtakbo niya. “Oo! Papunta na

  • When Love Lost Its Way : The Billionaire's Mistake   KABANATA 14

    Ryah Zovee Sandoval POINT OF VIEWHINDI ako nakagalaw sa kinatatayuan habang tinitignan ang magkayakap na si Grayson at Zoe. Hindi man ako ganoon kalapit sa kanila ngunit dama ko na iba na ang relasiyon na mayro'n sila.Gusto kong umiyak, gusto kong sumigaw, gusto kong magalit at ipagsigawan kay Grayson na mali na ang nakikita ko. Na mali na ang lahat, pero paano? Paano ko gagawin 'yon kung walang maniniwala sa akin.Ang kaninang pakiramdam ko na masama ay lalo lamang lumala dahil sa kanila. Hindi man lang ako nayakap ni Grayson ng ganiyan at halikan ang noo ko sa tuwing kailangan ko. Napakuyom ako ng kamao habang pinipigilan kong maglabas ng emosiyon. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako minahal ni Grayson, tanggap ko na 'yon, pero, ang makita ko siyang ganito sa harap ko ay hindi na tama. Mag-asawa pa rin kami. Alam nilang nandito ako, but they still act like that? Worst sa harap pa ng maraming tao? So, ano ako rito? I look like a mistress na pinagpipilitan ang sarili sa isang t

  • When Love Lost Its Way : The Billionaire's Mistake   KABANATA 13

    Sandaling natulala si Ryah. Nanlamig ang mga kamay at paa niya sa hindi inaasahang dalawang tao na nasa harapan niya. Bago pa man siya mabalik sa kaniyang wisyo, si Zoe na nakatayo malapit sa pintuan ay nakikipagkamustahan na sa lahat, may halong mapang-angkit at tila isang anghel kung ngumiti. “Is everyone already here? You shouldn't waited too long, right? We did some matters kasi before going here.” Lumingon siya sa paligid hanggang sa napatigil ang kaniyang tingin kay Ryah. Kunware pa itong nagulat saka ngumiti. “Ryah, nandito ka pala. I thought hindi ka pupunta sa welcome party ko. It's great, you came.” Si Grayson na nasa tabi niya ay tinapunan lamang ng lingon si Ryah, wala pa ring ekspresiyon at tila wala silang malalim na relasiyon sa isa't isa. Bahagyang nagulat si Ryah at nalito dahil sa sinabi nito. Hindi niya pinahalata ang pagkasimangot at hindi niya gusto ang nangyayari. 'Welcome party ni Zoe? 'Di ba napag-usapan naming farewell party ito? Dinner with friends? Ba

  • When Love Lost Its Way : The Billionaire's Mistake   KABANATA 12

    PINAHID ni Ryah ang kaniyang nagbabadyang mga luha at mabilis na tumayo upang ayusin ang sarili. Nanghihinayang pa rin siya sa mga bagay na pinaglaanan niya ng oras sa trabaho ngunit sa huli ay mapupunta rin pala sa iba. Nagbukas muli ang elevator dahil sa may sasabay sa pagbaba. Napatikhim ng mahina si Ryah, isang kumpunan ng mga workers ang pumasok. Tinignan nila si Ryah na puno ng pag-aalala at hindi pagpayag na umalis siya at manatili sa kumpanya. “Ma'am, aalis ka na ba talaga?” Bahagyang nagulat si Ryah sa tanong nito. “'Wag ka nang umalis Ma'am. Hindi kami pagpayag na aalis ka.” Napakurap si Ryah dahil akala niya'y aawayin siya ng mga ito. “Ayaw ko sa bagong director na si Zoe, ang yabang ng dating, parang high na siya kaagad eh kararating palang. Hindi ko siya gusto.” “Babaan mo buses mo.” Pagsita ng isa sa pumasok. “Anak siya ng Pamilyang Russo 'di ba? Isa rin sa successful na pamilya. Balita ko first love siya ni Mr. Grayson. Pero feeling ko may malalim pa Silang r

  • When Love Lost Its Way : The Billionaire's Mistake   KABANATA 11

    Makalipas ang ilang oras na biyahe ay nakarating na sila sa kompanya. Panay ang buntong hininga ni Ryah habang nakasunod kay Grayson na hindi siya hinayaang makaalis. Nang bitawan siya ni Grayson, napatingin pa siya sa kaniyang braso na namumula na dahil sa pagkakakapit ni Grayson. May kaunting sakit na naramdaman si Ryah ngunit pinili niya na lamang na indain ito.Sa buong biyahe nila, kahit pilitin man ni Ryah ang umalis ay hindi niya nakaya dahil sa lakas ni Grayson. Mahigpit siyang hinawakan na parang wala lang kay Grayson kung masasaktan ito. Naramdaman ni Ryah na parang trinato siya na parang isang robot.Napabuntong hininga nalang muli si Ryah. Hinarap siya ni Grayson bago pumasok ng tuluyan sa loob ng kumpanya. Seryuso ito at malamig ang mga matang tinignan siya. “This time, I will personally supervise you and complete the work. I will sure you wouldn't do anything wrong again.” Tila may pagbabanta itong nagsalita.Napairap nalang si Ryah ng tumalikod ito. Wala rin namang maga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status