"Feeling ko mas maganda ang isang ito, Arianne."
"Ang maganda pa ay pareho na lang natin na bilhin ito. Tutal alam mo na ang gender ng twins kaya mas mabuting dalawa na ang bilhin mo."
"Sige na nga."
Natatawang inilagay namin sa cart ang terno na blue at pink na baby dress. Kanina pa kami nagtatalong magkaibigan sa mga pinagpipilian naming damit ng kambal. At sa huli ay binibili ko rin ang mga pareho naming napili.
Limang buwan na ang kambal namin ni Jaxon sa sinapupunan ko. Limang buwan na rin ang lumipas pagkatapos niya akong iwang buntis. Hindi na niya nalaman pa ang tungkol sa anak namin dahil nga sa natanggap kong divorce paper na galing sa kanya at nakikipaghiwalay na. Ang mas masakit pa doon ay nabuntis niya ang babaeng kasama niya sa Hongkong. Nalaman ko rin iyon nang makita ang larawan ng ultrasound ng babae na isinend sa email ko kaya kahit ayokong tanggapin ay ako na ang kusang sumang-ayo
"Hindi ka na ba papasok sa loob?" tanong ko kay Sebastian pagkababa ko sa kotse. Nasa harap na kami ng apartment na tinutuluyan ko. Wala namang isang oras ang biyahe mula sa mall hanggang dito. Kung minsan nga ay nilalakad ko pa iyon bilang exercise na rin. Si Arianne ang isa-isang nagpasok ng mga pinamili namin. Hindi naman hassle dahil nasa first floor lang ang kwarto ko. Unang kwarto pagpasok sa loob, katabi ng pwesto ng landord namin."No. I need to check the site. I'll drop off here before dinner. Dito rin naman mag-istay si Arianne at Hawk mamaya hindi ba?""Yeah. Plano nilang guluhin ang kusina ko," biro ko na ikinatawa niya."I see. See you later. Take care, okay?"Tumango ako bago nagpaalam na kay Sebastian. Pagkaalis niya ay pumasok na rin ako sa loob. Nadatnan ko si Arianne na inilalagay ang mga gamit at goods sa cabinet at sa hindi kalakihang refrigerator ko.Nang umalis ako sa
Mabilis na lumipas ang mga buwan. At anumang oras ay maari na akong manganak. Siyam na buwan na ang kambal sa sinapunan ko at excited na ako sa paglabas nila. Kinakabahan ako iyon ang totoo. Kaba dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa oras na makita sila. Excited naman dahil gusto ko na silang makita at mayakap.Kasalukuyang abala sina Arianne para sa nalalapit na paglabas ng kambal. Halos wala na akong gawin dahil kinuha na nila sa akin ang preparation. Noong isang araw pa sila aligaga sa paghahanda sa apartment ko. Plano pa nga ni Sebastian noong una na pansamantala muna akong mag-stay sa dati niyang bahay na caretaker na lang daw ang nakatira doon ngunit tumanggi ako. Bukod sa nakakahiya na sa kanya ay plano ko na rin namang bumili ng sarili naming bahay na mag-iina."How are you feeling?" Tumingin ako kay Sebastian na umupo sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. Mahigpit akong kumapit sa kamay niya at naramdaman ko na marahan niya
After 3 years..."Kids, huwag kayong tatakbo sa malayo. Okay ba?"Naglatag ako ng mat sa tabi ng puno ng Narra at nilapag doon ang dalang picnic basket. Magkatulong naming inayos ng mga batang kasama ko ang basket."Yes, Mommy.""Ano nga ulit ang sabi ko everytime na nasa public places tayo?" tanong ko sa kanila. Lumapit sila sa akin sabay yakap sa leeg ko."Hmm.. Don't talk to strangers," sagot sa akin ng batang lalaki. Hinalikan ko ito sa noo ganoon din ang batang babae saka pinaupo ang dalawa sa magkabilang hita ko."Because?""Because they're bad?""Hindi naman sa ganoon anak, pero kailangan lang nating maging careful when it comes to strangers. Remember what Mommy told you, right?""Yes po Mommy. I understand," sagot sa akin ng anak kong si Malik. Ang unang lumabas nang manganak ako."How about you Margaux?""I un
Hindi ko magawang makapagsalita nang manatiling nakatutok ang atensiyon ni Jaxon sa dalawang bata. Tila hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Hindi ko rin alam kung anong tumatakbo ngayon sa isip niya pagkatapos matitigan ang mga bata.Huwag naman sana niyang maisip na anak niya sina Malik kahit pa kitang-kita na ang pagkakahawig nilang mag-ama."I didn't know that you already have kids. It's been three years since we last saw each other," seryosong wika niya habang nasa mga bata pa rin ang atensiyon. Pasimple kong inilagay sa likuran ko ang mga anak ko upang hindi na sila makatitigan ni Jaxon. Yumakap naman sa binti ko ang dalawa habang sinisilip ni Margaux ang tatay niya."Y-yeah. It's been three years. Siya ang napangasawa mo, hindi ba?" tanong ko sa kanya at tumingin kay Margareth na ngayon ay matamang nakatingin sa akin. Kilala ba niya ako? Alam niya kayang ex-husband ko si Jaxon?Mayamaya pa ay naglaro na siya
Kinabukasan ay parang normal lang ang lahat. Hindi ko masyadong inisip ang pagkikita namin ni Jaxon at ng mga bata nang nagdaang gabi. Pero masyado yatang mapagbiro ang tadhana o baka talaga ako ang napagtitripan nito ngayon."Good morning Miss Lhaurize." Nakangiting bati sa akin ng guard sa entrance ng company pagdating ko."Good morning din ho," ganting bati ko rito. Pagdating sa elevator ay ilang minuto pa akong naghintay bago bumukas iyon. Nag-ring pa ang cellphone ko ngunit hindi ko na pinagkaabalahang sagutin lalo na nang makita kong katrabaho ko lang ang tumatawag. Hindi naman ako late kaya alam kong wala akong dapat ipag-alala. Malapit na rin naman ako sa floor namin.Mabilis akong lumabas ng huminto sa 12th floor ang elevator at dumiretso sa opisina namin. May ilang bumabati sa akin na ginagantihan ko rin ng ngiti."Lhaurize, ipinapatawag ka ni Boss sa opisina niya."Pagdating ko pa lamang sa station ko ay bum
Napailing ako at napatayo ng dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na matapos niyang makipaghiwalay sa akin three years ago ay nasasabi niya ang mga ganitong bagay ngayon."So, gano'n? Ganoon na lang pala kadali sa iyong bumalik pagkatapos ng mga ginawa mo sa akin?" May bahid na inis na saad ko bago siya tinalikuran at naglakad palabas ng cafeteria. Pinigilan ko ang lintik kong luha na pagkatapos ng halos tatlong ay muli na namang tutulo sa mga mata ko.No Lhaurize. Huwag ka nang umiyak pa. Tama na ang tatlong taon.Kakaiba rin pala. Alam kong may ibang binabalak si Jaxon kaya diretsahan niyang sinabi ang bagay na iyon. Hindi ako tanga para hindi maramdaman ang gusto niyang mangyari. Babalik siya bakit? Dahil alam na niyang anak niya ang kambal?"Lhaurize wait!"Nakita kong sumunod sa akin palabas si Jaxon. Binilisan ko pa lalo ang paglalakad upang makalayo sa kanya."Sandali Lhaurize!" Habol niya nang malapit
Habang nasa biyahe ay pasimple akong nililingon ni Sebastian. Natawa na lamang ako sa kanya."Alam kong may gusto kang itanong, Seb."Panay ang sulyap ko sa mga anak ko habang bumibiyahe kami. Nasa likod sila nakaupo. Si Malik ay abala sa binabasang libro habang si Margaux ay nakasandal sa bintana at nakapangalumbaba."Me? Oh. No. Wala akong itatanong sa iyo Lhaurize. Pero hihintayin kitang magkwento.""Sigurado ka?" Pareho kaming natawa dahil doon. Nagkibit-balikat si Sebastian. The same Sebastian Parker I know. Hindi siya mausisa at hinahayaan akong magkwento kung kailan ko gusto at kapag handa ako."I'm always sure. You know me.""Seb, salamat ha?" Nang tumigil ang sasakyan dahil sa green na stoplight ay nilingon ako ni Sebastian at hinawakan ang kamay ko na madalas niyang ginagawa noon para pakalmahin ang buong sistema ko."You are always welcome Lhaurize. Magiging ayos rin ang lahat, huwag kang
Flashback"Dad! Pinatawag niyo raw po ako?"Inilapag ko ang bag na dala ko saka lumapit at yumakap kay Dad. He's sitting on the couch while reading newspaper. Kagagaling ko lang sa university at sakto lang ang oras nang tumawag si Dad. Wala na akong klase ng hapong iyon kaya umuwi na agad ako at hindi na sumama pa sa mga blockmates ko. It was a very tiring day, I admit that's why I choose to went home rather than staying outside and have fun. "Iha, how's your school?" Dad kissed me on my cheeks. "Great. By the way, where's Mom?" tanong ko matapos na hindi makita si Mommy. Hindi ako sanay na hindi sila ang sumasalubong sa akin pagkagaling sa university. "She's in the kitchen.""Kitchen? That's new. I mean, Mom never stayed in the kitchen. Unless we have a visitor and she wants to prepare their foods."