February’s POV
“Hindi ho talaga kayo sasama, Nang, Tang?” hindi ko maiwasang itanong kina Lolo at Lola.
“Hindi na, Apo, marami pa kaming ginagawa dito, mag-iingat kayo,” sabi ni Lolo sa akin. Tumango naman ako.
Sinusundo kasi ako ni Sapphire ngayon, birthday ni Donya Emilya at iniimbita nanaman ako na tumungo sa malapalasiyong bahay nito.
“Let’s go?” nakangiting sambit ni Sapphire sa akin, ngayon ko na lang ulit siya nakita pagkatapos ng pagpunta nila ng Tita niya. Minsan pa sa tawag ay hindi ko ito makausap ng matino.
Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa kanya. Hindi ko alam kung nagsasawa na ba ito o ano. Napatingin naman siya sa akin, napansin siguro ang tingin ko sa kanya.
“Hmm?”
“Are you really busy?” hindi ko maiwasang itanong.
“W
February’s POVTulala lang ako habang nagdidiscuss ang guro, iniisip ang nawala kong scholarship ngayon. Ang sabi’y nag-alis daw sila, maayos naman ang mga grado ko, ayos naman ang performance ko sa klase kaya hindi ko maintindihan kung bakit naalis ako. Gusto kong magreklamo, hindi ko nga lang alam kung paano.“Febi! Febi!” Napatingin ako sa labas ng classroom ko nang makita ko si Isaac na tinatawag ako, mukha pa itong natataranta kaya napakunot ako ng noo sa kanya.“Anong problema mo?” tanong ko nang makalabas..“Ang Lola’t Lolo mo!” Napakunot naman ako ng noo at ramdam ko ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso.“Ano?” hindi ko maiwasang itanong dahil hindi pa rin nito dinudugtungan ang gustong sabihin.“What the fuck is it?” iritado ko ng sambit sa kanya.&ld
February’s POVKita ko naman ang malakas na pagbuhos ng ulan ngayong nandito na ako sa bus, sakto pa talaga kung kailan paalis ako.Hindi ko alam kung ayaw lang ba talaga akong paalisin o ano. Hindi ko maiwasang mangalumbaba habang pinagmamasdan ang labas. Halos hindi na makita ang paligid dahil sa sobrang lakas nito. Ngayon pa talaga. Saka ko lang naalala na may papasok nga pa lang bagyo kahapon.Tahimik lang ako, buo na ang desisyon sa kung ano mang gagawin. Wala nang atrasan ‘to. Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko dahil hindi ako nakatulog kahapon kaiisip sa kung anong mangyayari. Nakatulog naman na ako sa pag-iisip. Nagising na lang ako nang makitang nagsisibabaan na ang mga pasahero.“Ano pong nangyayari?” tanong ko.“Nasiraan ang bus, lumipat na kayo sa kabila,” sabi nito.Hindi ko alam kung senyales na ba ‘t
February’s POV“Febi… nandito ang mga De Silva...” bulong sa akin ni Aling Sally. Hindi ako nagsalita, hindi rin gumagalaw sa pwesto ko.Nakatulala pa rin sa litrato nina Lola’t Lolo na siyang nasa harap ko ngayon. Wala pang resulta sa imbestigasiyon ngunit ang pangunahing suspek nila ay ang Papa ni Sapphire.“Febi… papasok na sila,” hindi mapakaling sambit ni Aling Sally.“Papasukin niyo lang ho...” sambit ko dahil alam kong kahit paano’y may pinagsamahan din sina Donya Emilya at ang Lola ko. Hindi pa rin naman ako nagsasalita, hinahayaan lang silang nagsipasok sa loob.“Sorry for your loss, Febi...” mahinang bulong ni Tita sa akin. Hindi ko magawang ngitian ito tulad ng nakasanayan ko. Ni hindi ko ito nayakap pabalik ng yakapin niya ako.“Ang kakapal naman ng mukha ng mga
Sapphire’s POV“Hoy, Insan, sino nanaman tinitignan mo diyan?” natatawang tanong sa akin ng pinsan kong si Franco.“Huwag mong sabihing may natitipuhan ka rito?” Humagalpak pa siya ng tawa kaya pinagkunutan ko siya ng noo. Agad naman siyang umarteng parang zinizipper ang kanyang bibig.Hindi ko na lang pinansin ang pang-aasar nito at nanatili ang tingin sa babaeng patuloy pa rin ang pagngiti sa mga bisita kahit na mukha naman na ‘tong naiirita.Hindi ko alam kung bakit ba patuloy ko pa rin itong tinitignan kahit naiinis ako sa ngiti nito na halata namang hindi tunay.“Ayos lang po... sige po, ako na po ang bahala riyan...” sabi niya na kinuha ang iniuutos ng mga pinsan kong tarantado. Alam ko naman na pare-parehas kaming walang magawa dahil napilitan lang kming sumama kay Lola rito sa probinsiya, inimbita kasi siya ng may-ari
February’s POV“You’re really going back, Febi?” tanong ni Isaac sa kabilang linya.“Hmm, yeah. We’re already packing,” sambit ko naman pabalik.“Sige na, ibaba ko na. See you soon,” sambit ko sa kanya.“Alright, see you, Febilyn,” natatawa niya pang saad bago ako pinatayan ng tawag.Nilagay ko naman na ang natitirang gamit namin sa truck na magdadala nito pabalik sa probinsiya kung saan ako lumaki.Simula kasi ng mawala si Lola, lumipat kami sa Conception, Tarlac pagkatapos malaman kung sino nga ba talagang pumatay sa kanila.Napag-alaman naming hindi ang Daddy ni Sapphire ngunit si governor mismo. Ang witness na nakakita ay kasabwat na bumaril. Hindi raw kasi nagsalita sina Lola, tikom pa rin ang bibig kahit na pinakitaan na raw ng pera. Sa takot na siraan sila nina Lola,
February’s POVSaka ko lang napagtanto na kaibigan nga rin pala ni Donya Ligaya si Donya Emilya kaya hindi malabong tumungo siya dito.“Hoy!” Nagising lang ako sa pag-iisip nang kuhanin ni Isaac ang atensiyon ko.“What?” tanong ko naman at pinagkunutan pa siya ng noo.“Para kang nakakita ng multo riyan sa itsura mo,” natatawa niyang sambit. Inirapan ko lang siya at napakibit ng balikat, napakaoa pa talaga nito.Hindi ko pa rin maiwasang mapatingin sa kaniya. Marami na kasing nagbago sa hubog ng pangangatawan nito. Mas lalo pa siyang tumangkad. Napangiti naman ako habang tinitignan siya, mukhang maayos na rin ito.“Oh, si Zeal? Akala ko ba hindi mo na ‘yan gusto?” nakangising tanong ni Isaac sa akin.“Oh bakit? Ano bang problema? Bawal na ba itong tignan?” tanong ko na
February’s POV“Good morning, Wor—“ Natigilan naman ako nang makita kung sino ang nasa bombahan namin.“What the heck?” bulong ko pa at sinubukan pang tuktukin ang sarili habang tinitignan ang taong may esmeraldang mga mata na basang basa ngayon.“Why, Ate?” tanong ng kalalabas lang na sina Cali at Aya. Pare-parehas naman tuloy kaming nagulat, ganoon din si Sapphire na prenteng-prenteng naliligo dito sa labas.“What are you—Oh fuck, sorry!” mabilis niyang sambit ngunit hindi rin naman umalis sa may bombahan.“Kuya Zeal?” tanong ni Aya sa kaniya.“Ikaw nga!” nakangiti nitong sambit na kumaway-kaway pa kay Sapphire na nakatingin sa kaniya. Hindi nga pala nagkita ang mga ito kagabi.“Anong ginagawa mo rito?” hindi ko maiwasang itanong.
February’s POVPaunat-unat pa ako ng bumangon sa pagkakahiga. Nagliligpit-ligpit naman na ang mga kapatid ko.“Good morning!” bati ko sa kanila. Binati lang din ako ng mga ito pabalik.Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa bintana. Nandito pa rin naman ang farm kaya lang hindi ko alam kung sino na ang mga nagtatanim, hindi ko rin kasi naitanong kay Isaac.Napaawang naman ang mga labi ko nang makita kung sino ang padating ngayon sa bahay. Nakapants lang ito at walang saplot na pang-itaas. May dala-dala itong mga kahoy. Lumagpas naman siya sa bahay namin at nagtungo sa bahay niya.Pinanood ko lang siya habang nagsisibak ng kahoy. Hindi ko mapigilang mapatitig dito, hindi ko alam kung normal pa ba ito.“Ate, what are you doing? Wala ka ng pinupunasan,” sabi sa akin ni Cali.“Oo na, Cali. Lumayas ka na riy