Ipinambayad si Angel Anzores ng kanyang tiyahin at tiyuhin sa kanilang pagkakautang matapos nilang itago ang kanyang nakababatang kapatid na si Angelo at pagbantaang ito ang ibebenta kung hindi siya papayag. Kaya walang nagawa ang dalaga kung hindi ang sundin ng mga taong umako sa kanilang magkapatid matapos mamatay sa isang car accident ang kanyang mga magulang. Si Salvatore Ravalli ay 35 years old at kilala sa tawag na “Tore” sa underground at isang malupit na mafia na siyang inutangan ng tiyuhin at tiyahin ni Angel at mahuhulog ang loob sa dalaga. Matatanggap kaya ni Angel ang lalaki na noong una ay nang-alipin sa kanya at tinakot gamit ang buhay ng sariling kapatid? Ano ang gagawin ni Salvatore kapag nalaman ni Angel na sangkot siya sa aksidenteng kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang na naging dahilan upang masadlak silang magkapatid sa buhay na ibinigay sa kanila ng mga taong kumupkop sa kanila? Magagawa kaya ni Salvatore na mailigtas ang babaeng minamahal sa kamay ng mga malupit din niyang kaaway?
Lihat lebih banyakAngel
“Ikaw na babae ka, wala kang silbi!” galit na sigaw sa akin ni Tita Anacleta habang sabusabunot niya ako kaya naman hawak hawak ko rin ang kanyang kamay at nagsusumikap na makakawala sa mahigpit niyang pagkakahawak sa mahaba kong buhok.
“Tita please po, masakit...” ang umiiyak kong sabi habang sige pa rin siya sa pagsabunot niya sa akin.
“Sasama ka sa mga lalaking pupunta dito mamaya o si Angelo ang ibibigay ko sa kanila. Sabagay, lalaki ang kapatid mo, mas mapapakinabangan nila iyon kapag naturuan nilang manggulpi at pumatay ng tao, siguradong lalaking kriminal ang pinakamamahal mong kapatid.”
“Huwag po tita,ang bata bata pa po ni Angelo. Tsaka nangako po ako kila mama at papa na aalagaan ko at papalakihin siya ng wasto.” Hindi pwedeng hindi ako mangatwiran dahil ayaw ko namang bumangon sa hukay ang mga magulang ko o kaya naman ay multuhin ako dahil pinabyaan ko ang aming bunso.
“Hindi pa ba tapos yan? Kanina mo pa kinakausap eh hindi mo pa mapa-oo.” Napatingin kami pareho sa bagong dating kong tiyuhin, ang batugang asawa ng aking tiyahin tapos ay ako at si Angelo ang gustong magtrabaho para sa kanila.
“Nasaan na si Angelo?” tanong naman dito ng aking tiyahin kaya naman nagsalitan ako ng tingin sa kanialng dalawa.
“Anong ibig mong sabihin tita?” gulat kong tanong tsaka nagpumiglas ng husto kahit na ang sakit sa anit para lang makakawala ako sa pagkakasabunot niya na siya namang nangyari. Iyon nga lang, mukhang ilang libong hibla rin ng buhok ko ang naiwan sa kamay niya. “Nasaan ho ang kapatid ko?” tanong ko ulit ngunit sa tiyuhin ko na ako nakatingin ngayon.
Ngumisi pa muna ang batugan kong tiyuhin bago nagsalita. “Alam ko naman kasi na ganito ang mangyayari, kaya ayun, isinoga ko muna sa hindi mo matatagpuan. Pero kung papayag ka na ay syempre, kukuhanin ko siya ulit sa kung saan ko man siya iniwan.”
Napakasarap lamukusin ng pagmumukha ng hayop na matandang ito. Hindi ko alam kung bakit ito napangasawa ng aking tiyahin at kung ano ang nagustuhan niya sa lalaki, ni hindi nga ito gwapo pero patay na patay pa rin si Tita Anacleta sa kanya.
Mabuti na nga lang at hindi sila nagkaanak at baka naging kamukha pa niya. Ang lakas pa naman ng dugo ng pamilya niya dahil nakita ko na ang mga pamangkin niya na lahat ay kamukha ng kanyang mga kapatid na kamukha niya. Kung anong sama ng mga ugali ay higit pa ang sama ng hilatsa ng mga mukha nila.
“Sabihin niyo sa akin kung nasaan ang kapatid ko, tito. Huwag niyo namang idamay ang walang kamuang muang na si Angelo sa mga kawalanghiyaan niyo.”
“Abat–” sabi ng aking tiyahin bago niya ako binigyan ng malutong na sampal nangpapaling sa aking mukha sa kaliwa kaya naman hindi ko na rin napigilan ang mapaluha.
“Ikaw na walang utang na loob kang babae ka, wala kang karapatang pagsalitaan kami ng kahit na anong masasakit na salita dahil kami ang kumupkop sa iyo at sa kapatid mo!” galit na sabi naman ng aking tiyuhin na mabilis na nakalapit sa akin at sinabunutan din ako.
“Aray!” ang sakit sakit nadahil higit na mabigat ang kanyang kamay kumpara sa tiyahin ko. Hinila pa niya ang buhok ko kaya naibaluktot ko ang aking leeg upang maisunod ko ang aking ulo at ng kahit papaano ay mabawasan ang sakit. Ngunit kahit ganon ay ramdam ko pa rin na tila mapupunit ang anit ko sa sobrang lakas ng pagkakahila niya sa buhok ko.
Dalawang kamay na ang inihawak ko sa kamay niyang sumasabunot sa akin ngunit hindi pa rin ako makakawala.
“Wala kang karapatang sumagot sagot sa amin, naiintindihan mo?” Tapos ay pinagsasampal ako ng demonyo kong tiyuhin at manhid na ang pakiramdam ko sa aking mga pisngi na salitang tumanggap ng malapad na palad ng hayop na ito matapos niyang bitawan ang aking buhok.
“Ayan! Kakapalan ng pagmumukha mo! Matapos namin kayong buhaying magkapatid ay ito pa ang isusukli mo sa amin!” segunda naman ng tiyahin ko na natatawa pa.
“Tandaan mo ito, Angel. Kung hindi ka papayag na maibayad sa pinagkakautangan ko ay ikaw ang bahala. Pwede namang ang kapatid mo ang ibayad namin habang patuloy ka pa rin sa pagsisilbi sa amin. Tamang tama, nasa edad ka na, maganda, makinis, siguradong maraming mga parokyano sa bahay aliwan ang mag-aagawan para ma-i-book ka.” Nakangisi ang tiyuhin ko na parang demonyo. Na tila ba sinasabi niya na gusto niyang ganon nga ang mangyari at matikman ako.
“Hala, tama na iyan Romeo at baka dumating na si boss Mauro. Sabi ko sayong huwag mong sasaktan sa mukha eh, paano kung bumaba ang halaga niyan dahil sa mga pasang binigay mo?” Napasalampak ako sa sahig ng tuluyan akong bitawan ng demonyo kong tiyuhin.
“Tanga eh! ALam naman niyang wala siyang magagwa eh kung ano ano pa ang sinasabi. Sa igi igi at inunahan mo na at ipinaalam sa kanya ng mas maaga eh nag inarte pa.”
Sumalampak na sa lumang sofa ang hayop habang ang tiyahin ko naman ay tumabi dito bago binigyan ng masahe na akala mo ay napagod sa paghahanap buhay. Kung nakakamatay lang ang titig ay tumimbuwang na sila pareho.
Pero gaya ng sinabi ng hayop kong tiyuhin ay wala naman talaga akong magagawa. Ngayon ko napag-isip-isip kung bakit pa ako sinabihan ng tiyahin ko gayong wala naman akong choice.
“Ayusin mo yang mukha mo at baka hindi kita matantiya. Doon ka umarte sa pagdadalhan sayo at ng mas makita mo ang hinahanap mo.” Napatingin ako sa aking tiyahin ng marinig ko siyang nagsalita mula sa aking likuran. Nasa aking silid ako at nag-iimpake ng iilang piraso ng damit na mayroon ako.
Heto ako ngayon at nasa sasakyan ng lalaking nagngangalang Mauro na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Sa totoo lang ay natatakot ako sa kung ano ang mangyayari sa akin sa kung saan man ako dadalhin ng lalaking ito. Nasa harapan siya nakaupo katabi ng driver habang mag-isa naman ako sa likuran.
May isa pang sasakyan na nakabuntot sa aming sasakyan na kasamahan din nila. Feeling ko tuloy ay anak ako ng pulitiko o ng kung sino pa mang importanteng tao.
Huminto ang sinasakyan namin sa isang compound na napapalibutan ng mataas na konkretong pader na tila ayaw ipaalam sa mga nasa labas kung ano man ang nangyayari sa loob.
Inilibot ko ang aking paningin at napansin kong nasa tila malaking garahe kami at sa aking bandang kanan ay natatanaw ko ang malaking bahay. Ay mali, mansiyon pala dahil sa sobrang laki. Yung parteng itaas lang ang nakikita ko kaya nasabi kong malaki iyon. Ini-imagine ko na kung ilan kaya ang mga kwartong lilinisin ko kung sakali.
“Huwag kung saan saan tumitingin, halika at sumunod ka.” Napatingin ako ng biglang magsalita si Mauro. Gusto ko pa naman sanang makita pa ang paligid dahil sa sobrang laki ay mukhang masarap mag-ikot-ikot.
Sumunod ako sa lalaki ng magsimula itong lumakad at napansin kong naiwan lang ang driver pati na rin ang mga nasa isa pang sasakyan. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon habang naglalakad papasok sa loob ng tila malaking garahe nga.
“Parang awa mo na, hinding hindi na ako uulit.”Natulala ako ng mapatingin ako sa pinanggalingan ng tinig pagpasok na pagpasok namin sa malaking garahe. Sa bandang dulo ay nakita kong nakaluhod ang isang lalaki habang nagmamakaawa sa lalaking nakatayo sa harapan niya. Sa paligid nila ay may apat na lalaki ring nakatayo at pinapanood ang kanilang ginagawa.
Puro dugo ang mukha pati na rin ang damit ng nakaluhod, halatang halatang sobrang gulpi na ang inabot niya mula sa nakatayo na malaking lalaki at may malaki ring katawan na halatang halata kahit na nakasuot pa ito ng business suit. Habang ang kanang kamao niya ay nababalutan ng puting tela na punong puno na ng dugo na sigurado akong galing sa lalaking nakaluhod.
“No one double crosses me. Did you know why?” tanong ng lalaking nakatayo na may magandang tinig.
“P-please, p-please, may pamilya ako. May asawa at mga anak akong umaasa sa akin.” Pagmamakaawa pa ng nakaluhod.
“Problema na nilang nagkaroon sila ng amang kagaya mo.” Iyon lang at tumingin na ang lalaking nakatayo sa kanyang kanan na tumango naman bago binaril ang nakaluhod.
Napapitlag ako ng biglang umalingawngaw ang tatlong putok ng baril kasabay ang pagbagsak ng lalaking nakaluhod na wala ng buhay.
Nakanganga akong napatingin sa lalaking kanina ay nakatayo sa harapan ng lalaking namatay na ngayon ay nakatingin na sa akin na nakakunot ang noo. Bigla akong napaatras ng mapansin kong palapit na siya sa akin. Papatayin din ba niya ako?
Angelo“Magna-nineteen ka na boy, anong gusto mo sa birthday mo?” tanong ni Sid. Nandito kami ngayon sa private resort nila sa Laguna matapos kong umalis sa condo ni kuya Mau para bigyan sila ng time ni Nadia.“Wait, don’t tell me yung kaibigan ng ate mo? Hindi ko kayang ibigay sayo yon ha!” bulalas niyang tatawa tawa. Alam kasi niya kung gaano ako ka-head over heels sa babaeng ‘yon na mas gusto ang gurang kaysa sa batang batang kagaya ko. Sabagay hindi ko rin naman siya masisi dahil kung ako nga ay mas gusto rin siya na walong taon ang tanda sa akin.“Sira ulo! Alam ko naman na hindi ko siya makukuha no!”“So, ano nga?” pagpipilit niya.“Nothing in particular, kasama ko na ulit ang ate ko at masaya na rin siya sa piling ni kuya Salvatore kaya wala na rin akong mahihiling pa. Siguro yung makatapos na lang talaga ako ng pag-aaral para naman hindi ko na kailangang sumandal sa kanila.”“Akala mo naman totoo! Hoy! Alam ko naman ang pagod mo sa part time job mo. Bilib nga ako sayo dahil kah
Salvatore“Papa, will lolo like us?”“Of course, Savinna,” tugon ko. Nasa sasakyan kaming pamilya at papunta sa kulungan para bisitahin si Dad. Kahit na ayaw kong mamulat ang isipan ng kambal sa karahasan ay may utang na loob pa rin ako sa ama ko na siyang dahilan kung bakit ko kasama ang mag-iina ko.Ayaw kong ipagkait sa matanda ang pagkakataong mahalin ng kanyang mga apo lalo kung ito lang ang tanging magagawa ko para mapaligaya siya habang nasa loob.Tumingin ako kay Angel na nakangiting nakatingin sa akin. Tinanong ko siya kung okay lang ba na ipakilala ko ang kambal sa ama ko at agad naman siyang pumayag.Naikwento ko na sa kanya ang mga nangyari maliban sa pag-ako ni Dad ng mga kasalanan ko. Hindi sa ayaw kong sabihin sa kanya, ngunit nangako ako sa ama ko na kami lang ang makakaalam non. Pagdating na lang daw ng panahon tsaka ko ipaalam sa asawa ko. Basta sa ngayon, hayaan ko lang daw muna siya.“What are you doing here, you idiot?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Dad ng mak
SalvatoreNairaos ang kasal namin ni Angel at ako ang naging pinakamasayang lalaki sa mundo.Kita ko rin ang kaligayahan sa mukha ng babaeng pinakamamahal ko at gayon din naman sa kambal.Nakarating si David at ang kanyang kapatid na si Dom at hipag na si Erika pati na ang iba pang mga taong tumulong kay Angel noong panahong nagkahiwalay kami.Umaapaw ang kaligayahan sa puso ko. Pero ngayon, kinakabahan ako dahil mag-uusap sila Sandicho, Angel at Angelo.“Kaya mo ‘yan,” sabi ko sa aking kapatid.Bago ang kasal ko pa siya sinabihan na kausapin ang magkapatid kung gusto niya ngunit tumanggi siya dahil baka daw maging emosyonal siya or magalit si Angel eh maging dahilan pa ng hindi pagkatuloy ng okasyon.Hindi ko naman hahayaang mangyari iyon syempre. Pero dahil mukhang kabado talaga siya ay hindi ko na pinilit.“Pumasok ka na,” sabi ko pa. Nasa tapat na kami ng pintuan ng aking munting opisina sa aming bahay at nandoon na rin sa loob ang magkapatid. Alam ko naman na mapapatawad siya ni A
Angel“Mommy! Mommy!” sigaw ng kambal paglabas ko sa may pool area. Nakalipat na kami at kagaya ng inaasahan ko na ay ang dalawa nga ang naging sobrang saya sa bago naming tahanan.“We really love our new home!!” sabay na naman nilang sabi na ikinangiti ko lang. Kami lang mag-iina ang nasa bahay ngayon dahil umalis si Salvatore. May ilang mga tauhan na kasama kami na galing sa mansyon niya sa Pampanga at higit sa lahat, si Naty na tuwang tuwa ng makita ako. Mga pinagkakatiwalaan niyang mga tao ang nandito kaya panatag naman ako. Isa pa, subok ko na rin naman ang mga iyon dahil nga nakasama ko na rin sila dati pa. May mga quarters sila na located sa likod ng bahay.“Huwag kayong masyadong magbabad ha?” paalala ko sa kanila. Ngunit alam ko naman na kahit anong sabi ko sa kanila ay sila pa rin ang masusunod.Inilapag ko ang meryendang ginawa ni Naty sa lamesa at tsaka ako naupo sa upuan paharap sa kanila. Mabuti na ang panoorin ko silang dalawa para kung ano’t anuman ang mangyari ay masa
AngelSiniguro sa akin ni Salvatore na ayos na ang lahat ng gulo kaya naniwala naman ako. Ang pinaka-importante lang naman sa akin ay ang kaligtasan ng aking mga anak. Ayaw kong mamuhay na may takot na baka bigla na lang may kumuha sa kambal at hindi ko na sila makita pa.“Baby…” tawag ni Salvatore. Pangalawang araw na naming magkasama dito sa condo niya at simula ng dumating kami ay hindi pa talaga kami nakapag-usap. Baka kasi hindi ko siya mapilit sabihin sa akin kung ano na ang mga nangyari kung sakaling magtanong ako ulit.“Galit ka pa ba sa akin?” tanong niya. Huminga ako ng malalim bago ngumiti at sumagot.“Hindi naman ako nagalit sa’yo,” tugon ko. Naupo siya sa tabi ko at tsaka muling nagtanong.“Then why are you not talking to me?”“Baka kasi makulitan ka sa akin at magalit,” pagtatapat ko, dahilan upang mapayuko siya.“Kagaya mo ay hindi ko rin magagawang magalit sa’yo. I’m sorry kung ganon ang naramdaman mo sa pagtanggi kong sagutin ang mga tanong mo. Guilty lang ako kaya—”“
SalvatoreSa condo ko na iniuwi si Angel. Okay naman na ang itsura niya although may bakas pa rin ng pangingitim dahil sa mga sampal na tinamo niya sa demonyong si Narciso.Ang dami niyang tanong tungkol sa lalaki pero pinili kong huwag munang sagutin dahhil pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat ng nangyari sa kanya.Nang magising siya sa hospital ay grabe ang ginhawang naramdaman ko. Ang akala ko ay tuluyan na siyang mawawala sa akin. Alam kong hindi ko kakayanin iyon.“Pwede bang sa kwarto na ako?” tanong ni Angel ng papaupuin ko na siya sa sofa.“Okay,” sagot ko at sinamahan ko na siya sa kwarto ko. “Kung may kailangan ka ay sasbihin mo lang sa akin.”Tumango lang siya at nahiga na. Napapansin kong kibuin dili niya ako. Dahil ba sa ayaw kong sagutin ang mga tanong niya sa akin?Lumabas na ako ng silid pero iniwan kong nakaawang ang pintuan para kung sakaling managinip na naman siya ay malalaman ko.Yes. Nananaginip siya ng masama. Na tila ba yung nangyari sa kanya ang paulit-ulit
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen