"How's their food? Mukhang mauubos mo na yata ang inorder mo." Tumigil ako sa akmang pagsubo ng marinig ang sinabi ni Sebastian. Nilingon ko siya pagkatapos ay kiming nginitian. Paalis na sana siya kanina nang mabangga ko kaya lang ay hindi inaasahang nagkita sila ni Rusty. Sa huli ay inaya na lamang siya nila Arianne na sumama sa amin. Akala ko nga no'ng una ay hihindian niya ang imbitasyon ngunit mabilis pa sa alas-kwatrong pumayag siya. "Masarap yung pagkain nila," sagot ko pagkatapos ay itinuloy na iyon. Ngumiti ito sa akin pagkatapos ay inabot ang isang plato ng Crab dish. Kinuha ko naman iyon at naglagay sa plato ko at inilapag sa lamesa pagkatapos ay inabot din niya sa akin ang isang hot sauce. "Thank you," pasasalamat ko at tumango naman siya. "Taste good," sagot ni Arianne na katabi ni Rusty sa upuan. "Good to know." "You love seafood dishes?" tanong pa sa akin ni Sebast
Magbasa pa