Tampung pururot... Selos yarn?
Angelo“Magna-nineteen ka na boy, anong gusto mo sa birthday mo?” tanong ni Sid. Nandito kami ngayon sa private resort nila sa Laguna matapos kong umalis sa condo ni kuya Mau para bigyan sila ng time ni Nadia.“Wait, don’t tell me yung kaibigan ng ate mo? Hindi ko kayang ibigay sayo yon ha!” bulalas niyang tatawa tawa. Alam kasi niya kung gaano ako ka-head over heels sa babaeng ‘yon na mas gusto ang gurang kaysa sa batang batang kagaya ko. Sabagay hindi ko rin naman siya masisi dahil kung ako nga ay mas gusto rin siya na walong taon ang tanda sa akin.“Sira ulo! Alam ko naman na hindi ko siya makukuha no!”“So, ano nga?” pagpipilit niya.“Nothing in particular, kasama ko na ulit ang ate ko at masaya na rin siya sa piling ni kuya Salvatore kaya wala na rin akong mahihiling pa. Siguro yung makatapos na lang talaga ako ng pag-aaral para naman hindi ko na kailangang sumandal sa kanila.”“Akala mo naman totoo! Hoy! Alam ko naman ang pagod mo sa part time job mo. Bilib nga ako sayo dahil kah
Salvatore“Papa, will lolo like us?”“Of course, Savinna,” tugon ko. Nasa sasakyan kaming pamilya at papunta sa kulungan para bisitahin si Dad. Kahit na ayaw kong mamulat ang isipan ng kambal sa karahasan ay may utang na loob pa rin ako sa ama ko na siyang dahilan kung bakit ko kasama ang mag-iina ko.Ayaw kong ipagkait sa matanda ang pagkakataong mahalin ng kanyang mga apo lalo kung ito lang ang tanging magagawa ko para mapaligaya siya habang nasa loob.Tumingin ako kay Angel na nakangiting nakatingin sa akin. Tinanong ko siya kung okay lang ba na ipakilala ko ang kambal sa ama ko at agad naman siyang pumayag.Naikwento ko na sa kanya ang mga nangyari maliban sa pag-ako ni Dad ng mga kasalanan ko. Hindi sa ayaw kong sabihin sa kanya, ngunit nangako ako sa ama ko na kami lang ang makakaalam non. Pagdating na lang daw ng panahon tsaka ko ipaalam sa asawa ko. Basta sa ngayon, hayaan ko lang daw muna siya.“What are you doing here, you idiot?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Dad ng mak
SalvatoreNairaos ang kasal namin ni Angel at ako ang naging pinakamasayang lalaki sa mundo.Kita ko rin ang kaligayahan sa mukha ng babaeng pinakamamahal ko at gayon din naman sa kambal.Nakarating si David at ang kanyang kapatid na si Dom at hipag na si Erika pati na ang iba pang mga taong tumulong kay Angel noong panahong nagkahiwalay kami.Umaapaw ang kaligayahan sa puso ko. Pero ngayon, kinakabahan ako dahil mag-uusap sila Sandicho, Angel at Angelo.“Kaya mo ‘yan,” sabi ko sa aking kapatid.Bago ang kasal ko pa siya sinabihan na kausapin ang magkapatid kung gusto niya ngunit tumanggi siya dahil baka daw maging emosyonal siya or magalit si Angel eh maging dahilan pa ng hindi pagkatuloy ng okasyon.Hindi ko naman hahayaang mangyari iyon syempre. Pero dahil mukhang kabado talaga siya ay hindi ko na pinilit.“Pumasok ka na,” sabi ko pa. Nasa tapat na kami ng pintuan ng aking munting opisina sa aming bahay at nandoon na rin sa loob ang magkapatid. Alam ko naman na mapapatawad siya ni A
Angel“Mommy! Mommy!” sigaw ng kambal paglabas ko sa may pool area. Nakalipat na kami at kagaya ng inaasahan ko na ay ang dalawa nga ang naging sobrang saya sa bago naming tahanan.“We really love our new home!!” sabay na naman nilang sabi na ikinangiti ko lang. Kami lang mag-iina ang nasa bahay ngayon dahil umalis si Salvatore. May ilang mga tauhan na kasama kami na galing sa mansyon niya sa Pampanga at higit sa lahat, si Naty na tuwang tuwa ng makita ako. Mga pinagkakatiwalaan niyang mga tao ang nandito kaya panatag naman ako. Isa pa, subok ko na rin naman ang mga iyon dahil nga nakasama ko na rin sila dati pa. May mga quarters sila na located sa likod ng bahay.“Huwag kayong masyadong magbabad ha?” paalala ko sa kanila. Ngunit alam ko naman na kahit anong sabi ko sa kanila ay sila pa rin ang masusunod.Inilapag ko ang meryendang ginawa ni Naty sa lamesa at tsaka ako naupo sa upuan paharap sa kanila. Mabuti na ang panoorin ko silang dalawa para kung ano’t anuman ang mangyari ay masa
AngelSiniguro sa akin ni Salvatore na ayos na ang lahat ng gulo kaya naniwala naman ako. Ang pinaka-importante lang naman sa akin ay ang kaligtasan ng aking mga anak. Ayaw kong mamuhay na may takot na baka bigla na lang may kumuha sa kambal at hindi ko na sila makita pa.“Baby…” tawag ni Salvatore. Pangalawang araw na naming magkasama dito sa condo niya at simula ng dumating kami ay hindi pa talaga kami nakapag-usap. Baka kasi hindi ko siya mapilit sabihin sa akin kung ano na ang mga nangyari kung sakaling magtanong ako ulit.“Galit ka pa ba sa akin?” tanong niya. Huminga ako ng malalim bago ngumiti at sumagot.“Hindi naman ako nagalit sa’yo,” tugon ko. Naupo siya sa tabi ko at tsaka muling nagtanong.“Then why are you not talking to me?”“Baka kasi makulitan ka sa akin at magalit,” pagtatapat ko, dahilan upang mapayuko siya.“Kagaya mo ay hindi ko rin magagawang magalit sa’yo. I’m sorry kung ganon ang naramdaman mo sa pagtanggi kong sagutin ang mga tanong mo. Guilty lang ako kaya—”“
SalvatoreSa condo ko na iniuwi si Angel. Okay naman na ang itsura niya although may bakas pa rin ng pangingitim dahil sa mga sampal na tinamo niya sa demonyong si Narciso.Ang dami niyang tanong tungkol sa lalaki pero pinili kong huwag munang sagutin dahhil pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat ng nangyari sa kanya.Nang magising siya sa hospital ay grabe ang ginhawang naramdaman ko. Ang akala ko ay tuluyan na siyang mawawala sa akin. Alam kong hindi ko kakayanin iyon.“Pwede bang sa kwarto na ako?” tanong ni Angel ng papaupuin ko na siya sa sofa.“Okay,” sagot ko at sinamahan ko na siya sa kwarto ko. “Kung may kailangan ka ay sasbihin mo lang sa akin.”Tumango lang siya at nahiga na. Napapansin kong kibuin dili niya ako. Dahil ba sa ayaw kong sagutin ang mga tanong niya sa akin?Lumabas na ako ng silid pero iniwan kong nakaawang ang pintuan para kung sakaling managinip na naman siya ay malalaman ko.Yes. Nananaginip siya ng masama. Na tila ba yung nangyari sa kanya ang paulit-ulit