Share

Chapter 13

February’s POV

Nadatnan ko siyang nakapikit lang sa isang tabi habang may suot-suot na headset, mukhang pinapakalma ang sarili. Napatitig naman ako sa nakakunot noong lalaking ito.

Nang imulagat niya ang kanyang mga mata ay nakita niya na ako. Hindi ko alam kung matatawa ako sa pag-irap nito o ano. Inalis niya naman ang headset at seryosong nilingon ako

“What?” tanong niya.

“You should eat,” sambit ko. Tinignan niya lang naman ako.

“Hindi ka kakain? No matter how annoyed you are, hindi naman pwedeng hindi ka kumain,” seryosong saad ko sa kanya.

Hindi naman siya nakipagtalo at kinuha ang pagkain na dala ko. Hindi pa rin naman ako umalis dahil hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya.

“Why? Don’t tell me you also want to watch me eat?” tanong niya na wala man lang kangiti ngiti.

Hindi ko alam pero natutuwa akong makita itong iritado, madalas kasi ay nakangiti lang siya sa akin. Infairness, gwapo pa rin ang Lolo mo kapag galit.

“Galit ka?” tanong ko kahit obvious naman na.

“Why would I?” tanong niya ngunit nakakunot naman ang noo at salubong pa ang kaniyang kilay.

“Bakit ka galit?” tanong ko pabalik sa kanya. Mas lalo pang kumunot ang noo nito habang nakatingin sa akin.

“Dahil ba hindi ka nakabawi?” tanong ko at napangusong sinulyapan siya. Kitang-kita namang mas lalong lumala ang iritasiyon sa mukha nito. Bumunting hininga siya na tila pinapakalma ang sarili.

“Sa tingin mo ba, ganoon ako kababaw?” tanong niya na nginiwian ako saka umirap. Nakatingin lang naman ako sa kanya at hinihintay ang pagbulyaw nito ngunit huminahon na siya saka ako tinignan ng seryoso.

“I admire you for being patient but now I’m starting to get annoyed by that,” sabi niya na napangiwi. Napakunot naman ako ng noo sa kanya dahil dito.

“Why can’t you say how you really feel? Halata namang hindi ka kumportable pero nagagawa mo pa ring pakitunguhan ng maayos ang kupal na ‘yon,” sambit niya kaya mas lalo pa akong napakunot ng noo sa kanya. Iniisip ang sinasabi nito. Mayamaya naman napagtanto ko rin ang sinasabi nito.

“So hindi ka galit dahil nasapak ka?” tanong ko na nakakunot noo pa rin sa kanya.

“You’re mad because of me?” tanong ko pa. Tinignan niya lang naman ako at mayamaya ay inirapan.

“Ganoon lang kasi talaga ‘yon si Noel, may intermittent explosive disorder kasi ‘yong tao kaya pagpasensiyahan mo na sana,” sabi ko habang nakatingin sa kanya.

“Halos lahat ay alam ang sakit nito kaya iniintindi na lang nila. Nakikiusap din kasi ang Mama niya sa amin,” sabi ko na napanguso.

“So?” tanong niya na tila walang pakialam.

“Required din na hayaan mo lang siyang isipin na ayos lang sayo?” tanong niya naman na pinagtaasan ako ng kilay. Napatikhim naman ako dahil doon.

Napaisip din ako sa sinabi niya ngunit naalala ko ang pakiusap ng Mama niya. Ang sabi kasi nito ay umaayos na daw ang lagay ni Noel dahil sa akin. Lagi kasi itong sinasaktan ng Papa niya kaya raw nagkaganoon. Napabuntong hininga na lang ako..

“Anyways, kung hindi ka naman pala galit para sa sarili mo, huwag kang magalit para sa akin.” Pag-iiba ko ng topic. Nginitian ko pa ito ngunit inirapan niya lang ako.

“Kayang-kaya ko sarili ko no!” sabi ko pa at ngumiti.

“Kayang-kaya? Kaya pala hindi mo magawang tumanggi kahit na halatang hindi mo gusto,” sabi niya sa akin at umirap.

“Kumain ka na nga lang diyan, dami mo pang sinasabi!” natatawa kong saad sa kanya.

“Sige na, iwanan na kita riyan,”sabi ko na aalis na sana kaya lang ay hinila niya ako sa tabi niya. Sakto namang pagpasok ni Donya Emilya dito sa loob. Tatayo na sana ako dito sa sofa dahil sa Donya na nakangiti lang sa tapat ngunit hindi ko nga lang alam kung totoo nga ba ang ngiti nito o ano.

“Halina kayo’t sabayan niyo ako sa pagkain,” sabi nito na dumeretso sa kusina ni Sapphire. Mayroon na pa lang mga pagkain dito. Hindi ko naman tuloy maiwasang mapakunot ng noo dahil dito. Bakit niya pa ako pinagdala ng pagkain kung mayroon naman pala?

“Mauna na ho ako, Donya Emilya...” mahinang sambit ko nang lumingon ito sa akin.

“Hindi na, Hija, sabayan mo na kami sa pagkain ng apo ko,” sabi pa nito sa akin. Napatikhim naman ako dahil dito. Nagdadalawang isip kung tutungo nga ba sa kanya. Si Sapphire naman mismo ang humila sa akin patungo doon. Pinagkunutan ko tuloy siya ng noo dahil dito.

“Lola, I’ve never formally introduce Febi to you, right?” tanong niya habang naglalakad kami patungo doon.

“Febi, my Lola, Lola, si Febi po,” sabi niya. Awkward naman akong ngumiti. Bakit kailangan pang magpakilala? Kilalang-kilala naman na si Donya Emilya kahit na ngayon ngayon lang siya nagpakita dito sa bayan.

Hindi ko naman tuloy alam kung paano ako kakain habang kasama ko si Donya Emilya. Para akong maeestatwa sa kinauupuan.

“Make yourself comfortable, Hija...” sabi ni Donya Emilya sa akin at ngumiti. Pakiramdam ko tuloy totoo ang mga ngiti nito.

“Let’s eat…” nakangiti niya pang saad. Pati sa pagkain ay nakakaintimida ito. Mayamaya ay napatingin ako kay Sapphire nang lagyan niya ng ulam ang pinggan ko. Napakagat naman ako sa ibabang labi nang makita kong napatingin sa amin ang Donya at parehas kaming pinagtaasan ng kilay.

Agad naman akong napaiwas ng tingin at tinignan na lang ang pinggan ko. Kumain na lang ako ng tahimik habang nag-uusap ang dalawa. Paminsan-minsan ay tinatanong ako ni Donya Emilya ngunit napapatango o ‘di naman kaya ay ‘opo o hindi’ lang ang sagot ko.

Nang matapos kaming kumain ay marami pa lang pinamili si Donya Emilya para dito sa bahay ni Sapphire.

“Ito ilagay ko sa ref mo ng may stock ka naman ng pagkain. Tapos ‘yang kulambo, baka mamaya ay pinapapak ka na ng mga lamok hindi mo pa rin alam,” sabi ng Lola niya sa kanya habang nilalagay ang mga pinamili nito. Halos mapuno na ata ang bahay nila ng ipasok niya ito.

“Lola, I can take care of myself...” bulong ni Sapphire sa kanyang Lola.

“Alam ko, bawal ka na bang alagaan, Apo?” nagtatampo pang tanong ng matanda.

“Hindi naman po sa ganoon, Lola, pero ang dami niyo pong dala, ako lang naman ang nakatira dito,” sabi pa niya na tinitignan ang mga dala ng Lola niya.

Hindi naman ako makapagpaalam na umalis dahil parehas silang busy na nakikipagtalo sa isa’t isa. Pinapanood ko lang tuloy ang mga ito.

“Hay basta, ubusin mo ‘yang mga dala ko. Aalis na rin naman ako,” sabi ng matanda na sinermunan muna si Sapphire bago tuluyan ng lumabas.

“Uuwi na rin ako,” sabi ko kay Sapphire na siyang nakatingin lang sa Donyang lumabas na ng bahay niya.

“See that?” tanong niya sa akin kaya napakunot ako ng noo sa kanya.

“That’s what I’m talking about, you’re uncomfortable eating with Lola but you act like it’s okay. You should start saying what you really feel. Pwede ring tumanggi, Febi,” sabi niya sa akin na inirapan pa ako. Napanguso naman ako dahil do’n.

Ang dali lang kasing sabihin para sa kaniya dahil hindi niya kailangan magpakumbaba sa ibang tao. Kumbaga siya itong pinplease samantalang kaming mahihirap, hirap na hirap tumanggi sa mga mayayamang katulad nila.

Well, sabagay kahit nga naman hindi pa mayaman, hirap na hirap na akong hindian o ‘di naman kaya ay hindi masabi ang tunay na nararamdaman.

“You can start with me, Febi. I would like you to tell me what you really feel,” seryosong sambit niya habang nakatingin sa aking mga mata.

“Sure ka?” natatawa kong tanong. Walang pag-aalinlangan naman siyang tumango.

“Come on, let’s eat, alam ko naman na hindi ka nakakain ng mabuti sa harap ni Lola,” sabi niya na napatawa ng mahina. Napalunok naman ako dahil dito. Pinag-iisipan ang suhestiyon niya.

“Fine, let’s eat,” natatawa kong saad dahil totoo naman ang sinabi niya. Halos hindi ko nga manguya ang pagkain dahil sa Lola nito.

Naging normal naman na ang usapan naming dalawa, nagkukwentuhan lang habang kumakain.

Nang matapos ay tinulungan ko siyang magligpit. Sa amin siya nakikiigib ng tubig dahil wala naman siyang gripo kaya tumulong din ako. Kanina pa naman wala ang mga kapitbahay namin kaya ako na lang ang nandito na tumutulong sa paglilinis ng mga kalat na ang Lola niya ang may pakana.

“Thanks!” sabi niya habang nagpupunas ng pawis. Nginitian ko lang ito at tumango.

“Uwi na ako,” sabi ko kahit na kapit bahay lang naman namin siya. Tumango lang ito at kumaway.

Nagtungo naman na ako sa bahay. Himala’t wala sina Lolo sa kubo. Nakaupo lang ito sa gilid ng bahay namin. Napatingin naman siya sa akin nang makitang pabalik na ako sa bahay.

“Ano? Tapos na ba ang handaan sa kapitbahay?” tanong nito sa akin.

“Ah, opo, Tang,” sabi ko naman at tumango. Papasok na sana ako sa loob nang magsalita ito.

“Nagkakamabutihan na ata kayo niyang De Silva na ‘yan, ha?” tanong niya sa akin habang hinahasa ang kutsilyo.

“Si Sapphire, Tang? Kaibigan ko lang po siya. Magkasundo lang siguro kami sa mga bagay bagay, Tang,” sabi ko naman dito. Tinignan niya naman ako ng seryoso.

“Nako, Febi, huwag kang nagpapadala diyan sa bugso ng damdamin mo, hindi ko gustong makita ka na nilalait lait ng mga mayayamang ‘yan, tandaan mo,” sabi niya pa sa akin. Kahit na seryoso ito ay hindi ko maiwasang matawa. Tinignan niya tuloy ako ng masama.

“Tang, nagpapatawa ka ba? Hindi ko po gusto si Sapphire at mas lalo naman hong hindi ako gugustuhin no’n. Bakit naman ho papatol pa siya sa mahirap na katulad ko kung maski mayayaman ay hinahabol-habol ito?” natatawa kong tanong at napailing.

“Binabalaan lang kita, Febi. Ayaw ko naman na makarinig ka ng kung ano-anong mga salita kung sakali,” sabi pa niya sa akin.

“Tang, hindi po mangyayari ‘yon, huwag kang mag-alala! Ako pa ba?” nakangisi kong tanong at ngumiti ng malapad.

“Mabuti kung ganoon,” sabi niya at tumango.

Pumasok na lang ako sa loob at napailing nang maisip ang sinabi ni Tatang. Hindi ko maiwasang mapatawa dahil dito.

“Ate Febi!” nakangiting tawag sa akin ni Aya at Cali. Naglalaro ang mga ito ng sungka na niregalo ko s kanila no’ng birthday nila.

Lumapit naman ako at ngumiti sa mga ito. Tumabi ako sa kanila at nakipaglaro lang.

“Ang daya mo!” sabi ni Aya na napanguso kay Cali nang manalo ito.

“Anong madaya doon, Aya?” tanong naman ni Cali na napakunot ang noo. Makikipagtalo pa sana si Cali sa kanya ngunit agad na nakitang paiyak na ang kambal kaya walang nagawa kung hindi hayaan na lang.

“Aya, hindi maganda ‘yan, kapag natalo ka, tanggapin mo na lang, masama ang mambintang dahil lang hindi nakuha ang gusto, okay?” tanong ko sa kanya at nginitian ito. Nakanguso naman itong napatango sa akin.

Nginitian ko na lang sila at ginulo ang buhok. Nagtungo naman na ako sa loob ng kwarto para sana magbihis. Magbibihis na ako nang bigla akong napatingin sa bintana.

Mukhang nasa loob naman ng bahay niya si Sapohire ngunit hindi ko lang maiwasang mapatitig doon.

Napaawang naman ang aking mga labi nang makita ko siyang lumabas. Noong una ay nakatingin lang siya sa may bukid at painat inat lang. Nakangiti pa ito habang nakatingin doon. Nakatingin lang naman ako sa kanya. Pinagmamasdan siya habang dinadama ang preskong ihip ng hangin habang nakatingin sa bukirin.

Hindi ko maalis ang tingin sa mukha nitong malapad ang ngiti ngayon.

Mayamaya ay napasulyap siya dito, medyo nagulat pa nang makitang nakatingin ako ngunit mayamaya ay kumaway habang nakangiti. Natigilan naman ako dahil doon. Hindi ko naman masuklian ang ngiting binibigay nito sa akin ngayon.

Hindi ko tuloy maiwasang maisip ang sinabi sa akin ni Lolo kanina,  mapapanindigan ko kaya ang sagot ko?

Siguro? Dapat lang, Febi, hindi ka pwedeng mahulog kay Sapphire. Kapag nahulog ka, ikaw ang talo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status