Share

Chapter 12

February’s POV

Saka lang ako natauhan ng mapatingin ulit ako sa kanyang katawan at nakita kong may mga gasgas iyon na mukhang nakuha niya sa pag-akyat sa puno. Nako naman. Baka mamaya ay bigla kaming sugurin ni Donya Emilya dahil nasugatan ang apo niya.

Magsusuot na sana siya ng t-shirt ngunit agad ko ‘yon hinila para tignan ng mabuti ang gasgas.

“Hoy, ang wild, ah,” natatawa niyang biro sa akin.

“Hoy, Febilyn, mahiya ka naman sa Lolo’t Lola mo, maghunos dili ka, Hija.” Humagalpak ng tawa si Isaac. Sinamaan ko silang dalawa ng tingin dahil dito.

“Ang dami mong sugat, Sapphire!” hindi ko mapigilang sambitin sa kanya.

“It’s normal, I think,” sabi niya na nginitian pa ako. Tinignan ko naman siya ng masama. Nakita ko pa ang kamay nitong dumudugo.

“Tiyansing ka lang ata, Febi,” sabi sa akin ni Isaac. Hindi ko na lang pinansin ang pang-aasar nito. Agad kong hinila si Sapphire at pinaupo sa gilid. Nagtungo naman ako sa bahay nina Aling Tessy.

“Aling Tessy...” tawag ko dito.

“Oh, Febi? Tapos na kayo?” nakangiti nitong tanong.

“Pupwede po ba akong manghiram ng alcohol at bulak niyo?” tanong ko sa kanya.

“Bakit? Anong nangyari?” natataranta nitong tanong.

“Galos lang naman ho,” sabi ko at ngumiti na lang ng tipid para panatagin ito. Tumango naman siya at inabutan ako ng first aid kit.

“Thank you po,” sabi ko at ngumiti. Bumalik naman ako kina Isaac at Sapphire, mukhang seryoso ang usapan ng mga ito dahil parehong seryoso ang mukha. Parehas na natahimik nang makitang pabalik na ako. Pinanliitan ko naman sila ng mga mata.

“Ano? Binaback stab niyo ako no?” tanong ko ngunit napailing lang ang mga ito saka tumawa.

“Anong pinag-uusapan niyo?” tanong ko pa ngunit parehas lang silang umiling sa akin.

“Kinukwento ko lang kung gaano ka katanga noong unang beses kang umakyat diyan,” natatawang saad ni Isaac. Binantaan ko naman ito ng tingin.

Mayamaya ay umakyat na ulit siya kaya naiwan kaming dalawa ni Sapphire. Nilagyan ko naman ng alcohol ang sugat nito. Parang wala lang naman ‘yon sa kaniya dahil nakatitig lang siya sa akin. Napakurap tuloy ako bago nag-iwas ng tingin.

“What? Ganda ko ba?” natatawa tanong ko para mawala ang awkwardness na namamagitan sa aming dalawa.

“Kung maganda ka, ano pang ibig sabihin ng ganda?” natatawa niyang tanong kaya walang pag-aalinlangan kong diniinan ang bulak ngunit imbis na masaktan ay natawa lang siya sa akin.

Mayamaya ay dumating na si Aling Tessy na may dala dalang meryenda para sa amin.

“Isaac, kain muna kayo,” sabi ni Aling Tessy sa kabababang si Isaac.

“Salamat po, Aling Tessy,” sabi ni Isaac sa kanya at malapad na ngumiti.

“Sige, kain lang kayo,” sabi naman ng matanda at ngumiti ng malapad.

Natapos ko naman ng gamutin ang sugat ni Sapphire kaya nagitak ako ng buko. Pipigilan pa sana ako nito ngunit si Isaac naman ang nagsalita.

“Nako, Pre, hayaan mo ‘yan, kayang kaya na niya ‘yan,” sabi nito at napakibit ng balikat. Nakatingin lang naman sa akin si Sapphire, nginitian ko lang siya at napagtuloy na sa pagbuklat ng buko.

Kumuha naman ako ng dahon ng buko at gumawa ng straw saka ko ‘yon inabot kay Sapphire.

“Ako rin, Febi!” sabi ni Isaac na lumalamon na sa isang tabi.

Wala naman akong nagawa kung hindi ipagbalat din ito. Inabot ko ‘yon sa kanya.

“Thanks!” nakangiti niyang sambit. Inirapan ko lang siya.

“It taste good,” sabi ni Sapphire at ngumiti. Hindi ko mapigilang mapatulala kapag ngumingiti ito.

“Febi! Nandito ka pala!” Naputol naman ang tingin ko kay Sapphire nang marinig na may tumatawag sa akin.

“’Yan na ang dakilang manliligaw,” natatawang saad ni Isaac. Hindi naman nanliligaw sa akin si Noel.

“Ngayon na lang ulit kita nakita, may pasalubong nga pala ako sa’yo,” sabi niya sa akin at ngumiti ng malapad. Nag-aalinlangan naman akong ngumiti sa kanya.

“Hindi na kailangan, Noel,” sambit ko sa kanya ngunit nginitian niya lang ako ng malapad.

“Pasensiya ka na, napatagal kasi ang bakasiyon namin. Mabuti nga’t minadali ko ang Mama ko na umuwi na,” sabi niya na nakangiti lang sa akin.

“Sana hindi ka na umuwi,” bulong ko sa sarili na narinig ni Sapphire at Isaac. Parehas silang natawang dalawa. Napatikhim tuloy ako dahil doon.

“Namiss mo ba ako, Febi?” nakangiti niya pang tanong sa akin. Nakangiwing ngumiti naman ako sa kaniya.

“Namiss mo ako no?” natatawa niya pang tanong.

“Ayos lang ‘yan, nandito naman na ako ngayon,” sabi niya pa sa akin. Parang gusto ko na lang umalis dito.

“Nga pala, bakit hindi mo sinasagot ang mga text ko sayo?” tanong niya sa akin.

“Wala akong load,” sabi ko na lang.

“Pinaload-an kita pero pinasaload mo naman sa akin,” sabi niya pa.

“Ah, oo. Huwag kang magsayang ng pera para sa akin, Noel,” sabi ko na lang sa kanya.

“Huh? Hayaan mo lang akong magsayang ng pera para sayo, Febi,” nakangiti nitong sambit.

“Pero tinagawan kita ng ilang beses, ha? Bakit hindi mo sinagot?” tanong niya pa at napanguso. Huwag kang ngumuso, Noel, mukha kang bibe. Nakangiwing ngumiti na lang ako sa kaniya.

“Busy ako, Noel. Maraming pinagkakaabalahan sa bukid,” sabi ko na lang sa kaniya. Pero ang totoo? Kahit hindi ako busy ay hindi ko magawang sagutin ang tawag nito saka hindi lang ‘yon isang beses, halos oras-oras ata itong tumatawag. Hindi ko alam kung wala lang siyang magawa sa buhay o ano.

Hindi ko ito magawang tanggihan dahil pinakiusapan ako ng Mama niya. Madali lang kasing masaktan itong si Noel at kung ano-anong pinaggagawa kapag nagalit. Sinasaktan niya ang kaniyang sarili.

“Ganoon ba? Wala ka man lang bang oras para sa akin?” tanong niya pa. Nakangiwing ngumiti naman ako sa kanyang tanong. Humawak pa ito sa kamay ko, pilit ko naman ‘yon na inaalis. Tatayo na sana si Isaac ngunit naunahan na siya ni Sapphire.

“Why don’t you just get lost, Man?Mukhang ayaw naman sa’yong makipag-usap ng tao,” sabi ni Sapphire na siyang nakatingin lang sa amin. Seryoso ang mukha habang nakatingin kay Noel.

Napatingin naman sa kaniya si Noel at mukhang nagalit ito bigla. Napapito lang si Isaac sa isang tabi tila ayaw makisawsaw sa gulo.

“Sino ka naman para paalisin ako? Nakikita mo namang nag-uusap pa kami, ‘di ba?” mayabang na tanong ni Noel kay Sapphire. Napangisi naman si Sapphire ngunit ng tignan si Noel ay biglang nagseryoso ang mukha.

“Nag-uusap? Mukha ngang ikaw lang itong nagsasalita sa inyong dalawa,” sambit ni Sapphire na napapailing pa. Mukha na rin itong naiinis ngayon.

“Mabuti pa nga’t umuwi ka na Noel,”s abi ko at maayos itong pinapaalis baka mamaya ay magwala pa siya, ang magulang niya ang mamomroblema kung sakali.

“Bakit mo ako pinapauwi, February? Huwag mong sabihing kinakampihan mo ‘yang gagong ‘yan?” galit niyang tanong sa akin na tinuro pa si Sapphire. Napatikhim naman ako dahil dito. Mukhang naiinis na rin si Sapphire sa kanya.

“Tol, kalma ka lang,” sabi ni Isaac na tumayo na rin.

“Ano? Kinakampihan mo ‘yan, Febi?” galit na tanong niya sa akin na mukhang kaunti na lang ay tuluyan ng magwawala. Nagulat naman ako nang bigla niyang suntukin si Sapphire.

Agad akong humarang nang makita kong babawi na ‘tong si Sapphire. Mukhang tuluyan ng nairita. Pinigilan ko naman ang kamao niya na tumama kay Noel. Si Aling Teresa kasi ang mamomroblema kapag nagdala ng gulo ang anak kahit na nagdala na nga talaga siya. Pwedeng pwede siyang sampahan ng kaso ni Sapphire at pwedeng pwede ring magulo ang buhay nila dahil dito.

“Halika na, Noel, ihahatid na kita,” sabi ko at ngumiti sa kanya. Kita ko namang kumalma siya ng ngitian ko siya.

“Ihahatid ko na,” sambit ko kay Isaac. Sinenyasan ko namang pakalmahin si Sapphire na masama pa rin ang tingin. Mukhang inis pa rin ito, agad akong napaiwas ng tingin nang makitang nakatingin siya ng masama sa akin.

“Ano? Sasama ako,” sabi ni Sapphire na tutungo na sana patungo sa amin ngunit agad siyang nahila ni Isaac. May binulong naman ito at hindi ko na alam kung ano dahil medyo nakalayo na rin kami.

“Pasensiya ka na, Febi, uminit lang talaga ang ulo ko, ang yabang kasi no’n e. Sino ba ‘yon?” tanong sa akin ni Noel. Hindi ata siya aware na mainitin talaga ang ulo niya.

“Huwag kong sabihing manliligaw mo?” tanong niya pa sa akin na tila galit. Napangiwi naman ako dahil dito. Kung makaasta kasi ito’y para bang may namamagitan sa aming dalawa.

“Ah, hindi, si Sapphire bago naming kapit bahay,” sabi ko na lang sa kaniya.

Nang makarating naman na kami sa bahay nila ay tuluyan na siyang kumalma. Mabait naman kasi talaga si Noel ngunit hindi lang nilulugar ang galit niya.

Nagpaalam naman na ako ngunit humabol pa siya para ibigay ang pasalubong niya daw sa akin.

“Hindi na kailangan, Noel, hindi ko rin ‘yan magagamit,” sabi ko na hindi tinatanggap ang bigay niya sa akin.

“Ibigay mo na lang sa kamag-anak mo,” sabi ko at ngumiti pa. Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita at nauna ng maglakad paalis. Napabuntong hininga na lang ako habang naglalakad paalis.

“Boo!” Nagulat naman ako ng biglang may bumulaga sa akin. Nakita ko naman sina Isaac at Sapphire na nakasunod kanina pa. Alam kong nakasunod sila kaya kampante rin naman ako.

Nakasimangot pa rin si Sapphire habang naglalakad kami. Hindi ko maiwasang mapanguso nang makitang mayroong sugat ang labi niya. Hahawakan ko na sana ngunit agad kong binaba ang kamay nang makitang nagpupuyos ito sa inis.

Hindi ko alam kung dahil ba hindi siya nakaganti o ano. Hanggang sa makasakay kami sa bike ay nakasimangot pa rin ito. Mukhang ayaw din akong kausapin. Napabuntong hininga na lang ako dahil dito. Halos magkadikit na kami ngunit wala lang ‘yon sa kanya at nasa kabilang dako lang ng daan ang tingin.

Napatingin naman ako kay Isaac na tumatawa lang sa gilid ngunit nang tignan ko siya ay papito pito lang siya na tila nakafocus lang ang tingin sa daan. Napairap na lang ako sa kanya.

“Uyy...” tawag ko kay Sapphire. Akala ko’y hindi ako nito papansinin ngunit nagsalita rin naman.

“What?” kunot noong tanong niya.

“Pasensiya ka na kay Noel…” sambit ko sa kanya ngunit mas lalo lang itong narita sa akin.

“Bakit ikaw ang humihingi ng tawad? Ikaw ba ang sumuntok?” inis na saad niya. Mas lalo pa atang nainis. Napatikhim na lang ako at napanguso.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila ay bahagya kaming nagulat nang makitang may pa boodle fight dito.

“Apo!” nakangiting sambit ni Donya Emilya nang makita si Sapphire.

“Hija, Hijo, baba muna kayo rito na mananghalian,” sabi niya sa akin ni Isaac. Masaya namang tumango si Isaac dahil dito.

“Good noon, Lola.” Walang kangiti-ngiti ang mukha nitong binati ang Lola niya. Napanguso naman ako, hindi maiwasang maisip na may parteng ako ang may kasalanan. Pero bakit naman ako?

“Anong nangyari riyan?” tanong pa ng Lola niya nang makita na may sugat ang labi nito.

“Nadapa lang po, Lola,” sabi naman ni Sapphire na nakasimangot pa rin. Mukhang hindi naman naniniwala ang Lola niya at tumingin sa akin.

“Ano talaga ang nangyari dito, Hija?” tanong niya sa akin. Hindi ko naman alam ang isasagot ko.

“Nadapa nga lang po, La…” seryosong saad ni Sapphire. Napa-buntonghininga naman si Donya Emilya tila alam na hindi magsasabi ng totoo ang apo.

“O siya, sige na’t magsikain na kayo,” sabi niya na nagbigay ng plastic gloves.

Napa-buntonghininga na lang ako habang tinitignan si Sapphire na wala sa mood kahit binabati na ng mga tao. Mukhang galit nga na hindi nakabawi kay Noel pero kasi naman hindi niya naman na kailangan patulan ‘yon dahil merong sira ng kaunti. Saka ayaw ko lang naman siyang mapaaway pa, ah?

Napaiwas na lang ako ng tingin dahil dito. Si Isaac naman ay pinapagalitan na ng Mama niya dahil nga sa paggamit ng bike. Hindi ko naman magawang matawa dahil kay Sapphire na pumasok na sa loob ng bahay niya na hindi man lang kumakain.

“What really happenned, Hija?” tanong ni Donya Emilya. Hindi ko naman magawang sumagot dahil baka mamaya sa galit nito’y may mawalan ng tirahan. Kayang-kayang gawin ‘yon ng mga mayayaman na katulad niya. Isang mali, tapos na agad ang lahat.

“If you can’t answer it, can you just give it to him?” tanong niya sa akin na binigay ang pagkain na para kay Sapphire. Tumango na lang ako at pumasok sa loob ng bahay niya.

“Hey...”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status